Chapter 24
NANG NAGISING SI ACE bumaba na siya.
Nasa sala ang magulang niya."Ma, Pa, good morning." bati niya.
"Good morning to hijo," panabay nila.
"Si Alex?"
"Wala siya rito, hijo."
"Saan siya nagpunta ng ganito kaaga, Ma?"
"Sumama siya sa kanyang Ate, pauwi nang province nila, hijo."
"What? Bakit hindi siya nagsabi sa akin?" Kinuha ang cellphone sa bulsa."I call him."
"Tulog ka pa hijo, nang dumating siya kanina," sabi ng ina.
"Ace, hijo, let him, Ate naman niya ang kanyang sinamahan hindi ibang tao." sabi naman ng ama.
Muling binulsa ni Ace ang mobile."Okay, nagpaalam naman siya sa inyo, siya nga pala Pa, Ma, aalis muna ako ng bansa."
"Huh! Why, hijo?"
"MA, alam mo ang dahilan."
"Okay, saan ka naman pupunta?"
"Kay, Tita Via, muna ako, Ma."
"Kung iyan ang gusto mo hijo, go on."
"Sige, Ma, Pa, kakain muna ako and then mag book ako ng akin ticket, maybe Alex, won't come with me."
"Talagang hindi sasama sa iyo ang batang yong hijo, pero sa ngayon hayaan muna natin siya sa kanyang Ate, para makapagbonding din silang dalawa."
Tumango si Ace sa ina, tinungo na niya ang kusina para mag almusal muna.
"Paano na Maan, aalis na kami mag ingat ka rito."
"I hope na hindi ito ang huli natin pagkikita, Lynne."
"Ikaw ba, kung may oras ka dumalaw ka sa amin open ang bahay para sa iyo gaya ng ginawa mo sa akin rito Maan."
"Talagang pupuntahan kita, Lynne."
"Sige, Maan, nasa bahay lang naman ako."
Matapaos silang magpaalaman sa isat-isa lumabas na ng bahay ang magkapatid ayaw ng magpahatid pa ni Lynne kay Maan sa terminal ng bus baka doon pa sila mag iyakan."
Umaga nang dumating sina, Lynne sa Nueva Vizcaya. Tumuloy sila sa puntod ng magulang nila.
"Carlo, sila sina Inay at Itay."
Naramdaman na lang ni Carlo ang pagtulo ng luha niya.
"Inay, Itay, heto na ako gaya ng pangako ko sa inyo kasama ko na si Carlo, tignan ninyo oh, binata na ang guwapo pa," napaluhang turan ni Lynne.
Naupo si Carlo sa tabi ng lapida."Inay, Itay, hindi ko man kayo nakita at nakilala, nagpapasalamat pa rin ako sa inyo dahil narito ako sa mundong ito."
Tumabi sa pagkaupo si Lynne sa kapatid niyakap ito."Ngayon magkasama na tayo, Carlo, masaya na sina Inay at Itay sa kinaroroonan nila ngayon."
Ramdam ng magkapatid na tila nakayakap sa kanila ang magulang dahil pareho nilang nadama na may malamig na dumantay sa kanilang balat.
Nagpalipas muna ng ilang sandali ang mag kapatid bago sila umuwi.
SA OFFICE ni Ace nasa harapan siya ng building alam niyang hindi na niya makikita pa si Lynne sa loob pero umasa siyang makikita pa niya ang babaeng minahal niya kahit sa huling sulyap man lang sana.
Pagpasok niya sa loob ang kanyang mata nakatuon sa table ni Lynne nanglumo si Ace dahil wala ito.
"Sir," tawag ni Maan."
"Yes."
May inabot si Maan sa kanya na envelop.
"What's it?"
"Buksan mo sir, para makita mo."
Ramdam ni Ace na may galit sa kanya si Maan.
Pumasok na siya sa loob ng office niya binuksan agad ang envelop.
Resignation letter ni Lynne ito.
Napangiti ng mapait si Ace. Ramdan na lang niyang pumatak ang luha.
"Mahal na mahal kita Lynne, kahit na magkalayo na tayo I will keep on loving you. No one can replace you here in my heart," aniya.
Lumipas ang ilang araw nasa airport na si Ace bago siya makaalis tinawagang muna niya si Lance para muli niyang ihabilin na alagaan nitong mabuti si Lynne.
Isang linggo lamang si Alex sa sa Nueva Vizcaya nagpaalam na siya sa kanyang ate na uuwi muna siya.
Inihatid na lamang ni Lynne ang kapatid sa terminal ng bus.
"Carlo, hindi na kita ihahatid pa sa inyo ha."
"Oo Ate, na iintindihan kita, babalik din ako rito para dalawin ka."
"Gawin mo kung anong gusto mo, Carlo."
"Paano Ate aalis na ako take care yourself okay."
"Oo naman."
Nagyakapan silang mag kapatid.
Napaluha si Lynne habang nakatingin sa papalayong bus na sinakyan ng kapatid. Nang hindi na makita ang bus napabungtong-hininga siya alam niya na kahit kailan hindi na sila magkikita pa ni Ace. Pinunasan niya ang luhang lumandas sa pisngi niya at siya ay ngumiti kakalimutan niya na minsan may isang Ace La Trinidad na nakilala niya kahit alam niya sa puso na mahirap itong mangyari sapagkat ito ang unang lalaking minahal niya.
Pagdating ni Carlo sa kanilang bahay sa Manila.
"Alex, Apo, kay aga mo naman umuwi dapat sinamahan mo pa ang Ate mo roon."
"Okay na siya La, si Daddy pala?"
"Wala na siya rito, Apo."
"Nasa office niya, La?"
"No, nag punta siya sa Tita Via, mo sa America."
"Ano?"
"Apo, you know what happened right?"
Tumango ito sa lola niya.
"Umakyat kana sa silid mo, take a rest, Apo."
"Sige, La."
Malungkot na umakyat si Alex kaya siya umuwi para kausapin ang daddy niya na balikan ang kanyang Ate.
Lumipas pa ang mga araw naging tahimik ang buhay ni Lynne isang umaga habang nagwawalis siya sa bakuran nila ng may pumaradang kotse sa harapan nila.
"Huh! Sino naman kaya ito?" aniya pero hindi niya pinansin dahil wala naman siyang alam na bibisita sa kanya saka di kotse kaya ito. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa kaya hindi niya nakita ang pagbaba ng sakay ng sasakyan.
"Ah, miss puwede bang magtanong?"
Napalingon si Lynne sa nag salita.
Nang mapagsino niya ito napakunot ang kanyang noo minsan lang niya nakita ang lalaking ito noong kumakain sila ni Ace sa restaurant."Ano iyon, sir?"
"Well, hindi ko na kailangan pang magtanong nakita ko na ang nais kung makita," deretso nitong sabi.
Sa tingin ni Lynne siya yata ang pakay nito weh hindi nga. Hindi naman niya personal na kilala ito ah."Ako ba? At ano ang kailangan mo?"
"Wala naman napadaan lang ako rito."
"Huh? anong klaseng sagot iyan sige sabihin na natin napadaan ka pero istilo mo bulok! Pinapunta ka ba niya ni Ace?" deretso na niyang turan nasabi naman ni Ace na kaibigan ito.
"No!"
"No! buddy-buddy kayo di ba?"
"Ah, Lynne, puwedeng makiinom muna?"
"Sa nadaanan mo possible naman na walang tindahan."
"Okay fine, ikaw nga ang sadya ko, pero may nabili akong property na malapit lang dito."
"Ano ngayon?"
"Lynne, can we talk?"
"Walang dahilan para pakipag usap ako sa iyo."
"I know what happened between you and Ace, and you two broke up. Kung sasabihin ko ba ang dahilan kakausapin mo ba ako o sinabi na ni Ace ito sa iyo."
Umiling si Lynne. At sa puso niya nais din malaman ang totoo kung bakit nga hiniwalayan siya ni Ace.
"So, you want to hear the reason? Si Ace nga pala wala na siya rito sa Pilipinas."
Napayuko si Lynne sa huling sinabi nito.
"Okay kung ayaw mo hindi naman kita pipilitin, I have to go now titignan ko pa yon lupang na bili ko."
Sasakay na sana si Lance sa kotse niya.
"Teka lang sige sabihin mo sa akin ang dahilan," pigil niya sa lalaki.
Ngumiti ang binata sa narinig niya.
Pinapasok muna ni Lynne si Lance sa loob ng bahay."Maupo ka, gusto mo ng kape o kaya juice?" offer niya.
"Sige pero kape ang gusto ko."
"Sandali lang igagawa kita."
Nang wala na ang dalaga napatingin si Lance sa kabuuan ng bahay ni Lynne.
"Simpleng buhay," siya'y napangiti.
Pagbalik ni Lynne.
"Thank you," pagkaabot niya sa kape rito.
Humigop muna si Lance ng kape bago ng salita.
"Hmmm, nice taste," aniya sa kape.
Ngiti ang sagot ni Lynne dito hinayaan muna niya ang lalaki na makapag kape.
Nang malahati ni Lance ang laman ng baso niya."Okay ganito iyon. Ace, company is going bankruptcy, kung hindi niya gagawan ng paraan."
"Ano, paano nangyari iyon ang ganda ng takbo ng company niya alam ko iyan?"
"Yes, everything is going well, but when the investment company na nakatalaga sa America nagsarado ito na apektuhan ang company ni Ace, dahil lahat ng pera niya he invested to that company. Ace, got two options kung kanino siya kukuha ng pera. One option you know Mariz, right?"
Tumango si Lynne.
"Nag offer ang father nito ng pera kay Ace, ang kapalit marry Mariz, siyempre hindi gagawin ito ni Ace dahil nga sa iyo. Two option I offer him that money he needed, ang gusto ko layuan ka niya and he did ng ganon-ganon na lang."
"Bakit ako? Di ba kaibigan mo siya, dapat pinahiram mo na lang siya babayaran din naman niya pag okay na ang lahat!"
"I told him the reason kung bakit ikaw ang kapalit, I like you."
Biglang nakadama ng galit si Lynne sa lalaki."Okay karin ha, kaya mong manira ng relasyon dahil may pera ka."
"Marinig ka sa akin, Lynne. Sinusubukan ko lang si Ace, kung gaano ka niya ka mahal, I know he love you so much but not enough, kung mahalaga ka sa kanya at lubos ang pagmamahal niya sa iyo, he won't gave you so easily, kahit na mawala na ang lahat sa kanya huwag lang ikaw pero hindi eh, hinayaan ka niyang mawala ka sa kanyang tabi. If I am him, kahit na malubog pa ako sa utang I wouldn't care basta kasama ko ang babaeng mahal ko dahil sa pagkadapa ko tutulugang niya akong bumangon at sabay namin harapin ang bukas na may ngiti. But Ace, never think that way, so, masasabi mo bang mahal ka niya, Lynne?"
Hindi napigilan ni Lynne ang mapaluha sa narinig niya. May katotohanan naman kasi ang sinabi nito. Kung mahal talaga siya ni Ace hindi siya nito isasakripiso ng ganon-ganon na lang. At ang masakit pa hindi man lang nito sinasabi sa kanya ang dahilan kung bakit kailangan nilang maghiwalay, tama ng si Maan, he's a loser hindi karapat-dapat sa pag-ibig niya.
Hinayaan lang naman ni Lance ang dalaga he knows kung ano ang nararamdaman nito.