CHAPTER 30
cry-cry ang princess ni Papa Alex, ha?" pinag-mamasdan ko lamang si Alex, na hinihele niya si Alyhana habang pinapadede. Napaka-iyakin kasi ni Alyhana, at tumatahan lamang kapag si Alex ang bumubuhat sa kanya. Nakakahiya na kay Alex, kasi kahit pagod sa trabaho ay nakukuha pa nitong samahan ako sa pag- pupuyat sa gabi.
Napatingin naman ako kay Archi, na nasa crib. Mahimbing na siya sa pag-kakatulog. Si Archi, naman ay napaka-tahimik. Kabaliktaran kay Alyhana na iyakin. Nakaramdam kao ng pagka-uhaw, kaya dahan-dahan akong humakbang palabas ng pinto. At tinungo amg kusina.
Pagkatapos kong uminom, ay napag pasyahan ko namg bumalik sa kwarto. Pagka-rating ko sa sala, ay napahinto ako nang makita ko sa Dani, na kapapasok lamang galing sa labas.
"Leigh."
"Ngayon ka lang?" takang tanong ko.
"Oo nga eh, matagal kasing natapos ang Event." tila pagod na pagod ang itsura nito ng tumugon sa'kin. Tumango lamang ako bago muling nag-salita.
"Kumain ka na ba?"
"Katatapos lang, sige ha, inaantok na talaga ako." wika niya, bago hinakbang ang mga paa. Sinundan ko lamang ito ng tingin paakyat ng hagdan, at tila may kakaiba sa pag lakad niya. Parang pinipilit lamang na maging tuwid ang bawat pag-hakbang. Kaya mabilis akong Sumunod sa kanya, ngunit hindi pa man siya nakakalayo muntik na itong mahulog sa hagdan. Mabuti nalang mabilis siyang nakakapit. kaya tarantang tinakbo ko paakyat ang ito.
""Danica! ayos ka lang ba?!" tumango lamang siya. Lubos ang pag-tataka ko sa kanya, dahil hindi naman siya ganito. Inalalayan ko na siyang tumayo, at dito ko naintindihan kung bakit siya ganito ngayon. Nangingibabaw ang amoy alak nito na na-aamoy ko mula sa kanyang hininga.
"Dani, uminom ka ba?"
"Konti lang, pam-paalis ng pagod," saad niya habang pilit na tumayo.
"Sige na, tutulungan na kita paakyat." lintaya ko. Nakakatatlong hakbang palang kami nang makita kami ni Alex.
"Oh, anong nangyari? " wika ni Alex habang pababa ito ng hagdan.
"Ako na, Leighyana." kinuha niya ang braso ni Dani at inalalayan ito.
"Ako na ang mag-hahatid sa kanya sa kwarto niya. Puntahan mo nalang ang Kambal baka magising si Aly." lintaya ni Alex. Tumango lamang ako, at nauna ng pumasok sa kwarto namin ng mga kambal.
Napapailing nalang ako, dahil ngayon lang umuwi si Danica na nakaimom. May problema ba siya? Wala naman siyang kwinikwento. Napabuntong hininga na lang ako, dahil kahit papano nag aalala ako sa kaybigan ko.
Humiga na ako sa kama dahil inaantok na din ako.
Kinabukasan, ay maaga akong magising dahil umiyak si Alyhana. Nagmamadali akong bumangon at kinuha ito. Kinapa ko ang diaper niya na mgayon ay punong puno na. Kaya naman pala umiiyak. Matapos kong palitan ito, ay bumalik sa pag-kakatulog. Napangiti ako ng maisip na maarte ito at konting kibot lang ay iiyak. Paano inispoiled ni Alex.
Dumako ang tingin ko sa bintana, nag-aagaw ang dilim at liwanag dahil papaumaga pa lang. Tumayo na ako tinungo ang mga bote ng kambal. Kinuha ko ito at ibaba ko na para mahugasan ni Lucy. Nang makalabas ako ng pinto ay siya ding bukas ng pinto ng kwarto ni Danica. Napalingon ako dito at kakamustahin ko sana siya. Ngunit si Alex ang iniluwa nito. Kunot noo ko itong tiningnan. Hahakbang na sana siya, ngunit tila nakakita ito ng multo.
"Alex,-" tawag pansin ko sa kanya.
"Leighyana, S-sinilip ko lang si Dani. Sumuka kasi kagabi, kaya chineck ko lang kung okay na ba siya," saad niya. na tila nag-papaliwanag na wala naman akong tinatanong.
"Ganun, ba? Dapat sinabihan mo ako para natulungan kita."
"kaya ko naman, tsaka walang kasama ang kambal kung tinawag pa kita." Lintaya niya habang isa-isang hinakbanh anh mga paa.
"Sige, may kukunin lang ako sa kwarto." Nilagpasan lamang ako nito, at tinungo na ang kwarto. Isang beses ko pang tinanaw ang kwarto ni Danica, bago tinungo ang kusina.
Nang mailagay ko na ang mga bote sa kusina ay bumalik agad ako sa kwarto. Bago ko pa pinihit ang doorknob, ay tila may nag udyok sakin na puntahan si Danica sa kwarto niya.
Hindi na ako kumatok, at dahan-dahan kong binuksan ang pinto baka kasi tulog pa siya.
Napamulagat ang mata nito ng makita ako sa pinto, "Leigh."
"Danica, anong ginagawa mo? B-bakit nag eempake ka?" Nag-tatakang tanong ko.
"Leigh, babalik na muna ako sa Appartment. Doon na muna ako, k-kasi, ano kasi m-malayo sa opisina, ang papunta at pauwi dito."
Umupo ako sa tabi niya, at hinawakan ang kamay, "Yun lang ba talaga? Dani, kaybigan mo ako, pwede mo akong sabihan kung may problema ka."
Tila natawa siya bago tumugon, "Problema? Wala.. yun talaga ang dahilan, medyo nahihirapan kasi ako sa pag uwi dito galing sa office."
Bumuntong hininga ako bago mukinh mag-salita, "Sige, kung ganun. sasama na kami ng mga kambal."
Lumingon siya sakin na bahid ang pag-alala, "Leigh, wag na. baka mahirapan ka pa do'n, palagi pa naman akong wala at Wala kang makakasama sa araw.
"Dani, kaya ko. Masasanay din kami. Tsaka hindi pwedeng ikaw lang mag-isa do'n,"
"tsaka Paano kung matuntun tayo ni Mr. Zamora? "
natigilan ako sa sinabi niya ngunit hindi ko na binigyan ng pansin,
"Dani, wag na natin siyang pag usapan. Tsaka malabo ng mangyari yo'n."
Tumayo ako at lumabas na ng kwarto. Kaylangan ko pang makausap si Alex tungkol pag lipat namin.
"Ano?! Leighyana baka mahirapan ka"
Halos maningkit ang mga mata nito sa sinabi ko. Alam kong hindi siya papayag dahil masyado na itong na a touch sa kambal. Pero kaylangan kong samahan si Danica.
"Alex, kaya ko. Wag kang mag-alala, tsaka hindi ko pwedeng hayaan na mag-isa si Danica sa appartment." Paliwanag ko.
"Kung ganun, isama nyo si Lucy. Hindi pwedeng walang aalalay sayo. Tsaka, kung lilipat kayo lilipat ulit ako dun sa bahay ko." Kunot-noo ko siyang hinarap.
"Alex, mas malayo yun sa opisina mo-"
Hindi ko natapos anh sasabihin nang magsalita siyanh muli.
"Nagawa ko na yun halos araw-araw dati diba? Kaya magagawa ko rin ngayon."
Wala na akong nagawa sa gusto nito. Alam kong mamimis niya ang mga kambal kapag malayo ito sa kanya.
Matapos namin mag-usap ni Alex, ay mabilis lang ako nakapag empake. Kaya ihahatid na niya kami sa dating Apartment namin. Tahimik lamang si Danica at tanging nasa labas lamang ang mga tingin nito, habang nasa biyahe kami. Ilang saglit pa ay narating na namin ang Appartment. Tulad dati malinis parin ito dahil may binabayaran si Tita Elma na Taga linis.
Ilang buwan lang naman kaming nawala dito, kaya halos ganun parin ang anyo ng bahay. Napansin kong, nauna ng pumasok ng kwarto si Danica. kanina pa siya hindi nag sasalita at tila may iniiwasan.
"Lucy, ikaw na ang bahala, tulungan mo si Leighyana kapag wala ako, ha?" Napalingon ako ng mag bilin si Alex kay Lucy.
"Opo, Senyorito." Tugon ni Lucy, habang hinihele si Archi.
"Paano ba yan, aalis na muna ako. Pero sa susunod na araw, babalik ako dito."
"Sige mag iingat ka." Saad ko. Bago pa man siya tuluyang umalis. Humalik muna ito sa kambal. Nauna siyang humalik kay Archi, na buhat ni Lucy.
"Pakabait kayo kay Mommy ha, lalo kana Princess Aly, wag masyadong iyakin kapag wala si Papa Alex ha,"
Muli nitong hinalikan ang maumbok na pisngi ni Alyhana. Tumingin muna ito saglit sakin, at tipid ko siyang nginitian.
"Sige tutuloy na ako." saad niya.
Nang maka-alis na si Alex, hiniga na namin sa crib ang kambal. At inayos na muna namin ang mga gamit na dala.
Sumapit ang gabi. Hindi parin lumalabas ng kwarto si Danica. Ni hindi pa ito kumakain. Sa totoo lang nag aalala na ako sa kanya.
"Dani, danica.." hindi siya sumasagot kahit ilang katok na ang ginawa ko. Kaya napag pasyahan ko na itong pasukin sa loob ng kwarto.
"Danica!?" Nabigla ako nang makita siyang umiiyak. "Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?" Dag-dag ko pa nang makalapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at niyakap ito.
"Dani, magsalita ka."
"Wala 'to. Wag mo akong alalahanin." Saad niya habang pinupunasan ang mga luha.
Nanginhilid ang mga luha ko bago mag-salitang muli, "Dani, kilala kita. Alam kong may problema ka, kaya sabihin mo na."
"I'm inlove with someone. But he doesn't love me. Dahil May mahal siyang iba." hindi ako naka imik aa sinabi niya, hindi ko alam na may ganito siyang problema ng tulad sakin. Muli siyang humikbi, kaya niyakap ko siyang muli. Alam ko ang nararamdaman niyang sakit, dahil tulad ko ay nasaktan din ako nang makita ang taong mahal ko na may mahal ng iba.
"Dani, hayaan mo nalang muna. hindi mo mapipilit ang isang tao, na magugustuhan ka. Dahil hindi natuturuan ang puso na mahalin ang isang tao dahil kusa itong titibok para sayo."
"Pero may nangyari sa'min. Ngayon Sabihin mo, kung mahal niya talaga yung babae. dapat hindi niya hinayaan na may mangyari sa'amin."
Naibuka ko ng bahagya ang bibig at nag salubong ang kilay ko sa sinabi niya. Walang salita ang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.
"Mahal ko si Alex, pero ikaw ang gusto niya. Walang kasing sakit yun Leigh, kasi ang taong gusto niya ay ang Matalik kong kaybigan! Saan ako lulugar?! Sa tuwing nakikita ko kayo na masaya, para akong nadudurog!"
"Dani?" tanging pangalan niya lang ang nasambit ko dahil parang sinasakal ako sa narinig mula sa kanya.
Mabilis niyang hinawakan ang dalawa kong kamay, at patuloy ito sa pag-luha, "Sorry.. Sorry Leigh. hindi ko naman sinasadya na mahalin siya."
Pilit kong hinila isa-isa ang mga kamay ko at tumayo. Tila nalulunod ako at pilit na inaabot ang hininga, dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Totoo ba 'to? Bakit parang nasasaktan ako. Mabilis akong lumabas ng kwarto niya at sinara ang pinto. Halos habulin ko ang hininga at sunod-sunod na tumulo ang luha..