Chapter 109
Tumambay muna kami ni Aries sa mga nakaparadang motorsiklo dito sa labas.
"Hindi naman siguro mapapansin ng bisita pati nila Mama kung di ko makabisado yung kanta"
Napangisi ako at binuksan ang hawak na sprite.
"Para ka lang tanga nun bro" sagot ko pabalik sa kaniya.
"Hoy!!! Wala pang uwian!"
Nagtaka ako sa agad nitong pagsigaw at sinundan ng tingin ang tinutukoy nito.
Nakangising pinaharurot ni Kevin ang motorsiklo habang tawa tawang sakay sa likod si Warren.
Pinagpatuloy ko lang ang pag inom at napailing sa kalokohang ginawa ng mga kaibigan.
"Diyan lang kayo? Tapos na yung break"
Agad nagtama yung tingin namin ni Aries, hindi inasahan ang babaeng nagsasalita.
"Sunod kami"
Tumango lang din ako nung napadaan si Coreen sa gawi namin.
Sinundan ko ng tingin ang paliit nitong imahe hanggang makapasok na ng tuluyan sa gate.
"Friend na kayo ulit?" tanong ng kasama.
"Okay naman kami"
Umuna akong tumayo at pinagpag ang uniporme.
"Tara na, baka masermonan pa tayo"
- - - - -
"Binalewala niya 'ko dahil sayo,
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo,
Na kay tagal ko ring hindi sinuko oh"
Umalingawngaw sa loob ng bus ang ingay ng mga kaklase. Nung una maganda pa sa pakiramdam, pero nung tumagal masakit na sa tenga dahil hindi ito tumigil kahit minsan.
Sinubukan kong umidlip pero hindi ko magawa gawa lalo pa't nangunguna sa kaingayan sina Kevin at Andrew na nasa kasunod na upuan lamang.
"Drake ako diyan sa bintana, nahihilo ako"
"Anak ng, malapit naman na tayo diyan ka na lang"
"Gusto kong lumanghap ng hangin"
Maniwala ako dito, gusto lang yata makita yung kabuuan sa labas.
"CPR nalang kita"
"Gag*!!"
Napabuntong hininga ako sa pakiusap nitong si Aries at walang choice kundi makipagpalit ng pwesto.
"WOHHHHH!!"
"Pre bag ko bilis"
"Chicks gago"
"Ang dami bro"
"Tinitingnan tayo, sigaw pa!"
"HAHHAHA gago kakahiya"
Hindi na ako nagulat nung napahiyaw na naman ang mga kasama.
May ilang bus na nakaparada sa daan dahilan para bumagal ang takbo at pumwesto kasunod ng mga ito.
"WOHHHHHHHHHHHHH!"
"Uy uy, galit na si Sir"
"Tahimik daw"
Pasalamat ako nung hindi na nag ingay ang mga kaklase habang naghihintay kami sa labas.
Minsan nahihiya ako pag ginagawa nila ang mga to, lalo pa't maraming estrangherong kasama.
Tanaw mula sa gawi namin ang iilang estudyanteng taga ibang dibisyon. Magkasing edad rin kami ng mga 'to na umaasang makapasa sa entrance exam.
"Yung nakasalamin mukhang anak mayaman"
"Hindi siguro, sa kutis lang naman maputi pero mukhang matalino"
"Bakit si Andrew nakasalamin hindi naman matalino"
"Gago iba yun"
"Hoy rinig ko"
Pati ako ay natawa ng bahagya nung di mapigilang marinig ang reaksyon ni Andrew, patuloy parin kami sa pagtingin sa mga estudyanteng nahagilap ng mata.
"Yun yung mayaman oh, kita mo sapatos bro pang matalino"
"Mayaman yan, gandang lalaki pati yung tindig oh! Mukha nga lang babaero"
Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy nito, mas marami yung bilang ng mga babae kaya hindi mahirap hagalapin ang tinitingnan ng mga kasama.
"Tingnan mo yung babae, ilang na ilang HAHAH nagawa pang thirdwheel"
"Ayan tumingin!"
"Narinig yata tayo"
Nakakapagtakang nasa gawi namin ito humaharap, tila may iniiwasan sa mga kasama.
Napangiti ako ng mapait, ang sayang tingnan na hindi pa kami magkakilala.
Mga panahong iyon ay wala kaming ugnayan ni Erin. Hindi ko man lang naisip na yun na pala ang simula ng storya namin.
"Hoy!! Anong drama yun??"
Pangungulit ni Andi nung tuluyan na kaming makaalis sa bahay ni Erin.
Maging ako ay wala parin sa mood para makipag biruan sa kanila.
"Ang alin?"
"Kanina pa kayo ha! Nag uusap pa ba kayo nun?"
"Dito ba?"
Halos sabay na tanong ng dalawang kaibigan na nasa harap.
Hindi ko nasagot si Andi dahil binaling na nito ang atensyon kay Warren.
"Oo dito na"
Hinayaan ko nalang na makalabas si Andi ng kotse tsaka ako sumunod para pumalit sa upuan sa harap.
"Kung di ka lang badtrip, ikaw na sana magmamaneho"
Nahihiya ako sa kaibigan na halos buong araw na pabalik balik sa mga nadaanang lugar namin.
Buong araw rin hindi mapalagay tong puso ko, lalo na sa mga nangyari kanina.
"Babalik pa ba tayo dun kay Rence?"
"Oh bakit? Miss mo agad?"
Hindi ko na lamang pinansin ang banat nitong joke dahil baka humaba pa.
Nagpatuloy sa pagmaneho ang katabi, nakakapagtatakang pinagbigyan ako nito ngayong araw kahit wala naman akong nakwento.
Nanumbalik yung mga salitang narinig ko sa kabilang linya.
"You told Mich about us?"
"You told Mich about us?"
"You told Mich about us?"
Parang sirang plaka ang ganung boses na paulit ulit bumabalik sa isipan.
Gusto ko mang lakasan ang loob para kausapin si Erin pero tila naunahan na ako ng iba.
Ano yun? May ugnayan sila ni Mich habang sila ni Erin? Pano naman yung isang babaeng sumundo sa kanya? Yung kasama sa mga litrato nito sa resort?
Sa pagkakakilala ko sa gurong yun, wala sa hitsura nito ang magsabay ng tatlong babae.
Kung totoo man, ganun na ba ka marytr si Erin para pumayag na lamang?
Kaya pala pati mga magulang ng mga ito ay kilala na.
Kung tama man yung hinala ko, wala ng dahilan pa para magtanong kung bakit nakalimutan na lamang ako ng basta basta.
Magkaibigan lang naman kami.
Para sa kanya.
Ano pa bang laban ko dun? Palaging kasama, kilala yung pamilya, may trabaho, lamang lang ng isang ligo, yun lang.
Pero kung masaya si Erin, wala naman ako sa posisyon para pigilan siya.
Nagawa niya ngang bumiyahe ng ilang oras mahagilap lang si Rence, anong laban ko sa isang aya lang sa kanya ay hindi ako pinagbigyan.
Ayokong masira yung relasyon ko sa mga kaibigan, kaya kahit kaya kong magpanggap, gagawin ko.
Kahit ang kapalit nun ay di ko kailanman magugustuhan.