Chapter 9
NINE THIRTY AM lumabas na sa office niya si Ace para sa kanyang meeting.
"Maan, let's go," aniya.
Nagulat si Maan sa sinabi ng boss."Sir, saan tayo pupunta?" tanong niya dahil maaga pa para sa meeting nito.
"Anong saan? di ba sabi mo kanina may meeting ako ng ten?"
"Oo, Sir, pero wala pang ten ah, excited ka naman masyado Sir, ibang-ibang ka talaga ngayon."
"Maan, kung ano-ano ang pinagsasasabi mo na naman, get ready."
"Sir, sabi ko nga maaga pa hindi naman tayo maglalakad bakit ba nagmamadali ka?"
"Mabuti na 'yon tayo ang mauna kasya sa mga meeting ko."
"Inspired ka yata sa araw na ito ah, Sir?"
"Inspired na agad di ba puwedeng sinisipag lang ako ha, Maan?"
Napataas ng kilay si Maan sa sagot ni Ace. Hindi naman nagsasalita ng ganito ang boss nila. Well sa lahat ng employee ito siya lamang ang nakakasagot dito, parang friend lang sila o kaya close ma close ba. Siya lang naman kasi ang nagtagal na secretary nito kahit na masyadong masungit minsan.
"Sir, pag may inspiration ka talagang sisipaging ka, itanong mo kay Lynne, Sir, alam niya iyan kasi teacher siya ng high school."
Nanglaki ang mata ni Lynne dahil isinali pa siya ni Maan sa usapan ng mga ito ang sarap lang hilain ang buhok nito sa kilay eh.
Napatingin si Ace sa dalagang nakaupo sa lamesa niya. At muling ibinalik ang tingin kay Maan."Ano naman ang connection sa pagiging teacher ni Lynne sa sinisipag ako at sa inspired na iyan ha, Maan?"
"Sir, ang isang istudyante pagnakikita niya ang kanyang crush sa school lalo pa't magkaklase sila siguro ma-inspire yan sa pag-aaral niya kung bobo ito sa Mathematics maging matalino habang sumasagot sa test nakatingin sa crush nito kaya sinisipag pag aral, di ba, Lynne?"
"Ha? Oo," biglang sagot ni Lynne.
"Oh, kitam, Sir."
Napakunot ng noo si Ace."Siguro ganon ka, Maan."
"Sir, lahat naman kaming mga babae pag high school di ba kinikilig sa mga guwapong boys. Kahit ikaw Sir, possible naman na wala kang crush noon nag-aaral ka?"
Na amused si Lynne sa usapan ng dalawa para lang nagmamarites sa kanto ang tanungan eh.
Hindi naitago ni Ace ang pagsilay ng ngiti sa labi niya he remember ng makita niya ang unang babae na crush niya shy type palang siya noon.
"Oh kita mo Sir, tama ako."
"Ikaw talaga, Maan, ang dami mong alam, ano naihanda mo na ba ang mga dukomento para sa meeting ko."
"Oo naman Sir, you know me. I'm always ready for that. "
"Good, tara na."
"Sir, wait lang hindi pa ako nakapagretouch ng makeup ko."
Napatingin si Ace sa kanyang relo."Maan, dahil sa ka dadaldal mo hayan mag ten na huwag ka ng magretouch pa."
Napatingin si Maan kay Lynne."Sir, naman, look at me oily ang face ko, need to retouch, eh."
"Malate na nga tayo."
"Kung ayaw mong malate Sir, si Lynne, na lang ang isama mo."
Napabaling bigla ng tingin si Lynne sa dalawa."Ako?" aniya pa.
"Sino pa ba ikaw lang naman ang bagong Lynne dito."
"Maan, wala pa akong alam diyan."
"Sir, isama mo na si Lynne, para alam niya ang pasikot-sikot pag may meeting ka sa labas."
"Hmmm, tama ka Maan, Miss San Pedro, let's go."
"Maan?"
"Don't worry, Lynne, mag assist si sir, sa iyo siya muna ang bahala di ba, Sir?"
"Yeah, tara na ubos na ang oras sa usapan ito, mauna na ako sa iyo hintayin na lang kita sa kotse ko," aniya.
Kaagad na tumayo si Lynne kinuha ang bag niya at siya'y lumapit kay Maan.
"Heto ang mga papeles, Lynne si Sir na ang bahala sa iyo."
Pinaglakihan ng mata ni Lynne ito.
"Good luck, Lynne, huwag kang mag-nervous ha relax enjoy the date with him."
"Pahamak ka, Maan!"
"I'm not," sabay kindat niya dito.
"Diyang ka na nga lang," umabas na siya.
Naghihintay nga si Ace sa kotse nito hindi sa loob kundi sa labas.
Nang makalapit na si Lynne binuksan nito ang pinto."Hop in," aniya pa.
Ang puso ni Lynne tuwang-tuwa ito tila gusto pang humalakhak. Aba gentleman naman ng boss niya o kaya naman ang sweet nito.
"Sa... salamat, sir," may kabang aniya at agad na sumakay.
Habang nasa daan sila kay tahimik nila nakikiramdam lamang ang isat-isa.
Patingin-tingin lang si Ace sa dalaga.
Si Lynne asiwa siya kasi dalawa lamang sila tuloy hindi alam kung ano ang kanyang gagawin at pakiramdam niya panay ang sulyap ng boss sa kanya. At siya'y nagpipigil na huwag tumingin dito.
Hindi nakatiis si Ace baka mapanis ang laway nilang pareho kaya siya'y nagsalita na.
"So, matagal kana ba rito sa Manila?" manimula niya.
Isang mabilis na sulyap ang binigay muna ni Lynne sa boss."Hindi sir, bago lang ako rito."
"How long have you been here?"
"Isang buwan palang, Sir."
"One month?" ulit niya sa sinabi ni Lynne.
"Yes, Sir."
"Saan naman ang province mo?" alam niyang nasa resume nito ang address pero hindi niya matandaan na.
"Nueva Viscaya, Sir."
"Oh, nadadaanan ko pag nagpupunta ako sa Cagayan.
"Yes Sir, talagang madadaanan mo sa amin."
Napatingin si Ace sa dalaga ng huminto sila dahil naka red light
Pakiramdam ni Ace tila may lungkot sa tinig ng dalaga ng bangitin nito ang lugar nila. He can sensed na meron itong dinadalang problema o ano man ito. Hindi naman niya puwedeng tanungin kung ano ito masyadong personal na saka hindi sila close tanging ugnayan nila ngayon ay boss and employee.
Nakarating na sila sa Villa Verde Hotel and Restaurant sa Timog Avenue. Pagkaparada ni Ace sa kanyang kotse sa parking lot.
Bubuksan na sana ni Lynne ang pinto."Don't I open for you," pigil niya.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Lynne pero agad din nawala baka makita ng boss niya ito. Kasi naman kinikilig siya sa pag ka gentlemen nito. Pero nakapagtataka naman yata ito eh secretary siya nito ah, hindi girlfriend. Pero the way he treat him aba girlfriend na girlfriend ang dating. Gustong sampalin ni Lynne ang sarili asyuming yata ang peg niya.
Kaagad ng bumaba di Ace at binuksan ang pinto sa gawi ni Lynne.
"Salamat," ani Lynne pagkababa.
Tumango lang si Ace sa babae. Being gentleman is right what he was doing, but they are boss and employee. Hindi dapat ginagawa ng isang boss ang ginawa. But this is his heart wanted to do to her at hindi niya kayang pigilan ang nais nito.
Pumasok na sila sa restaurant.
Kaagad silang sinalubong ng mga waiters. Sinabi ni Ace na may reserve na silang table para sa meeting nila.
"Sir this way," ani ng waitress.
"Has anyone come here yet?" Ace asked the woman.
"Wala pa Sir, kayo ang na una."
"I see, Lynne, let's go."
Hindi muna humakbang si Lynne kasi nakatayo si Ace ang gusto niya ito ang mauna dahil boss niya ito.
"Lynne, go," aning muli ni Ace.
"Sir, mauna kana."
Para kay Ace ladies first hinawakan niya ang siko ni Lynne. Gulat at napasinghap ang dalaga ng dumantay ang kamay nito sa balat niya.
Narinig ni Ace ang pagsinghap ni Lynne and he knows why dahil kahit siya he feel electricity again going up to his nerve ng mahawakan niya ang makinis na balat nito.
Pakiramdam tuloy ni Lynne boyfriend niya ang boss sa sandaling iyon ganon kasi ang napapanood niya at nakikita narin sa kanila.
"Huwag kang mag isip Lynne, gentlemen lang talaga siya," aniya sa sarili.
Magkatabi silang naupo nag order muna ng kape niya si Ace juice naman kay Lynne habang hinihintay nila ang taong ka kanilang ka meeting.
Ten seconds ang lumipas ng tumunog ang mobile ni Ace na nakapatong sa lamesa. Kinuha niya ito."Hello," sagot niya.
"Ace La Trinidad?"
"Yes, speaking."
"I am Leon. I apologize for being unable to attend our scheduled meeting today. I have a problem that needs to be fixed in my office right away. Can we schedule our meeting on an other day?"
"Sure, no problem, Leon, take your time, I know they need you. If you are ready, then just call my secretary to reschedule our meeting. "
"I'm sorry to trouble you, Ace. Are you in our meeting place now?"
""No need to say sorry, I understand your situation. Leon, I experienced that too. Yes, I am here now. "
"Thank you for that, Ace. Sorry again bye!"
"Bye."Pagkalapag ni Ace sa mobile niya sa lamesa napatingin napatingin si Lynne sa kanya.
"Our meeting is cancelled," aniya.
"Kung ganon Sir, babalik na tayo sa office."
"No."
"May iba pa ba tayong pupuntahan na meeting mo, Sir?"
"Wala na, tutal narito na rin lang naman tayo at lunchtime na we eat here."
"My goodness ito ba yong sinabi ni Maan, enjoy sa date ko oh my."
Hindi naman improktita si Lynne she feel happy kasi naman boss mo makakasalo mo sa pagkain.
"Order na tayo," tinawag ni Ace ang waiter.
"Lynne, order what you want." Inabot ni Ace sa menu sa dalaga.
"Kahit ano na lang, hindi kasi pamilyar sa akin ang mga putahe rito."
Ngumiti si Ace dahil nagpakatotoo ito.
"Okay, I order for you."
Sinabi nga ni Ace ang order niya para sa kanila ng dalaga.
Wala na naman silang imikan habang hinihintay ang kanilang order.
Hindi nila alam kung ano ba ang hahawakan nila para lang may magawa sila pareho.
Napapangiti si Ace kasi naman ewan ba niya ibang-iba ang pakiramdam niya ngayon dati-rati kasi pag ganitong may kasama siyang babae lunch or dinner nang-aakit ang mga tingin at ang labi nila tila ba sinasabi na come kiss me naninibago siya sa kanyang kasama. Umaasa ba siya na ganon ang gagawin ng kasama sa kanya? Para sa kanya man gusto niya ang ganito mahiyaan yata ang bago niyang secretary kahit sulyap man lang sa kanya hindi nito nagagawa. Kung saan-saan nito binabaling ang tingin sa tingin nga niya iniiwasan nitong tignan siya. Napapatitig siya rito well ang simple lang ng ayos nito but for him it's perfect.
"Alex, dito tayo kakain?"
"Oo, anong masama? restaurant ito."
"Alam ko, pero class na restaurant ito, ah."
"So?"
"Mahal ang mga pagkain dito."
"Treat ko di ba kaya halika ka na sa loob, para makapag-usap tayo ng maayos tungkol sa atin dalawa, at peace offering ko narin ito sa iyo." Ginagap niya ang palad ng nobya papasok sa loob ng restaurant.
Hindi naman na tumutol pa ang dalagita nagpatiunod na lamang sa gusto ng nobyo.
Pagpasok nila sa loob."Ah, Miss, good for two table," turan ni Alex sa waitress.
"Sumunod kayo sa akin Sir, Ma'am." turan ng waitress.
Sumunod sila sa waitress.
Napatingin si Ace sa dalawang kabataan na dumaan sa kanila ganon din si Lynne.
"Alex?" wika niya ni Ace.
Nagulat ang binatilyo ng makita ang ama.