CHAPTER 23
Mabilis kong inayos ang mga dadalhin mamaya sa Venue. Isang pamalit na damit at flat sandal lang naman ang dala ko.
Nakapag-ayos na din ako sa sarili, nakangiti ako sa harap ng salamin dahil gandang-ganda parin ako sa damit na binili ni Danica. Saktong sakto lamang ito aa katawan ko at may haba hangang itaas ng tuhod Nag-lagay lamang ako ng light make up, at pinusod ko lang ang mahaba kong buhok, at nag iwan lamang ng iilang hibla sa bawat pagitan ng pisngi. Kinabit ko naman ang gold na hikaw na bigay din ni Danica. Nang matapos akong mag-ayos ay tinungo ko na ang sala. At hinihintay nalang si Danica na matapos sa pag bihis.
"Leigh, tapos na ako! Ready ka na ba?"
Halos sumigaw ito mula sa loob ng kwarto nito.
"Oo! Kanina pa!" pasigaw ko na tugon.
Ilang sandali pa, bumaba na ito ng hagdan. Halos takbuhin pa nito pababa. Halatang nag mamadali.
"Tara?! Dadaanan daw tayo ni Ms. Santos, kaya abangan na natin sa labas. Nakakahiya naman kung s'ya pa ang mag-hihintay sa'tin." wika nito.
Kinuha na niya ang bag at ang isang paper bag na may lamang record book.
Hindi pa man kami tumagal sa pag abang dito sa harap ng bahay, ay dumating na si Ma'am Santos.
Huminto ang kotse nito sa tapat namin, at binuksan ang windshield kaya kita namin ito na naka ngiti.
"Dali na." turo nito sa loob ng kotse.
Kaya mabilis kaming pumasok sa loob nito.
"You look good in your dress Leighyana." Kumindat ito matapos akong purihin.
"Salamat po," nahihiyang tugon ko.
"Well, Danica na kontak mo naba ang venue and Reception?" baling nito kay Dani.
"Yes Ms. Santos, siniguro ko na okay ang lahat,"
"Good." Iksing tugon nito habang nag-mamaneho.
Ilang minuto pa ang nag daan, Narating na namin ang simbahan. Wala pa gaanong tao dito dahil maaga pa. Kaylangan masiguro ni Ma'am Santos na okay ang lahat mula dito sa simbahan hangang sa venue. Maayos na ang loob ng Simbahan, maganda ang pag kakaayos ng mga dekorasyon at Perfect para sa mga ikakasal. Para talaga itong kasal na napapanood ko sa mga pelikula ngunit nag eexist din pala sa totoong buhay.
"Leighyana, sumunod ka sa'kin." lintaya ni Ma'am Santos. Kaya agad naman akong sumunod sa kanya. Huminto ito sa tapat ng Lalaking naka upo sa harap ng piano.
"Hey , Harold. How are you today?"
"I'm great Ms. Santos." nakanginting tugon ng Lalaki.
"Good. by the way, this is Leighyana, our Singer for to day." Pag-papakilala niya sa'kin.
Leighyana, ito si Harold, siya ang pianista natin. So maiwan ko muna kayo dito." Dugtong niya.
Tumango ako bago tumugon,"Sige po"
Umalis na agad ito matapos akong ipakilala kay Harold.
"Hi, let's practice first before the ceremony begins," Nakangiting turan nito.
"O-okay." nauutal kong tugon. May lahing kano ata itong si Harold. At base sa itsura nito, nasa kwarenta na na ang edad.
Umupo na ako malapit sa tabi niya at nag umpisa na itong tumugtog. Inumpisahan ko na ang pag kanta, habang pinipindot nito ang bawat chords. Matapos ang halos isang oras na pag ensayo. Ay lumapit sa'amin si Danica.
"Hey, Harold, Leigh. Malapit na tayong mag umpisa, kaya be ready kapag nand'yan na ang Bride, alam nyo na ang gagawin." Paalala nito sa'min.
"Okay Dani."
Nag tumbs up pa itong si Harold kay Danica. Bumalik naman agad si Danica sa bungad ng pinto ng simbahan upang samahan si Ma'am santos. Na ngayon ay may kausap ito na ginang. Naka talikod ito kaya hindi ko makita ang mukha. Narito kami ngayon sa gilid na halos hindi makita ng mga Tao dahil may mga matataas na bulaklak sa harap namin. kung hindi mo titigan ay dimo talaga mapapansin na may tao dito sa gawi namin. Bahagya kong sinilip ang mga tao na ngayon ay halos mapuno na ang loob ng simbahan.
"My god! Ano ba yan, nauna pa talaga ang Bride dumating? Nakakahiya naman." Rinig ko mula sa malapit sa kinauupuan ko, kaya bahagya ko itong sinilip. Tatlong Ginang na nag-uusap.
"Naku, baka naman na late lang ang groom." Sabat ng isang babae. Halis pareparehas ang mga suot nitong gown na kulay gold.
Pinapakingan ko lamang ang kanilang mha pinag-uusapan. So kung ganun, nand'yan na ang Bride? Kelangan ko ng i relax ang sarili dahil maya-maya mag uumpisa na. Hinahanap ng mga mata ko si Danica, pero di ko ito mahagilap.
"Ahm, Harold. I need to go to the comfort room." nahihiya kong lintaya
"Sure! Please do hurry." Saad niya.
Tumayo na ako at nag madaling hinanap ang banyo. Kanina pa kasi namimigat ang pantog ko.
Achilles P. O. V)
Nauna akong umalis kila Mommy kanina, they thought I was in the Church already. But I went straight here in the beach.
Narito ako, at naka tayo sa harap ng dalampasigan. Tinatanaw ang walang hangang dulo ng karagatan. Pinapanood ang mga malalakas na alon na malayang nag-uunahan sa dalampasigan. Nalalanghap ko pa ang malamig na hangin, na amoy alat na tumatama sa balat ko. Parang gusto ko nalang mag-pakalunod at mawala na parang bula. Para hindi ko na maramdaman ang bawat pag-hihirap. Pakiramdam ko nakatali ako at nasasakal na sa bawat dikta na kaylangan kong sundin. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko, at may nag-babadyang mga luha. Pilit ko man itong pinipigilan ngunit tuluyan itong pumatak. Bakit ba napaka bias ng tadhana? Kung sino pa yung gusto mo, siya pa yung mawawala sa buhay mo. Gusto ko mang umatras sa kasal, pero diko magawa! kapag ginawa ko yun, para ko ding pinatay si Mommy. I love her so much at ayokong dagdagan ang sama ng loob nito.
"Lena, I'm sorry. Malaya kana"
Bulong ko sa kawalan habang pinupunasan ang mga luha. Nag-pakawala ako ng malalim na buntong hininga bago tinalikuran ang dagat.
Sumakay ako sa kotse ng walang gana. Binuhay ko na ang makina nito at pinatakbo ng mabilis.
Pag karating ko sa simbahan, natanaw ko ang sasakyan na sinakyan ni Abby. Wala akong pake kung naghintay ito ng matagal. Paglabas ko ng sasakyan, nasa akin lahat ang tingin ng mga taong narito.
"Aki!" nagmamadali na lapitan ako ni Mom. Salubong paang kilay niya ng makalapit ng tuluyan sa'kin.
"Where have you been? we've been waiting for you! My god nakakahiya sa mga tao!"
"Mom, please, nandito na ako-"
"Mrs. Zamora, can we start?" naputol ang argumento namin ng dumating ang isang Babae na may hawak na folder.
Matalim akong Tinitigan ni Mommy bago tumugon sa wedding planner, "Mabuti pa nga!"
"This way Sir" giniya ako ng wedding planer,
"Sir, kapag nag start na pong tumugtog, tsaka po kayo maglakad."
Para akong walang naririnig habang nagsasalita ang Babae sa harap ko.
Maya-maya pa ay nag umpisa ng tumugtog ang musika. Tunog na mula sa piano, ngunit diko alam kung saan nag mula.
I simply gritted my teeth, while walking down the Aisle. Nang maabot ko ang unahan kung saan ko hihintayin si Abby ay may napansin akong isang Babae na nag mamadaling umupo sa tabi ng pianista. Naka side view ito. Ngunit tila nabuhay ang dugo ko ng humarap ito.
"Lena?"
Halos pabulong ko na sambit. Seem's like I want to approach it, pero bigla kong naisip na imposibleng makarating s'ya dito.
"Dude!"
Napukaw ang atensyon ko ng tapikin ni Kyron ang balikat ko.
"Are you okay?" dugtong nito.
Tumango lamang ako, Diko namalayan nasa tabi ko na itong dalawa. Pati si Dad, na ngayon ay naka tayo na sa isang gilid.
Nangg tumingin ulit ako sa gawi nung Babae, ay naka upo na ito at natatakpan ng mga dahon at mga bulaklak ang kinauupuan, kaya halos di mapapansin ang kinaroroonan nito. 'Baka namamalikmata lang ako'
"Dude!"
Tawag sakin ni Raffa. Tinuro nito ang pinto ng simbahan na ngayon ay sinara. Hinihintay ang pag bukas nito para sa pag-pasok ni Abby.
Maya-maya pa ay, bumukas ang pinto at iniluwa si Abby. Kasabay nito ang pag tugtog at pag-kanta, nung Babaeng nasa tabi ng Pianista.
(Please play the Music.)
You're always on my mind
Since I've had this feeling
I found in you a dream
I've believed to be true
Bahagyang nag salubong ang mga kilay ko ng marinig ang boses nito.
Tila pamilyar sa'akin ang bawat tinig nito.
Finally you got me fallin' like this
I don't wanna end a feeling like this
You know I want to share my world with you, I promise to you my feelings will never change
You know I want to forever live in this moment,. I wanna spent the rest of my life with you, I do.
"Did you hear that voice?" Kunot-noo kong turan kay Raffa.
"What do you mean?" Taas kilay nitong tugon.
"That voice, si Lena,"
"Dude, please wag kang mag hallucinate dito, kasal mo ito kaya wag kang mag isip ng kung ano-ano. Tsaka malamang, nasa pilipinas lang si Lena"
Napabuntong hininga nalang ako. Pati boses nito naririnig ko na. Tama si Raffa Nasa Pilipinas ito kaya imposibleng makakarating siya dito sa US.
Dreaming of a life
A happy ever after
I couldn't imagine if it wouldn't be with you, Each day is like a fairy tale come true
I wouldn't ask for more than being with you
Diko na mapigilan ang maluha, sa bawat mensahe ng kinakanta nito, seems like urging me to check that girl singing behind that flower stand. pero bigla akong tinapik ni Raffa.
"Dude! Abby is here."
Kaya nabaling ang tingin ko sa harap. tila hindi ko maigalaw ang buong katawan ng makita si Abby. Na suot nito ang ang puting gown. Ni hindi ko ito malapitan parang may pumipigil sa'kin ng hindi ko maintindihan.
Parang gustong humakbang ng mga paa ko palabas ng pinto ng simbahan, ngunit diko magawa.
Nakatitig lamang ito sa mga mata ko. At nagbabadya na ang mga luha
You know I want to share my world with you, I promise to you my feelings will never change
You know I want to forever live in this moment
I wanna spend the rest of my life with you, I do........
Tinitigan ko lang ito hangang matapos ang kanta.
"Son!! Lapitan mo na si Abby." bulong sa'kin ni Dad.
******
Leighyana's P. O. V
Nagmamadali akong umupo. Naku! Muntik pa ako di makabalik sa oras. Ang hirap naman kasing hanapin ang banyo sa simbahang ito.
Nag-uumpisa ng tumugtog si Harold ng makalapit ako dito.
"I'm sorry Harold."
Halos pabulong ko na saad . Tumango lang siya dahil tumutugtog na ito. Hinahanda ko na ang mga kopya ng kakantahin ko sa pagpasok ng Bride. Wala na akong panahon para tingnan ang mga nag lalakad sa red carpet, maya-maya pa ay nag sensyas na si Danica na papasok na ang Bride.
Pag-bukas ng pinto ng Simbahan, ay syang umpisa ng pag kanta ko.
Ang ganda ng bawat mensahe ng kanta. Tugma sa dalawang taong nag mamahalan. Nang matapos kong kantahin ang huling stanza ay may umagaw ng atensyon ko. Mga bulung-bulungan ng mga Ginang na malapit sa kinarorooanan namin.
Muli kong sinilip ang mga ito kaya halos rinig ko na din ang kanilang pinag-uusapan.
"Naku, bakit ang tagal,"
"Ano kaba, nag dadrama pa nga sila."
"They look inlove with each other"
Napailing nalang ako, sa mga naririnig ko mula sa kanila. Na intriga naman ako, kaya bahagya din akong tumayo at sisilipin ang ikakasal.
Una kong nakita ang nag-gagandahang mga bridesmaid at flowergirl, bago na tunton ng mga mata ko ang Bride, napakaganda ng damit nito. Dumako ang tingin ko sa groom at ganun nalang pagka-bigla ko ng makilala ito.
Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Tila nanlamig ang buo kong katawan ng mapag sino ang Lalaking kaharap ng Babaeng ikakasal. Napatayo ako ng tuwid at bahagyang napa atras. Hindi, hindi si Aki 'yan namamalikmata lang ako.
Lumamlam ang mga mata ko at Isa-isang pumatak ang mga luha. Hindi ako pwedeng magkamali dahil bawat angulo nito ay kilala ko na. Para akong binagsakan ng langit nang makita kong inaalalayan na niya ang Babae patungo sa altar. Nanginginig ang mga labi ko at tila hinahabol na ang hininga dahil sumisikip na ang dib-dib ko.
"Hey! Are you okay?"
Tanong ni Harold na labis ang pagtataka sa mukha nito. Napatingin ako sa kanya na basang-basa ng luha ang mukha ko dahil sa labis na pag luha. Halos ayaw lumabas ang mga salita sa bibig ko, at tila nalulon ko ang dila. Diko na napigilan ang pag-hikbi bago tumugon,
"Excuse me"
Hindi ko na kayang tingnan ang susunod na mangyari, kaya mas pinili kong umalis nalang sa lugar na ito.
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha na ayaw mag pa-pigil. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman.