Chapter 1

Sunod sunod na tawag ang natanggap ko mula kay Andi.

"Ano na Catherine? Balita?"

Nagdadalawang isip pa akong magsalita, pano ko naman sasabihin na hanggang ngayon wala paring approval ni Mama ang consent na to?

Ano pa bang ini expect ko sa parents na may ibang pamilya na?

"Wala parin eh" nakapikit kong sagot sa kabilang linya.

"Tatawagan ko sya!"

"Hoy!!! Andi wag - -" di pa ko tapos magsalita binabaan na ko.

Naman kasi!

Alam kong di ako papayagan ng mga yun, bukod sa sobrang layo ng University na pupuntahan namin. Kailangan pa naming magstay dun ng ilang araw.

This week lang kasi yung binigay na time sa'min mga Grade 12 students para sa College Entrance Exam.

Naprocess ko na lahat ng kailangan, yung consent nalang yung kulang.

"Erin? Anak? May pagkain na don sa baba, mag lunch ka na"

Biglang sulpot ni Manang Lucy, tinanguan ko na lang sya tsaka iniwan ang phone sa kwarto.

Kumain na lamang ako ng makabalik na ng campus. May kailangan pa kami ayusin para sa Graduation namin next month.

Agad akong sinalubong ni Andi ng makapasok ng gymnasium.

"Tinawagan ko si Tito, bukas daw bibisitahin ka nila"

Ngumiti na lamang ako ng pilit sa narinig.

Yung tito ni Andi ang asawa ni Mama ngayon. 3 years ago nung magsama sila, gusto man nila akong kunin pero ayokong makisiksik sa panibago nilang pamilya.

Alam kong maling desisyon pero yung 3 years na yun, umaasa akong uuwi si papa. Na kahit dalawa na lamang kami patuloy parin syang sasama sakin, pero akala lang pala.

Agad kaming pumwesto sa mga designated seats, alphabetical yung arrangement kaya nasa first row si Andi.

Mas binigyan namin ngayong ng atensyon yung graduation song, compared sa last week. March 21 na ngayon then by April 5 magaganap ang Graduation Ceremony. 

Di ko muna naisip kung magiging masaya ba ako sa araw na yun oh hindi.

Matapos ang kalahating oras ay binigyan muna kami ng iilang minuto para mag break.

"Grabe nangawit na yung panga ko Cath, buti nga ikaw nasa likod di mahahalata if ever di ka magsasalita" biglang reklamo ni Andi habang umiinom ng tubig.

Di ko nalang sya sinagot at binalingan ng atensyon ang hawak hawak kong tubig.

"Sandali! Cath tingnan mo dali! Andito yung New Teacher ng kabilang strand! Tingnan mo!" masayang sabi nito tsaka siniko siko pa ko.

"Agay! Ang obvious mo naman, bakit ba?" Nagugulohan kong tanong habang tinakpan yung dala dala kong tubig.

Sinundan ko lang kung saan nahinto ang tingin nito, palagi ko itong naririnig sa iba kong kaklase. Nakita ko rin naman to before pero panandalian lamang. Iba pala hitsura nito ng malapitan. Dati kasi parang naka sideview lang or nakatingin sa daan.

"Haysss! Masyadong perfect diba?"

Natatawa ako sa narinig, agad ko syang tiningnan na parang ginayuma ng kung sino.

"Everyone back to your seats na" wika mula sa isang Guro.

Patuloy lang yung pag eensayo namin, habang di ko maiwasang tingnan yung lalaking tinutukoy ni Andi. Nasa baba ito ng stage kaya kita ko kahit sa malayuan.  Mukha syang guro na hindi tumatanggap ng jokes sa estudyante. Pero malay natin, di kasi tumitingin sa harap dun lang sa kausap niya.

Pagkatapos ng ilang oras ay nakauwi kami ng matiwasay. Pero di ko pala yun madala hanggang bahay.

"Bless ma, Tito" bungad ko sa kanila nung naka upo lamang ito sa sala.

Tumango lamang ito tsaka binabaan ang volume ng tv.

"Tumawag si Andi kanina, ba't di mo tinawagan Mama mo Erin?" Tanong ni Tito sa'kin.

"Sure ka na ba diyan sa University na gusto mo?" Sunod na tanong ni Mama habang binaba ko yung bag sa sofa.

Di naman sya mukhang galit, siguro napakiusapan ni Tito Mike kanina.

"Oo, tsaka halos lahat sa Strand namin required na sumama. Gusto ko lang subukan" paliwanag ko rito.

Di pa ito sumagot, di ko na rin siya tiningnan. Nakatungo lang ako sa oras na to.

"Hayaan mo na ang bata mag decide Tin, mas mabuting alam niya ang gusto niya, diba Erin?" biglang wika ni Tito Mike na sinang ayunan ko naman.

"Sige, basta ba magsabi ka samin sa susunod pag meron kang kailangan na gaya nito. Di yung sa kaibigan mo pa namin malalaman".

Tumango lang ako tsaka binigay yung folder sa kanya.

"Dito kayo matutulog?" Biglaan kong tanong.

Agad lang ito nagkatinginan.

"May maagang meeting si Tito Mike mo, sa susunod nalang anak ha?"

Tumango  nalang ako kahit may kung anong sakit sa dibdib.

Pumasok ako ng kwarto tsaka humiga ng panandalian.

Di ko maiwasang umiyak, di ko alam kung kailan ulit mangyayari yung panahong magsama kaming tatlo kahit isang oras lang.

Wala akong nagawa para mahinto yung paghihiwalay nila dati.

Siguro nagawa nilang gawin yun dahil di ako worth it samahan. Di naman ako ganun ka talino, spoiled pa. Kaya never ako maging dahilan para maging buo kami uli.

Sinubukan kong pagbutihan yung pag aaral ko kahit sa ganung paraan maging kumpleto kami.

Kaya lang sobrang hirap.