Chapter 101
Wala akong boses na mailabas nung marinig ang sinabi ng lalaki.
Pakiramdam ko may nagawa akong mali sa kanya pero nilihim niya lang sakin.
Iniwas ko nalang yung tingin sa iba at di akalaing magtama yung tingin namin ni Drake.
Akala ko mauna itong iiwas pero dumaan ang ilang segundo ay nakatingin parin sakin. Yung tingin na pakiramdam mong pilit niyang alamin yung laman ng kaluluwa ko ngayon.
Ibinaling ko nalang yung tingin sa kawalan at nakinig sa patuloy na tanungan ng mga kasama.
Kumalma narin si Rence at umupo na sa gawi namin.
"You don't have to worry about me, I just want to stay here for weeks" wika nito samin.
Hindi ko alam pero iniwasan kong magtagpo yung tinginan namin.
"Kung gusto mo, hahayaan ka nalang namin dito pero ipaalam mo naman sana sa parents mo. Hindi madali yung ganito Rence"
Tumatango yung iilan sa mga kasama nung magsalita si Jessy.
Natahimik ang lahat kaya napilitan akong tumingin sa kanila.
"Hinanap ka namin kung saan saan, pati sa park dumaan kami" boses iyon ni Mich na ikinalingon ko.
Tumingin lang ng diresto si Rence sa babaeng nagsalita.
Mukhang magkaugnay ang tinginan nito pero hindi pinapahalata.
"Oo nga bro, dumaan kami sa Park kanina"
Dagdag ni Allen na katabi ko lamang.
Napayuko nalang ako dahil ayokong dumaan yung mata nito sakin.
"It's fine, forget that place"
Naninibago ako sa lalaking binisita namin ngayon. Halos magkaparehas yung pakikitungo nito nung panahong hindi ko siya kilala, nung panahong akala ko eh hindi kami magkaugnay.
Halos pasado na ito kung sakaling may balak pumasok sa Showbiz dahil kaya niyang baguhin ang ugali dala ng pag arte.
"Iho"
Nakuha ni Ginang ang atensyon naming lahat habang may dala na naman itong tray ng bibingka.
Inilapag niya lang ang dalang pagkain sa mesa katabi nung apat na bibingka kanina.
"Pasensya ka na, hindi ko rin inasahan ang pagbisita nila ngayon. Baka oras narin para magpakita ka sa mga magulang mo anak"
Nakatayong tumabi si Ginang sa gawi ni Rence, nakikinig lang kami sa pinag usapan nito.
"Kumain na kayo dito" aya niya samin.
"Salamat po"
Nagsigalawan ang kamay ng mga kasama at kanya kanyang kumuha ng pagkain.
Hindi natinag si Rence na mukhang seryoso sa iniisip.
"Kayo po"
"Nako hindi na"
Nakatayo lamang ito sa tabi ni Rence habang nanood sa kanya kanya naming mga kilos.
Ilang sandali pa'y tumayo ang lalaki at binuksan yung isang de lata ng condensed milk tsaka nilagay sa harap namin.
"Sandali nakalimutan kong mag init ng tubig"
"I will help you po"
Nung makaalis na sa kusina sina Ginang at Rence ay agad nag ingay yung mga kasama.
"Uuwi ba yun?"
"Di ko alam"
"Mukhang next week pa yata"
"So pano tayo? Uuwi na?"
"Aba malay ko sayo, basta uuwi ako maya maya"
Yung natatanging nag ingay lang ay sina Andi, Warren at Jessy.
Nagpatuloy lang ako sa paglamon habang nakapwesto sa gitna nina Allen at Andi.
"So ano ngang meron dun sa Park mich? Kanina ko pa tinatanong yan" seryosong tanong ni Warren.
Naninibago rin ako sa lalaking to dahil hindi parin natapos kakatanong.
Nagkunwari akong hindi interesado sa pag uusapan nila.
"Niyaya niya ako sa Casa Victorina pero di ako pumayag, sabi niya kahit saglit lang sa Park. Hindi ko naman alam na seryoso siyang pupunta dun kasama kayo"
"And until now you really thought I was joking"