CHAPTER25

pronounce you, a Husband and Wife," saad ng pari. Nag palakpakan ang mga tao nang humarap kami, sa kanilang lahat. Abot tenga ang mga ngiti nila habang pinag-mamasdan kami.

"You may kiss your bride," dag-dag ng Pari. Para matapos na, dinapian ko na lamang ang labi ni Abby. Natigilan ito sa ginawa kong pag halik. Hindi niya inaasahan ang ganoong halik na ibigay ko. Mapait siyang ngumiti sa harap ng mga taong narito.

Nang marating namin ang Reception ay hindi na ako mapakali. Ayoko nang tumagal pa sa lugar na ito na sila lang naman ang masaya. Tiniis ko ang ilang oras na kasiyahan nila, lahat ng pakulo na activities na meron sa kasal na ito ay sinabayan ko. Para lang pag-bigyan ang mga narito. Bawat sulok ng reception na ito ay may camera na nakapalibot. At dahil sikat na model si Abby, ay live na mapapanood ang kasalang ito.

Sumapit ang ilang oras ay halos nag-si alisan na ang mga bisita.

"Achilles, Abby," tawag ni Tita sa'min.

"Here's the key" dagdag pa ni Tita.. masayang kinuha ito ni Abby, at niyakap si Tita.

"Pwede nyo ng tulugan ngayon ang bagong bahay n'yo" nakangiting sabat ni Tito.

"O, ano pa ang hinihintay n'yo? Uwian niyo na at nang maka buo agad kayo. Natatawang sabi nila Mommy at Tita..

"Let's go Hon?" Masayang lintaya ni Abby, sa'kin. Tumango lamang ako at inalalayan na ito patungo sa sasakyan.

Sa likod kami ng sasakyan sumakay dahil may driver na ipagmamaneho kami, patungo sa niregalong bahay sa'min.

"I'm so excited to see our new house!" Masayang wika ni Abby. Napabuntong hininga nalamang ako.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang naturang bahay. Tatlong palapag ito at italian style. Malaki ito at may malawak na espasyo sa labas.

"Wow! Hon, ang ganda diba?" Halos sisigaw ito sa tuwa. Bigla nitong hinila ang kamay ko at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Huminto siya nang marating namin ang loob. Para siyang bata na iniisa isang tingnan ang bawat sulok.

Mabigat na bumuntong hininga ako, at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Dinail ko ang numero ni Captain lao at tinawagan siya.

"Ihanda ang eroplano.. uuwi na ako ngayon." Pinatay ko agad ang tawag matapos itong binilinan.

"Aalis ka?!"

Napalingon ako nang magsalita si Abby. "Yeah, kaylangan ko ng bumalik sa pilipinas, marami pa kasi akon-"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla siyang nag salita.

"Kaka-kasal lang natin tapos aalis ka?! Ano ba ang nasa isip mo Achilles? Asawa mo na ako ngayon! Pero kung tratuhin mo ako, parang wala lang! I don't deserve this!"

"No! Abby! I don't, deserve this kind of life with you! Binigay ko na ang mga gusto niyo, kaya ngayon sarili ko naman ang pag-bibigyan ko!"

Ang daya nga eh, kayo, ang sasaya n'yong lahat. Samantalang ako, daig pa ang may lamay araw-araw."

Lumuluha na ito ngayon sa harap ko,

"Why?! It's not my fault kung hindi mo magawang sumaya Achilles!-"

"F**k! It's your fault in the first place! Kaya wag kang umasta na ikaw ang nahihirapan!" Matalim ko siyang tinignan bago tinalikuran.

"Where are you going?! Come back here Achilles! Aki!!"

******

After that Fu*kin wedding, I decided to go back to the philippines. Even if Abby's doesn't want to. Hindi ko kayang tumira sa isang bubong na kasama siya.

Mabilis kong nilagok ang alak, at sinundan pa ulit ito ng isa pang baso, kaya halos malukot ang mukha ko sa tapang nito. Narito kami ngayon sa bahay ko sa bulacan. Ayokong mag mukmok mag-isa kaya tinawagan ko si kyron at Raffa.

"Dude! Chilax, siguro naman, matutunan mo ring mahalin si Abby."

Lintaya ni kyron.

"Kyron!?"

Saway ni Raffa dito dahil mukhang nang-aasar nanaman ito.

"Why? No choice naman siya, kaylangan niya nalang gawin, ang pag aralan kung paano mahalin si Abby, dahil kay Tita kaya nya ito ginagawa. And besides, Abby is a perfect match to him."

Nag-salubong ang kilay ko sa sinasabi nito.

"Can you please, shut up?! I'm here to hang out with you guys . Tapos yan ang topic natin? Nabibingi na ako. Pwede ba iba nalang?"

Biglang tumahimik ang mga ito, kaya ako na ang unang nag bukas ng Topic.

"May gusto akong bilhin na resort sa part ng Davao."

"Davao?"

Sabay na bigkas nilang dalawa.

"Seriously Dude? Sa Davao talaga? Ang layo nun. Marami naman dito sa part ng Luzon, even Visayas. Sa Mindanao mo pa talagang napili?"

Raffa said incredulously.

"Mas gusto ko ang malayo dito. Siguro kapag nabili ko yun, dun muna ako mag babakasyon ng maiba naman."

"How about Abby? Dun mo ba s'ya ititira?"

Taas kilay na tanong ni Kyron.

Nag-salubong naman ang kilay ko sa sinabi niya, "Ofcourse not! Sa tingin mo ba kaya nun tumira ng Probinsya?"

"Malay mo, lalo na pag ikaw ang kasama."

Natatawang tugon nito. Pinaningkitan ko lamang ito ng mata upang tumigil.

"I'm sorry.." nag-taas pa ito ng kamay na tila sumusuko.

"Maiba tayo, paano kung, paano kung bumalik si Lena?" natigilan ako nang mabangit ni Raffa ang pangalan ni Lena. Ininom ko ang natitirang laman ng alak sa baso at pinili kong manahimik. Dahil hindi ko rin alam ang sagot sa katanungang 'yon.

"Kaylangan mo na siyang kalimutan Aki. Unang-una, siya ang umalis, pangalawa may asawa kana." Seryosong untag ni kyron.

Matapos naming mag inuman. Nag kanya-kanya na kaming pasok sa mga kwarto. Nahiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata.

Whenever I am in this room. I feel like my problem is disappearing for a moment. Pero sya namang nahihirapan ang puso ko sa tuwing naiisip ko siya. Mga panahong mag-katabi kami sa pag tulog, mga haplos na hinahanap-hanap ko. I miss cuddling with her. I miss everything about her.

*****

Kinabukasan ay maaga akong pumasok aa opisina. At inumpisahan ang mga naiwang trabaho.

"Liz, gusto ko ng kape." Inoff ko na ang intercom matapos sabihan si Liz.

Napatingin ako sa cellphone nang tumunog ito. Si Mommy, siguro alam na nito ang nanyari. What did they expect? After the wedding makikipag honeymoon pa ako kay Abby? Hell no!

Muling tumunog ang cellphone ko, hindi ko na sana ito papansinin nang mahagip ng paningin ko ang ibang pangalan sa screen.

Kinuha ko ito at sinagot,"Yes bro?"

"Pwede ba tayong magkita ngayon?" Tugon nito aa kabilang linya.

"Naka-uwi na ako ng pinas. Bakit? may problema ba?" saad ko

"Wala naman, may itatanong lang sana ako."

"Okay? Sabihin mo na-"

'Alex, ubusin mo yang meryenda ha?!' Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae na tumawag kay Alex. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang gusto nitong sumaya.

"Bro? Are you still there?" wika nito.

Napatayo ako sa kabang nararamdaman.

"Alex, Alex, sino yung Babaeng tumawag sayo?" Sensiridad na tanong ko. Parang gusto ko itong makita ngayon

"Ah, 'yon ba? Girlfriend ko.."

Kumunot ang noo ko at bahagyang kinuyom ang kamao, "Girlfriend?! A-anong pangalan niya?"

"Leighyana. Leighyana Razid. Bakit, Bro? Kilala mo ba?"

"H-hindi, akala ko kasi- Nothing. Kung wala ka ng sasabihin, ibababa ko na itong tawag dahil may gagawin pa ako." Hindi ko na hinintay ang asgot nito at Mabilis kong pinatay ang tawag. sunod-sunod ang pag hingal ko, Napahawak ako sa noo at marahang hinilot ang ulo. Kahapon sa simbahan, kaboses niya din yung kumakanta, pati ba Girlfriend ni Alex kaboses niya?

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok, "Mr. President. Kape nyo po."

Pumasok ito at inilapag sa mesa ang dalang kape. At pagkatapos lumabas na ito.

Muli kong tiningnan ang cellphone at nanginginig ang kamay ko na tatawagan ang imbistigador ko.

"Hello. Gusto kong hanapin nyo ulit si Lena. Magdagdag ka ng tao. Hanapin nyo siya dito sa Pilipinas at sa US. Kahit saan! Halughugin niyo bawat sulok!"

Hindi ako mapakali, hangat hindi ko nakikitang muli si Lena.