Chapter 3

"Check niyo muna yang mga folders niyo baka meron kayong nakalimutan" suhestiyon ni Tita Mira.

"Okay na nga Ma, to naman pang ilang beses mo na sinabi yan?" Natatawang tanong ni Andi sa mama nito.

"Yes tita, okay na po lahat"

"Oh siya, mauna na ako ayaw yata akong makita nitong kaibigan mo Erin"

"sus kala mo talaga, bye Ma. Love you" pahabol ni Andi

"Sige tita" wika ko rito.

Ganito rin si Mama at Papa sakin dati, kung pwede na nga lang isama yung parents baka nagawa na namin.

Pero dati lang yun.

Nakatayo lang kami habang hinihintay dumating ang school bus.

May iilang students na taga ibang strands, habang sa ami naman ay halos kumpleto.

Tanaw na namin ang bus ng bigla may kung sinong siko ang kumuha ng atensyon ko.

Binigyan ko si Andi ng mapagtanong tingin.

Umikot lang ang mga mata nito na tila may pinahihiwatig sa gilid.

Sinundan ko ang tingin, mula rito ay tanaw ko ang lalaking may katangkaran na tila nahuling dumating.

May kung ano sa sikmura na agad akong napalunok.

Pinaglakihan ko ng mata si Andi.

"Please lang, kahit ngayon lang magbehave ka" wika ko rito na hindi na sya tiningnan.

Di ko maitatangging sobrang iba ng awra niya ngayon, lalo pa't di sya naka unipormeng pang guro.

Para tuloy kaklase lang.

Agad kaming umupo sa pangalawang dapit, nagtutulakan pa kaming mapunta sa may bintana.

Halos lahat ay nasa likuran para di masyadong mabantayan ng guro.

Tiningnan ko si Andi na sobrang saya sa pwesto niya.

Ilang sandali pa'y pumasok ang iilang guro na sasama samin. Para tuloy kami may field trip.

Nahinto yung lalamunan ko ng biglang pumasok yung lalaking kanina namin pinag - usapan.

Agad akong nakarinig ng mga nagbubulongan at pinipigilang kilig ng mga babae.

Tila ito may binibilang mula sa likod.

Doon ko lang din napansin na walang nakaupo sa kabilang upuan mula sa una hanggang pangatlo ay puro bakante.

May kung anong humugot sa tiyan ko na di ko maintindihan.

Naramdaman ko na naman ang siko nitong isa na tinatago ang ngiti sa dala dalang panyo.

"Sir Lao, may space pa po ba dyan?"

Biglang sigaw ng kung sino sa likod na dahilan ng hiyawan ng lahat.

"Yes, not occupied, you can seat here"

Dahil sa naging sagot nito tsaka nagsimulang mag ingay yung naiipit na kilig ng ibang babae. Parang wala siyang kaalam alam sa nagawa niyang ingay.

"Inunahan pa'ko" mahinang sabi ni Andi.

Natatawa akong tumingin sa kanya.

"Excuse me girls, if you need any space you can put your bags here"

Para akong nanlalamig sa narinig.

Nanlalamig pero tila mainit yung tenga ko na di ko mapaliwanag.

Di paman ako nakasagot eh agad nakuha yung bag ko tsaka itinabi sa gawi nito. Pano nangyari yun? Binigay ko ba?

Agad kong napansin ang hawak na phone, tiningnan ko si Andi na nagawa pang mag text sakin.

From : Andi

Crush mo no? Hahahhaha aminin!

Agad ko itong natago baka mabasa pa ng kung sino sa likod.

Ano bang nangyari sa babaeng to! Di ko nalang sya pinansin at mas tinoon ang atensyon sa byahe.