Chapter 22
Good morning pretty pregy!" masayang bati ni Danica, na lumabas sa kwarto. Naka-ngiti akong lumingon sa kanya habang piniprito ang hot dog. Maaga akong Nag-hahain ng almusal namin dahil may kanya-kanya kaming lakad ngayon.
"Kumain kana Dani, baka papasok ka nanaman na hindi nag-aagahan." Untag ko dito. Lagi nalang kasi itong hindi nag aalmusal.
"Naku, kakain ako ngayon dahil wala ng problema sa office, at tapos ko na ang thesis." Humila ito ng upuan at nag sandok ng kanin. Tinangal ko na sa kalan ang frying pan at pagkatapos inilapag ko ang pritong hot dog sa mesa.
"Nakapag-kondisyon kana ba para bukas?"
"Kondisyon talaga?" Natatawa kong lintaya. "Nakapag ensayo naman ako ng mabuti.." dagdag ko pa
"Good! Tsaka yung susuutin mo, ako na ang bibili." Saad niya habang nginunguya ang pag-kain.
"Hmm, sige. Pero yung mumurahin lang ha, baka naman yung mamahalin ang bibilhin mo." paalala ko dito. Lahat kasi ng binibili nito sakin ay parehong matataas ang presyo. Nakaka-panghinayang at nakakahiya.
Nilulon muna nito ang pag-kain bago timugon,"Okay lang 'yon, ang mahalaga kumportable ka.
Siya nga pala, hindi ko na nakikita si Alex na pumupunta dito,"
Natigilan ako sa pag-nguya nang bangitin niya ang pangalan nito.
"Leigh..?"
"Hmm?" ikling sagot ko.
"Ang sabi ko, hindi ko na nakikita na pumupunta si Alex dito," pag-ulit niya, habang tinatapos isubo ang huling kutasara ng pagkain.
"Aba'y malay ko. Baka- baka busy yong tao. Hayaan mo na." usal ko, bago tumayo at kumuha ng maiinom.
"Sabagay, ano kaya ang trabaho nun? May alam kaba?" muli niyang tanong. Na nag-pairita sa'kin, ngunit hindi ko pinapahalata.
"May Girlfriend na kaya siya? Alam mo, ang gwapo niya no? Crush ko na nga siya, kaya lang ang laki ng agwat niya sa edad ko.." mahabang wika niya. Hindi ko na ito pinakingan at pinag-patuloy ang pag-kain.
Tumayo na ito at bit-bit ang pingan patungo sa sink, "Leigh! Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?"
"Ha? O-oo naman." Nauutal pa ako sa pag sagot
"O siya, maliligo na ako, nga pala, pag-katapos ng check up mo, mamaya. sa mall na tayo mag-kikita ha, dun na ako bibili ng susuutin natin para bukas. "
Tumango tango lamang ako sa huling sinabi niya. Mabuti naman at umalis na ito, at naririndi na ako sa mga tanong niya tungkol kay Alex. Mula no'ng araw na hinalikan niya ako, ay 'yon na din ang huli naming pag-kikita. Sa totoo lang hindi ko nagustohan ang ginawa niya.
"Flashback"
Isang malakas na sampal ang ginawa ko. Napahawak siya sa pisngi matapos kong gawin 'yon.
"I'm sorry Leigh. H-hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Pero maniwala ka. Unang kita ko palang sayo sa Coffee shop ay hindi kana mawala sa isip ko."
Tumayo ako at mabilis na nag punas ng mga luha.
"Tama na, Alex! Sana man lang ginalang mo ako, hindi ako katulad ng iba d'yan na basta-basta ipapa-aku ang pinagbubuntis sa ibang Lalaki."
"I-i'm sorry.. hindi na mauulit." Tumayo ito at nag-mamadaling lumabas ng bahay, Ni hindi ko na ito tiningnan. Muli kong pinunasan ang mga luha, pakiramdam ko, kabastos bastos ako. Parang bumabalik 'yong mga panahon na inangkin ako ni Aki. Na wala man lang akong nagawa para ipag-tangol ang sarili.
"Leighyana," sambit ni Dani. Habang pinupunasan nito ang basang buhok. Napamulagat naman ang mga mata niya nang makita akong, nakaupo pa rin ako sa harap ng hapag kainan.
"Hindi ka pa ba tapos? Aba'y anong oras na baka hindi mo maabutan ang Obgyne." Linataya nito. Kaya agad naman akong, natataranta, muli ko siyang tiningnan at bihis na pala ito,
"Aalis ka na ba?"
"Oo eh, kaya lang ang suklay diko mahanap. Pahiram naman 'yong sayo"
"Okay sige, kunin mo nalang sa kwarto ko."
Ilang saglit pa ay lumabas na ito ng kwarto ko at nakapag suklay na.
"Pa'no, alis na ako. Kitakits nalang mamaya. "
"Sige mag-iingat ka" sinundan ko lang ito ng tingin hangang sa makalabas ng pinto. Bumuntong hininga na lamang ako, palagi nalang akong lutang nitong mga nakaraang araw.
Matapos kong gumayak ay tumungo na ako sa clinic. Isang pinay din ang napili kong doctor, upang mas maintindihan ko ang mga paliwanag tungkol sa pag-bubuntis ko.
"Hi, Mommy. How are you?" bati nito sa'kin nang makapasok ako sa loob ng clinic
"Mabuti naman po Doc." Naka-ngiti kong tugon. Hindi pa man uminit ang pang-upo ko, ay tinawag na ako nito.
"Halika Mommy, humiga ka na dito nang matingnan natin sila baby.."
Excited ako at the same time kinakabahan. Ito kasi ang una kong bisita at unang ultrasound, kaya hindi ko masukat ang kasiyahan.
"Relax lang Mommy" saad ni Doc. Siguro nahahalata niya na kinakabaha ako. Tipid akong ngumiti habang pinapasadahan ng ultrasound probe ang t'yan ko. Ramdam ko pa ang lamig ng gel na nilagay nito.
"Ayan. Nakikita mo ba, ang lulusog. Sa ngayon hindi pa natin makikita ang gender, maybe your next visit here, malalaman na natin ang gender nila."
Nangilid ang mga luha ko nang makita ang maliliit na imahe ng mga Anak ko. Parang gusto ko na silang mayakap.
Matapos ang pag ultrasound ni Doc. ay niresetahan niya lang ako ng mga dapat kong inumin na vitamins.
Marami lang itong bilin at pag-iingat dahil sa kambal ang pinag-bubuntis ko.
Masaya akong umalis ng clinic. Lalong tumatatag ang damdamin ko dahil sa mga anak ko. Hindi na ako makakapaghintay na makarga sila.
******
"Danica's POV."
Ilang minuto na akong naghihintay kay Leighyana, dito sa pinag-usapan naming Mall. Napatingin ako sa palapulsuhan, mag E-eleven o'clock na. Siguro na may dinaana pa 'yon.
Ewan ko ba dun, ni ayaw gumamit ng Celphone, Hindi ko tuloy makontak.
Sa pag-aabang ko, ay naisipan kong mag lakad-lakad muna, at bubusugin ko ang mga mata sa pag wiwindow shoping. Tutal wala pa si Leigh.
Nasa baby clothing department ako at natutuwang tingnan ang mga damit na pang baby's. Di bale sa susunod na malaman namin ang gender ng mga anak ni Leigh mapapabili ako ng marami! Ang k-kyut kasi. Iginala ko ang mga, baka kasi dumating na si Leihyana, ngunit nag ning-ning ang aking paningin nang makita si Alex.
Hindi ko alam parang may sariling mga utak ang mga paa ko, at tinungo ang kinaroroonan nito.
"Alex!" tawag pansin ko sa kanya. Tila na surpresa naman ito nang makita niya ako. Tumingin-tingin muna ito sa likuran ko bago tumugon,
"Dani. mag-isa ka lang?"
"Ah, hin-"
"Bro!" hindi ko natapos ang sasabihin ng may tumawag dito. Si Mr. Zamora pala.
"Ow, hi.." nakangiting saad nito nang mapansin ako.
"Magandang araw, Mr. Zamora." Nahihiyang pag bati ko. Saglit pa tumitig sakin ito.
"Wait, I think I know you."tila nag iisip pa ito.
"Tama, the wedding planner?!" Nakangiting, Dugtong niya.
"Yes Sir. Ako nga po."
"Teka, magkakilala kayo?" turo nito sa'min.
"Yeah, my generous neighbor"
"Oh, I see. Akala ko may plano ka na ding mag-asawa,"
"Ogag. Wala ngang nag kakagusto sa'kin" wika niya. Tipid akong ngumiti at diko mapigilan na kabahan.
"What?! I know you bro." Natatawang saad ni Mr. Zamora.
Salubong ang kilay nito, ng humarap kay Mr. Zamora "Can you please shut up.. baka isipin ni Danica, totoo yan." Para ba silang mag-kapatid kung mag-asaran.
"So paano ba yan, Danica. Mauna na kami." Paalam ni, Alex. Tumango lamang ako bago tumugon,
"Sige ingat kayo."
Kumaway naman itong si Mr. Zamora bago sila umalis sa harap ko.
Di parin mawala ang mga ngiti ko, kahit nakatalikod ito, ang guwapo parin. Pero bakit sila mag-kasama ni Mr. Zamora? Infairness mag-kamukha sila. Pero may konting pag-ka matured si Alex. Nag kibit balikat nalang ako habang tinatanaw sila papalayo.
"Danica!" Lumingon ako ng dumating si Leighyana. Nakangiti ito ng makalapit sa'kin.
"Sino bang tinitingnan mo d'yan?
Sinundan nito ang mga tingin ko kanina,
"Pasensya kana ha, medyo natagalan ako." Wika niya matapos tingnan ang dinaanan nila Alex. Ngunit di na niya naabutan ang mga ito.
Abot tenga ang mga ngiti ko nang humarap aa kanya, "Sus, ayos lang."
Nakakunot ang noo niya bago tumugon, "Teka, bakit parang masaya ka ata ngayon?"
Napakagat labi ako at pinipigilan ang kilig na tumugon, "Si Alex kasi nakita ko."
ngunit nag-iba ang awra ng mukha nito, na pinagtaka ko. Kanina ko pa siya napapansin sa bahay.
"Leigh, may problema ba?"
Bumuntong hininga muna ito bago sumagot, "W-wala."
"Wala? Kanina ka pa kasing ganyan, lalo na , nung si Alex ang topic natin. "
"Danica, Wala nga diba? Tara na." Tinalikuran ako nito matapos tumugon. Napakamot nalang ako sa ulo.
"Moodswing ng buntis" mabilis ko itong sinundan,