chapter 19
Good morning Baby, happy three Months." marahang hinaplos ko ang papaumbok kong t'yan, habang kinakausap ko ito. Tatlong buwan na ngayon, mula nang malaman ko na buntis ako. Noong nakaraang buwan ay lagi nalang akong nahihilo at naduduwal at hindi ako dinatnan ng buwanang dalaw, at may mga napapansin akong sintomas ng isang nag-dadalang tao. Kaya Agad akong bumili ng pregnancy test at hindi ako nag kakamali. Buntis nga ako.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, gayong dinadala ko ang magiging anak namin ni Aki. Natatakot ako ngunit sa kabilang banda ay masaya ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya, o ililihim nalang. Natatakot ako na baka hindi niya matangap o di kaya aapihin kami ng magulang niya. hindi ako makakapayag na saktan nila ang anak ko.
"Leigyana, aalis na ako." Napatingin ako sa pinto ng katukin ni Danica. Agad akong tumayo at pinagbuksan ito.
"Aalis ka na? Bakit ang aga naman, Diba mamaya pa ang pasok mo?" Takang tanong ko. Napangiti lamang ito ng humarap sa'kin.
"Naku! Alam mo na ang boss ko kapag mainit ang ulo kaylangan handa na lahat ng listahan namin sa Event. lalo na ngayon may malaking kasalang magaganap. Kaya sige na ha?" Matapos nitong masuot ang sapatos ay isinukbit na ang hand bag sa balikat.
"Siya nga pala, wag mong kalimutan ang kape namin.." dugtong nito. Kaya napangiti ako nang ipaalala niya sa'kin.
"Oo na, diko na kakalimutan."
"Good, o sya babush" kumaway pa ito bago tinungo ang labas ng pinto. Napakamot nalang ako sa batok nang maalala ang pinapaorder nito sakin. Mula kasi nang dumating ako dito sa US, ay agad akong nakahanap ng trabaho, sa isang Coffee shop. Kaya malimit na sa'min na umoorder sila Danica. Hanga nga ako sa kanya at kaya niyang ipag sabay ang trabaho at pag aaral. Kahit na kaya naman siyang paaralin ni Tita Elma pero tumangi ito dahil mas gusto niyang paghirapan ang pangarap niya.
hindi ko pa sinasabi kay Danica ang tungkol sa pinag bubuntis ko. Hindi ko alam kung paano pero sa susunod na buwan sasabihin ko na. mag iipon lamang ako ng lakas ng loob. Tsaka hindi ko na 'yan matatago dahil lalabas at lalabas ang katotohanan.
Napatingin ako sa palapulsuhan, Maaga pa, alas-syete pa lang ng umaga. Mamayang ala-una pa ang pasok ko kaya naghanda nalang ako ng makakain at maglalaba pa ako.
Sumapit ang Alas-dose ng tanghali ay tapos ko ng gawin ang lahat. Suot ko na din ang uniporme, medyo may kasikipan na ito kaya hindi ko na tina-tack in.
Ilalock ko na sana ang pinto ng bahay nang may biglang dumating na kulay puti na magarang kotse, at tumungo sa katabing bahay. Kung hindi ako nag kakamali ay bagong lipat ito, dahil pag dating ko dito noon, isang pamilya ang dating nakatira sa marangyang bahay na malapit lamang sa tinutuluyan namin ni Danica. Bumaba ito ng sasakyan. kaya napa iwas ako ng tingin nang lumingon ito sa'akin. Hindi ko alam pero may kabog sa dib-dib ko ng saglit mag tama ang mga mata namin. May similarity kasi ito sa tindig ni Aki. O baka nag iilusyon lamang ako. Minadali ko na ang pag lock at mabilis na tinungo ang bus stop sa malapit. Ni hindi na ako limingon pa.
Naalala ko nanaman ang taong iniiwasan ko. Alam kong hindi niya ako matutunton kung nasaan man ako, kaya malabong magkikita kami dito. Yun nga lang sa tuwing may makita akong lalaki na na kamukha niya, ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Habang nasa byahe ako, biglang tumunog ang cellphone ko.
"O, Dani. Papasok pa lang ako"
"Alam ko, tumawag ako para sabihin na i cancel na ang order ko, dahil may biglaang lakad kami ng boss ko."
"Ganun ba, o sige dadalhan nalang kita pag uwi ko mamaya-"
"CHOCOLATE FRAPPE!" halos sumigaw ito sa tuwa... kaya natawa nalang ako sa tinuran niya.
"Sige na, sige na. Nand'yan na ang boss ko." dugtong nito at Bigla niyang pinatay ang tawag.
Ilang saglit pa ay huminto ang Bus, kaya tumayo na ako at bumaba.. nag mamadali akong pumasok sa loob ng Coffee shop at dumeretso sa locker upang iwan ang dala kong bag na may lamang damit na pamalit.
"Hey, early bird" bati sakin ng kasamahan kong si Maricar. Early bird ang tawag nito sakin dahil napaka aga nga naman akong pumasok since day One.
"Hi Maricar, you can go home, and I'll take care of the rest of your time."
"Realy? Ohw.. your so sweet darling." Napangiwi ako ng bigla akong nitong yakapin at halikan sa buhok..
"Okay bye.." masaya itong tumalikod at tinungo ang locker. Napailing nalanh ako..
napatingin ako sa t'yan at hinaplos ito, "Baby, start na tayong mag trabaho ha, kapit ka lang d'yan. Love you."
Huminga ako ng malalim bago inumpisahan ang gagawin. May nakita akong dalawang tao na kakapasok lamang, kaya agad ko itong nilapitan. Kinuha ko na receipt at ballpen na nilagay ko sa bulsa ng Apron.
"Good morming Sir/Maam" iginiya ko ang mga ito sa mesang pang dalawahan.
"Thank you." Saad ng Ginang. Ngumiti ako dito bago tumugon.
"Your welcome. Can I have your order?"
"Yeah sure. I want Doppio," saad ng Ginang
"Irish coffee for me please," saad ng Asawa nitong Lalaki. Mabilis kong naisulat, at muli itong binasa sa harap nila, "okay Ma'am, I got your order One Doppio, and also to you Sir, One irish coffee. Please wait for a minute, thank you." nakangiti Kong saad bago sila tinalikuran.
Habang tinitungo ko ang daan papunta sa coffee bar ay may sinusulat ako sa papel.
"Aray!" Halos matigilan ako ng may nabanga ako.
"Sorry, soryy Sir." Dugtong ko.
"It's okay. Kasalanan ko din dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan." Wika nito. Pero tila na estatwa ako nang magtagpo ang aming mga mata.
"Are you okay Miss--- Leigh?" Bumaba ang tingin nito sa Name tag ko. Kaya tila nailang ako nang bigla itong ngumiti.
"Sige po." mabilis ko itong tinalikuran at tinungo ang coffee bar. Inabot ko lamang ang list sa isang coffee maker ng wala sa sarili. Gusto kong lumingon, ngunit diko magawa. Bakit ganito, bakit kamukha niya si Aki? Ang pag tawa nito, ang tindig, at ang kakisigan.
"Leigh?! Are you okay?" Bumalik ako sa ulirat ng tapikin ako ng kasamahan kong waitress na si Allysa.
"Yeah," tipid kong sagot.
"Okay, can I ask a favor? I'm going too pee, can you get the order of that man?" Turo nito sa Lalaking nakabanga ko ngunit sa pag lingon ko wala na itong si Allysa.
Napa-buntong hininga na lamang ako.
"Here's the order Leighyana." Kinuha ko na ito at dinala sa mag asawang umorder kanina.
Matapos kong maihatid ang mga order nila, at no choice akong nilapitan ang Lalaki na nakabanga ko.
"G-good morning Sir. Can I get your Order?" tinatanong ko ito ngunit ang mga tingin ko ay nasa receipt at ballpen.
"Black coffee please." Mabilis ko itong sinulat at umalis sa harap niya. Hindi ko kayang matagalan sa harap ko ang Lalaking 'yon.
Mabuti nalang at tapos na si Allysa kaya siya na ang naghatid ng order.
Unti-unti ng napupuno ang loob nitong coffee shop, kaya abala ako sa pakuha ng mga order. Napalingon ako sa kinauupuan nong Lalaki kanina pero wala na siya, kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko.
Mabilis lumipas ang oras, tapos na ang limang oras na trabaho ko, kaya ito handa na akong umuwi. Bitbit ko pa ang paboritong chocolate frappe ni Danica.
Ramdam ko na ang pag-ngalay ng mga binti kaya napa upo ako dito sa bus stop habang nag aabang ng masasakyan. Napangiti ako ng may paparating na Bus, kaya tumayo na ako. Ihahakbang ko na sana ang mga paa nang biglang nanlalabo ang mga mata ko. Pinikit ko ito ngunit tila nawalan ng lakas ang mga binti ko,
"Leigh? Are you Okay?" Imumulat ko sana ang mga mata upang mapag sino ang taong naka-hawak sa magkabilaang braso ko. Ngunit biglang dumilim ang paligid at diko na alam ang sumunod na nangyari.
*****
Naalimpungatan ako nang may marinig akong nag uusap. Bahagya kong dinilat ang mga mata, ngunit hindi pamilyar ang lugar na nakikita ko.
"Leigh!" napatingin ako kay Dani na nag-mamadaling humakbang patungo sa kinahihigaan ko. Ngunit dumako ang mga tingin ko sa isang babaeng nakaputi ang damit, na may kausap na Lalaki. Napamulagat ang mga mata ko nang makilala ito.
"Kamusta ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin?" Wika ni Danica. Ngunit nasa ibang direksyon parin ang mga tingin ko. Sinundan naman ni Danica kung sino ang tinitingnan ko.
"Sya nga pala, siya si Alex ang bagong kapitbahay natin. Siya ang nag dala sayo dito sa hospital."
"Hospital?" Kinapa ko agad ang t'yan at nangingilid ang mga luha,
"Ang baby ko?!" dugtong ko.
"Leighyana, kumalma ka. Walang masamang nangyari sa mga Baby mo.."
"Mga?" Takang tanong ko.
"Oo, kambal ang mga anak mo." Napangiti ako at tuluyang pumatak ang mga luha, sa narinig mula kay Danica.
"Danica, sorry. Sasabihin ko naman sana kaso lang,"
"Shh! nextime na natin pag usapan yan, ang mahalaga ngayon, mag palakas kayo. Hmm?" Hindi ko mapigilan ang maiyak, kaya agad akong niyakap ni Danica.
"Ahhm."
"O Alex, halika ipakilala kita kay Leighyana. Leigh, si Alex.
Alex, si Leighyana"
"Hi.. nice to meet you" tipid itong ngumiti ng batiin ako.
"Nagaglak po akong makilala ka."
"Mukha na ba akong matanda? Just kidding, please drop the po. Alex nalang." Natatawang saad nito. Tipid akong ngumiti bago muling magsalita,
"Salamat nga pala sa pag-dala sa'kin dito. Sa sobrang pagod siguro kaya ako nawalan ng malay."
"Kaya mag-iingat kana sa susunod. The doctor said, you need a plenty of rest. Bawal stress." marahan akong tumango at mapait na ngumiti.
"So, sabi ng dr. Anytime makaka uwi kana. Sumabay na lang kayo sakin, total mag-kapit bahay lang naman tayo."
"O sige! ano, Leigh?" Masayang turan ni Danica, halos paningkitan ko ito ng mata dahil sa hiyang nararamdaman.
"Dani, nakakahiya" pero naririnig pala ako nito kaya bigla itong nagsalita,
"I insist.. isipin mo nalang na kaybigan niyo ako." halos hindi ko ito matingnan, dahil nakikita ko si Aki sa mga mata nito. Sa dami-dami ng taong makasalamuha namin, ay kamukha pa niya ang tutulong sa'min.
Wala na akong nagawa kundi ang makisama. Hinatid nga kami ni Alex hangang sa maka-uwi ng bahay.
"Ang gwapo niya talaga Leigh, no?" kinikilig na wika ni Danica. Hindi na ako tumugon pa, at sa totoo lang ayokong pag usapan ito.
"Maiba tayo." humarap ito sa'kin at mataman akong tinitigan.
"Leighyana, gusto kong malaman ang totoo. Sino ang Ama ng dinadala mo? Taga saan? At paano mo nakilala?" sunod-sunod niyang tanong. Napahugot naman ako ng hangin dahil hindi ko alam kung saan mag sisimula.
"Kahit sabihin ko naman, sayo hindi mo rin ito kilala. Pero, ang pangalan niya ay Achilles, Aki.. yun lamang ang alam ko-"
"Ano? Nakipagsex ka sa hindi mo kilala?!"
"Mahabang storya, Dani.. naging Dancer ako sa club, at sa kamalasang palad binili niya ako at napilitang ibigay ang pag-kababae ko!
Kunot-noo niya akong tiningnan at bakas sa mukha nito ang di makapaniwala, "Leigh, totoo ba?! Kung ganun bakit hindi ka nagsumbong sa mga pulis?!"
"Wala ding say-say, kahit kanino ako mag sumbong! walang maniniwala sa'kin!" Halos sumigaw na ako sa harap ni Danica. Lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit. Dito ko binuhos ang lahat ng pinagdaanan. Nakakapagod ng umiyak, kahit kalimutan ko ang nangyari, pilit parin itong bumabalik sa ala-ala ko. pero ngayon kaylangan ko paring lumaban dahil may mga supling na akong kaylangan buhayin.
Humahagulhol na itong si Dani habang mahigpit akong niyayakap,"Leighyana, sorry... Sana pinilit ko si Tita noon na isama ka. Sana hindi mo naranasan ang lahat ng ito. Kasalanan ko."
Kinalma ko ang sarili at pinilit na magsalita, "W-wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan dahil may choice naman ako, p-pero pinili ko pa din sumayaw. Sana hindi nangyari sakin to,"
Kumalas sa pag kakayakap si Dani at pinunasan niya ang mga luha sa mata ko, "Wag kang mag-alala, nandito ako para tulungan ka sa lahat. Ako ang bahala sa inyo, ha?"
Lalong bumuhos ang mga luha ko sa sinabi niya.
New story.