Chapter 108
"Andi, gising na! Malapit na tayo!"
Sinubukan kong lakasan ang boses ng magising ang babaeng natutulog sa harap.
"Grabe naman matulog tong babaeng to!"
"Hayaan mo na muna, mamaya nalang"
Tumango lang si Warren habang nagpatuloy sa byahe, pamilyar na ako sa sa lugar na dinaanan namin ngayon.
"Tulog pa rin yang katabi mo? Itulak mo na kaya"
Kanina pa nga ako hindi kumportable sa postura namin ni Drake ngayon.
Nahihiya akong gumalaw ng basta basta dahil baka magising.
Kumunot ang noo nung sumandal ito ng bahagya sa kaliwa kong balikat.
"Oh! Gising na!"
"Nakatulog ako"
"Hatid muna natin si Erin"
Buti nalang talaga at nagising na si Andi hindi na kami mahihirapan ni Warren na gisingin pa ito maya maya.
Kung kanina eh halos wala ng katao tao sa daan, ngayon naman ay hindi mo mapapansin na lagpas alas dyes na ng gabi dahil sa bilang ng taong nagkukumpulan sa labas.
"Hala sya! Nakaidlip lang ako may nag momoment na agad dito!!
Sinimangotan ko lang si Andi at hindi na sinagot pa.
"Ano yan Cath? Kayo na? Ayyiieeeee"
Nakadaan na kami ng Mall, pahiwatig nun ilang minuto na lamang ay malapit na kaming makauwi ng bahay.
Napalunok ako nung gumalaw ang lalaki sa tabi.
Nung bumalik ito sa ulirat ay agad napaiwas sakin at dali daling nakalipat sa kaninang pwesto.
Wala akong boses na narinig dito, tila naiilang rin sa nangyari.
Rinig ko ang iilang hagikgik ng dalawa sa harap na kanina pa pala kami minamasdan.
"Sarap tulog mo Drake?" Pang inis ni Andi pero hindi ito pinansin ng lalaki.
Lumilinga linga ito sa tanawin sa labas, tila naninibago.
"Ano yung kasunod dito?"
"Diretso pa, ituturo ko sayo"
Hinayaan kong si Andi na lamang ang magbigay direksyon kay Warren.
Tumunog na naman ang hawak na telepono, dali kong binuksan ang tumatawag na ama.
"Yes pa?"
"Nakauwi ka na?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Malapit na po"
Lumapit pa ako sa gawi nina Andi para siguraduhing tama yung sinagot ko kay papa. Ilang layo mula dito ay tanaw ko na ang ilaw sa bahay.
"Sige, naikwento ni Rence yung mga tumulong sayo. Dalhin mo dito paminsan minsan ng makapagpasalamat kami"
"Wag na po tsaka hindi sila taga dito"
"Kung saan niyo gusto, sabihan niyo lang ako"
Nung mapansin kong bumagal na ang takbo ng kotse ay napaupo ako ng maayos.
"Pa, andito na ako"
"Salamat naman, sige Erin pahinga ka agad"
Nung ibinaba na nito ang tawag ay kinapa ko agad ang dalang bag. Yun lang din naman ang dala dala ko mula kanina.
"Dito na yung samin, ilang oras yung byahe pauwi sa inyo?"
"Mabilis lang yun, 40 minutes siguro"
"Na perwisyo ko pa tuloy kayo ngayong araw"
"Asus, para namang hindi magkaibigan"
Nakarinig kami ng iilang katok ng babae mula sa labas.
"Andiyan na si Manang, lumabas ka na daw"
Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy ni Andi, nakaramdam ako ng kaba nung maalalang hanggang Mall lang yung sinabi ko dito kaninang umaga.
"Drake, magpaalam ka na"
Natigilan ako sandali, tila nakalimutan na may katabi pa pala ako sa gilid. Wala rin akong balak pumansin sa lalaking to! Ni hindi man lang umimik kanina.
"Sige na, ingat kayo pauwi"
Wika ko sa kanila at agad lumabas ng kotse.