CHAPTER27

dahil pakiramdam ko ay tila matata* ako. Kaya tinungo ko ang banyo, na narito lamang sa kwarto.

Humihilab ito ng di ko maintindihan. Muli akong bumalik sa kama matapos mag banyo. Maya-maya ay nawala ang pananakit ngunit panandalian lamang. Muling sumakit ang t'yan ko at sa oras na ito ay napapangiwi na ako.

"Dani.. Danica!" naiiyak kong tawag sa kanya.

Bahagya itong gumalaw at pikit parin ang mga mata ng tumugon, "Hmm, bakit?"

"Danica, manganganak na yata ako!"

Napa-balikwas ito nang sabihin ko 'yon, "Manganganak?! S-sandali!" Bumangon siya at halos liparin niya palabas ng pinto

"Alex!! Manganganak na si Leighyana! Alex..!" rinig ko na kinakalampag nito ang pinto ng kwarto ni Alex. Ilang saglit pa ay halos nag unahan ang mga ito pag pasok dito aa loob ng kwarto,

Magulo pa qng buhok ni Alex at namumugto ang mga mata,"Masakit na ba?! Dani, paki kuha ng susi ng sasakyan nasa drawer ko sa kwarto!" Halos pasigaw na utos nito.

Mabilis niya akong pinangko, at nag-mamadaling lumabas ng kwarto. Napatingin ako dito, halos lumabas na ang mga ugat nito sa leeg, siguro dahil sa sobrang bigat ko na.

Pag-karating namin sa labas ng bahay ay mabilis akong naipasok sa loob ng sasakyan.

"Sandali, kukunin ko muna ang mga gamit ng mga Baby,"

"Bilisan mo Dani!" Sigaw ni Alex. Pareha na silang natataranta. Nahihita man ako, ngunit wala na akong magagawa dahil, sunod-sunod na ang pananakit ng t'yan ko.

"Heto na!" Mabilis na pumasok si Danica sa loob ng sasakyan at tinabihan ako.

"Okay, lets go!" Mabilis na pina andar ni Alex ang sasakyan at pinaharurot nito.

Sa di kalayuan ay, narating namin ang hospital. Mabilis na ginarahe ni Alex sa harap ng emergency ang sasakyan, at mabilis na lumabas.

"Railing bed! Please!" Halos isigaw na niya ito sa mga staff ng hospital na nasa emergency.

Ilang saglit pa ay, may dalawang staff na nag tutulak ng rail bed patungo sa sasakyan. Mabilis akong pinangko ni Alex, at hiniga sa rail bed.

"Please gently push the rail bed!" untag niya sa dalawang nagtutulak naka sunod naman si Dani at Alex na halos tumakbo na din.

Lalong sumasakit ang t'yan ko, napamulagat ang mata ko nang maramdaman ang pag-basa ng hita ko,

"Ang panubigan mo Leigh!" nag-aalalang lintaya ni Danica.

"Doc! She's going to give birth!"

"Okay, Sir Calm down. We will take care of it." rinig ko mula sa Doktor na babae. Naiwan na sa labas ng Delivevey room si Alex at Danica.

"Okay Mommy, relax. And you will be fine and your Babies. " saad ng Doctor. Nailipat na nila ako sa higaan dito sa emergency room, at pinalitan na ang damit ko ng hospital gown.

Sunod-sunod na ang pag patak ng luha ko dahil sa sari-saring emosyon ang nararamdaman.

"Mommy, when I said push, you need to push it." Saad nito sakin habang sinisilip nito ang pwerta ko. Nararamdaman ko na, na parang may nakaharang sa pwera ko. Ngunit hinihintay ko lamang ang senyas ng Doctor.

Humilad na ito, kaya muling napangiwi ang mukha ko.

"Push!" Sigaw ng Doctor kaya haloa malukot ang mukha ko sa pag ere.

Ngunit wala parin. Pero patuloy ang pananakit ng t'yan at balakang ko.

"Okay, this time, you need to push harder, okay?" Tumango lamang ako. Kumapit na ako sa mag-kabilaang bed upang mas maayos ang pag ere ko.

"Okay, push...!" halos sabayan ko ang pag sigaw ni Doc kaya bahagyang napasigaw ako.

"Aaaah!" Mahabang ere ko, kasabay nito ang pag iyak ng sangol.

"Baby girl! And there's another one" isa nalang, at mailalabas ko na silang dalawa.

"Push..!" Muling sigaw ni Doc. Katulad kanina, ay mas umere ako ng malalim at kasunod nito ang isa pang pag iyak ng sangol. Napangiti ako habang pumapatak ang mga luha sa mata.

"ACHILLES POV"

"Mga inutil! Ilang buwan na kayong nag hahanap pero ni isang impormasyon wala kayong maibigay sa'kin! Ang liit-liit ng pilipinas pero hindi niyo mahanap! Sampo kayo pero ni isa sa inyo, wala nakapag-bigay ng magandang balita!"

Halos pumutok na ang litid ng ugat ko sa inis at galit sa mga imbistigador na inutusan ko.

"Tobias!" Nakatalikod na ako sa kanila nang tawagin ko si Tobias.

"Yes Mr. President."

"Yung inutos ko sayo?"

"Sir. Negative. Ang sabi niya, asawa niya po ang kasama niya sa bahay. Danica Ramirez Zamora, ang pangalan. "

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito, bago humarap sa kanya, "Paki ulit?"

"Danica po ang pangalan." ulit nito.

Danica, siya yung wedding planer, pero nung tinanong ko siya kamakaylan, ay ibang pangalan ang binigay niya. Sa pagka-alala ko, Leighyana. Leighyana ang pangalan ng kasintahan niya.

"Pero Sir, no'ng bumalik ako, wala ng nakatira sa bahay na 'yon. Wala na po akong balita, dahil wala po akong mapag tanungan na ibang kapitbahay." Saad nito.

"Sige na, makaka alis na kayo." utos ko. Sunod-sunod na lumabas ang mga ito ng under ground. Bakit parang may ibang akong pakiramdam na hindi kaaya-aya. Pero imposible na makilala niya si Lena, nang dahil sa boses na 'yon, kaya pati kapatid ko napagiisipan ko na ng masama.

Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon ko at nag dial ng numero.

"Aalis tayo mamayang gabi" saad ko, at agad binaba ang tawag.

Hangat hindi ko nakakausap ng harapan si Alex at ang Asawa niya, hindi ako mapapanatag.

Mabilis akong umalis ng bahay at minaneho ang sasakyan pauwi ng Manila. Napatingin ako sa palapulsuhan at sinipat ang oras. Alas nuebe pa lang ng umaga. Kaya mas binilisan ko pa ang pag papatakbo,

Matapos ang Isang oras mahigit ay narating ko na ang kumpanya. Kaylangan ko lang ayusin ang isang confidential papers. Para sa pag balik ko maayos ko na ito. Binilisan ko na ang pag-hakbang patungo sa opisina, ilang saglit pa ay natanaw ko na ang Sekretarya ko na may kausap sa telepono. Nanlaki la ang mga mata nito nang makita niya akong paparating. Kaya tarantang tumayo ito.

"Mr. President"

"Liz, please prepare my things, aalis ako." Saad ko nang marating ang pwesto niya. Umalis agad ako nang masabi ko ito sa kanya at dumeretso sa loob ng opisina.

Ganun nalang ang pagka-gulat ko ng makita si Abby sa loob nito.

"Anong ginagawa mo dito?!" Salubong ang kilay ko ng tanungin siya.

She smirk like a bitch,"Bakit? Wala ba akong karapatan na pumunta sa kumpanya ng ASAWA ko?!"

Masama ko itong tiningnan.

"And you?! What are you doing here!? Out!" Taas kilay na lintaya kay Liz. Nang makita niya.

"Secretary ko siya, kaya siya nadito. Kung may lalabas man dito, ikaw yo'n." dipensa ko kay Liz.

"Sige na Liz. Pack all my things." Utos ko. Kaya pinasok na nito ang kwarto ko dito sa loob ng opisina. Sinundan niya lang ng tingin si Liz bago mag salitang muli.

Hinakbang ko na ang mga paa patungo sa working table. At may pasimpleng pinirmahan.

Bakit, saan ka pupunta?" Tanong niya atMabilis na sumunod ito sakin.

"Non of your business" lintaya ko.

"Aki, umuwi pa ako ng Pilipinas para makasama na kita. Huminto na ako sa pag momodelo para lang maasekaso na kita! Tapos ngayon, aalis ka?"

"Abby, umuwi ka nalang sa kahit saan mo gustong pumunta, hindi kita pag babawalan." saad ko habang iniipit ang enveloped sa ilalim ng mga nakatamabak na papeles dito sa working table.

"Mr. President, tapos na po." Wika ni Liz. Bitbit na nito ang itim na small duffle bag. Masama parin itong tiningnan ni Abby, kaya pinalabas ko na

"Okay you may go."

Tumayo ako at nilagpasan si Abby, ngunit mabilis nitong hinila ang braso ko, "Hon, please"

"Abby, may mahalaga akong puntahan, kaya pwede ba?"

Winaksi ko ang braso, kaya halos matangay ito. Kinuha ko na ang bag, at lumabas na ng opisina. Dinig ko pa ang pag sigaw ni Abby sa loob ng opisina habang tinutungo ko ang elevator.

Ilang saglit pa ay narating ko na ang Airport kung saan naghihintay sakin si Captain Lao, Na private pilot ko.

"Good day Mr. Zamora. Akala ko mamaya pa tayo?"

"Nag-bago ang isip ko kaya tara na." Sumakay na ako, at ilang saglit pa ay, lumipad na ang eroplano.

Sa haba ng durasyon ng byahe ay halos hindi ako makatulog dahil sa lalim ng mga iniisip. Halos labing anim na oras bago narating namin ang US.

Pag-baba ko ng eroplano, ay may sasakyan agad na naghihintay sa'kin.

Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod mula sa byahe. Kaya mula dito sa airport, napag isipan kong dumeretso sa bahay ni Alex.