CHAPTER28
naka-tambay dito sa loob ng sasakyan, sa harap ng bahay ni Alex. Pinag-mamasdan ko lamang ang bahay niya mula dito sa labas, at nag-iipon ng lakas ng loob bago pumasok.
Isang beses pa akong humugot ng hangin bago lumabas ng sasakyan at tinungo ang gate.
"Sir Aki!" bati sa'kin ng guard nang makita ako. Agad akong pinagbuksan ng gate, at pumasok ako sa loob nito.
"Domeng, si Alex ba nariyan?" Wika ko.
"Ah, di ko po alam eh, kakarating ko lang po kasi. Naka-uwi na yung pang- night shift na kasamahan ko. " nag-kamot pa ito ng ulo matapos tumugon.
"Ganun ba, sige itatanong ko nalang sa mga kasambahay," saad ko bago ito tinalikuran
"Sige ho."
Tinungo ko na ang daan patungo sa loob ng bahay ni Alex. Hindi ko alam pero may kaba akong nararamdaman habang papalapit sa pinto.
"Sir Aki.." masayang bati ng Mayor doma.
"Aling Loring. Kamusta po kayo?"saad ko. Habang nililibot ng mata ko ang loob ng bahay.
"Naku, maayos naman. Sya nga pala.. anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba kasama ang asawa mo?" balik tanong nito sa'kin.
"Wala ho, mag isa lang ako. Si Alex po ba, nandito?" tumingin na ako kay Aling Loring nang sabihin ito.
Nawala ang mga ngiti sa mukha niya nang muli akong mag tanong,"Ha, ah.. eh, wala.. wala siya."
"Umalis nagmamadali pumunta ng hospital.." sabay naming nilingon amh isa sa mga kasambahay nang mag-salita ito.
"Lucy.." halos paningkitan ni Aling Loring ito ng mata. Kaya yumuko ang babae at umalis sa harap nila.
Muli akong tiningnan ni Aling Loring na may hilaw na tawa,"Pasensya kana, ganun talaga yun, bigla-biglang sumasabat. Ah ano kasi, Sir Aki.. yung, yung Asawa niya pala manganganak.. oo, kaya nasa hospital sila ngayon."
"Hindi ko, man lang alam na nag asawa na pala siya, kung ganun pupuntahan ko nalang sila sa hospital." Saad ko, nang kinabigla niya
"Po?! S-sige kayo po ang bahala."
Mabilis ko itong tinalikuran at tinungo ang sasakyan sa labas. Tumango lamang ako kay domeng bago lumabas ng gate at sumaludo pa ito.
Ilang sandali pa ay tinungo ko na ang Hospital na pag mamay ari ng Mommy ni Alex. Pag-karating ko, ay agad kong tinungo ang hospital reception.
"Good morning, Sir." pag-bati ng isang babaeng receptionist
"Hi, can I have the room number of the wife of Alesandro Zamora?"
"Okay, wait for a moment Sir." wika niya at may kinausap sa telepono. Ilang sandali pa ay sinabi nito sa'kin ang numero ng silid.
"Sir, Z 01"
"Thank you." umalis agad ako sa harap nito at Hinakbang ang mga paa patungo sa nasabing silid. Sa di kalayuan ay natanaw ko na ito, kaya mas binilisan ko pa ang pag-hakbang.
Nang marating ko ang bungad ng pinto, ay agad ko itong pinihit at binuksan.
Nakita ko kaagad si Alex na naka-upo sa mahabang sofa. "Aki?!" Masayang bati nito sa'kin.
Nilipat ko ang mga tingin sa higaan ng pasyente at matamlay ito na naka-ngiti sakin,
"Magandang araw Mr. Zamora." bati nito. Kaya tumango ako at tipid na ngumiti.
"Tuloy ka," saad ni Alex, kaya pumasok na ako at sinara ang pinto
"Ahm. Galing ako sa bahay mo, sabi nila nanganak daw ang asawa mo kaya dito na ako dumeretso." lintaya ko habang hinahakbang ang mga paa sa sofa, at napiling umupo dito.
Tumingin muna ito sa asawa bago nilipat sa'kin ang mga tingin, "Ah, oo nga eh. So anong ginagawa mo dito sa US, business trip?"
Marahan akong tumango bago tumugon, "As usual, trabaho parin." Bumuntong hininga ako pagka-tapos itong sabihin. "
"So, how's the Baby? Sinong kamukha?" Wala agad akong nakuhang sagot mula sa kanilang dalawa, tila nag hihintayan kung sino ang unang sasagot.
"Eh, kanino pa ba, edi sa'kin. Alam mo namang malakas ang lahi natin" tumawa ito matapos sabihin ni Alex. Tipid lamang ngumiti amg Mrs. Nito.
"Iba talag kapag mag-kapitbahay ano? pwedeng magka-gustuhan." Tipong natigilan itong si Alex at sa sinabi ko.
"Danica right?" untag ko bago muling nag salita. "Sabi ko naman sayo dati maraming chicks itong kapatid ko, pero sayo sumeryoso." Nakangiti kong saad. Hilaw na tumawa si Alex bago tumayo. At hinakbang ang mga paa patungo sa ref. At kumuha ng maiinom. "Ikaw kelan nyo balak mag-kaanak ni Abby?"
Napatingin ako sa palapulsuhan at Hindi ko na sinagot ang tanong na 'yon dahil masisira lang ang araw ko. "I got a go. May hinahabol pa kasi akong meeting. Sige congrats pala sainyo-"
"Good morning.... the Babies is here.." natigilan ako ng pumasok ang Dalawang Nurse at bit-bit ang dalawang sangol.
Napatingin ako kay Alex, "Twin?" napangiti ako at tila may nag tulak sakin para tingnan ang isa sa kanila.. "May I see?" Saad ko sa Isang Nurse.. inabot nito sa'kin ang Babaeng sangol kaya agad ko itong kinarga. Tila nanginginig pa ang mga braso ko dahil sa liit nito.
She's so beautiful like an angel.. tila nahabag ako at hindi ko alam na biglang namasa ang mga mata ko. Pakiramdam ko, para akong Ama nito dahil sa tuwa na nararamdaman. Bigla itong gumalaw at bahagyang dinilat ang isang mata. Umungot ito at kasunod ay umiyak..
"Sshh.. hey Baby I'm your Tito Achilles."
Lumapit ng bahagya ang isang Nurse at sinilip nito ang karga kong sangol, "She's so adorable like her Moth-" hindi nito natapos ang sasabihin nang tumingin kay Danica.
"Ahm, Nurse. you may go. you can come back here after 30min" saad ni Alex. Kinuha niya ang isang sangol na tantsa ko ay isang Lalaki dahil sa kulay asul ang blanket.
"Mukhang nagugutom na sila." wika ko habang inilapag ito sa tabi ni Danica.
Lumapit ako, kay Alex at sinilip ang natutulog na sangol na Lalaki. Ang matamis na ngiti ko ay unti-unting nabura nang makita ko ng tuluyan ang hugis ng mukha nito. Bahagyang umangat ang mga tingin ko, kay Alex
"Kamukha ko diba?" Wika niya. Tipid akong ngumiti bago tumugon, "kung hindi kita kilala, mapag-kakamalan kitang hindi ikaw ang Ama,"
"What?" Kumunot ng bahagya ang noo niya ng marinig ito sa'kin.
"Biro lang, masyado kang seryoso Bro" natawa ito at napailing sa sinabi ko.
"So, paano ba 'yan? Mauna na ako." Paalam ko sa kanila habang nakatuon ang mga tingin ko sa sangol.
"Sige mag-iingat ka," lintaya ni Alex. Tumango lamang ako bago hinakbang ang mga paa. Ngunit napahinto ako nang biglang umiyak ang sangol na hawak ni Alex. Tila kung may anong kakaiba sa puso ko ng marinig ang iyak na 'yon, para bang kay bigat sa dib-dib. Binalewala ko na ito at tinuloy na ang pag-labas ng kwarto.
Nang maisara ang pinto, dito na ako nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.
Ngayong nagka-mali ako, na pag hinalaan ang kapatid ko. Siguro ito na ang huli na hahanapin pa kita Lena. Hindi ako mapapagod na mag hintay sayo, tadhana na lang muli ang mag lalapit sa'tin. Kahit mahirap Umaasa parin ako na makikita kita.. balang araw, sa tamang panahon, itatama ko ang lahat.
Mabigat ang mga paa ko na umalis sa Hospital na ito, at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga yapak.
LEIGHYANA'S POV
"Alex, bakit?" linataya ni Dani. Mabilis na lumapit si Alex, sakin matapos ibaba ang tawag. "Leigh, Paparating dito si Aki."
Napamulagat ang mga mata ko ng marinig ito, "Ano? Alam naba niya?"
Umiling-iling ito bago tumugon, "Hindi, hindi niya alam."
"Alex, paano na yan?! Malalaman na niya ngayon kapag nakita niya si Lena dito!" Nag-aalalang aaad ni Dani.
"Handa ka na bang makita siya?" muling tanong ni Alex. Umiling ako, "Hindi, Ayoko. Alex Danica, kaylangan kong magtago!"
"Sige bilisan na natin!" Halos mataranta silang dalawa, pero dahan-dahan nila akong inalalayan patungo sa loob ng banyo. At si Danica ang pumalit sa kinahihigaan ko.
Halos habol hininga akong naka upo dito sa bowl nang biglang bumukas ang pinto ng silid.
"Aki!" tila huminto ang ikot ng mundo nang marinig ko ang pangalan niya. At diko napigilan ang pag patak ng mga luha.
Pigil hininga ang ginawa ko upang hindi marinig ang mga hikbi. Nakatago ako dito sa loob ng banyo, at pinapakingan ang bawat salita niya, na labis na nag-papaluha sakin. Parang gusto kong lumabas dito at yakapin siya ng mahigpit, pero diko magawa.
Napatayo ako sa kinauupuan nang marinig ang pag pasok ng mga Nurse. Kinabahan ako at tila tambol ang nasa dibdib. Sinilip ko ito sa maliit na siwang, at lalong nag unahan ang mga luha ko nang makita kong, buhat-buhat niya si Alyhana, tila nadudurog ang puso ko nang makita na kinakausap niya ang Anak namin. Gusto ko man siyang lapitan ngunit di ko magawa. Gusto kong sabihin sa kanya na anak namin ang mga kambal, ngunit tila may pumipigil sa'kin. Sapat na siguro ang ganito, na hindi niya alam ang totoo. Mas nakakabuti wala siyang alam, kasi Lalo lang gugulo kapag nalaman niyang may Anak kami. At natatakot ako na baka kunin niya ang mga anak namin, at ilayo sa'kin.
Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing tinititigan niya si Alyahana.
'Aki, patawarin mo ako.'
Maiintindihan mo din ako balang araw..
"Leigh," tawag sakin ni Dani, sa labas ng pinto ng banyo. Binuksan ko ito upang makalabas ako. Hindi ako makatingin sa kanila at panay bugso ng mga luha ko na ayaw papigil.
"Leigh, tama na. Hindi makakabuti sayo ang pag-iyak at baka mabinat ka." nag-aalalang saad ni Dani.
"D-danica, ang hirap." salitang namutawi sa'kin. Yun lang ang kaya kong ipaliwanag sa ngayon dahil sobra na akong nahihirapan. Niyakap niya ako at dito ko iniyak lahat.