Chapter 97
"Tayo nalang daw yung papasok, nasa park lang sila"
Tumango lang si Warren sa sinabi ni Andi.
Mula nung nalaman niyang hindi lang pala basta kasama sa trabaho yung parents namin ni Rence ay natahimik nalang ito. Hindi na muling nagsalita hanggang sa nagpatuloy kami sa byahe.
Maging si Andi rin na nasa harap ay natahimik basta basta.
Sa dami ba naman ng lugar na pwedeng masabihan ng sekreto ay sa kotse pa.
"Malayo pa ba?" Rinig kong wika ni Andi.
Hindi ko narin magawang tingnan si Warren dahil naiilang ako.
"Antay lang"
Mukhang nagtampo nga, hindi ko narin nagustuhan ang hangin dito sa loob parang gusto ko ng magpahinto sa daan at umuwi mag isa.
"Warren"
Parang gusto kong mabilisin ang oras dahil paminsan minsan lang nangyayari ang ganito.
"Yes, Erin?" Tila normal na sagot nito sakin. Pero makikita mong hindi na ito gaya kanina na sobrang daldal.
"Sorry di ko sinabi sayo"
Napaayos tuloy ako ng pagkakaupo na parang estudyanteng kaharap ang guro sa guidance office.
"Ang alin? Tungkol kay Rence? Okay lang yun no, masyadong personal yung mga ganung bagay. Dapat pang close friends lang, kaya okay lang sakin. Di rin naman tayo masyadong kilala"
Nasapo ko yung noo dahil lumabas yung inis na boses ni Warren kahit pinipigilan niyang patahanin ang pagkasabi nito, may laman parin sa huli.
"Hindi pa kasi ako sanay na sabihin yun, di ko mapipigilan yung masasabi ng iilan lalo na sa parents namin"
Ulit kong paliwanag, pero hindi na ito sumagot at mas pinagtoonan ng pansin ang daan.
Di ko rin naman sya masisisi dahil parang lumabas na hindi ko siya pinagkatiwalaan.
"Wag mo nang isipin yun Erin, ang importante mahanap natin yung kapatid mo"
Tumango lang ako dahil wala na akong masabi pa kay Warren.
"Si Drake, tumatawag"
Hindi na ako umimik habang nakasandal patagilid. Mas tumagal ang biyahe ay humina narin yung sinag ng araw sa labas.
"Hi Andi"
Nagtaka ako sa boses babaeng narinig. Kung kanina ay hindi ko ito pinansin pero ngayon nakuha nito ang atensyon ko.
Nakakapanibagong narinig ko ang boses sa kabilang linya.
"Drake? Kailan ka pa naging babae?"
"Si Jessy to no, andito siya ayaw lang magpakita sa camera"
"Sabihan mo di na kailangan, ako lang makikita niya dito"
Patuloy na pag uusap ng dalawa sa telepono. Magkasama yata si Jessy at Drake pero di ko nga lang alam kung saan.
"Andito na tayo" wika ni Warren.
Napaupo ako ng maayos nung pumagilid ang kotse. Agad kong nilibot ng tingin ang pamilyar na kabuuan sa labas, wala paring nagbago sa Casa Victorina.
"Hulaan mo kung san kami?"
"Pano ko huhulaan mukha mo nakikita ko"
Ipinwesto muna ang kotse sa gilid tsaka kami huminto. Mukhang di na namin kailangang ipasok ito sa loob dahil hindi naman kami magtatagal.
"Saan ba yan? Sandali" patuloy na wika ni Andi dahilan para mapatingin kaming dalawa ni Warren dito.
Hawak hawak ni Jessy ang camera, wala namang pinagbago sa hitsura niya habang si Drake ay tanging braso lang ang ipinapakita kahit anong pilit ng katabi.
"Oh nagtanong na, wag mong hawakan yung phone, may ipapakita ako"
Wika ni Jessy sa kasama habang tumayo ito mula sa pagkakaupo. Para tuloy may mangyayaring video tour sa oras nato.
Nanliit yung mata ko matapos makita yung background sa likod.
"Anong ginagawa niyo dyan? Umupo ka nga nakakahilo ha" suway ni Andi dito na agad ring sumunod.
"Akin na nga yan"
May kumuha ng phone na agad kong ikinagulat nung tumambad ang hitsura nito. Umiwas ako kahit di naman ako kita sa camera.
"Diretso na kayo dito, andito siya"