Chapter 96
"Wala na ba talaga tayong susunod na pupuntahan?"
"Wala na nga, baka ikaw meron?"
Patuloy na pag iingay ng dalawang kasamang nasa harap.
Napagdesisyonan naming umuwi na dahil wala naman kaming maisip na lugar matapos bisitahin ang bahay ni Erika.
"Sandali, si Mich tumatawag"
Natahimik nalang si Warren at tumango sa babaeng katabi. Wala akong choice kundi ang makinig sa pinag uusapan nito.
"Wala? So anong plano niyo?"
Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit sa park yung unang pinuntahan ni Mich.
"Saang park ba?"
Agad na tanong ni Warren pero pinigilan ito ni Andi na huwag munang mag ingay.
"Saan?"
"Ba't naman sya pupunta dun sa Resort?"
"Eh pauwi na kami, magkano ba entrance dun?"
Di namin maiwasan na tumingin sa babaeng nagsalita, maging si Warren na dapat sa daan lang ang tingin ay napasulyap rin dito.
"Sige, sige kami nalang"
Ibinaba ni Andi ang telepono tsaka lumingon sakin.
"Baka nandun daw sa resort na pinuntahan niyo"
Sa Casa Victorina? Ba't naman pupunta si Rence dun?
Tila yata nagkadugtong ang mga iniisip ko kanina. Posibleng magkapareha yung park na pinuntahan nila Mich ngayon at nung binisita namin last week.
Pero bakit? Anong meron dun? Bakit may alam si Mich?
"Pupunta tayo dun?" Balik kong tanong sa kanya.
"Ba't di nalang sila? Pauwi na tayo oh"
Wika rin ni Warren.
"Wala silang dalang pera"
Napailing na lamang ang lalaki at agad iniba yung direksyon ng kotse.
"Ikaw magbabayad"
"Bakit ako?"
"Eh wala na akong pang gas tsaka ang dami mong inorder kanina diba?"
"Ay grabe sya, e ba't ka pa nanglibre?"
Napailing na lamang ako sa bangayan ng dalawang to. Agad kong binuksan ang bag at tiningnan kung sapat pa ba yung pera ko. Wala rin naman akong masyadong nagastos kanina maliban sa pang sine.
"Ako na"
"Oh si Erin nalang"
"Mas mabuti nga Cath, ikaw muna gagastos para sa kapatid mo"
Napakurap ako ng dalawang beses matapos marinig ang sinabi ni Andi. Agad rin itong lumingon sa gawi ko nung mapagtantong may kakaiba sa sinabi niya.
Kapwa kami natigilan habang dahan dahan kong sinulyapan ang reaksyon ni Warren.
"Sinong kapatid? Si Mich? Diba magpinsan sila ni Allen?" Hindi yata napansin ng kasama naming lalaki yung sinabi ni Andi.
"Ha? Ah hindi"
Sagot ko kay Warren dahil mukhang may balak magsalita tong isa. Di parin ito bumalik sa maayos na pagkakaupo at nananatiling gumagalaw ang mga mata na gusto ng magsabi ng sekreto.
"Okay? Eh ba't natahimik kayo?"
Naninibago yata ito sa pinag gagawa ng katabi niya na nasa sakin parin tumitingin. Pinaglakihan na ako ng mata pero patuloy parin akong umiling sa balak niyang gawin.
Ilang sandali pay inayos ni Andi ang pagkakaupo nito.
Kinabahan ako sa maaari nitong gawin, di ko pa naman mapipigilan ang bunganga niya sa mga gantong sitwasyon.
"Si Rence, si Rence yung tinutukoy ko"
Pagkasabi niya nun ay napasandal ako sa pagkakaupo. Ayoko ng marinig yung susunod na isasagot ni Warren dahil tiyak na hindi ko ito magugustuhan.