Chapter 52
Hindi ko na nilingon pa when I heard him slammed the door from the rooftop, nagmadali na akong bumaba at tinakbo ang distansya hanggang sa parking lot. I did my best and I did my part. I tried to save us but I failed.
Sinuot ko ang jacket nya bago ako bumaba ng sasakyan, andito ako sa dati naming tambayan. Gusto ko lang magpahangin, baka kasi hindi na rin ako makabalik dito.
Huminga ako ng malalim at umupo sa damuhan, walang bituin sa langit, buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa madilim na paligid.
My eyes felt so dry, akala ko wala na akong luhang mailuluha pero meron pa pala. I blinked trying to stop my tears from falling but I failed. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak at maramdaman ang sakit kasi gusto ko simula bukas hindi na ako iiyak.
My whole place was quiet, pero yung puso at isip ko ang ingay, gusto kong isigaw na miss na miss ko na siya at mahal na mahal ko siya pero wala na akong lakas para sumigaw pa.
"I love you, Coltrane.... so much" bulong ko sa hangin bago ako nagpasyang umuwi na. Kinalma ko ang sarili ko at nagmaneho pauwi.
Kakasimula palang ng araw pero pagod na pagod na ang pakiramdam ko, my eyes are swollen from crying last night. Ayoko mang iwan ang kama ko pinilit kong bumangon at naligo. I packed my things last night, balak kong magbakasyon muna sa Manila ng limang araw, one week kasing walang pasok dahil sa celebration ng school. Pumayag na rin naman si mommy kaya naghanda na ako kagabi. Gusto ko kang na magbago ang environment ko pansamantala, I want to breathe just for awhile.
Bitbit ko ang bag ko nang makita si Eros at Coltrane sa sala, agad akong nag iwas ng tingin kay Coltrane nang magtama ang tingin namin. Naka shades naman ako kaya hindi nya siguro nahalata.
"Where are you going? Aalis ka?" Tanong ni Eros. Inabot ko ang susi sa table at tinapik ang braso nya. "I'll visit my friends sa Manila."
"Mommy kukunin ko yung sasakyan" paalam ko. "Kaya mo ba magmaneho? Baka makatulog ka sa daan?"
"Kaya ko na mommy. Mahirap rin doon kapag walang sasakyan eh." Tumango nalang sya at pinaalalahanan ako na maging maingat sa pagmamaneho. Humalik ako sa pisngi nya at nagpaalam.
"Pag balik ko dapat kayo na ah?" Tumango lang si Eros at ginulo ang buhok ko. Pasimple kong tinignan si Coltrane na nakatingin sa aming dalawa ni Eros.
"Hi mo nalang ako kay Angeline, please look after my mom."
"Alright, drive safely" napahinga ako ng malalim nang makasakay sa sasakyan.
"No, walang iiyak!" Paalala ko sa sarili ko, nag inhale at exhale ako bago pinaandar ang sasakyan.
"Bunso, akala ko ba makikipagkita ka sa mga kaibigan mo? Bakit andito ka lang sa bahay at nagmumukmok?" I shrugged my shoulders and pout. "Ayaw nila ako makita" I lied, the truth is I never texted any of my friends. Gusto ko lang mapalayo muna. Gusto ko lang huminga muna.
"But yeah, lalabas ako mamaya" nagke-crave ako, gusto ko ng yakap ni Coltrane. Hays, I should move on and forget him.
Nag mall ako at bumisita sa isang sikat na nail salon dito. Pagkatapos ay nag milktea at kumain, saka ako umuwi. Wow, very productive.
"Kumusta?" Kuya asked, inabot ko sa kanya ang binili kong frappe nya at umupo sa couch. "Okay naman, nagpa salon ako" kwento ko.
"I mean kumusta ka talaga?" Nagkibit balikat ako at pinaglaruan ang straw ng iniinom ko. "Hindi ko rin alam kuya, all of a sudden I feel so numb, my chest feels so heavy all the time" bumigat ang dibdib ko at para na namang pinipiga ang puso ko, hindi pa pala ako manhid, masakit parin pala.
"You'll be fine, magkaka-ayos rin kayo." Umiling lang ako, mukhang malabo.
"Don't go there, maalikabok diyan at baka asthmahin ka pa" aniya nang subukan kong buksan ang pinto ng guestroom, may kukunin lang sana akong socket sa loob pero hindi ko na pinilit pa.
Wala naman akong ginawa sa manila, nakahiga lang ako sa kwarto at kapag naisipan lalabas para kumain. Nakahinga naman ako kahit unti, pero ngayong papasok na ako ng bahay dito sa probinsya, the air starts to suffocate me.
"Mommy" humalik ako kay mommy at nakipagkamustahan sa kanya. Nang humikab ako ay pinaakyat na muna nya ako at pinagpapahinga.
Napabuntong hinga nalang ako nang makapasok sa kwarto, I saw his pillow and I want to hug it. Inabot ko iyon at niyakap, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at naiyak. Damn it!
Dala na rin siguro ng pagod hindi ko na namalayang nakatulog ako, nagising nalang ako at uhaw na uhaw. Bumaba ako at nakitang nagdi-dinner na sila, andito silang lahat. They were surprised when they saw me. Ngumiti ako nang kumaway si Eros.
"You're back" nakipag high five sya sa akin at inabot ang pitchel ng tubig na nasa table nila. "Yeah" maikli kong sagot, tumalikod ako para hindi ko siya makita.
"Kumain ka na rin Azrielle" kumalam na yung tyan ko pero umiling ako, ang nasa tabi ni Coltrane ang available na upuan. I'd rather starve to death.
Kumuha ako ng chocolate sa ref at umupo sa may sunlounger ng pool. Bilog ang buwan, naalala ko lagi akong kwine-kwentuhan ni Coltrane ng... ng mga nakakatakot kapag bilog ang buwan. He also loves to hug and watch the stars and moon with me. I smiled bitterly and brushed off my thoughts.
"Watch our game tomorrow" napapitlag ako at hinampas si Eros. "Kainis ka! Nagulat ako!"
"Kanina pa kasi ako dito, nakatulala ka lang dyan" he chuckled and sat beside me, inalok ko sya ng chocolates na kinakain ko.
"May game kami bukas with the rival school, manuod ka okay?" Umiling ako "I'd rather sleep, I hate loud crowds"
"Magmumukmok ka na naman dito, katulad ng sinabi ng kuya mo na ginawa mo sa Manila?" Ngumuso ako. "Hindi ka naman talaga nakipagkita sa mga kaibigan mo" I avoided his gaze.
"Don't isolate yourself, Azrielle. It hurts to let go but holding on hurts more."
"I'm trying, Eros. I'm trying to forget but I'm also waiting for him to come back" I sighed "But okay, I'll watch the game and lowkey cheer for him"
"You know what? Maybe this is just a phase, you two will eventually find your way back to each other, don't let go yet" he ruffled my hair and smiled at me. Kita mo 'to, parang sira kakasabi nyang I should let go tapos babawiin.
"Oh, Azrielle! Dito! upo ka dito beshie" Amerie scooted to give me space, she also gave me a red balloon.
"You should cheer for him" I shrugged my shoulder.
"No, I'll watch quietly" Tumango naman sya sa akin at pumalakpak ng isa isa nang tawagin ang mga players.
"Last year's MVP, Coltrane Montreal wearing jersey number twenty five" napatingin ako sa kanya habang palabas sya ng dugout, he's holding a ball and walking with a smile on his face. Sa kanya ang pinakamaingay na audience, halos dumagundong ang court dahil sa sigawan para sa kanya.
I found myself smiling while watching him dribbling the ball. Isa isa na ring pinakilala ang kalaban.
Napalingon ako nang may kumalabit sa akin, si Angeline. "Azrielle, sa music club ka diba? We need someone to perform, wala si Maddie at sabi ng mga ka-club mo ikaw raw ang marunong mag piano. Don't worry, if you perform exempted ka na sa calculations exam. Please do it for the team" hindi pa man ako nakaka-oo ay todo tulak na sa akin si Amerie.
"W-wala akong practice" I said stammering, umiling rin ako dahil ayaw ko talaga.
"You can play anything you want, kahit mag piano ka lang or anything." Nasa gitna ng stage ang piano, gosh ayokong may mga taong nakatingin, lalo na ngayon at wala akong gana sa lahat ng bagay. Sabi ko na nga ba, dapat sa bahay nalang ako at natulog!
"Please, for the team." Napabuntong hinga nalang ako, wala na rin naman akong magagawa. Isa pa ayaw kong mag exam ng calculations dahil wala akong ganang mag review para doon.
"We'll have an intermission number from one of the Music club members before we start the game. Please let's give Ms. Rostana of Pharmacy department a warm round of applause"
Napanguso nalang ako at umupo sa harap ng piano. Hay ano ba 'tong napasok ko? Bumuntong hinga ako ng dalawang beses bago tumipa.
Before I let you go by Freestyle ang natipa ko, dahil iyon ang unang kantang naisip ko.
I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that you love me
Made me feel, oh, so right
But now I feel lost
Don't know what to do
Each and everyday I think of you
Holdin' back the tears
I'm trying with all my might
Kanta ko sa isip ko habang tumutugtog, trying to hold back my tears from falling. My heart is beating heavily.
Because you've gone and left me
Standin' all alone
And I know i've got to face
Tomorrow on my own
But baby
Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin'
'coz it's true, baby, oh yeah
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do
So before I let you go
I want to say "i love you"
A tear escaped from my eye, I hitched a breath and gulped. Tinapos ko ang kanta at pasimpleng nagpunas ng luha. Nag bow ako at dire-diretsong bumaba sa stage. Lumabas muna ako ng para huminga, hindi ko na pinansin yung mga nagsabing magaling daw pala akong mag piano. Pumasok ako sa canteen at bumili ng tubig para ikalma ang sarili ko.
Bumalik rin ako nang naikalma ko na ang sarili ko, Amerie asked me if I'm okay, nagsinungaling ako at sinabing bumili lang ako ng tubig at okay lamang ako.
"Any friendly message before the competition, Mr. Montreal?" Tanong ng announcer. "Let's just enjoy the game" aniya at ngumiti. That smile warmed my heart.
"How about you Mr. Torralba" the guy from the other team smirked. "Yeah, let's just enjoy the game. And by the way..." hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ako ang tinitignan nya. Itinuro nya ang direksyon ko, nilingon ko pa mga katabi ko na kinikilig, baka hindi naman ako ang tinuturo?
"The girl who played the Piano, if I'm not mistaken she's Ms. Rostana of Pharmacy department right?" Napalunok ako nang makumpirma kong ako nga ang tinuturo nya. He even announced it! Gusto kong lumubog sa lupa lalo na nang magtinginan ang iba sa akin at inasar ako. "I want to know her... and have a date with her" nag ingay ang audience lalo na nang mag flying kiss sya sa akin, what the freak!?