CHAPTER 20

Mula nang mag resign ako sa Coffee shop, ay dito na umiikot ang mundo ko sa loob ng bahay. Hindi na ako pinayagan ni Danica na mag trabaho, para maalagaan ko ng maayos ang sarili pati na rin ang pinag-bubuntis ko. Hindi naman ako gano'n ka selan, kaya lang natatakot si Danica, na baka maulit yung nawalan ako ng malay sa public place.

Napalingon ako sa kwarto ng lumabas si Danica, "Opo Ms. Santos.. mag hahanap po ako, sige po." naka-busangot ito ng matapos makipag usap sa telepono, kaya agad ko itong sinalubong ng tanong.

"Bakit? May problema ba?"

"Umalis ng hindi nag papa-alam ang wedding singer namin. Kaya ito, dag-dag problema nanaman."

"Ganun ba? Kelan ba ang Event niyo?" wika ko.

"Tatlong lingo mula ngayon, ang dami pa naming aasekasohin, tapos ito pa dadag-dag." halos mangiyak niyang wika. Pero bigla itong natigilan at tumitig sa'akin. Tila lumiwanag ang mukha nito nang lumapit sakin.

"Leigh! Kumanta ka nga?"

"Dani?! Matagal na akong hindi kumakanta. At alam mo tuwing pasko lang tayo nag coconsert sa bahay-bahay sa pinas-"

"Leigh, naalala mo ba dati na aliw na aliw sila sayo? Naalala mo pa ba na masaya si Lola Anna, dati dahil malaki ang perang nauuwi natin? Leighyana, dahil maganda ang boses mo."

"Pero, matagal na 'yon." katwiran ko.

"Ako ang bahala. Pipili lang tayo ng kanta na hindi ka bibirit, basta! Ikaw na ang maging wedding singer namin." Bigla ako nitong niyakap ng mahigpit.

***********

"Leigh!"

Napalingon ako sa pinto ng kumatok si Danica.

"Matagal kapa ba? Baka kasi maiwan tayo ng Bus!" dugtong nito.

"And'yan na!"

Nagmamadali akong mag suklay, at nag lagay lang ako ng kaunting pulbo at red lipstick sa labi. Kasi naman hindi ko narinig ang alarm clock na tumunog. Kaya ito natataranta tuloy ako.

Tiningnan ko muna ang sarili sa salamamin. Suot ko ay simpleng navy blue shirt na may kwelyo. At strechable black pants naman ang pang ibaba. As usual ang paburito ko na kulay puti na sapatos, bili pa ito ni Danica noong nakuha n'ya ang sweldo. Tinalian ko lang ang buhok ko na may pag ka messy bun, pag katapos mabilis kong kinuha ang slingbag at tinungo agad ang pinto at binuksan ito.

"Dani, Tara?"

"O, baka mamaya may nakalimutan kapa?"

Taas kilay na turan nito.

"Wala na... kaya tara na."

Sinara ko muna ang pinto ng kwarto, bago sumunod kay Dani, na nauna na sa labas ng bahay. Dahil ako ang huli ako na din ang mag la lock ng pinto sa harap.

"Hi Lex!" bati ni Dani. Abot tenga pa ang ngiti nito ng makita si Alex na lumabas ng pinto. Kumaway naman ito sa'min

"Hi! Dani, Leigh. aalis kayo?"

"Ah, oo eh. Ipakilala ko lang sa boss ko, itong si Leighyana."

"Bakit? Mag-aaply ka ng trabaho?"

"Ahm. Sideline lang, alam mo na."

"Kaya mo ba?"

"Ah, hindi naman mabigat ang gagawin ni Leighyana, Alex. Kaka ta lang siya sa Event."

"Okay, basta ba mag-iingat ka."

Tinitigan ako nito sa mga mata habang tinutugon ito.

"Ahemm!! Ang sweet naman ni Alex. Pero wag kang mag-alala ako ang bahala dito kay Leigh. Sige na ha, baka maiwan kami ng bus."

Kinuha na ni Dani, ang kamay ko at marahang hinila. Nilingon ko ito pero Halos di ko matingnan ng direcho si habang papaalis kami. May ilang akong nararamdaman sa pinapakita nito. Mula nang niligtas niya ako ay halos araw-na itong pumapasyal sa bahay at laging may dalang prutas.

Iwinaglit ko na ito sa isipan at di ko na binigyan ng kahulugan. Baka nga concern lang ito sa'kin.

Tamang-tama bago namin narating ang waiting shed ay may pumara na Bus. ibang klase ang bus dito sa America dahil may Second floor.

"What a perfect timing Leigh!"

Masayang lintaya ni Dani.

Mabilis kaming naka upo, at maya-maya pa ay. Umandar na ito.

Napa-hawak ako sa t'yan at marahang hinamas-himas ito. Napangiti ako nanh may maramdaman akong pimitik sa tagiliran. Masaya ata ang mga anak ko at mag kakaroon ng trabaho ang Mommy nila.

Kaylangan kong makapag ipon, at sakaling makukuha ko ang kikitain ko sa pag kanta, ay malaking tulong ito para sa panganganak ko. Ayoko naman iasa kay Danica ang pampa-Hospital. Tsaka di lang yun ang kakaylanganin ko para sa mga Anak ko. Marami pa akong kaylangang bilhin tulad ng mga damit at iba pang gamit.

Napa-buntong hininga na lamang ako. Kaya ko to. 'Kakayanin lahat ni Mommy, para sa future niyo.

"O, dito na tayo," untag ni Danica. Napa tingin nmaan ako sa labas ng bintana ng Bus, kaya tanaw ko agad ang building kung saan namamasukan si Danica.

Nang makababa kami, tumingin muna saakin si Dani. "Handa ka? "

Napangiti ako ako dito. "Handa na, pero kinakabahan ako."

"Ku! Wag kang kabahan, mabait yun si Ms. Santos. Pinay din yun kaya di dudugo ilong natin sa pa englishan."

Tumawa pa ito matapos itugon.

Kaya natawa na din ako.

"Tara na nga."

Nauna na itong humakbang, kaya sumunod na din ako. Isang beses pa akong tumingala sa building at napangiti.

"O. Danica, mabuti at nandito kana."

Nagtitipa ito sa computer ng maabutan namin itong Boss ni Danica. Napakamot naman sa batok si Danica ng maunahan s'ya ng kanya boss sa opisina.

"Pasensya na po Ms. kung nalate ako."

Tumingin sa relo itong Boss niya at bahagyang kumunot ang noo.

"No, you’re not late, maaga lang talaga ako pumunta dito, dahil naistress ako sa kliyente natin."

"Po?" Gulat na turan ni Dani.

"Isang sikat na Model ang Bride to be, alam mo na, kaylangan mas maayos, mas maganda ang pag plano natin."

Nanatiling nasa harap ng computer lamang ito naka tuon habang nag-sasalita.

"Sya nga pala, yung sinasabi mong singer, ok na ba?"

Dugtong nito.

"Ah! Yes po! Kasama ko na po s'ya."

Tumigil ito sa pag tipa at nilingon ang gawi namin.

"Magandang umaga po."

Pag-bati ko dito.

"Hi! sandali, tatapusin ko lang ito, at mag-uusap tayo pagkatapos"

Iginiya ako ni Dani sa pang dalawahang upuan upang dito ko hintayin si Ma'am Santos.

"Dani, sana matangap ako."

"Leigh, relax! Baka mamaya n'yan. Mawawala ka sa tono. Tsaka mag tiwala ka lang sa sarili mo."

Maya-maya pa ay tumayo na si Ma'am Santos,.

"What's your name?"

tanong nito habang tinitingnan ang isang puting folder.

"Leighyana Razid po."

"Okay Leighyana, pwede ko bang mapakingan ang boses mo? Kahit chorus lang."

Ngumiti ako bago mag umpisa.

(Please play the Music.)

"I do cherish you

For the rest of my life

You don't have to think twice

I will love you still

From the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long to say this to you"

"Perfect!! Tangap kana.."

Pumalakpak pa ito habang tumugon.

"Talaga po?"

Masaya kong lintaya. ngumiti ito at tumango.

"Danica, good job! Hindi na tayo mamoblema ngayon."

Turan nito kay Danica.

"Salamat po Ma'am. Kampante naman po ako kasi mas maganda ang boses ni Leighyana kesa kay Jewel."

"Your right! Tiyak mas lalakas tayo dahil sa boses mo, ito nga pala ang mga kopya ng kakantahin mo."

Masaya kong inabot itong isang white folder na nag-lalaman ng mga kopya ng kakantahin ko, binuklat ko ito at na pangiti ako ng mabasa ang mga title nito, dahil halos alam kong kantahin ang mga naka sulat dito.

****

Matapos ang pag -apply ko ay nauna na akong umuwi, dahil marami pang tatapusin si Danica at si Ma'am Santos, sa opisina nila.

Diko mapigilan ang ngumiti ng bahagya habang nasa byahe. Pati mga ibang pasahero na nakakasalamuha ko ay napapangiti sa'akin dahil akala nila nginingitian ko sila, Nakakatuwa.

Nang marating ko ang bahay, ay biglang nawala ang ngiti ko sa labi ng matanaw ko si Alex na palabas ng pinto. Habang papalapit ako, ay napansin nito ang pag dating ko.

"Hey, tangap ka?"

Naka ngiti ito habang nagsasalita. Kaya napangiti na din ako at marahang tumango.

"Wow! That's great! You know we need to celebrate that!"

"Ah!-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil mabilis itong pumasok sa loob ng kanyang bahay, muli itong lumabas at may bit-bit na isang paper bag, at nag madaling lumapit saakin.

"Where's your key?"

Para akong nahihipnotismo sa titig nito kaya nag patianod nalang ako at binigay ang susi dito.

"Com'on let's eat this together,"

Hindi pa man ako nakapag salita, kinuha na nito ang kamay ko at marahang hinila patungo sa loob ng bahay. Napatingin naman ako sa pag-kakahawak niya sa palapulsuhan ko. Ramdam ko ang init ng palad nito kaya diko maiwasang maasiwa.

Inilapag niya ang dalang Paper bag sa mesa, at Isa-isa nitong kinuha ang mga naka disposable na mga pag-kain.

"Ikaw na nag-luto n'yan?"

"Yeah! Alam kong papasa ka, kaya pinag luto kita nito, I hope you like it, seat,"

Hinila nito ang upuan, kaya umupo na din ako.

"Oh! wait! Pwede ba akong kumuha ng plato?"

Tumango lamang ako, at agad itong kumuha ng dalawang plato at kutsara't tinidor.

Mabilis itong kumilos at sinandukan pa ako nito. Pero agad ko siyang pinigilan.

"Alex, ako na. Kaya ko naman."

"Ahm, okay."

Bintawan nito ang hawak ng serving spoon at inilapag ang hawak na dalang pagkain.

"Upo kana"

Turo ko sa upuan sa harap ko. kaya agad naman siyang umupo.

Sumubo na ako, at halos diko mabuka ang bibig dahil nakatutok siya saakin.

"How is it?!"

"Masarap" Pagsasang-ayon ko

"Yeah, that's my Mom's recipe, someday ipakilala ko s'ya sayo, mabait yun and I'm sure magugustuhan ka niya." natigilan ito, sa sinabi.

"I'm sorry, masyado na ata akong maraming nasabi." dugtong nito.

"Ano kaba ayos lang, oo nga pala, san nga pala kayo sa Pilipinas?"

"Sa Mindanao, Davao region. Alam mo maganda do'n, at maraming magagandang tourist spots. Someday ipapasyal ko kayo ng mga kambal"

"Talaga? "

Natutuwa kong lintaya. Pangarap ko kasing mamasyal sa mga probinsya na may mga tourist spot.

"Ikaw?"

Ngumunguya ito habang nag tatanong. Tipid akong ngumiti at bahagyang Tumaas ang dalawang balikat ko bago tumugon.

" Ako? Galing ako sa Ampunan. diko alam kung taga saan ako, ni hindi ko nga alam kung sino ang mga magulang ko." Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko matapos tumugon.

"I-I'm sorry to hear about that."

"Okay lang, masaya naman ako kasama si Danica. S'ya nalang ang tinuturing kong kamag-anak at itong magiging mga Anak ko."

"That's good. And I'm here, you can count on me. At kung gusto mo, pwede rin akong tawaging Daddy ng mga kambal."

"Alex."

Tipid siyang ngumiti bago tumuhon, "Nagbibiro lang ako."

Matapos namin kumain, niligpit ko nalang ang mga natirang pag-kain at inilagay sa ref.

Nilingon ko ito na nasa sofa na ngayon na naka-upo. Hawak nito ang puting folder na dala ko kanina.

"Alam mo? Matutulungan kita dito."

Itinaas pa nito ang folder habang nakatingin sa'kin dito sa dinning.

"Wait! Kukunin ko lang ang gitara."

Nagmadali itong lumabas ng bahay. Maya-maya pa ay, bit-bit na nito ang gitara.

"Marunong kang tumugtog?"

Manghang kong tanong.

"A little bit."

Nag-taas balikat pa ito. Kaya Lumapit ako dito, med'yo na excite din ako dahil