Chapter 93

May mga desisyon talaga sa buhay na hindi natin maintindihan kung bakit natin pinili.

Pansamantala akong lumabas ng bahay sandali at susubukang mawala yung atensyon sa mga iniisip.

Ilang minuto bago ako nakapasok sa Cinema, nakakapanibagong ako lang mag isa ang pumunta dito.

Halos sila Andi palagi yung kasama kong mag gagala sa Mall.

Nakapwesto ako sa panghuling gawi para saktong mapanood ko ng maganda ang movie. Kaya ko namang gawin to sa bahay pero mas mabuti yung may oras rin ako para magbyahe, bumili ng kung ano at mag aksaya ng panahon sa ibang lugar, nakakasawa narin minsan sa bahay.

Seryoso lang yung atensyon ko sa pinapanood hanggang sa may mga napansin akong pamilyar na pumasok.

Kahit madilim yung paligid sa gawi ko ay kitang kita ko yung pagdating ng mga to dahil naanigan sila ng ilaw mula sa screen bago umakyat para humanap ng pwesto.

Para akong may nahuli na gusto kong lapitan at guluhin.

Sabi ko na nga ba may namamagitan na talaga sa dalawang to. Sobrang effort para magkita ulit!

Natapos ang movie na may ngiti, hindi dahil nasiyahan ako sa kwento kundi may natunghayan akong lihim na hindi dapat mabubunyag.

Kaya pala grabe kung magtampo yung babae at di ako pinansin ng isang linggo.

Dali dali akong bumaba nung makitang  nauna silang umalis at agad sinundan palabas ng sinehan.

Para tuloy akong may misyon sa loob ng Mall. Buti hindi parin nakakahalata ang mga to. Sobrang layo ko sa kanila pero tama lang para matanaw ko.

"Haysss"

Natigilan ako sa kakasunod sa dalawang yun nung mag vibrate ang telepono.

*Papa Calling

Kinabahan agad nung makita ang tumatawag.

"Hello Erin? Nasa bahay ka ba?"

Mas bumilis yung kaba nung marinig ang boses ni Papa.

"Pauwi na ako pa, nandito sa Mall"

"May alam ka bang posibleng puntahan ni Rence?"

"Po?"

Agad akong nagmamadaling maglakad habang nasa linya parin si Papa.

"Wala si Rence dun, ngayon lang kami nag alala ni Elisse"

San ba nagpunta yung dalawang yun? Ang bilis naman maglakad.

"Tatawagan kita Erin!"

"Pa!"

Huminto ako nung binaba ng Ama ang tawag. Hindi ako mapakali matapos ang pag uusap na iyon.

Dali dali kong tinawagan si Andi na sobrang tagal kung sumagot.

"Cath! Napatawag ka?" Pansin ko ang gulat sa boses nung tumawag ako.

"Nawawala si Rence"

Hindi muna ito sumagot, naimagine ko na agad yung reaksyon ng mga to.

"Ha? Paano? Wag ka nga, sandali, oo ito na, bakit daw?"

Napailing nalang ako habang naglalakad palabas ng Mall. Mukhang matatagalan pa yata ang pag uusap namin dahil nagkagulo pa sa kabilang linya.

"Erin pupuntahan ka namin" boses na iyon ni Warren na hindi ko ikinagulat.

"Nasa entrance ako"

Inunahan kong binaba ang tawag at agad nagdial ng number.

"Yes Erin?"

Nilakasan ko muna ang loob bago ibalita rito ang mga nalalaman.

"Nawawala si Rence, may alam ka bang posibleng puntahan nun?"

Natahimik si Mich sa kabilang linya, pinilit kong wag mag isip sa reaksyon nito.

"O, oo, papunta na ako, kami ni Allen tatawagan kita"

Kahit paminsan minsan iba yung pakikitungo ni Mich sakin pero nakaramdam ako ng pag alala nung marinig ang boses nito.

"Cath!!"

Humarap ako sa kaibigan na palapit sakin habang nasa likod nito si Warren na tila may iniiwasan.

"Wag na kayong magpaliwanag, pupuntahan natin si Erika"