Chapter 46
"Are you done?" I checked our things for the last time, pauwi na kami at nag aayos na lang dito sa hotel room.
Our vacation is over, I'm happy and sad at the same time. Sana makabalik ulit kami.
"Let's go" aya ko.
Palabas na kami ng room nang hapitin nya ako at halikan. Naghurumentado ang sistema ko sa nakakalunod nyang halik, damang dama ang pagmamahal. I teared up a bit but I found myself smiling while kissing him back.
"Don't worry, babalik rin tayo dito" niyakap nya ako at humalik sa ulo ko.
"Salamat manong" pasasalamat nya kay Manong na siyang naging driver namin simula nang mag stay kami dito.
"Maraming salamat din sir Coltrane, Maam Azrielle. Balik po kayo" tumango kami at nagpaalam na para pumasok sa airport.
"Welcome back sir, Maam Azrielle" inaantok akong tumango sa driver nila Coltrane, dinala nila ang kotse niya dito sa Airport.
"May pupuntahan pa ba tayo?" Nakapikit kong tanong habang inaayos nya ang seatbelt ko. Humikab ako at ginapangan ng antok.
"Idadala lang yung mga pasalubong sa bata. Matulog ka muna"
"Okay. Yung pagmamaneho, Coltrane" inabot nya ang kamay ko at pinisil. He placed my hand on the gear, saka nya ipinatong rin ang kanyang kamay.
"Sleep well, baby"
Dumaing ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, nagdilat ako ng isa mata at muntik ng mapamura sa nakita. Si Coltrane at ang mga bata pinapanuod akong matulog.
"Gising na si Sleeping Beauty mga bata" nakangiting sabi ni Coltrane.
"Pero sabi po sa libro kuya magical kiss ang gumising kay Sleeping Beauty?" Sabi ni Lelay. "Minsan hindi kailangan ng magical kiss, pwede mo naman syang titigan ng may kasamang pagmamahal para magising siya, diba Sleeping Beauty?" Ngumuso lang ako at nag ayos. He chuckled and send the kids to play.
"Sana ginising nalang ako no?" Sarkastiko kong sabi. "I tried waking you up, baby. You look extra prettier when you're asleep" hinalikan nya ang noo ko at binuksan ang pinto ng sasakyan para alalayan akong bumaba.
"Anong prettier ka dyan? I look like a mess"
"Syempre mas maganda ka pag tulog kasi hindi mo ako inaa— aray naman"
"Kelan kita inaway?" Pagsusungit ko sa kanya. "Ngayon, kita mo nga kakagising mo palang ang sungit sungit na ng baby ko" he hugged me and kissed my head.
"Nakakapaso" kunot noo kong tinanong kung okay lang sya. Humawak sya sa ulo ko at umaktong parang napapaso. "Init kasi ng ulo mo, Azrielle—run" tumakbo sya papalayo sa akin, NAPAKAKUPAL!
Tinuruan ko sa assignment si Lelay at ang iba pang mga bata, si Coltrane naman nakikipaglaro kila Buknoy.
Nagpaalam na rin kami ng matapos. I badly want to sleep and rest, nagugutom na rin ako.
"I'm hungry" hinimas ko ang gutom kong tyan at ngumuso. He chuckled and kissed the back of my hand. "Alright, where do you want to eat?"
"Milktea and fries"
Tumigil kami saglit sa mall para pagbigyan ang nagugutom kong mga alaga, nakapila sya sa loob at bumibili ng milktea, habang ako naghihintay dito sa labas ng stall.
Napatingin ako sa isang store at nakita ang isang magandang sapatos na pang lalaki.
"Mmm, bagay sa kanya." Sinilip ko si Coltrane na nasa pila pa bago ako tumakbo papunta doon sa store.
"Miss size eleven nga nito" turo ko sa natipuhan kong sapatos ng favorite basketball player ni Coltrane, Si Stephen Curry.
"Thank you ma'am, come again" tumango lang ako. Nakita ko si Coltrane sa labas ng milktea house, napangiti nalang ako ng tumunog ang cellphone ko, he's calling me!
"Baby, where are you?" Nahimigan ko ang lambing sa tono nya. "I'm here" ginala nya ang paningin at napangiti nang makita ako.
Parang bumagal ang lahat nang magsimula syang humakbang papalapit sa akin, Damn this man and his effect on me! Para akong naestatwa habang hinihintay syang makalapit sa akin.
He flashed a sweet smile and gave me my milktea.
"Ano yang nasa likod mo?" He asked, oh the shoes.
"Sorry ngayon lang, and this is not so sweet at all but belated Happy Monthsary... baby" I smiled shyly and gave him the paper bag.
He shook his head while smiling. "You're driving me crazy, Azrielle. Don't do tricks like this in public" he bit his lips and winked. "Baka mahalikan kita ng wala sa lugar at oras"
Inaya nya na ako at magkahawak kamay kaming nagtungo sa parking lot.
"Whoa, I like this one. Nice pick, baby" niyakap nya ako at humalik sa sentido ko. I smiled at him and watched him while he's scrutinizing the shoes. Grabe naman yung side profile nya, marupok pa naman ako.
"I appreciate this, baby. Thank you so much" he beamed. "Thank you rin, for bringing me to Palawan. I loved it" he ruffled my hair and started driving.
Pabalag kong sinara ang libro ko, wala kasing pumapasok sa utak ko. Balik school na naman kasi kami, actually mag mi-midterms na. Ang bilis pala talaga ng oras no?
"Don't pressure yourself too much, Azrielle" ngumuso lang ako, I watched him flip the pages of his book. Bakit siya chill lang? Saka bakit parang naiintindihan nya yung libro ko?
"Naiintindihan mo ba yan? Magkaiba tayo ng math"
"But still its math, Pharmaceutical calculations nga lang ang sa'yo. But I can understand it, finish reading that and I'll teach you with the computations" napangiti nalang ako.
Thank you Lord, matalino ang boyfriend ko!
"Itigil na natin 'tong kalokohan na 'to, Coltrane. Hindi ko na kaya!" Napahilamos ako sa sarili ko bago ako yumuko sa table. He exhaled roughly and rubbed my back.
"Don't give up now, baby. You can do this, you just have to help your self, and try again." Ngumuso lang ako at pumikit.
"I hate math" he chuckled. "Look, baby" he cupped my face.
"If you think you'll fail, then you'll fail. If you think negatively then it will give you negative outcome. Ganun lang yun, I'm here to help but things won't work if you're gonna give up. Kaya mo yan, baby ko" he rubbed the tip of his nose with mine.
"Always remember that you only fail if you stop trying." Napasimangot nalang ako habang tinitignan ang formulas na inayos nya. Gutom na ako at pakiramdam ko tuluyan nang nag retire ang pinakahuli kong brain cell.
He smiled bago niya inayos ang gamit ko, teka akala ko ba hindi pa kami tapos?
"You must be famished, tara muna kain tayo" Ah, food finally!
Siguro dahil sa stress ko nakarami ako ng kain, goal talaga ni Coltrane ang patabain ako kaya spoiled ako sa pagkain. Tama nga sya, na-boost ang mood ko dahil sa pagkain.
Magtutuos tayo mamaya, Calculations! Akala mo susukuan kita ah! Over my dead body!
"Very good, Azrielle. See? You did it! You just have to believe that you can!" Yakap yakap nya ako at humalik pa sa sentido ko, kita ko ang pagka-proud nya sa akin sa kanyang mga mata. Na-perfect ko lang naman ang fifty items calculations quiz na binigay nya!
"Thank you sa pasensya" tiningala ko sya at ngumiti. "Wala yun." He kissed my cheeks and smiled back.
Inayos na nya ang mga kalat namin bago sya nagpaalam kay Mommy. Mom thanked him and reminded him to drive safely.
"I'll call" aniya. Yumakap sya at humalik ng mabilis sa labi ko. "You should, magagalit ako kapag hindi" kasi to be honest hindi na ako sanay ng hindi katabi ang ipad ko at nakaflash sa screen ang mukha nya habang natutulog.
"I love you, Azrielle." Tumingkayad ako at humalik sa pisngi nya. "Ingat, Coltrane. I love you"