Chapter 92
"Nasa Manila pa, ba't mo natanong Erin?"
Sagot ni Papa sa kabilang linya, hindi ko inasahang mas malayo ang pupuntahan ni Rence.
"Wala naman po, hinahanap lang sya ng mga kaibigan ko"
"Di talaga nagpapaalam yung batang yun, pero susubukan kong tawagan"
"Sige pa"
Napabuntong hininga ako matapos ibinaba ang telepono. Ganun ba talaga kabigat yung dinadala niya at kailangan niya pang magpakalayo layo? Pero di ko rin naman ito masisisi, kung tatlong taon siyang nagtiis sa relasyon nila ni Erika.
Hindi ko namalayang naubos yung gabi ko sa pakikipag usap sa mga kaibigan. Akala ko hindi mapapansin ng mga yun ang presensya ni Rence. Kahit ako rin naman, akala ko gusto lang nitong mapag isa.
Kinabukasan
Nagising ako sa liwanag na natunghayan sa bintana. Malabo pa yung paningin ko pero naaninag ko na yung presensya ni Manang.
"Gising na anak, pasensya ka na pero papalitan ko tong kurtina mo"
Wala akong nagawa kundi ang tumango at umupo mula sa pagkakahiga.
Anong oras na ba?
8:27 AM
Sobrang aga pa kung tutuusin pero maaga akong nagising. Bumangon nalang muna ako habang pikit pikit parin yung isang mata.
Panibagong araw na naman at wala akong magawa.
Nabobored na ako dito sa bahay.
Hinanap ng mata ang nag iingay na telepono na nakita ko ring nakalapag sa mesa.
*Papa Calling
Dali dali ko itong binuksan.
"Yes Pa?"
"Mabuti gising kana"
"Kakagising lang, bakit po?"
Pinagpatuloy ko ang pagligpit ng higaan habang hinayaan kong lakasan ang boses ni Papa sa kabilang linya.
"Hindi sumasagot si Rence, baka pauwi na ito"
Natigilan ako sa pagligpit ng higaan at hinawakan ang telepono.
"Di kaya may nangyari na dun?"
"Yan nga yung iniisip ko pero di ko lang masabi sabi kay Elisse, di parin nagkakasundo"
Hanggang ngayon? Naghalo halo yung mga bagong katanungan sa isip pero di ko alam ang unang itatanong.
"Masyadong malayo yung Manila pa, yung sa gubat pa nga lang hirap na kaming makauwi"
Medyo kinakabahan rin ako sa naiisip. Imposible namang hindi niya magawang gumamit ng telepono kahit online man lang.
"Yung hinala ko baka nasa mga Tita nito, gagawan ko ng paraan Erin"
Matapos tumawag ni Papa ay natulala ako sandali. Hindi naman siguro mangyayari yung mga iniisip ko.
"Kumain ka na Erin, papalitan ko muna tong higaan mo"
Napatayo ako nung lumapit si Manang dala dala ang isang malaking planggana.
Wala akong choice kundi lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina.
Di parin mawala sa isip yung balita ni Papa, kumakain ako pero yung atensyon ay napunta sa nangyari kay Rence.
Baka nga sa mga Tita muna ito namamalagi, sadyang malayo lang yung sinabing lugar para hindi ito mapuntahan ng kung sino.
Matapos kong kumain at maligo ay nag aaksaya na naman ako ng oras kakaupo kaharap ang tv.
Kailangan ko na yatang ibalita ang mga nalalaman kahit di parin sigurado. Pero may pumipigil sakin hanggang wala akong sapat na ebidensya dito.
Saan ba kasi nagpunta si Rence?
Ang hilig naman nun magsocial media kaya nakapagtatakang nagawa niyang ipagliban ito ng isang linggo.
May tatlong rason lang naman, una umiiwas ito kaya posibleng ibang account yung ginagamit. Pangalawa, baka walang internet kung saan man sya ngayon. Pangatlo, wala siyang access mag online dahil may nangyari na nga dito.