Chapter 10

"DA... DADDY?" may takot sa tinig nito.

Napatingin si Ace sa kamay ng dalawa na magkahawak. Gustong sitahin ni Ace ang anak pero nagpigil siya dahil nasa public place sila.

"Join us," aniya.

"Pero dad..." sabay tingin ni Alex sa kasama ng ama.

Nakuha naman ni Ace ang ibig sabihin ng anak."She's my secretary," aniya.

Pilit tinatanggal ng nobya ni Alex ang kamay nito lalong hinigpitan ng binatilyo ang pagkahawak naman. He want to show to his father na kahit paano hindi siya natatakot dito.

"Dad, sa ibang table na lang kami kakain."

"No, maupo na kayo," madiin turan ni Ace.

Walang nagawa ang dalawa kundi sumunod.

Pagkaupo nila."What your name, hija?" agad na tanong ni Ace sa dalagita.

Kinakabahan ang dalagita alupihit ito dahil kinakabahan.

Wala naman kibo si Lynne nakikiramdam lamang siya.

"Huwag kang mahiya O matakot sa akin, I'm just asking your name."

"Dad, siya Celine."

"Ikaw ba ang tinatanong ko, Alex, mute ba siya?" malumanay man ang pagkasabi niya pero mahahalata mo ang pagkamautoridad sa tinig niya.

"Dad, nahihiya lang siya sa iyo."

"Nahihiya, she's your girlfriend right?"

Tumango si Alex sa ama.

"Them sa bata ninyong 'yan is not suppose na may girlfriend O boyfriend kayo. So, bakit siya nahihiya sa akin dapat sa magulang muna niya siya mahiya hindi sa akin!"

Nararamdaman ni Lynne ang tension sa pagitan ng anak nito.

Ewan ba niya kung anong nangyayari sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ng boss and telling him."Ace, tama na."

Nabigla si Ace sa ginawa ng secretary at sa pagtawag nito sa kanyang pangalan he likes it kay lambot ng pagkabigkas ng babae. At siya'y napatingin sa kamay nito na nakapatong sa kanyang kamay.

The electricity begin again na sa tuwing madidikit siya rito nararamdaman niya ito.

Napabuntong-hininga tuloy siya ng lihim.

Nagulat naman si Lynne sa ginawa niya ng mapagtanto niya ito pa simple niyang inaalis ang kamay na nakahawak kamay ng boss at bigla siyang nahiya napayuko siya. Ano ba kasi ang nangyayari sa kanya bakit ba bigla na lang gumalaw ang kamay? Hay parang gusto tuloy niyang kuruting ito at sabihin naughty hand.

Ace looked at Lynne gusto niyang ngumiti para kasing bata ito na nahuli ng ina sa maling ginawa.

"Carlo, mag order na kayo ng pagkain ninyo," baling niya sa anak.

Kaagad na kumaway ito sa waiter.

Wala silang imikan habang kumain nagpapakiramdam sila isat-isa.

Hindi naman tiis si Alex ito'y nagsalita."Dad, bagay kayo?"

Muntik ng mabitaw ni Lynne ang hawak na tinidor sa narinig niya.

Naget ni Ace ang ibig sabihin ng anak pero nag kumwari siyang hindi."What you mean bagay kami?"

"Dad, naman bagay it's mean puwedeng maging kayo o maging girlfriend mo, ligawan mo kaya siya," dere-deretsong turan nito.

Ibiniba ni Lynne ang hawak na kutsara at tinidor baka mabitawan na niya ito.

Sinakyan naman ni Ace ang tinuram ng anak he wanted to tease his new secretary."You think so, Alex?"

"Oo naman dad, I like her hindi kagaya ni Mariz."

Sa narinig na pangalan ni Lynne naalala ang kasama ng boss na nakita nila Maan na kumakain sa restaurant.

Napangiti si Ace sa tinuran ng anak ngiting ngayon lamang nakita ni Alex na ngumiti ng ganu'n ang ama.

"Dad, your smile is good mas lalo kang naging handsome."

Lalong sumilay ang ngiti sa labi ni Ace bolero din pala ang anak."Huwag mo akong bolahin, Alex."

"Dad, I'm just telling the truth, siyempre guwapo ka ganu'n ako and I like her to be my mom or mother."

Nasamid bigla si Lynne sa narinig niya.

May pag-alalang dinaluhan siya ni Ace.

Mabilis na dinampot naman ni Ace ang basong may laman tubig."Here drink water," aniya.

Napangiti si Alex sa nakita niya ang sweet pala ng ama.

Nang mainom na ni Lynne ang tubig."Are you okay now?"

"Oo, sorry."

Napatingin si Ace sa anak ang ngiting nakapaskil sa labi nito biglang nawala.

"Lynne, my son is just a joking palabiro kasi siya don't mind him."

"Dad, I said, it's true, I do really like her for you. Kahit na ngayon ko lamang siya nakita, magaan ang loob ko sa kanya, hindi gaya ni Mariz."

"Alex, stop saying Mariz's name."

"Okay ayaw ko rin naman banggiting ito but need, eh."

Napatitig si Lynne kay Alex at natanong niya bigla."Ilang taon ka na, Alex?"

"I'm fifteen po."

Napangiti si Lynne."Kahit edad mo pala ang kapatid ko."

"Where he's, Tita?" tanong ni Alex.

Umiling si Lynne.

"Hindi mo po alam samantalang kapatid mo siya."

"Isang mahabang kuwento ito."

"Puwede mo naman gawin short di ba po ba?"

"Hey! Enough, kumain muna tayo," awat ni Ace.

Agad naman sumunod si Alex sa sinabi ng ama. Kahit si Lynne binaling din ang attention sa pagkain niya.

Pagkatapos nilang kumain."Alex, di ba may klase pa kayo?"

"One subject lang ako dad, mamaya pa iyon."

"So, saan kayo pupunta niyang?"

"Maglakad-lakad muna kami sa mall dad, mainit sa labas, eh."

"Okay, let's go."

"What do you mean, let's go, dad?"

"Sasamahan na namin kayo, baka saan pa kayo mapunta."

"Talaga, dad?" may tuwang turan nito.

"Na excited ka yata, Alex?"

"Well yes, dad kasi ngayon lang tayo magkasama."

Sunod sunuran naman si Lynne gusto sana niyang tumutol kanina pero ng makita niya ang tuwang reaction ng anak ng boss hindi na siya nag salita pa.

GLORIETTA MAll. Dito sila pumunta malapit lamang sa restaurant na kinainan nila.

Naisip ni Ace na ito ang pagkakataon nila ng anak na magkasama kahit sandali lamang.

"Alex, take whatever you want," aniya.

"Really, dad?" excited na turan nito.

"Ayaw mo ba?"

"Gusto ko, dad."

"Go, dalawa kayo mamili din siya kung anong gusto niya, but make sure hindi kayo malate sa klase ninyo."

"Dad, promise no."

"Okay before you go to school, magkita tayo dito." Kinuha ni Ace ang wallet dinukot ang credit card niya binigay sa anak.

"Yes dad, Celine, tara na," kay sigla na wika nito.

Napangiti si Ace habang nakatingin sa papalayong anak.

Nakatingin naman si Lynne dito."Sana lagi kang nakangiti cute mo pa," aniya sa sarili.

Napatingin si Ace kay Lynne."Let's go," anyaya niya.

"Sa office?"

"No, take a look at some clothes, whatever na magustuhan mo."

"Ako Sir, wala akong pera para diyan," deretsong aniya.

"Sinabi ko bang bayaran mo?"

Iling ang sagot ni Lynne.

"So, tara na."

Atubili si Lynne sa gustong mangyari ng boss. Saka hindi siya iyon taong mag take advantage agad.

Naramdaman naman ni Ace na ayaw ni Lynne sa kanyang sinabi. He knows naman. Sa dikta ng isip at puso niya ginagap niya ang palad ni Lynne.

"Sir?" gulat na wika ni Lynne. Ngiti ang tugon sa kanya nito at hinila na niya siya papasok sa isang boutique.

Nakatingin si Lynne sa kamay nilang magkahinang well hindi siya improktita she love what happened now sumisigaw ang puso sa saya at siya ay napangiti sino ba ang hindi kung ang hahawak sa iyo guwapo na boss mo pa.

Nang nasa loob na sila."Look whatever you want, Lynne. Don't look at the price tag. Okay, just take it if you like it." Binitawan ni Ace ang palad nito para makatingin kung ano ang gusto nito.

Kumwari lang na tumingin si Lynne ang totoo hindi siya kukuha kasi napapasulyap siya sa tag price, kunti na lang isang buwan sahod niya ang presyo nito.

Napansin ni Ace ito he feel na hindi kukuha ng damit si Lynne may nakita siyang dress maganda sa paningin niya kinuha niya ito ibinigay sa sale lady."I take that," aniya.

Lumapit siya kay Lynne."Wala ka bang na gustuhan?" aniya.

"Wala."

"Bakit?"

"Hindi bagay sa akin ang mga damit rito."

"Hmmm, okay tara na kung ganon."

Nagtungo muna sila counter para bayaran ang damit na kinuha niya.

Paglabas nila sa boutique muling ginagap ni Ace ang palad ni Lynne. Ewan ba niya he like holding her hand normal lang naman ang palad nito hindi malambot kung ikukumpara sa palad ni Mariz malayo ito dahil kay lambot ng palad ni Mariz dito mo malalaman kung ano ang istado nila sa buhay sa tingin niya si Lynne ay palaban sa trabaho.

Ace and Lynne they walk like a couple.

Pumasok ulit sila sa isang boutique ng may makasalubong sila.

"Ace?"

"Mariz?"

Awtomatikong napatingin si Mariz sa kamay ng dalawa na magkaholding hands.