chapter 18

Nagising nalang ako, na wala na siya sa tabi ko. All I thought was she would stay with me, but I was wrong. Iniwan niya pa din ako.

"Mr. President"

Dinig ko mula sa aking Secretary. Naka tayo ako dito sa glass wall at tinatanaw ang mga sasakyan na dumadaan.

"Mr. President, nasa Conference room na ang lahat. Kayo nalang po ang hinihintay." dugtong nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago humarap kay Liz. Nakayuko lamang ito sa isang tabi at yakap ang mga folder na nag lalaman ng mga documents. Hinakbang ko na ang mga paa at nilagpasan ito.

Pagka-rating ko, sa Conference ay maingay ang loob nito. Kanya- kanyang kwentuhan. Nang tumayo ako sa harap nilang lahat. Nagsi tahimik sila.

"Mr. Zamora. Mukhang okay kana ngayon? Sana okay parin ang kumpanya mo and our share as well." Sarkastikong saad ni Mr Chua. Hinayaan ko na lamang ito sa nais niyang sabihin.

"Well umpisahan na natin ang dapat nating pag meetingan dahil may lakad pa ako." aniya ni Mr. Kho. Na isa ding shareholder ng kumpanya namin.

"Well, I apologize for not showing up for a few months. But, that does not mean I neglected the company. Why not just let the Marketing director to show us the trend of the company?" mahinahon kong lintaya. Hindi ko rin masisi ang mga ito dahil halos dalawang buwan akong nawala.

Pumunta sa harap ang marketing Director na si Mrs. Fransisco. Umupo naman ako at pinapanood ito habang dini discus ang kaganapan sa marketing.

Narito nga ako sa harap nilang lahat pero ang utak ko, kung saan-saan lumilipad. Dalawang buwan na ang nakakaraan mula ng umalis si Lena. Hindi parin ito mahanap ng Imbistigador ko. Nag-dagdag pa ako ng dalawang imbistigador pero wala pa din. Nakakatawa nga, kahit ubusin ko pa ang pera ko, sa pag-hahanap sa kanya, ay hindi ito matunton ng mga tauhan ko. Ni kumpletong pangalan nito hindi ko alam.

"Flashback"

"Babe?"

Tawag ko dito, pero walang tumugon. Binuksan ko ang banyo pero wala ito. Napatingin ako sa sahig nang makita ang suot niya kagabi. Pinulot ko ito at bahagyang inamoy. Napabuntong hininga ako habang inilapag sa kama ang nighties. Mabilis kong tinungo ang kusina ngunit si Manang lamang ang tao,

"Aki." sambit nito.

"Manang, si Lena?" Saad ko. Habang nililibot ang paningin. Wala agad akong nakuhang tugon mula sa kanya kaya tinanong ko itong muli.

"Manang, si Lena nasaan?" biglang pumatak ang luha nito na pinagtaka ko.

"Bakit kayo umiiyak?" Kunot noo kong lintaya.

"Aki.. wala na siya,"

"What? Anong wala? Eh kasama ko pa siya kagab-"

"Umalis na siya." Dugtong niya, na labis nagpagimbal sa sarili ko

Bahagya akong lumapit dito at pinanlisikan ng mga mata, "Umalis?! Hinayaan niyong maka-alis?!"

"Palayain mo na siya Aki."

"No! Anong karapatan niyo na diktahan ako?!" halos sigawan ko siya kaya yumuko ito at mabilis na nag-punas ng mga luha. Mabilis ko itong Tinalikuran at umalis ng bahay.

(End of flashback)

"Mr. Zamora?! Are you listening?" pukaw sa'kin ni Mr. Kho. Agad kong nilingon ito at maging sa mga ibang taong naririto.

"I'm sorry." hinging paumanhin ko. Halos nasa akin lahat ang kanilang mga atensyon kaya umayos ako ng pagkaka-upo. Nilingon ko ang Marketing Director. Sumenyas lamang ito na tapos na.

Tumayo ako habang tumutugon.

"Okay. Meeting adjourn."

Nagsi palak-pakan ang mga ito, na medyo kinabigla ko pero hindi ko pinapahalata.

"Congratulation Mr. Zamora. You did well! Good job."

"Kahit wala naman kao dito, hindi naman napapabayaan ang kumpanya. See, number One parin tayo sa Asia."

"Well, kaya mataas ang aming expectation sayo. Again, Congratulations." Kinamayan ako nito at sumunod naman ang iba.

Matapos nila akong kamayan isa-isa, kanya-kanya ng umalis ang mga ito ng Conference room. Kaya naka hinga na ako ng Maayos.

"Liz, cancel all my appointment this day and for tomorrow." Pormal kong utos.

"Pero Sir, gusto po kayong kausapin ng Mommy n'yo After this meeting-"

"I said! cancel all my appointment!”

"Y-yes Sir."

Nilagpasan ko na ito at mabilis tinungo ang opisina ko. Ganun nalang ang pagka-dismaya ko ng maabutan ko sa loob ng opisina si Mom at Dad. Na naka upo ang mga ito sa Sofa.

Naka de-kwatro pa si Dad, at bigla namang tumayo si Mommy nang makita ako.

"Son?!"

"Ano nanaman ba?"

Marahan kong niluwangan ang necktie habang tumugon. Humakbang ito palapit sa'kin.

"Son. Listen to me. I just do what is best for you and for your future."

"Mom. Hindi na ako bata para tratuhin n'yo ng ganyan, I can stand on my own."

"No! You can't!! Kaylangan mo ng makakasamang Babaeng katulad ni Abby-"

"Mom! Do you heard what You said?? Bakit n'yo ba ako pinipilit sa taong ayoko! And Do you think we will be happy when we get married?-" hindi ko napigilan ang pag taasan ito nh boses, dahil naririndi na ako sa mga pinipilit nitong bagay na ayaw ko.

"Pwede ba mag-sitigil kayo?!-"

Saway sa'min ni Dad, na nanatiling naka upo sa sofa. Nilingon ito ni Mom, at pinanlisikan ng mata.

"Shut up! Arturo! Imbis na tulungan mo akong kimbinsihin ang anak mo, para kang lumpo na walang ginagawa!"

Tumawa si Dad ng malakas na para bang nang-aasar. "Criselda? Gusto mo bang maranasan ng Anak natin ang nangyari sa'ting dalawa?"

"Shut-up!" sigaw nito kay Dad.

Dinuro nito si Mommy habang nanlilisik ang mga mata,"You better shut-up! Criselda!"

"Mom, Dad. Please stop it. Tama na!"

Mahinahon kong lintaya.

Biglang pumatak ang mga luha ni Mommy at hindi na napigilan nito ang humaguhol. And I hate to see her like this.

"Mom?!" Gulat na turan ko nang bigla itong napahawak sakin at biglang nawalan ng malay. Agad namin itong dinala sa hospital.

"Here we are again!"

Bulalas ni Dad. Agad nitong binukasan ang pinto ng opisina, we need to take her to the hospital immediately. Mommy has a heart problem. I don't even want to argue with her. But I'm choking on what she wants for me.

Mabilis namin narating ang hospital na pagdadalhan kay Mom. At agad naman siyang inasikaso ng mga hospital staff.

Napaupo ako sa waiting chair na nasa labas ng emergency room. Samantala si Dad ay sinisilip si Mom sa loob nito.

Maya-maya pa ay, lumabas ang doktor na tumingin kay Mommy.

"How is She Doc?"

Tanong ni Dad sa Babaeng Doktor. Pinapakingan ko lamang ang mga ito.

"Sa ngayon, inoobserbahan pa namin siya. Mr. Zamora, this is a Second time. Please, after this. Kaylangan nya ng maayos na pahinga, walang stress, at higit sa lahat bawal na siyang magalit, at kapag naulit ito. I'm sorry to tell you pero hindi na n'ya kakayanin. Excuse me."

Napabuntong hininga nalang ako sa narinig. Hindi ko na alam ang gagawin, tila mababaliw na ako.

Tumabi sa pag upo si Dad. At dinig ko ang malalim na pag hinga nito.

"Noong kabataan namin ng Mommy mo, nakita ko na kung paano ito namuhay ng marangya. What she wants is what she get. One time. engage na ako sa matagal ko ng karelasyon. Hindi ko alam na may gusto pala sa'kin ang Mommy mo.

Noong nalaman n'ya na ikakasal na ako. Hindi n'ya matangap. kaya pina alam nito sa Daddy niya ang kagustuhan. At dahil sa sakit n'ya, gumawa ng paraan ang pamilya niya na maipakasal kami. Napilitan ang mga magulang ko na ipakasal ako sa kanya. Kung hindi mawawala lahat ng pinag-hirapan ng Daddy ko. Ginipit nila kami. Kaya hindi natuloy ang kasal ko sa pinaka mamahal kong Babae."

Mahinahon na turan ni Daddy. Napalingon ako dito at matamang tiningnan.

"You mean, pinilit kayong pakasalan si Mommy? Kahit di mo naman mahal?"

"Exactly-"

"Kaya kayo nahihirapan, kaya nasasaktan si Mommy-"

"Not only your Mom! Marami ang nasaktan sa kagagawan ng Mommy mo!"

"Bakit hindi niyo nalang sinunod kung ano ang nasa puso mo, sana hindi umabot sa ganito-"

"Mawawala ang kumpanya ng mga magulang ko, at ayaw kong maging miserable ang buhay nila! Mahirap at masakit pero kaylangan kong bumitaw, at pakasalan ang Mommy mo."

Hindi ako nakasagot dahil parang bumabalik ang nakaraan sa katayuan ko. Ngayong naiintindihan ko na ang lahat. Kung bakit palagi nalang silang nag-aaway.

"Pero nasasaiyo parin ang desisyon Aki. Gawin mo kung anong nasa puso mo."

Dugtong nito. Tinapik ako nito sa balikat at marahang ngumiti.

****

Kinabukasn nailipat na si Mom sa private room. Gising na ito pero ayaw parin mag-salita.

"Mom please, you need to eat para lumakas kayo." nanatiling tikom ang bibig nito. At hindi ako kinikibo.

"Mom, please-"

"Kung hindi mo man lang susundin ang gusto ko, mas mabuti ng mawala na ako sa mundo."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Gusto ko sanang mag salita pero pinigil ko ang sarili, dahil ayokong lumala ang karamdaman nito.

"Is this what you want? Ito ba talaga ang makakapag-pasaya sayo?"

"I'm doing this for your own good, for God sake, Aki."

"'Yon po ba talaga? Then fine. Pumapayag na ako."

Nagliwanag ang mukha nito sa narinig mula sa'kin. Alang-alang sa kalusugan nito kaya pumayag na ako. Bilang anak, ayokong, ako ang maging dahilan sa pag-lala ng sakit niya, at Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may mangyaring hindi maganda dito.

"Thank you Son!"

Kinabukasan ay pinayagan na kami ng Doktor na umuwi. Kumuha narin kami ng private Nurse para may tumingin kay Mommy.

"Son, we need to go to States as soon as posible. Kelangan masettle na ninyo ni Abby ang araw ng kasal!"

Abot tenga ang ngiti nito nang sabihin niya. Tango lamang ang tanging sagot ko dito.

"Oh my god! I can't wait to see both of you walking in the aisle. And carrying my Grandchildren"

Dugtong nito. Sa totoo lang naririndi ako sa mga sinasabi nitong kasal.

Pasimple akong tiningnan ni Dad, pero agad kong inilihis ang mga tingin. Katulad niya, ay wala na akong magagawa.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay narating na namin ang bahay.

Masiglang nag-lakad papasok ng bahay si Mom. Akala mo hindi galing sa Hospital. Ni hindi na ito sumakay sa wheelchair.

"Mom, please be carefull." nag-aalala kong saad.

"I'm okay Son, just relax" nakangiting wika nito

Maya-maya pa ay rinig ko na may kausap ito sa telepono. Tumatawa pa ito.

"Bukas nand'yan na kami. Yes kumare, don't forget it."

Nabigla ako sa narinig, bukas agad-agad? Kaya nilapitan ko ito matapos maki pag usap.

"Mom?! Are you sure na bukas na tayo aalis?” kunot-noo kong lintaya.

"Yes?! Wala na tayong dapat sayangin na oras Aki. Mahirap na."

"But Mom-"

"Wait, I have a call."

Parang gusto kong magwala, pero wala na akong magagawa dahil pumayag na ako. tinalikuran ko ito at agad tinungo ang kwarto.

God, kaylangan ko bang pag daanan ang lahat ng ito? Parusa ba ito? Kung ganun, anong kasalanan ko?

Napaupo ako sa dulo ng kama at napa-sabunot sa buhok. Joke lang ba ang lahat ng ito? Sana nga. Pero hindi eh,

Dinukot ko ang cellphone na nasa bulsa ko. Pinindot ko ito. Mukha agad ni Lena ang nasa Screen. Kuha ko ito noong natutulog s'ya. Tinitigan ko ito hangang sa pumatak ang luha ko.

"Ang daya mo. Akala ko, gusto mo na rin ako. Pero wala na din silbi ang lahat, iniwan mo ako kaya wala na ring patutunguhan ang buhay ko. " I smiled bitterly habang hinahaplos ang mukha nito sa screen.

Ilang beses ko na itong kinakausap, lalo na kapag mabigat na ang pamiramdam ko. Pero lalo lang bumibigat dahil labis na akong nangugulila sa kanya.