Chapter 91
"I messaged her, di niya daw alam"
Kita ko sa screen ang malamnay na wika ni Mich. Hindi na talaga nakatiis ang mga kaibigan at napagdesisyonang magvideo call na hindi kasama si Rence.
"Ba't na naman naka off yang camera niyo?"
Hindi ako nagsalita matapos marinig ang boses ni Andi. Kaming tatlo lang yata ni Allen at Drake ang hindi nagpakita ng mukha.
Habang yung apat eh lantaran ang mga pinag gagawa sa kanila, mukhang palaging naglalaro tong si Warren ng online games dahil web cam ang gamit nito. Si Jessy naman yung medyo pinaghandaan talaga na akala moy may importanteng meeting ang pag uusapan.
Yung hindi lang maganda ang gising ay si Mich na hanggang ngayon ay nakabusangot parin. Habang si Andi yung natatanging kumportable sa lahat na nagawa pang dalhin ang hawak na phone habang umiinom ng tubig.
"Sino ba mas close ni Rence dito?" Tanong mula sa madilim na screen, talagang sinadya na ganun ang profile photo ng account.
"Mukha kang hacker dyan, buksan mo nga camera mo bro" natawa si Jessy at Andi sa sinabi ni Warren.
"Si Erin" walang ganang sagot ni Mich.
Matagal ko na talagang napapansin na medyo iba ito sakin. Gaya na lamang nung isang araw, hindi ko inasahan ang tanong nito tungkol kay Rence.
Pakiramdam ko nga may kaonting galit si Mich nung nalamang magkasama na naman kami. Kung pwede ko nga lang sabihin yung totoong ugnayan ko kay Rence ay sinabi ko na.
Pero di ko rin talaga maintindihan kung bakit hindi ako masyadong proud na sabihin ang ganung bagay. Parang mas okay sakin na iba yung magsabi nun sa kanila. Pero susubukan ko parin, ayoko rin namang maglihim dahil naturing ko narin itong mga kaibigan.
"Diba sabi mo magkasama sa trabaho yung Papa mo at Mommy ni Rence?"
Napansin kong lumaki yung mata ni Andi sa narinig mula kay Warren. Kinabahan tuloy ako dahil nagawa ko pang magsinungaling.
"Ha? Ah oo magkasama" walang choice kong sagot.
"Baka gusto niya lang mapag isa?" Tanong naman ni Allen na tanging profile picture lang nito ang kita.
"May LQ yata, hayaan nalang muna kaya natin?"
"Di naman lahat ng may ka LQ umiiwas"
Natahimik kaming lahat sa naging sagot ni Mich, pakiramdam ko talaga may something tong dalawang to. Baka palaging magkausap simula nung nakauwi kami, kaya ganyan nalang siguro kaapektado si Mich.
Bagay pa naman sila, 18 si Mich halos same age lang namin dito habang si Rence naman ay 21. Pero wala naman yun sa edad, may posibilidad lang talaga na magkamabutihan tong dalawang to.
"Di natin malalaman kung di natin tatanungin yung Mommy ni Rence" Suhestiyon ni Jessy na andito yung tingin sakin maging sina Andi, Warren at Mich rin.
Nako nako! Mukhang hindi maganda yung naiisip ko sa mga tinginan nila. Natahimik ang lahat at mukhang may hinihintay na magsasalita.
"Una na ako, update nalang"
"Hoyyy!! Laro tayo mamaya!" Nangingibabaw yung ingay ni Warren matapos magpaalam ni Drake.
"Wala na nga diba? E try mo ulit baka marinig pa" Pang inis rin ni Andi na ngayon ay may kung anong kinakain naman.