Chapter 53

Hindi ko na naenjoy pa ang laro, Coltrane seemed distracted too, wala yata syang gana mag laro. I sighed and played with my phone instead.

Natalo ang team nila Coltrane, third and fourth quarter ay nasa bench lang sya at nakabalot ng tuwalya ang ulo.

"Hindi naman sya ganyan eh, first game palang ayaw na nya patalo" sabi ni Amerie, hindi na ako umimik pa.

Pababa na ako nang harangin ako nung lalaki sa kabilang team, he flashed a smile and said hi.

"Mas maganda ka lalo sa malapitan" nag init ang pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin. "I'm Terrence Torralba, and you are?" He extended a hand for a handshake, tinignan ko lang iyon at bago ko pa masabi ang pangalan ko ay pumagitna na si Eros.

"Pre, not my little sister." itinago nya ako sa likod nya. "Coltrane, please escort my sister out" napalingon ako sa gilid at nakita siya na nakatingin sa akin.

"No, Eros I'm fine." Nagpaalam ako sa kanya at sa lalaki saka lumabas ng gym. Shit!

Mga limang minuto lang at nakalabas na si Eros kasama si Angeline. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"Kami na ulit" napangiti ako ng malawak at napa high five sa kanya. "That's my brother! I'm so happy for the both of you." Niyakap ako ni Angeline, she said sorry and thanked me for everything. Nagpaalam na sila sa akin, pinanuod ko lang sila maglakad papalayo habang nakangiti pa rin, hoping one day Coltrane will come back to me.

I hope that someday we could find our way back together again.

Paalis na ako nang maramdaman ang pamilyar na presensya sa likod ko. Lumingon ako at nakita sya, I smiled and waved at him. Kahit yung pagkakaibigan muna namin yung masalba sa ngayon. He nodded his head and walked away. Wow, may improvement!

Pinilit na naman ako ni Eros manuod ng game nila kinabukasan, samahan ko raw si Angeline dahil wala itong kasamang manunuod. Bilang supportive na little sister napapayag ako, isa pa gusto kong makitang maglaro ulit si Coltrane.

Kumaway sa akin si Terrence, yung team captain ng rival school ngumiti lang ako sa kanya. I don't wanna be rude or maldita, isa pa mukha naman syang mabait.

Kinuha nya ang mic na nasa table at itinuro si Eros at Coltrane. "I did some research pala, according to my sources you're not his brother" turo nya kay Eros. "And you're the ex boyfriend" he smirked at Coltrane, I saw how he balled his hand into fist but he smiled sarcastically.

"Why not make things more exciting... Azrielle Rostana, kapag nanalo kami sa game na ito magdi-date tayo" napakagat ako sa labi ko at napayuko.

Nang iangat ko ang tingin ko ay sobrang lapit na nilang dalawa sa isa't isa. Nakangisi si Terrence, and Coltrane... he's mad.

Nag simula na ang game, hawak ni Coltrane ang bola na agad pumuntos ng three points. Siniko ako ni Angeline at ngumiti na parang nang-aasar.

"Feeling ko mananalo sila dahil sa'yo"  nakangiti nyang sabi.

"Ha?" I asked disorientedly.

"Galit na galit si Coltrane eh, naka fifteen points agad. Ayaw nyang makipag date ka sa iba" nabuhay yata lahat ng alaga ko sa tyan, pinigil ko ang kilig ko at nag focus sa panunuod. Ilang beses kong nakitang tumitingin si Coltrane sa gawi ko bago sya mag shoot. Ayokong umasa!

"Montreal for three!" Naghiyawan nang mapasok ang bola. He did well, kalahati ng points nila ay sya ang gumawa, nanalo nga sila.

"See, panalo sila. Wait puntahan ko lang si Eros" tumango ako kay Angeline. Bumaba na rin ako at umiwas sa mga taong inaasar ako kay Terrence, nakakahiya talaga!

"Sadly natalo kami, di bale may last game pa" sabi ni Terrence, hindi ko napansing nasa likod ko na pala sya. "Terrence, please stop this. I don't want to be in this situation"

"Alam ko, its just that... you've the most beautiful yet sad eyes that I've ever seen." Napa "oh" lang ako at yumuko. Hahawakan nya sana ako nang lumapit si Coltrane. He snaked an arm around my waist, making heart beats go wild.

"Hands off, we won the game right?" Terrence laughed. "She's not yours anymore dude, she can date anyone, she can date me"

Nag iwas ako ng tingin nang tignan nya ako.

"Trophy ang makukuha ng sino mang team ang mananalo, hindi si Azrielle. Hindi siya ang nakapusta dito" he sterned, his jaw clenched and he gave him a warning look.

"But I want her, at umpisa palang ng laro sinabi ko nang kapag nanalo kami gusto ko siyang makilala"  Terrence smiled sardonically. I can feel the tension building up between us three, pero hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kamay ni Coltrane na nasa bewang ko, God, gusto kong isandal ang sarili ko sa kanya at yumakap rin.

"Let me remind you that we won today, bukas sisiguraduhin kong matatalo kayo. Hindi ko ipapatalo si Azrielle sa'yo. Now back off!"

Nagtinginan ang mga tao sa amin dahil lumakas ang boses niya. He grabbed my hand and dragged me outside the gym. Hindi na ako nakapalag pa, dahil hindi maalis ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa akin.

My heart is racing and the whole zoo in my stomach is active.

"W-where are we going?"

"Gonna visit the kids, they've been looking for you" I found myself smiling. Naexcite ako and at the same time I feel so awkward. Bahala na, basta makita ko ang mga bata!

"Ate bait!" Muntik pa akong mapaupo dahil sa pag yakap nila sa akin ng sabay sabay, gosh I missed them so much! Nilingon ko si Coltrane na pababa sa sasakyan nya, I mouthed Thank You and he nodded his head.

"Buknoy!" Tawag ko sa bata nang matapos kaming kumain, lumapit naman sya at tinanong ako kung bakit. I hugged him tightly and told him I miss him. Ang batang ito, napakakulit at napaka cute!

"Hug mo rin si Kuya Coltrane, wag mo sabihing inutos ni Ate Bait ha?" Tumango naman sya at tumakbo sa kuya nya, niyakap sya ng bata saka nya ito tuluyang binuhat. Ngumiti nalang ako habang pinapanuod silang maglaro. My heart skipped a beat when he looked at me and smiled.

Tahimik lang kami habang pauwi, kulang nalang ang huni ng kuliglig para tahimik talaga. But I'd rather be in this awkward situation with him, than wasting my time in my room while thinking of him. Atleast ngayon kasama ko siya, iisang hangin ang hinihinga, literal 'yon kasi recycled lang naman ang hangin sa loob ng sasakyan.

"Watch our game tomorrow" I nodded my head and thanked him. "Ingat ka"

"Hi, Azrielle." Bati ni Terrence. "Uhh, Hi. Good luck sa game" ngumiti ako, I don't want to be rude kaya bumati rin ako. Mukha naman kasi syang mabait.

Sinamahan nya akong papasok sa court at sinabihan pa akong mag ingat bago ako umakyat. Umupo ako sa tabi ni Angeline at Amerie, nakipagkwentuhan ako sa kanila habang hinihintay na mag umpisa ang game.

Nag simulang mag ingay ang audience nang isa isa nang ipatawag ang mga players. Napako ang atensyon ko sa pinakagwapong player sa court, surprisingly he's smiling widely. Good mood!

"Montreal, you know the deal" Terrence said, what deal? Coltrane grinned at him, but it was lopsided. "What deal? Inuulit ko Torralba hindi sya kasali sa premyo, and you don't stand a chance. Let's just enjoy the game" he smirked and dribbled the ball.

Umpisa na ng game at naagaw niya agad ang bola, one second and he delivered a three point shot! Napangiti ako at napapalakpak, he's really good!

Nagkainitan na sa last quarter, dalawa lamang ang lamang nila Coltrane at kanina pa sila nagbabalyahan ni Terrence.

"Girl, you should cheer for him. Kanina pa sya tingin ng tingin dito eh" sabi ni Angeline, nag init ang pisngi ko, pwedeng ako ang tinitignan nya o si Imogen na nasa malapit sa amin. I brush off the jealousy that I'm feeling and focused on watching the game.

Last one minute, lamang ng dalawa sila Terrence dahil naka tres si Terrence. Hawak ni Coltrane ang bola at dinidribble iyon.

"Go, love!" Napahinto sya bago nya shinoot, naghiyawan dahil pumasok ang bola! Three points!

Itinuro nya ako habang nakangiti, that was enough to drive the butterflies in my stomach into delirium.

"The most valuable player is none other than Coltrane Montreal" pumalakpak ako at sumabay sa mga nag cheer.

Papababa na ako at papalapit si Terrence sa akin, ayoko namang maging bastos kaya ngumiti nalang rin ako sa kanya. He offered a handshake na pinaunlakan ko naman.

"I'm sorry for my arrogance, Azrielle. Sinubukan ko lang naman mapalapit sa'yo at makipagkilala. Unfortunately we lost the game, pero sana maging magkaibigan tayo" tumango ako at tipid na ngumiti.

"Tama na yan, pre." May umagaw ng kamay ko at hinila ako, hindi ko na kailangan pang lingunin ko tignan dahil reaksyon palang ng sistema ko ay alam kong siya na yun.

"Pre, kayo na bahala sa after party" Eros winked at me, nag man hug silang dalawa at nag ngitian. Teka, anong nangyayari? Magkasalikop yung kamay namin! Anong nangyayari?

"Yeah par, kami na bahala. Ingat kayo" sinulyapan ni Eros ang kamay naming dalawa, he smiled sheepishly at me habang ako confused ko siyang tinignan asking for a clue. He shrugged his shoulders and sticked his tongue out, kainis naman si Eros!

Dinala nya ako sa parking lot at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan nya.

"T-teka, I have my car" napalunok ako ng salubungin ng titig nya ang titig ko. "Hand me your keys"

"What? Why?" Hinanap ko ang susi ko sa sling bag ko at binigay sa kanya then he dialled someone on the phone.

Pinapapunta nya sila Manong dito. Pinasakay nya muna ako sa sasakyan nya habang hinihintay nya sila manong. I saw him giving my keys bago sya sumakay.

Tumikhim ako at inabot ang seatbelt, my palms are sweaty because I'm too nervous. Having him this close kills me, I miss him so much and I want to hug him tightly.

"W-where are we going?" I silently curse at my self, why am I stammering? Im freaking anxious!

"Spain"