Chapter 102

"Sunod sunod na naglabasan yung iilang sekreto, habang ako walang kaalam alam"

Pagkarinig ko nun kay Jessy ay napalunok ako tila nabagabag at nakonsensya sa mga nililihim.

Naiwan sa dining area sina Warren, Andi, Mich at Rence habang nasa labas naman nag - uusap yung dalawa pang lalaki.

Hindi ako nakasagot sa mga malalim na sinabi ni Jessy. Parang nawalan ako ng ganang gumalaw sa sofa at nakatitig lang ng diretso sa kawalan.

"Kayo ni Drake, baka meron din kayong tinatago ah"

Kusang kumilos yung leeg mula sa pagkakasandal at agad tiningnan ang natatanging katabi.

Rinig ko mula rito ang ingay ng apat sa kusina pero hindi ko ito pinansin.

"Ano namang itatago namin ni Drake, di na kami nag uusap no" walang gana kong sagot at ibinalik ang tingin sa harap.

"Bakit? Share naman diyan"

Kung may susunod mn sa version ng kakulitan nina Warren, Drake at Andi panigurado tong si Jessy na.

Kita ko sa gilid ang papasok na imahe ni Drake mula sa labas.

"Gumagabi na, sasabay ka ba?"

Alam kong hindi ako ang kinakausap nito pero nakakainis makitang umiiwas ito sakin.

"Syempre, isa lang naman yung daanan natin. Pano si Warren?"

Pinagmasdan ko lamang ang kilos ng lalaki na hindi kailanman tumingin sakin. Dumiretso ito sa gawing kusina, rinig na rinig ang ingay ng mga usapan ng apat.

"Anong nangyari don? Kanina pa mainit yung ulo"

Napasunod si Allen sa kaibigang lalaki na ngayon ay nakaupo na sa couch malapit sa bintana.

"Okay naman si Drake kanina"

"Nag away ba kayo Erin?"

Nanliit yung mata ko na humarap kay Allen, pinagsasabi nito.

"Hindi no, kanina pa kayo nitong si Jessy di na nga kami nag uusap"

"So may LQ nga?"

Tila nawalan ako ng ganang sumagot sa kasamamg babae dahil paulit ulit nitong sinasabi na may tampuhan kami ni Drake.

Ganun ba talaga kami kahalata?

"Uuwi na yata" wika ni Jessy.

Napaupo ako ng maayos nung tumambad si Rence sa sala, kasunod ng tatlong kausap nito na mukhang may sadya samin, sadya sakin.

Liningon ko sina Warren at Andi na may pinapahiwatig sakin, pawang naghihintay lang.

"Mauna na ako sa labas"

Sulpot ni Drake sa gitna ng mga kaibigan at umalis ng pinto.

Ganun ba talaga sya ka atat umuwi ng bahay nila?

Wala ni isang tumabi samin na umupo, parang minamadali rin ang sasabihin.

Tiningnan ko si Mich na nasa gitna nina Andi at Warren.

Mula nung inamin ni Rence na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Mich ay dumistansya muna ako, buti na nga lang sumama tong si Jessy sa pag iwas ko.

Hindi ko masyadong napansin na mula nung nakauwi kami sa kanya - kanya naming bahay ay nagtuloy tuloy na ang ugnayan nung dalawa.

Sabagay, kung sina Warren at Andi nga ay nagawa pang magdate pano pa kaya yung iba.

"Before you leave guys, I have a confession to make"

Di parin talaga nagbabago tong lalaking to, Ingles parin ng Ingles.

"Ano yun Rence? Na nililigawan mo si Mich?"

Kita ko kung paano nag iba yung reaksyon ng mga kaibigang nasa harap.

Pinipigilan rin ni Mich ang pagbago ng kulay sa mga pisngi nito, pero sadyang hindi marunong magsinungaling ang mga mata.

"Nope, something about me and Erin"