Chapter 23
PAGLABAS NI ACE sa office niya deretso na siya sa bahay nila Lynne. Dumaan muna siya sa flowers shop para bilhan ang dalawang dalaga nang bulaklak.
"Maan, okay na ang lahat di ba?" excited na turan ni Lynne.
"Oo, iyan parang restaurant ang arrange ng table, ah."
"Siyempre, pakakasalo natin ang sweetheart ko."
"Take note, Lynne, kayo lang hindi ako kasali."
"Ha? Bakit, Maan?"
"Moment ninyong dalawa ngayon kaya bibigyan ko kayo ng privacy," nakangiting saad nito.
"Oy, Maan, ah, iba na iyan nasa isip mo."
"Naku-naku ang babaeng ito may sinabi ba akong iba, ikaw yata ang iba ang iniisip, Lynne."
"Teka nga, saan ka ba pupunta? Eh, ang dami nitong pagkain na iniluto natin?"
"Mag hunting ako ng nga boys baka sakaling makatisod ako kahit isa lang."
"Naghahanap kapa meron naman nagkakagusto sa iyo sa office, guwapo naman siya at mabait pa."
"He's not my type nga, eh!"
"Oh sige, pagtabi na lang kita ng para sa iyo para pagdating mo kakain, ha."
"Okay, paano aalis na ako ayokong madatnan pa ako rito ng sweetheart mo."
"Sige, ingat ka, at good luck sa hunting guys mo."
Isang matamis na ngiti ang tugong ni Maan sa kaibigan.
Kaaalis lang ni Maan ng may kumatok.
"Baka may nakalimutan si Maan." Agad na binuksan ni Lynne ang pinto.
Ang nakangiting si Ace ang nabungaran niya.
"Good evening, sweetheart, flower for you."
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Lynne."Thank you, sweetheart, pasok ka."
"Si Maan?"
"Wala siya ka aalis lang hindi mo naabutan, sweetheart."
"This flower is for her too. Give it to her when she's back, sweetheart. "
"Okay, halika na, sweetheart kumain na tayo," anyaya na ni Lynne.
"Sure, sweetheart."
Pagpasok nila sa kusina."Wow, sweetheart, nice dinner."
"Kami ni Maan, ang gumawa niyang lahat."
"Puwede na kayong magtayo ng restaurant, ah."
"Talaga? Pero try mo muna ang mga lasa kung okay sa iyo, sweetheart."
"Okay, let's eat."
"Hmmm, masarap, sweetheart, puwede nga kayong magtayo ng restaurant, good taste."
"Sinabi mo iyan ah, sweetheart."
"Yes, sweetheart, I'm the first one to eat kung sakaling magtatayo kayo."
"Kumain muna tayo saka iyan business na'yan."
Nang matapos na silang kumain dalawang silang nagligpit ng mga ginamit nila.
Nasa sala na sila."Sweetheart, gusto mo ng kape?"
"Yes please, sweetheart."
"Ipagtitimpla kita wait lang."
Nagtungo na si Lynne sa kusina.
Aligaga si Ace, hindi niya alam kung paano niya umpisahan sabihin sa dalaga ang lahat. Napahilamos siya sa kanyang mukha."Oh God, give me strength to tell her."
Habang nagtitimpla ng kape si Lynne.
Nakangiti siya at nasabi niya sa sarili kung mag attempts si Ace to make love with her tonight hindi siya tututol handa siyang ibigay ang nais nito.
Pabalik na siya sa sala nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga si Lynne.
"Sweetheart, kape mo."
"Thank you, sweetheart."
Hindi mapakali si Ace sa kinauupuan niya napansin ito ni Lynne.
"Sweetheart, anong nangyayari sa iyo?"
"Huh! Anong ibig mong sabihin sweetheart?"
"Something bothering you, naramdaman ko."
Huminga ng malalim si Ace."To tell you the truth, sweetheart, yes and I don't know kung paano ko sasabihin ito sa iyo."
"Sabihin mo sa akin, sweetheart."
"First of all, sweetheart, patawarin mo ako."
"Para saan naman ito?"
Tumayo si Ace Pakiramdam kasi niya hindi niya kayang makita ang reaksiyon ni Lynne sa sasabihin.
Napasunod naman ng tingin si Lynne kay Ace. At bigla nalang siyang nakadama ng kaba.
"Lynne..."
Gustong umiyak ni Lynne dahil pangalan na niya ang pagtawag ni Ace sa kanya. Pakiramdam niya sa sa sandaling iyon tila wala siyang lakas na ibuka ang bibig para magtanong dito.
"Ka... Kilangan na natin maghiwalay ng landas!" Naikuyom niya ang kamao and his voice was full of sorrow.
Tila ba nabingi si Lynne sa kanyang narinig."A... a... ano?"
"I will let you go now."
"Ano? Sandali hindi naman ako humihingi sa iyo ng space ah, bakit mo akong pakawalang?"
"I'm sorry, Lynne, from now on we're separated."
Napatayo si Lynne at humarap kay Ace she was so hurt right now."Bakit? Ano bang nagawa kung kasalanan sa iyo? Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito? Mahal mo ako di ba?"
"Patawarin mo ako, Lynne, alam mo kung gaano kita ka mahal pero I need to this."
"Bakit?" Lumandas na sa pisngi ni Lynne ang luha niya.
"Hindi mo na kailangan pang malaman pa, Lynne."
"Ace, isang tanong isang sagot. You will stay with me or leave me? "
"Lynne?"
Ace, pagsinabi mong stay with me. I will stay with you forever. If you leave me, I will hate you forever. And this woman in front of you, mula sa gabing ito o kahit na kailan, you're never gonna see me anymore until I die. "
"I will choose to leave you, Lynne, even if I can't, but I will. Forgive me, sweetheart."
Hindi na nagsalita pa si Lynne iniwan na niya ito pumasok siya sa kanilang silid. At dito niya ibinuhos ang pag-iiyak.
Napatingin na lamang si Ace sa pinto."Goodbye, sweetheart, I hope one day mapapatawad mo ako."
Lumabas na siya Ace ng bahay.
Nakatulugang ni Lynne ang pag-iyak ng dumating si Maan ng pumasok siya ng silid nila nakita niya ang luhaan mukha ni Lynne.
Umupo siya sa tabi nito."Lynne?" Pinunasan niya ang basang pisngi nito.
Nag mulat ito."Maan," muling nag landas ang luha niya.
"Anong nangyari sa inyo?"
Sinabi ni Lynne ang nangyari."Ano, ganon-ganon na lang walang dahilan."
"Wala siyang sinabi, Maan?"
"Lynne, baka may malaki siyang problema sa office kanina pinakuha niya sa akin ang file sa accounting department. Never naman niyang pinakialaman ito ah."
"Financial ba? Pero bakit nadamay ang amin relasyon?"
"Hindi ko rin alam, Lynne."
"Maan, hindi na ako papasok bukas pakiayos na lang ang mga gamit ko ha."
"Lynne, naman?"
"Bukas babalik na ako sa amin, Maan."
"Sasabihin mo ba sa kapatid mo ito?"
"Isasama ko siya sa amin para makita niya ang puntod ng magulang namin."
"Kung iyan ang gusto mo hindi kita pipigilan alam ko masyado kang nasaktan, sige ako nang bahala at ako narin ang gagawa ng resignation letter mo."
"Salamat, Maan, hindi kita malilimutan you're being a good friend of mine."
"Tama na ang pag iyak mo, huwag mong iyakan ang taong ng iwan sa iyo Lynne, ngayon ko masasabi na si Ace ay hindi karapat dapat sa luha mo kahit na nakita kung mahal ka niya, he's a loser Lynne, cheer up okay."
Napayakap ng mahigpit si Lynne kay Maan.
SA bahay nila Ace.
Pakiramdam ni Ace para siyang lantang gulay walang kabuhay-buhay.
"Hijo?" ang ama at ina niya.
"Pa, Ma, tomorrow everything is fine, back to normal na ang lahat, but me is not, I need to rest now."
"Dad?" si Alex."You did?"
Tumango si Ace sa anak."
Walang paalam na lumabas ng bahay si Alex.
"Apo, saan ka punta?" ang lola niya.
"Hayaan mo muna siya, nasaktan din ang bata, Amanda."
"Bakit kailangan mangyari ito okay na ang lahat, eh?"
"Maybe God, have plan to them, or they're not mean to be to each other, Amanda."
"Sana nga God have a better plan to them," napaluha ang ginang.
Nakahiga si Ace blanko ang isip niya sa nangyari sa kanila ni Lynne. Sa isang iglap wala na sila.
Napangiti ng mapait siya hanggang sa napahagulgul na lamang siya this is the first time he cry like this.
"I love you, sweetheart, I love you," aniya at siya ay nakatulog ng luhaan.
"Ate, Lynne," tawag ni Alex sa labas ng bahay nila Maan.
"Maan, si Alex?"
"Oo."
Kaagad na bumangon ang dalawa.
"Alex?" pagbukas ni Lynne ng pinto.
"Ate?" Yumakap ito sa kanya.
"Bakit narito ka gabi na, ah?"
"Dad, told us."
"Alex, okay lang ako."
"Ate, kung uuwi ka sasama ako puwede ba?"
"Iyan talaga ang balak ko pero babalik ka din sa kanila, isasama kita dahil pinangako ko kina Inay at Itay na dadalhin kita sa kanila."
"Dito na ako matutulog Ate, puwede ba?"
"Nagpaalam ka ba sa kanila?"
"Hindi pero alam nila na rito ako pupunta, Ate."
"Sige, bukas magpapaalam ka sa kanila dahil luluwas na tayo sa Nueva Vizcaya."
"Oo, Ate."
Kinabukasan nga maagang umuwi si Alex sa bahay nila tulog pa ang ama niya ng dumating siya sa lolo at lola na lamang siya nag papaalam pumayag naman sila.