Chapter 45
Pinaghila nya ako ng upuan at inalalayang umupo, nasa isang private room kami ng restaurant ng hotel, inabot nya sa akin ang isang tangkay ng rosas na nasa table.
"You like steak and champagne?" Tumango ako. "I also like to try their fish fillet and mango ice cream" ibinalik na namin sa waiter ang menu.
"Can you sit beside me? Hindi talaga ako sanay na kaharap kita kumain" ngumisi sya at hinila ang upuan sa tabi ko.
Nabored ako hababg nag hihintay sa pagserve ng pagkain. Kaya siniko ko si Coltrane at sinandal ang ulo ko sa balikat nya.
"Tell me a story about our childhood" umakbay sya sa akin at nag isip.
"Noong pinanganak ka two years old na ako non, my mom made me kiss you. So that makes me your first kiss" I scoffed.
"You're the only guy I kissed" I fessed up. "Nice to know that, this is mine" he brushed a soft kiss on my lips.
"I hated my self for breaking your favorite doll house" I remember that, iyak ako ng iyak kasi nasagasaan ng toy car nya yung doll house ko, hindi nya naman sinasadya pero simula noon naging best enemies na namin ang isa't isa.
"I also want to apologize for not attending your debut"
"Bakit nga hindi ka pumunta?" He sighed heavily.
"Because Eros is your escort and not me" he chuckled. "Its just jealousy, but I'll make your sure that I'll never miss your birthdays again."
"Dapat lang" ngumuso ako at humalukipkip, nagugutom na ako kaasar!
"I'll make it up to you, I promise" I sighed and smiled. "Bawing bawi ka na nga eh, I didn't know that you'll be this kind of boyfriend. Yung malambing, ma-effort. I just wish you'll be consistent"
"I will, if ever magkulang man ako bilang boyfriend mo sisiguraduhin kong babawi ako. Okay?"
"I love you, Coltrane" I whispered softly. "Say that again, baby"
I'm not really the "I love you" type of a person, siguro sa isang linggo apat na beses lang ako mag I love you sa kanya, siya talaga yung laging nag a-I love you sa aming dalawa.
But I like to kiss him to make him feel that I love him too.
"Say it again na baby" pagpapacute nya.
Bumelat muna ako, he crinkled his nose. "I love you, Coltrane. So much" hahalikan nya sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang waiter.
"Nice, bummer" natawa ako sa binulong nya.
"Enjoy your dinner, maam and sir" Coltrane smiled plainly.
"Some people should learn how to knock" he said rolling his eyes. He cupped my face and crushed his lips with mine.
"I love you more, Azrielle." He kissed my head and ny cheeks. "Let's eat"
"Sure ka bang ayaw mong tabi tayo?" Sinalo nya lang yung binato kong unan. "Okay, baby. I'm just suggesting you might want to cuddle with me till we fall asleep." He said smirking.
"Good night, Coltrane" I winked at him and turned my lamp off.
"I love you, good night Azrielle"
"Can't sleep?" Rinig kong sabi nya nang humarap ako sa kanya. I can't see his face but I can sense he's staring.
"Yeah, siguro dahil busog pa ako. Ikaw? Can't sleep too?" I heard him sigh. "I'm watching you sleep, pero kanina ka pa hindi mapakali"
Inaninag ko ang mukha nya pero hindi ko makita.
"I can't see you" nasanay yata ako na nasa harap ko ang tablet at binabantayan nya akong matulog.
"I'm just three steps away from you, baby. Do you want me to come closer?"
"Mga paraan mo, kupal ah" he laughed softly. "But yeah, I want you closer"
Gumalaw ang kama ko dahil sa pag upo nya, naramdaman kong may nilagay syang unan sa tabi ko.
"Just this close" I bit my lip while smiling, magkatabi kami pero may namamagitang unan sa pagitan namin.
Namigat ang talukap ko at humikab, niyakap ko ang unan sa gitna namin at pumikit.
"Coltrane" kinapa nya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. "I remembered something."
"What is it? Tell me"
"Remember when our parents went to Australia? Eros and I stayed in your house for a week."
"Yeah, I clearly remember that" pigil kilig ako habang hinahalikan nya ang kamay ko.
"Ikaw yung nag alaga sa akin noong nagkasakit ako, diba?" Naramdaman ko ang pagtango nya.
"You called me Eros and you thanked him for thanking care of you"
"I'm sorry." Humalik syang muli sa kamay ko. "Its okay baby, no harm done saka matagal na yun wag mo na alalahanin"
"I know it was you, because I have this weird feeling when you're around." He chuckled. "Bata palang tayo kinikilig ka na sa akin"
I rolled my eyes kahit hindi nya nakikita. "No, mainit dugo ko sa'yo kaya alam kong ikaw yon" I joked.
"Just kidding. Alam kong ikaw iyon, because you left your hanky"
Naalala ko nagkasakit ako noon, wala akong lakas para lumabas at humingi ng tulong kaya itinulog ko nalang. Naalimpungatan ako nang may pumasok sa kwarto, sinubukan kong sinilip kung sino pero hindi ko siya maaninag dahil sa panlalabo ng mata ko.
He sat beside me and touched my forehead, he didn't say a word and left. Akala ko panaginip lang, pero bumalik syang may dalang basin at pamunas. Pinunasan nya ng maligamgam na tubig ang noo ko, braso at kamay hanggang paa. Naglagay rin siya ng panyo sa noo ko.
"Eros" humawak ako sa kamay nya, I heard him sigh before planting a soft kiss on my hand.
I thought it was him, my crush, Eros. Pagbangon ko nakita ko ang tuyong panyo na nasa noo ko pa rin.
Binuklat ko iyon at nakita ang nakaburdang initials ni Coltrane. Sa hiya ko non, kay Eros ako nagpasalamat.
"Coltrane"
"Hmm?" Nahimigan ko na ang antok sa boses nya. Umusog ako at kinapa ang pisngi nya. Humalik ako sa labi niya at ngumiti.
"Thank you for taking care of me, I love you" humawak sya sa pisngi ko at humalik rin sa akin. "I love you more, baby. I will always take care of you"
"But please don't cross the line, I promised your dad to behave. I'm a man of my word, please cooperate" tumawa ako at tinawid ang unan sa pagitan namin at humalik sa kanya, he groaned and complained.
"Baby, stop teasing. Kinukupal mo ako ah" mas lumakas ang tawa ko sa sinabi niya, kinapa nya ang mukha ko at pinisil ang pisngi ko.
"Alright, let's sleep baby" I yawned, hinila ko ang kamay nya para iyakap sa akin, ganun rin ang ginawa ko pero dahil may unan sa pagitan namin hindi ko siya maabot. Yumakap nalang ako sa braso nya.
"Happy monthsary baby, I love you."
"Ooh, starfish" tumakbo ako at pinulot ang starfish na inalon ng dagat. "Here you go little fella" binalik ko siya sa dagat.
Kumaway ako kay Coltrane na nakaupo sa buhanginan at pinapanuod ako. He waved back and smiled.
"Come on" hinila ko siya patayo at tumakbo papunta sa dagat. "Look at these starfishes, picture mo ako" inayos nya naman ang camera nya at kinuhanan ako ng litrato.
"Hawakan mo rin sila, picturan kita" umiling sya at hindi hinawakan ang mga starfish.
"Are you scared? Oh my gosh, Coltrane"
"No I'm not" pagde-deny nya. "Really?" Nanunuya kong tanong, I grabbed his hand and smiled at him sheepishly.
"Hahawakan mo lang naman eh!" Hanggang sa hinawakan na nya. I took photos of him pero ni isa walang nakangiti, napakacute na bata.
Siya yung parang bata na pinilit ng magulang magpapicture, yung nagpapicture nalang para hindi mapagalitan.
"Let's swim, maganda daw fishes dun oh"
"Okay, after this we'll eat alright?" Pumunta kami sa medyo malalim na parte at doon sumisid, maraming isda at mga starfish, they are the cutest! Yung gusto ko silang hawakan but they look so fragile, kaya hindi nalang. We watched them swim and enjoy the water, Coltrane recorded everything with his gopro camera.
"Do you like to eat fish?" Umiling ako. "No, katatapos lang natin makipaglaro sa kanila tapos kakainin natin mga kauri nila? No"
He ordered pork and beef steak instead, nang mabusog ay nagpasundo na kami para pumunta sa susunod naming destinasyon. Ang crocodile farm, yikes!
Pigil hininga ako habang naglalakad sa tulay ng farm, sa ilalim lang naman ng tulay ay mga crocodiles na tila naghihintay na may mahulog sa amin. Nakakatakot! Just looking at the skin and their size makes me want to run for my life!
"Eeh, scary" nagsumiksik ako sa akbay ni Coltrane na prente pa sa paglalakad at pagkuha ng litrato sa mga buwaya. Kung itulak ko kaya siya dito? Just kidding, I don't want him to die kahit kupal siya, I love him so much. Kapag niloko nya nalang ako, hehe.
"Akala ko ba natatakot ka, bakit ganyan yung ngiti mo?" Ngumuso lang ako at mas kumapit sa kanya, natatawa kasi ako sa naiisip ko.
"Wow that's huge, kaya akong kainin nyan" sabi ko habang tinitignan ang pinakamalaking crocodile na nandito sa farm.
"He's looking at you like he's thinking how yummy and pretty you are, baby. Pati buwaya kaagaw ko sa'yo"
"Yuck, Coltrane!" I scoffed.
Nakahinga ako ng malalim nang makatawid na kami, thank heavens we're still alive! Kahit pa muntik ko nang ipakain sa mga buwaya yung kupal kong boyfriend, hay sana marealize nya na he's so blessed dahil ang bait bait ko sa kanya, malapit na akong magka halo.
"They sell crocodile sisig here and crocodile ice cream, do you want some?" I cringed and shook my head. "No, ikaw na lang." umakbay lang sya sa akin at hinila ako papunta sa mga maliliit na crocodiles.
"Bukas sa underground river na tayo. Naenjoy mo ba today?"
Yumakap ako sa bewang nya at ngumiti. "Very!"
Pinagbihis nya ako for dinner mamaya, kaya heto ako at todo babad sa warm shower. Ahh, this is life!
Tapos na ako mag shower at magbibihis na, napakunot ang noo ko nang makitang hindi ko nadala ang underwear ko. Paano ba 'to?!
Tumikhim ako at sinilip si Coltrane na nanunuod ng Tv, nasa gilid nya ang underwear ko... shit! Nakakahiya!
"Coltrane" tawag ko sa kanya, hininaan nya ang volume ng pinapanuod nya at tumingin sa direksyon ko.
"You left something" tinignan nya ang undies ko, namula ang pisngi ko at napangiwi.
"Dito ka na magpalit, lalabas na ako" tumayo siya at nilagpasan ako, palabas na sya nang ngisian nya ako.
"Let's pretend I didn't saw your panty"
"Manyak!" He chuckled. "Mahal mo naman. Saka its not my fault that you forgot to bring your pan—
"Layas!" Kung may mas mapula pa sa red, ako na yun! Nakakahiya! Sana kainin na ako ng lupa ngayon!
Dali dali akong nag bihis at nag ayos, nag spray ng pabango at naglagay ng kaunting lip tint.
Lumabas na ako at nakita syang nakaupo sa sun lounger sa may pool area, nakapikit at nakahalukipkip.
"Its crazy how my heart pound when you're steps away from me, alam na alam na agad ng puso ko na papalapit ka" napatigil ako sa sinabi nya, nakapikit pa rin sya kaya nagulat ako na alam nyang papalapit na ako.
"My heart knows you very well." Ngumiti sya at nagmulat ng mata. "You're breathtaking, baby." Namula ako at nahihiyang ngumiti.
"So, saan tayo? Dito na ba sa restaurant nila or sa mall?"
"Dito nalang, napagod ka kakatakbo at kalalangoy kanina eh. Para makapagpahinga ka na rin agad" I smiled and nodded my head, masakit nya ang paa ko at medyo inaantok na rin.
Seafood platter at kare-kare ang ini-order namin. Gusto nya kasi ng kare-kare, I know its his favorite aside from spicy laing.
Pabalik na kami ng room ng bigla syang lumuhod, kinabahan ako akala ko kung ano na, nagtali lang pala ng sintas.
"Azrielle" tawag nya sa akin, yumuko ako at ginulo ang buhok nya. "Tara na?"
"No, wait." Tumayo sya at may kinuha sa bulsa nya. "Our first day as a couple was a fiasco, we had an argument hanggang sa pinilit mong maging tayo—aray joke lang."Anong pinilit? Pingot ka sa akin!
"For formality let me ask you again Azrielle Rostana, Will you be my girlfriend and soon to be wife?" Suminghot ako at pinigilan ang luha ko.
"Yung girlfriend muna, yung wife? Pag isipan ko pa" he chuckled and held my face. "No rush, Miss Rostana. But I'm certain that years from now you'll be a Montreal"
"We'll work on that Mr. Montreal" I winked, he kissed me and hugged me tightly. Napabitaw ako sa yakap nang may nakitang fireworks.
"Beautiful" sambit ko habang pinapanuod ang fireworks display. "Not as beautiful as you" nilingon ko siya na nakangiti habang nakatingin sa akin.
"You really like fireworks, bata pa lang tayo naalala ko kapag pasko humihingi ka ng pambili para maganda ang fireworks display pagpatak ng alas dose"
"Don't tell me these fireworks are for us?" Nagtataka kong tanong, he look pleased with my reaction. "Its for you, Ms. Rostana" nanghihina ako sa pagtawag nya sa aking Ms. Rostana. Pakiramdam ko napakaespesyal ng apelyido ko.
"I also remembered that you wrote on your diary that you want to experience a very passionate kiss while watching firewo—
Enough talking. Let's just kiss.
"I love you" I whispered softly in between our sweet kisses