Chapter 98

Hindi na namin natuloy ang planong pumasok sa Casa Victorina matapos ang video call nina Drake at Jessy.

"Saang banda ba sila?" Tanong ni Warren sa harap habang ako eh nagpalinga linga rin dito sa likod.

"Andiyan na, wag ka ngang praning alas tres pa naman aabot tayo dun"

Kasalukuyan kaming naghihintay kina Mich at Allen, hindi na kami pumasok sa mismong park dahil matatagalan pa kami.

Tama nga yung hinala ko kung saang park ito, pareho sa pinuntahan namin ni Rence nung nakaraang linggo.

Pumagilid ako ng upo nung binuksan na nito ang pinto sa kabila.

Nagsibati kaming lima nung magkarinigan narin sa personal. Matagal tagal narin yung isang buwan nung huli kaming nagkita.

Unang pumasok si Mich at tumabi sakin tsaka sinundan ni Allen bago sinara ang pinto.

Ilang sandali pa'y nagpatuloy kami sa biyahe. Yung tanging hindi napagod kaka kwento saming lima ay sina Andi at Mich habang kaming tatlo naman ay nakikinig lang sa pinag usapan nila.

Nung tumahimik ang dalawa ay doon ko lang napansin ang ilangan sa amin ni Mich.

Hindi ko alam kung bakit pero simula nung tinanong niya ako kung gusto ko ba si Rence ay hindi na ako mapalagay sa twing magkausap kami, lalo na ngayon na katabi ko na siya.

Napagod rin yata yung dalawang maiingay sa harap kaya sobrang dali lang ng byahe kahit halos umabot kami ng isang oras.

Nakasandal ako sa gilid nung agad huminto ang kotse.

"San na tayo?" Tanong ng babae na katabi ko.

Dahil narin sa kuryusidad ay napaupo ako ng maayos at binigyang pansin ang paligid sa labas.

Wala nang sinag ng araw, mas nangingibaw narin yung ingay ng mga sasakyan sa daan.

Saang palengke ba to? Di kaya malapit na kami?

Mas mabagal na rin yung kotse na sinasakyan namin, wala akong masyadong ideya sa lugar dahil hindi ko ito napansin nung nakaraan.

"Waahh ang sarap nung mangga oh" masayang wika ni Andi sa harap.

"Nagmamadali tayo"

"Sinabi ko lang naman" depensa ng babae sa lalaking nagmamaneho.

"Sa susunod na"

Para tuloy mag ama na hindi pinagbigyan ang gusto ng anak sa pinabili nito.

Natahimik rin si Andi at hindi na muling nagsalita pa.

Nakatingin lang ako sa labas habang unti unti ng bumalik sa dati ang takbo ng kotse. Makikita mong napalibutan ng matatangkad na puno ang lugar, napansin ko ang agad na pag iba ng direksyon ng sasakyan pa kaliwa.

"Ayun, malapit na tayo" masayang sabi ni Andi

"Nakikita ko"

"Sige pikit ka nalang para di mo makita"

"Sige labas ka na, magbyahe ka mag isa"

Hanggang dito ba naman hindi talaga maiwasan ang gantong pag uusap ng dalawang kasama sa harap.

Napansin ko ang hindi mapakaling kamay ni Mich, magkadikit ang mga ito na tila kanina pa nagdadasal habang naghihintay ng resulta sa board exam.

Nung huminto ang kotse ay nag iba ang templa ng hangin sa loob.  Wala ni isang umimik samin, maging ako rin ay kinakabahan sa posibleng matunghayan pagpapasok sa bahay nina Manong Andres.

"Ayan na sila"

Rinig naming boses ng babae mula sa loob ng bahay.

Palapit ito ng palapit bago lumabas ng gate.

"Si Jessy" sambit ni Allen, siya lang yung natatanging nagsalita sa loob ng kotse.

Hindi ko mapigilang tingnan si Jessy pero tila may hinihintay itong sumunod sa kanya.

"Pasok na tayo?" Tanong ni Mich samin.

Bumalik si Jessy sa loob at nung lumabas ulit ay may kasama na itong lalaki.

Napalunok ako at agad nahiya nung makita si Drake sa pangalawang pagkakataon.

Maraming nagbago sa kanya.