Chapter 8
KABADONG-KABADO SI LYNNE habang papasok na sila ng A&L Engineering Corporation building. First day niya ito sa trabaho.
Alam ni Maan, na kinakabahan ito."Relax, Lynne, kaya mo iyan, narito naman ako," pang palakas loob niya.
"Ibang-iba kasi ang pakiramdam ko, Maan."
"Excited ka lang makita si sir, Lynne."
"Maan!" saway niya.
"Bakit?"
"Baka may makarinig sa iyo maniwala pa sila."
"Ano ngayon dalaga ka educated pa so walang masama kung maging kayo ni Sir."
"Maan, iyan bunganga mo ano ka ba."
"Ang sabihin mo sana magdilang angel ako no."
"Ikaw talaga."
"Oh ano ready kana, Lynne?"
Nag pakawala muna ng isang buntong-hininga si Lynne."I'm ready," aniya.
"Good, let's go."
Mala secretary Kim ang outfit ni Lynne. Bagay na bagay naman sa kanya ang buhok nakatali ito.
"Good morning, Mary," bati ni Maan sa receptionist nila.
"Good morning to Maan, ikaw si ano nga pala pangalan mo i forgot?" baling nito kay Lynne.
"Lynne San Pedro."
"Oh ya, Lynne, welcome to A&L Company sana magtagal ka rito."
"Oo naman, Mary, magtatagal si Lynne."
"Hmmm, tignan natin kung kaya niya si, sir."
"Kaya-kayang niya malay mo makuha ni Lynne, ang attention ni sir di ba?”
"You mean is sir, got falling in love with her?"
"Korek, Mary."
"Well good luck sa iyo Lynne, I hope na sana nga eh si sir, mahulog sa iyo pag nangyari 'yon saluhin mo ha at huwag mong pakawalan pa."
"Kayong dalawa mag best friend nga kayo binubuyo ninyo ako, eh."
Ngumiti ang dalawa sa kanya sabay kindat nila sa isat-isa.
"Sige, Mary, papasok na kami sa loob para maturan ko si Lynne, sa gagawin niya."
"Okay go," sagot nito.
Itunuro ni Maan ang dapat na gawin ni Lynne habang wala pa ang boss nila.
Pagpasok ni Ace sa loob ng building.
"Good morning, Sir," bati ng mangilan-ngilan palang na employees niya dahil maaga pa naman.
"Good morning too," aniya rin at nilampasan na niya ang mga ito.
"Ang aga ni sir, ngayon ah, bakit kaya?"
Narinig ni Ace ang sinabi ng employee niya. Magtataka talaga sila dahil ngayon lamang siya pumasok ng ganito kaaga inunahan pa ang ibang employee niya pumasok.
"Baka may early meeting si sir, kaya maaga."
"Baka nga!"
Napaisip tuloy si Ace." Oo nga naman bakit ba kay aga ko eh, wala naman akong meeting ngayon?"
Nagmakita ni Mary ang boss nila nagulat din ito."Good morning, sir," bati niya ng tumapat ito sa kanya.
"Good morning too, Mary," tugon nito.
"Sir, good mood ka ngayon, ah? Anong meron?"
Napakunot-noo si Ace sa sinabi nito.
Nakita ito ni Mary."Lagot na, bakit ba kasi nasabi pa ito."
"What do you mean by that, Mary?"
"Ha-eh wala naman sir, nasabi ko lang kasi ibang-iba ang aura mo ngayon," kinabahan saad niya.
"Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo, Mary," iniwan na ni Ace ito.
Nakahinga ng maluwag si Mary ng wala na ang boss sa paningin niya."Mabuti na lang good mood talaga siya kung hindi naku lagot ako, eh," na wika niya.
Bawat makasalubong ni Ace binabati siya at may pagtataka rin sa mukha nila kung bakit kay aga niyang pumasok sa araw na ito.
"They're so weird, maaga lang akong pumasok ganon na ang reaction nila ako naman ang boss rito papasok ako kahit anong oras na gusto ko," napailing tuloy siya.
Na sulyapan ni Maan na paparating na si Ace siniko niya si Lynne.
"Bakit, Maan?"
"He's here."
"Sino?"
"Look ka sa may pinto!"
Napalingon si Lynne ewan ba niya bigla na lang nagdadabog ang puso niya ng makita ang lalaki.
"Hmmm, I smell something fishy, Lynne."
"Ha? Anong pinagsasasabi mo diyan?"
"Kasi first time ni sir, na pumasok ng ganito ka aga no, I know why."
"Tumigil ka, Maan, alam ko na ang ibig mong sabihin."
"Hayan na siya, guwapo talaga, eh," bulong ni Maan.
Ang puso ni Lynne kanina nagdadabog ngayon naman ay parang gusto ng tumakbo patungo sa boss nila.
Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib tila ba pinipigilan niya ito baka biglang lumabas patungo sa lalaki.
Huminto sa harapan nila si Ace.
Kaya naman samyo ng dalawa ang masculine scents nito.
"Lynne, hawakan mo ako baka bigla akong matumba," bulong ni Maan.
"Umayos ka nga," bulong din ni Lynne.
"Good morning both of you, Lynne welcome to the company sana maganda ang maging performance mo rito sa office ko," aniya.
"Para may bonus," sabat ni Maan.
"Yeah probably there's a bonus kung maganda nga ang ipapakita ng isang employees."
"I know, sir, Lynne, can do better than me."
Tatatango naman si Ace."Let's see how," aniya.
Nakatingin at nakikinig lang naman si Lynne kay Ace.
"You want to say something," ika niya kay Lynne.
Hindi naman nakasagot agad si Lynne kaya pasimpleng siniko siya ni Maan."
"Lynne, meron ka ba daw sasabihin," aniya pa.
Natauhan si Lynne."Oh, salamat, sir, sa pagtanggap mo sa akin, gagawin ko ang akin trabaho ng maayos, sir."
"Huwag puro salita, just do it okay."
"Okay, sir."
"Maan, may meeting ba ako ngayon?" baling niya rito.
"Yes, sir, pero mamaya pang ten am, ang aga mo ngayon ah, sir."
"Masama ba ang maging maaga pumasok ha, Maan?"
"Oh, hindi naman sir, something new kasi ang pagpasok mo ng maaga, bakit kaya?"
"Bakit kaya? What do you mean by that, Maan?"
"Ha, naku wala sir, maganda nga iyon maaga kang pumasok para tularan ka ng mga employee rito," ibang sagot niya.
"Ang we-weird ninyo, I came earlier may nasasabi na kayo," aniya.
"Baka naman may dahilan sir o kaya may gusto kang makita."
Kumunot muli ang noo ni Ace sa tinuran ni Maan. At siya'y napatingin kay Lynne.
"Sabi ko na, eh," anas ni Maan, pero dinig pa din nila Ace at Lynne ito.
Hindi malaman ni Ace kung sasagutin ba niya ito o hindi ang ginawa niya iniwan na lang ang dalawa at punasok sa opisina niya.
"Siya kaya ang weird."
"Ikaw talaga, Maan, ang taklesa mo."
"Oh di ba? Totoo naman ang sinabi ko ah. Tignan mo hindi siya nakasagot."
"Ewan ko sa iyo, ano na nga ba ang gagawin natin?"
"Asus kumwari karin eh, alam mo naman na ikaw ang dahilan kaya maaga si Sir ngayon."
"Siyempre bago lang ako baka gusto niyang makita na una akong pumasok kaysa sa kanya."
"Defensive masyado," bulong ni Maan.
Sa loob ng office ni Ace hindi siya mapakali."Obvious ba ako masyado, damnit?" Tayo upo tuloy ang ginagawa niya. When he looks at Lynne just now, his heart feels great. It seems like he said, "Yes, I saw her again."
Umupo siya at nagdayal.
Tumunog ang telepono sa table ni Maan.
Binuksan niya ang speaker."Yes, sir," sagot niya.
"Maan, make me a coffee please."
Napatingin si Maan kay Lynne na nakatalikod sa kanya at may naisip siya.
"Sir, may ginagawa ako eh, si Lynne, na lang ang papasok diyan."
"Ganon ba sige," ibinaba na niya ang telepono.
My mini kitchen sa loob ng opisina ni Ace kumpleto ito sa gamit.
"Lynne, pumasok ka sa loob ng office ni Sir."
"Ha? Bakit daw?"
"Gawan mo siya ng coffee, sarapan mo ha para hanap-hanapin niya."
"Ngayon na ba?"
"Bukas pa Lynne," biro nito.
"Ikaw ha!"
"Sige na pumasok kana baka kapeng-kape na siya."
May kabang tinungo ni Lynne ang opisina nito.
Kumatok muna siya."Come in," dinig niyang wika ni Ace.
Pumasok na si Lynne.
Napatingin si Ace sa dalaga."Make me coffee please," aniya.
Dali-dali naman nagtungo si Lynne sa kitchen. Na sobrang kaba ng dibdib niya. Habang nagtitimpla siya nanginginig pa ang kanyang kamay.
Kanina pa pinindot ni Lynne ang electric kettle pero hindi ito umiinit. Iyom pala nakalimutan niyang i-switch on ito.
"Ay tanga ko talaga," anas niya.
Dahil matagal ang bago niyang secretary tumayo si Ace para tignan.
Hinahalo ni Lynne ang kape ng madatnan niya ito kaya kitang-kita ni Ace ang panginginig ng kamay nito.
Nang matapos mag timpla kinuha na niya ang tasa para dalhin sa kanyang boss. Nagulat siya ng makita niyang nakatayo sa pinto ito. Ang hawak niyang tasa ang laman nito parang nag-aalon na ito dahil sa panginginig niya.
Kaagad na kinuha ni Ace ang tasa baka matapon pa ito."Give it to me." Pagkahawak niya sa tasa napasama ang kamay ni Lynne. Ace felt the electricity going up to his hand, mind, and body.
nabuhay ang dugo sa bawat himaymay ng kanyang ugat na matagal din na hindi niya naramdaman ito.
Ace's sex life is okay, but what he feels right now is very different. What did he intend to do to now? Taste her thin lips. Of course he won't do it. He must control himself.
Sa totoo lang parang gustong sapakin ni Ace ang sarili. Dahil sa naradamang kakaiba ngayon sa babaeng nasa harapan, kilala naman niya ang sarili na hindi siya ganon na naisip halikan ang isang babae. Even his late wife he never think that way.
Ganon din ang naramdaman ni Lynne marami narin lalake ang nakahawak sa kanyang kamay hindi naman niya nadama ang nadarama ngayon sa boss niya.
"Hmmm, pasmado ka, ah?"
"Huh? Hi-hindi naman, sir!"
"No. So, are you nervous?"
"Ha-eh, hindi, sir." kaila niya pero talagang kinakabahan siya iba kasi presensiya nito sa kanya.
"So, bakit nanginginig ang kamay mo?"
"Malamig kasi, Sir." totoo naman malamig lalo na rito sa loob ng office ng boss.
"Nate-tense ka ba sa akin, Miss San Pedro?"
"Sino ba naman ang hindi," gustong isagot ni Lynne.
"Sir, puwede na ba akong lumabas nakapagtimpla na ako," ibang sagot niya.
"Okay go," aniya pero hindi naman siya umalis sa pinto.
"Sir, nakaharang ka."
"Oh," lumihis siya ng kunti.
Dumaan na ang secretary sa harapan niya amoy na amoy ni Ace ang normal na bango ng isang babae. Hindi pamilyar sa kanya ang amoy nito he think na hindi galing ito sa pabango he like it her smell.
Napasunod ang tingin ni Ace sa secretary niya papalabas na ng kanyang office. Ramdam niya na nagkakaila ito na hindi ni-nenerbiyos. Ace looked at his coffee napangiti siya bigla. He taste it napatango siya bumalik na siya sa lamesa niya.