CHAPTER 24
Mabilis akong tumakbo patungo sa likod ng simbahan. Halos diko na makita ang daan, dahil sa mga namumuong mga luha sa mga mata.
Huminto ako, pagkarating sa may malaking puno. At bahagyang nag-tago dito. Hingal at habol hininga kong narating itong pinag kukublihan ko. Napa takip ako sa bibig upang hindi marinig ang pag-hikbi ko nino man. Pero hindi kayang itago ng puso ko ang sakit na nararamdaman at Kusang lumalabas sa bibig ko ang mga haguhol.
Niloloko ko lang ang sarili kung sasabihin kong, wala na itong puwang sa puso ko. 'Akala ko okay na ako, akala ko, matatangap ko na makita siya sa piling na ng iba. Pero hindi, ito ako, parang winawarak ang damdamin na makita siyang ikakasal sa ibang Babae. Masakit na hindi mo kayang ipag-laban ang taong mahal mo. Na wala kang magagawa na bawiin siya sa iba. At kahit ilang beses pa kayong itagpo ng tadhana, kung siya na mismo ang bibitaw, wala ka nang magagawa. Alam kong, wala akong karapatan sa kanya, pero kahit sa maikling panahon na nakasama ko siya, kahit hindi ako sigurado, minahal ko din siya. Siguro, tanging mga anak na lang namin ang mag uugnay sa'ming dalawa, balang araw.
Napa-kagat ako sa labi upang labanan ang sakit na nararamdaman. Ngunit kahit anong diin pa nito, nandito parin ang kirot, Kirot na dadalhin ko habang buhay.
"Leighyana?!" natigilan ako nang marinig ang boses na mula sa likuran ko. Humugot ako ng malalim ng hininga upang lumuwag ang pakiradam ko. '
Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi, at inayos ang sarili.
Dahan-dahan akong lumingon at mapait na ngumiti,
"A-alex. Anong ginagawa mo dito?"
Tumitig ito sa mga mata ko, kaya inilihis ko ang mga tingin.
"Umiiyak ka?" Saad niya.
Muli ko siyang tiningnan at umiling. Pinipigilan ang pag-bugso ng damdamin upang hindi bumigay, para akong sinasakal at parang may bumabara sa lalamunan ko at hindi makapag salita.
"Leigh. hindi nag-sisinungaling ang mga mata mo." Dag-dag pa niya.
"W-wala 'to. M-masakit lang-" napahagulhol na ako sa harap niya, dahil hindi ko na kayang itago sa sarili ang sakit. Tuluyan na itong lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"Sige, iiyak mo lang," inalo-alo niya ang likod ko, at dito ko, lahat binuhos ang lahat ng nasa sakit.
"Aa..! Bakit ganito, Alex. Ang sakit, sakit.." diko napigilang sabihin ito habang garalgal ang boses. Pilit ako nitong pinapatahan, ngunit sa bawat haplos niya unti-unti kong nararamdaman ang pananakit ng tiyan,
"A-aray... Alex! Ang t'yan ko.. aaah!" Halos mamilipit ako sa sakit kaya napasigaw ako ng makitang dumadaloy ang dugo sa hita ko.
"Leigh! Dinudugo ka!!" Mabilis ako nitong pinangko at tinungo sa kotse. Ilang saglit pa ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan.
Narating namin ang isang malapit na hospital, tarantang lumabas ng kotse si Alex at umikot ito upang mapagbuksan ako ng pinto. Agad niya akong pinangko at halos takbuhin na ang loob ng emergency room.
"What happened to her?" Tinig mula sa diko kilalang boses. Nanghihina na ako at halos di ko na maidilat ang mga mata. Tanging mga boses lamang sa paligid ang naririnig ko.
"She was pregnant and bleeding! Please do your best!"
" Nurse, hurry up. prepare the emergency room!"
Pa-hina na ng pa-hina na ang mga boses. At para bang napaka layo ko na sa mga naririnig ko at tanging kadiliman na ang nakapaligid sakin. hangang sa hindi ko na alam ang nangyayari.
"ALEX POV"
Dumalo ako sa kasal ni Achilles. Tatangihan ko sana ang paanyaya nito dahil may importante akong Lakad. At dahil sila Danica ang wedding planer ng kasal at si Leighyana ang kakanta Ay, mas pinili ko ang pumunta sa kasal niya. Pinili kong umupo sa pinaka dulo yung halos walang makakilala sakin. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang pwesto ni Leighyana. Hindi ko alam Sa totoo lang, lalo akong humahanga sa kanya dahil sa ganda ng boses nito. At kahit mag aapat na buwan na siyang buntis, ay maganda parin ang pangangatawan. Lalo siyang gumanda sa suot niya ngayon. Sa buong durasyon ng pagkanta niya, ay nasa kanya lamang ang atensyon ko kung kaya't hindi ko alam kung ano na ang nagaganap sa loob ng simbahan.
Ngunit nang matapos ang pag-kanta niya, ay napansin ko itong nakatingin sa dalawang ikakasal, kitang kita sa mga mata ko ang biglang pag takbo nito palabas ng simabahan kaya agad ko siyang sinundan. Naabutan ko itong humahagulhol sa diko malaman ang dahilan. Ngunit ramdam ko na may mabigat itong dinadala. Niyakap ko ito ng mahigpit upang damayan, unti-unti ko nang nalilinawan ang dahilan nang mag salita siya. Itatanong ko pa sana ang nasa hinala ko, ngunit nakita kong dinudugo na ito.
"Doc, how is She?" nag-aalalang tanong ko. Tipid na ngumiti si Doc. Smith na tumingin kay Leighyana
" The bleeding was gone," mahinahon niyang saad, ngunit hindi parin nawawala ang pag-aalala ko
"How about the babies?"
"The twins are in good condition, but just avoid stressing her out so it doesn’t happen again. maybe next time, it can cause trauma, and it's possible that the miscarriage will occur. Excuse me." mahabang paliwanag nito bago umalis sa harap ko. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ng Doctor.
Masaya kong hinakbang ang mga paa patungo sa loob ng pribadong kwarto kung saan Payapang natutulog si Leigh. Nang malapitan ko siya ay
Mapait akong ngumiti habang pinag-mamasdan ang maamong mukha niya.
I remember the day when I saw her in the coffee shop. Ni hindi na siya nawala sa isipan ko, kung kaya halos araw-arawin ko ang pag punta sa coffee shop makita lang siya. Na kahit may bahay na ako, ay bumili pa ulit ako ng bahay na malapit sa kanya.
Na kahit nalaman kong buntis siya, ay balewala lamang sa'kin. Handa akong mag-paka Ama sa mga anak niya. Kahit masakit ang pag-tangi niya sakin, hindi parin nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Sana lang mali ang hinala ko, dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin, sakaling tama ang nakikita kong dahilan ng kanyang
Pag-iyak.
Aalis na sana ako sa kanyang harapan nang bahagyang gumalaw ang kanyang katawan, kaya hinintay kong dumilat ang kanyang mga mata na nag bibigay ligaya sa'kin. Unti-unting bumuka ang ang mga mata niyang mapupungay at sumilay ang matamis nitong ngiti.
"Alex" halos paos niyang sambit. Bahagya akong dumukwang at hinaplos ang noo niya
"Leigh. Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Maayos naman," tipid siyang ngumiti matapos itong sabihin. Ngunit tila may naalala ito, kaya marahang kumunot ang noo,
"Ang mga baby ko?"
"Ssh. Wag kang mag-alala nasa maayos sila." naka ngiting wika ko.
"Salamat Alex.. mabuti at nandun ka, paano na kaya kung wala ka, baka napano na kami ng mga Anak ko." Nangingilid ang mga luha niya nang sabihin ito.
Napangiti ako habang inaalis ang mga nag babadyang pumatak na mga luha sa mata niya.
"I promise to you, na lagi akong nasa tabi mo, ano man ang mangyari."
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya bago tumugon, "Alex... hindi naman kaylangan eh, pero salamat. Tatanawin kong malaking utang na loob ang pag damay ta pag tulong mo sa'min."
Hindi ko na rin napigilan ang pag patak ng mga luha ko, habang tumatango. Inilapit ko ang mukha sakanya at hinalikan ang noo.
Handa akong mag hintay, kahit walang kasiguraduhan ang lahat. Maipadama ko lang sa kanya na mahalaga siya para sa'kin.
Ilang saglit ang naka lipas ay muli itong natulog. Hinayaan ko lamang na makapag pahinga siya upang mabawi niya ang lakas. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito.
Pumasok si Danica na bakas ang pag-alala sa mukha. Dideretsi sana ito sa kinahihigaan ni Leigh ngunit agad kong pinigilan, "hayaan mo muna siyang matulog"
Huminto ito at humarap sakin, "Alex, anong ba ang nangyari?! "
"I don't know, nakita ko nalang siya na umiiyak kanina, dahilan ng pag bleeding niya, kaya sinugod ko na dito." Hindi ito nakapag salita at tila malalim ang iniisip.
"Ang sabi ni Harold, bago siya umalis ay nakatingin ito sa mga kinakasal, at umiiyak. Bakit niya gagawin 'yon?"
Napatingin ako kawalan at mahinang tumugon, "Hindi ko rin Alam," ayokong isipin na may kinalaman si Aki kay Leighyana.
"Nabangit ni Leigh, sa'kin na Achilles o Aki ang pangalan ng nakabuntis sakanya. Alex, hindi kaya si Mr. Zamora ang Ama ng pinagbubuntis ni Leighyana?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bahagyang naningkit ang mga mata at nag salubong ang mga kilay, "What?! Sinabi niya 'yon?"
Tumango lamang si Dani, at sabay namin nilingon si Leighyana.