Chapter 44

To: Kupal Good morning, bleh ako nauna mag good morning ngayon!

Napapikit pa ako after ko i-send ang text. Lagi kasi siyang nauunang magising kesa sa akin!

"Good morning" napabalikwas ako ng bangon, hindi pala yung hotdog pillow ko yung nasa likod ko! Siya pala!

"What are you doing here?" Binalot ko ang sarili ko sa kumot, bagong gising pa ako and I look like a mess!

"Just watching my baby sleeping" he pulled the blanket and pulled me closer, he kissed my forehead and whispered good morning.

Kinuha nya ang bouquet na nasa table, my daily supplier of flowers.

Oh shoot!

"Happy monthsary" natawa kaming dalawa dahil sabay kaming bumati sa isa't isa. "For you, my baby" I sniffed the flowers and thanked him.

"Diba sabi ko sa'yo bring me to a garden instead of giving me flowers? Malalanta eh" tumayo ako at nilipat ang mga bulaklak sa flower vase.

"Akalain mo yun? Isang buwan na kitang boyfriend, kupal" natatawa kong sabi habang namimili ng damit.

"I still can't believe I'm with my dream girl now, pero sana hindi na kupal tawag nya sa akin" I saw him rolled his eyes. Cute!

"Why? You're my favorite kupal" I stated matter of factly. Pinakita ko sa kanya ang mga damit na pinagpipilian ko, iyong beige top and pants ang tinuro nya. Nakasweatshirt naman sya at black pants.

"And I love you because you're kupal" hinila nya ako at hinalikan sa pisngi. "I love you more"

"Labas na, maliligo na ako!" He pouted his lips. "Why? I can't wait you here?" Napalitan iyon ng pilyong ngiti.

"Manyak! Labas!" Humalik pa sya sa sentido ko bago siya lumabas.

"Mommy, daddy, alis na kami" paalam ko, humalik ako kay Daddy na nagbabasa ng newspaper at kay Mommy na nasa tabi nya at nagkakape.

Nag mano si Coltrane bago kami umalis, syempre ipinaalala sa amin ang curfew!

"Saan tayo?" Tanong ko habang inaayos nya ang seatbelt ko, I sniffed his neck, he smells so good!

"Teka bakit may maleta at paper bags?" Kumuha ako ng paperbags na nasa back seat at tinignan ang laman. Panty at bra, with towels!

"We're going to Palawan" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What? Palawan?

"P-pero—" nag vibrate ang phone ko at nag flash ang number ni Mommy sa screen.

"Mommy" bungad ko. "Enjoy Palawan anak" napangiti ako at nagpasalamat sa kanila ni Daddy.

"Thank you" he kissed the back of my hand and smiled.

We're gonna celebrate our First monthsary in Palawan!

"Are you okay?" He squeezed my hand. "I just can't believe we're flying to Palawan" excited kong sabi. Umakbay sya sa akin at humalik sa pisngi ko.

Nakatulog ako sa byahe, nagising nalang ako ng maramdaman kong pa-landing na kami. Tiningala ko si Coltrane na nakatulog rin. What a sight.

"Hey" I nuzzled my nose to his jaw, he made a slight move before planting a soft kiss on my head. "We're about to land, gising na"

Naglalakad na kami sa airport when someone approached us, siya pala yung sundo namin papunta sa hotel namin.

"Welcome to Palawan, Maam and Sir. Ako po ang maghahatid sa inyo sa hotel at sa mga susunod nyong destinations." Pakilala ni Manong John, he helped us with our things saka nya kami hinatid.

"Coltrane" tawag ko sa kanya habang naga-ayos sya ng gamit namin. He snaked his arms around my waist.

"Ilang araw tayo dito?" He squinted his eye bago nya sinagot na tatlong araw. Pabagsak akong humiga sa kama, tumabi rin siya sa akin.

"There's your bed, mister" he arched his brow and smirked. "Pa-try lang naman. Lilipat rin ako mamaya, let's cuddle" he pulled me closer and hugged me.

"Our first monthsary is so extra" he snickered, nagtayuan ang balahibo ko nang halikan nya ang panga ko.

"You deserve the best, baby." Pumikit sya, napatitig lang ako. Ang gwapo niya sa paningin ko, gumana nga talaga yung pagkukupal nya sa akin.

Kung sweet sya noong nanliligaw, mas sweet sya ngayong kami na. I like it but at the same time medyo natatakot na baka one day mapagod din sya sa akin, na mag fade yung sweetness.

Paranoid nga siguro ako, but he's been so consistent naman. May good morning text, lagi nya akong sinusundo, sabay kami mag lunch, ihahatid ako pauwi. May video call sa gabi, he watch me sleep minsan may kasamang harana rin.

Akalain nyo yun, kasi ako hindi ko inakala. Life is always full of surprises.

"I can feel you staring, baby" he uttered. "I'm not" I denied, pero nakatitig parin ako.

"I'm already melting." He grinned. Inayos nya ang unan ko at inabot ang remote ng aircon.

"First day matutulog talaga tayo?" Tanong ko. He brushed a soft kiss on my lips, nag init agad ang pisngi ko dahil sa halik nyang iyon.

"Only for two hours baby, after our rest pupunta tayong baywalk to eat seafoods." I shrieked, seafoods! I love seafoods!

Pumikit syang muli at mas humigpit ang yakap sa akin, hinaplos ko ang pisngi nya at marahan iyong pinisil.

"Ang bait mo tignan kapag nakapikit, parang hindi ka kupal in real life" I joked, mahina syang tumawa at kinagat ang pang ibabang labi nya.

"Gusto mo bang kupalin kita?" Antok nyang sabi, minulat nya ang mata nya at kinagat ang ilong ko.

"Mm, kainis!" I slapped his arm, he pulled my nape and pressed his rubicund lips on my mine.

"I love you, Azrielle" his minty breath fanning my face. "I love you more, kupal" I closed the distance between faces and nibbled his lip. I love him, I fell in love with the best kupal ever!

Nagbihis ako kaagad nang magising na kami. I'm so hungry, and I want seafoods! Si Maning John ang sumundo sa amin at naghihintay rin, inaya namin syang kumain pero sinabi nyang i-take out nalang namin para sa pamilya nya.

"Bukas saan tayo pupunta?" Magkahawak kamay kami habang hinihintay yung inorder namin. He fished his phone and opened his gallery, may itenerary doon.

"Honda bay, maraming star fish doon you'll love it"

"Oh my, Patrick starfish!" He pinched my nose "Patrick starfish" he mimicked my voice, and chuckled.

Hindi na yata ako makahinga dahil sa dami ng kinain namin, first day palang pakiramdam ko tataba ako dito. Kung ganito ba namang seafoods ang pagkain tataba talaga ako.

"Im full" sinandal ko ang baba ko sa balikat nya. Inislide ko ang daliri ko sa tungki ng ilong nya, ang tangos kasi!

"You like playing with my nose" hinuli nya ang kamay ko at hinalikan nya. "I love your nose" hinarap ko siya sa akin at hinalikan ang ilong nya.

"You don't love my lips?" Ngumuso siya at hinawakan ang pisngi ko. "I do, but not here."

"They won't mind, baby. Just one kiss" dinampi ko ang labi ko sa labi nya, he smiled sheepishly after the kiss.

"Sweet, I love you" he murmured against my lips, sasagot pa sana ako nang biglang lumakas ang alon at tumalsik sa amin, we both chuckled and hugged each other.

Namimili ako ng mga keychains nang marinig ang pagu-usap ng mga babae sa gilid ko.

"Girl, ang pogi talaga. Kahit selfie lang" nakita kong nginuso niya si Coltrane na may kausap na mga bata. Hanggang dito ba naman may nagkaka-crush pa din sa kanya?

"Kuya, taga dito ka ba?" Nag bayad na ako at pasimpleng pinakinggan ang pagu-usap nila.

"No, I'm a tourist" damn that accent! I heard the girls giggled, anong grade ba 'tong mga 'to? Grade ten? Mga pakyut!

"From what country?" Ah nag english. I flipped my hair and snaked an arm around his arm.

"Mm, need anything?"

"They're just asking baby, are you done?" Tumango ako, kumaway ako sa mga pakyut at hinila palayo si Coltrane.

"I can smell jealousy, baby" he said smirking. "Hanggang dito kasi may fangirls ka" I rolled my eyes.

"Well then blame my genes, baby." He smiled cockily, ang yabang talaga! "Kupal ka talaga no?"

"Pinakagwapong kupal" pagtatama nya sa akin. Napailing nalang ako at kumapit sa braso nya.

"Ano palang laman nitong mga 'to? Oh I remember wala akong dalang gamit!"

"Those paper bags are yours, I just hope you like what I bought for you" I checked every piece with a smile on my face.

"Nice taste!" He winked. "Manuod ka muna, I'll shower" paalam ko.

"Okay, we'll have our dinner at seven." Papasok na sana ako ng banyo nang makita ko syang mag lip bite.

Tumalon ako sa kama at yumakap sa kanya, I kissed him and he returned my kisses with the same fervor.

"I love you, baby girl. Now go take a shower" Yumakap pa ako saglit, I heard him chuckle.

"I love you"