Chapter 95
Nakatayo na kaming tatlo sa harap mismo ng bahay nila Erika.
"Wala yatang tao" wika ni Warren habang patuloy na lumilinga sa may gate.
"Basta kahit saan, isama mo si Jessy naghihintay yun"
Wala akong imik na naghihintay kung kailan kami pagbubuksan ng mga tao sa bahay nato.
Liningon ko si Andi na busy kakasagot sa mga kaibigan na sunod sunod yung tawag.
"Ano pong kailangan nila?"
Nagsilapit kami sa gawi ni Warren nung may babaeng nagpakita rito.
"Dito po ba nakatira si Erika?"
Si Warren ang nangunguna saming tatlo habang nakasunod lang kami sa likod niya.
"Tawag ka nalang mamaya" mahinang wika ni Andi na katabi ko lamang.
Mukhang mas bata pa samin tung babaeng kausap namin ngayon. Sa kaartehan ni Erika impossibleng wala silang katulong, pero makikita rin naman na may kaya yung pamilya niya.
"Si Ma'am Erika po? Nasa loob natutulog pa yata"
Natahimik kami sandali at agad nagtinginan.
"Magigising pa ba?"
"Agay!"
Nasapo ito ni Andi dahil sa walang kwentang tanong napaiwas nalang ako sa pwesto na yun at pumagilid sa gawing natabunan ng puno.
2: 31 PM
Kung di namin makakausap si Erika, wala narin kaming ibang kilala na mas malapit kay Rence. Wala kaming kilalang kaibigan nito tanging si Erika at Tita Elisse lang ang may alam nun.
Hindi na ako nagtaka kung bakit lumapit ang dalawa sa gawi ko.
"Ayaw yata magpaistorbo, hihintayin nalang daw"
Dismayadong wika ni Warren.
"Pano yan Cath? San tayo pupunta?"
Napabuntong hininga ako sa iisipin na wala akong ideya kung saan.
"Wala ba kayong ibang kilala na malapit na kaibigan ni Rence? Maliban kay Erika?"
Tiningnan ko si Warren na hindi narin mapalagay.
"Mga teachers lang naman yung palaging kasama nun maliban satin" sagot ko sa kanya.
Bago pa lang si Rence sa school namin kaya wala kaming masyadong alam sa mga kaibigan nito.
"Pwede rin yun Cath, diba?"
"Ang alin?"
Napabusangot si Andi dahil hindi ko agad na gets yung gustong niyang sabihin.
Napabuntong hininga ito at nagpigil ng sarili na mainis sakin.
"Mga kasama ni Rence sa faculty, pwede yun diba? Gaya ni Sir Mendoza"
Natigilan rin ako matapos marinig ang sinabi ni Andi.
Oo nga no? Bakit di ko agad naisip yun?
Siguro dahil minsan nakalimutan na namin na hindi namin kapantay si Rence. Na estudyante kami habang guro naman ito.
Dala narin ng mga nangyari kaya di namin naisip ang trabaho nito. Lalo pa't hindi lang pagiging estudyante ang relasyon namin sa kanya, lalo na ako.
"Sige na, try niyong tawagan" suhestiyon rin ni Warren.
"Sige sandali" nabuhayan ang kaibigan at pinagtuunan ng pansin ang telepono nito.
Kapwa kami naghihintay kay Andi habang may ginagawa sa phone.
Sana nga may alam si Sir Mendoza kung saan si Rence ngayon. Masyado na ring matagal yung isang linggo kung nawawala man ito.
"Ano na?" Pagmamadali ni Warren kay Andi.
"Ito nga sandali hinahanap ko pa"
Maging ako rin ay hindi nawala ang tingin sa malikot na kamay ni Andi habang hawak hawak ang telepono.
Parang di narin ako makapag antay na umalis at puntahan kung may alam man si Sir Mendoza tungkol dito.
Natigilan si Andi sa pinaggagawa tsaka tumingin sa min ni Warren.
"Wala pala akong number"