Chapter 100

Gusto kong tanungin ang dalawa sa mga naging usapan nila Ginang kanina pero pinipigilan kong magsalita.

Nagtitimpi lamang ako sa pwesto habang patuloy na tinatanong ng mga kasama ang dalawang nauna.

"Ayaw kasing ipaalam ni Rence na dito siya namamalagi, parang napilitan nga si Ginang na magsabi samin kanina kung di lang kami nagkwento ng kung ano - ano" paliwanag ni Jessy sa amin.

Ano ba kasing problema ni Rence? Hindi ko talaga maintindihan. Wala akong makitang rason para iwasan niya kami, kaming lahat.

Ilang sandali pa'y nagtaka ako kung bakit nag uunahang lumapit sa gawi namin ang dalawang lalaking naka abang malapit sa pinto.

Napaupo ang dalawa na tila may tinataguan.

Binigyan nila kami ng senyales na dumating na yung taong hinihintay namin.

Natahimik rin agad nung nakuha ang gustong sabihin nito. Kinakabahan ako sa maaring matunghayan.

Kung anong magiging reaksyon ni Rence pag nakita kami. Magagalit ba sya? Iiwas? Masisiyahan?

Narinig namin ang iilang ingay ng hakbang matapos nakadaan sa gate.

Pasimple kong nilingon ang kamay ni Andi na mahigpit na nakahawak sakin. Maging ang katabi nitong lalaki sa kabila ay nagtaka rin sa ginawa niya dahil dinamay pa ito.

Para tuloy Ina na kinakabahan sa laban ng anak na sumali ng beauty pageant.

Sinamaan ko ng tingin si Warren dahil pinagdikit ang parehong mga kamay nito hanggang sa nagkabuhol na ng tuluyan. Di na hiya!

Nahampas siya  ng mahina ni Andi kaya binawi nalang yung kapwa kamay samin.

Napailing nalang ako sa kapilyuhan ng kasamang lalaki.

"D - drake"

Sabay na nagsalita si Mich at ng babaeng katabi ko kaya napatayo kaming lahat nung makita rin sa wakas ang lalaki na nakatayo na sa may pinto.

Gulat na gulat sa mga bisitang natunghayan.

Maging ako rin ay nagulat sa hitsura niya ngayon.

May bitbit pa itong hinog na saging sa kaliwa at plastik na supot sa kanan lulan ang dalawang maliit na lagayan ng tubig.

Bihis pambahay ang soot niya ngayon na minsan ko lang nakita sa kanya. Hindi ko masyadong napansin ang bag sa likod nito dahil natabunan ng makisig niyang pagtayo.

"Why are you here?"

Diretso lang yung lakad nito na dumaan sa gawi naman pumunta ng kusina. Tila dismayado sa mga bisita.

Unang sumunod si Allen na dali daling nakatayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

"Rence, marami nang naghahanap sayo"

Maging kami rin ay napasunod sa kusina nung nagsilapitan na ang mga kaibigan.

Naabutan kong ibinaba nito ang kulay itim na bag at nilagay ang saging sa gitna ng hapag.

"I'm alive bro, no need to worry about me"

Nagsiupuan kami sa dining area habang pinagmasdan ang mga kilos ni Rence na hindi parin lumilingon samin.

Hindi parin nakuntento dahil kumuha na naman ito ng malamig na tubig at uminom patalikod.

Agad na gumalaw yung mga mata ng mga kasama dahil naguguluhan sa pinag gagawa ng kaibigan.

Maging ako rin ay hindi maintindihan dahil malinaw naman na iniiwasan nito ang presensya namin.

"Rence, may problema ka ba samin? Humarap ka nga dito"

Hindi ko inasahan ang seryosong boses ni Andi kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

Ilang segundo mula nun ay hindi parin humaharap si Rence.

Ano ba kasing problema nito?

"Rence, nag alala na yung Mommy mo"

Kita ko kung paano dahan dahan gumalaw yung leeg niya. Hanggang sa nakaharap na ng tuluyan.

"You too, why are you here?"