Chapter 0 /Prologue

"Tila hindi para sa'min yung ingay ng bawat palakpak.

Mga humahangang ngiti at mapagmalaking tingin.

Ilang araw na lamang mahahawakan ko na yung deploma, sana"

Nagpadaloy sa pagsasalita si Erin, tila seryosong nakatitig sa naglalarong mga kasama.

Halos isang linggo na kaming nawawala, ni walang mga taga bayan ang bumisita rito.

Isang ilog lang ang nagbibigay liwanag sa gubat, maging ako man ay nangangamba na sa kalagayan namin ngayon.

"Ikaw ba?"

biglang tanong ng babaeng nasa tabi.

Nabaling lang ang atensyon ko rito at hinintay syang magsalita.

"Di mo ba pinangarap maipagmalaki ng parents mo? Makasuot ng toga, tumanggap ng diploma. Masabihan na "Proud kami sa yo 'nak" mabigyan ng atensyon?"

Di ko masyadong pinansin ang sinabi nito, mas nangingibabaw sa mata ang lungkot na di pinapahalata.

Nginitian ko lang sya at ibinaling ang tingin sa harap.

"Gusto. Pero sa sitwasyon natin ngayon, ayoko munang mag isip ng tapos. Alam kong mas maraming nasasaktan sa pagkaligaw natin. Ayokong mas mag alala sila, kahit sobrang layo natin dama ni Mama yung nararamdaman ko".

Ilang sandaling katahimikan.

"Baka nga hanggang ngayon di pa nila alam na nawawala ako"

Napatingin ako rito, pero wala akong nasagot.

"Hoy ano yan ha? Tong dalawang to talaga, ligo na!"

Sigaw ng kung sino mula sa nagkukumpulang mga kasama.

Napangiti na lamang ako ng pilit sa ginawang ingay ni Warren.

Tapos na yata sa paglalaro, papunta yata ang mga ito sa di kalayuang parte ng ilog.

"Tama ka, kahit madami silang pagkukulang sa'kin, alam kong ramdam nila ang kalagayan ko ngayon"

Bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo, mga naglalakihang bato ang naging tambayan namin ng panandalian.

"Tara na" wika ni Erin.