chapter 17
Bigla itong bumagsak sa kama, matapos ang pag-niniig namin. Mapait akong ngumiti at sya ding patak ng mga luha ko. Bumangon ako at nag mamadaling tumayo at nagpalit ng damit. Hinayaan ko lamang na magkalat ang nighties sa sahig habang sinusuot ang plain t-shirt at maong na pantalon. Matapos mag bihis ay hindi ko na napigilan ang pag hikbi habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog. "Patawad, Aki. Aalis ako, hindi dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sa'kin. Aalis ako dahil natatakot akong tuluyang mahulog sayo." Pinigilan kong mapahagulhol ngunit kusang itong lumalabas. Hindi ko alam ngunit parang winawarak ang puso ko sa gagawin ko. Isa-isa kong hinakbang ang mga paa patungo sa pinto, nang hindi tumitingin kay Aki. Hindi ko na ito nilingon hangang sa makalabas ako ng pinto. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mukha ngunit hindi parin ito tumitigil sa pag patak.
"Lena!" Napalingon ako kay Manang na nag mamadaling umakyat ng hagdan. "Lena, bakit ang tagal mo?! Bilisan mo na habang tulog pa ang mga guardiya. At baka mawala na ang bisa sa nilagay ko sa inumin nila.." dugtong nito. Tumango lamang ako habang pinapahid ang mga luha sa mata..
Sabay naming tinungo ang Gate kung saan may nag aabang na Taxi.
"Mag-iingat ka, ha..?! Ingatan mo ang sarili mo.." hawak ni Manang ang mga kamay ko habang tinutugon ito
"Maraming salamat po Manang.. sige ho hindi na ako mag-tatagal." Agad akong pumasok sa loob ng taxi. At sa huling pag kakataon ay nilingon ang bahay at kung nasaan si Aki ngayon.
***********
"Leighyana?? Naku! anong ginagawa mo dito?!"
Gulat na turan ni Meme, ng makita ako sa tapat ng pinto ng bahay niya. Hindi ko na ito pinuntahan sa club, dahil baka may makakita pa sa'kin. Kaya nag bakasakali ako na nandito siya sa Cavite.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo dito sa harap ng pinto at niyakap ito. Hindi ko na napigilan ang humagulhol habang yakap-yakap siya, "Meme."
"Tama na, Halika pumasok tayo sa loob baka may makakita sa'atin dito sa labas." Nang makapasok kami ay agad niyang nilock ang pinto. Nanibago naman ako sa ayos ng bahay. Pati mga bintana ay nakasarado.
"May nakaka-alam ba na pumunta ka dito sa'kin?" may sinisilip ito sa binta habang tinatanong ako.
Naka-upo ako ngayon sa sofa at pinapanood lamang siya.
"Wala po." iksing tugon ko. Mabilis itong pumunta sa kina-uupuan ko at inabot ang dalawa kong kamay,
"Leighyana. Ano ba ang nangyari, mula ng umalis ka sa Club? Dalawang buwan kang nawala. Akala ko.... Akala ko wala ka na. Akala namin pinaslang kana nung bumili sayo."
Mapait akong ngumiti at umiling,
"Leighyana, may problema ba?! "
"Nakuha niya po ang lahat sa'kin. wala naman akong magagawa kundi ibigay ang gusto niya."
"Leigh, patawarin mo ako.. hindi ko gusto ang nangyari, naipit lamang ako."
"Wala po kayong kasalanan sa nangyari. Ang mahalaga po ngayon ay nakalaya na ako. Pero-"
"Pero ano?"
"Meme, tumakas ako. Hindi niya alam na umalis ako sa bahay n'ya. Meme sana walang makaka-alam na narito ko."
"Makapangyarihan sila Leighyana. Lahat magagawa nila, kaya kaylangan nating mag-ingat."
"Natin? Bakit ho? May nangyari ba sa Club?"
"Pina Raid ni Mrs. Zamora ang Club Lena. Halos lahat nahuli, maliban sa'amin ni Madam Alma. Kaya mainit kami sa mga autoridad ngayon. Pasalamat nalang ako dahil walang nakaka-alam kung san ako naka-tira maliban sayo" dugtong nito.
Pasalamat ako. Dahil tinanggap ako ni Meme. Sa ngayon hindi ko pa alam kung anong gagawin. Siguro mag-papalamig na muna ako sa mga nangyayaring di maganda sa buhay ko ngayon. Mabuti nalang din at walanh nakaka alam kung saan ako nangaling at hindi nila alam ang tunay kong pangalan.
***
Maaga akong nagising. Sa totoo nga n'yan di talaga ako naka-tulog mag damag. Nana- tili akong naka higa dito sa kabilang kwarto, at tila ayaw kong bumangon
Ano kaya ang ginagawa n'ya ngayon? Hinahanap n'ya kaya ako? O baka naman hindi na. Napa buntong hininga nalang ako sa naisip. Napa-tingin naman ako sa pinto ng biglang may kumatok.
"Leighyana? Halika na, at mag-almusal na tayo." saad ni Meme
"Sige po, susunod ako." Naka-ngiti kong tugon. Marahan akong bumangon at akmang tatayo nang bigla nalang umikot ang paningin ko. Kaya napa-upo ulit ako Naipikit ko ang mga mata at napa hilot sa noo. Nasobrahan nanaman ata ako ng pag- iisip kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon o baka gutom lang ito.
Nag dahan-dahan akong tumayo. At tinungo ang pinto. Nang marating ko ang kusina. Naka-handa na ang mga pag-kain na hinain ni Meme. Ngunit gano'n na lamang nang nakaamoy ako
Ng Sinangag na kanin at tila bumaliktad ang aking sikmura. Kaya napatakbo ako sa lababo at pilit nilalabas ang di kanais nais na lasa na mula sa aking lalamunan.
"Ayos ka lang ba Leighyana?"
"Opo. Okay lang po ako. Kinabag lang siguro ako." Saad ko. Tumango lamanh si Meme at abala ito sa pag handa.
"Halika na dito. Umupo kana at sabay na tayong kumain"
Humila na ito ng upuan at nag-sadok na sa plato n'ya.
"May lakad po kayo Meme?"
Bihis kasi ito mukha may pupuntahan.
"Ah, oo. Mag-kikita kami ng dati kong kaybigan. Kakauwi lang kasi n'ya galing Japan. Gusto n'ya daw akong tulungan. Siguro sasama nalang ako sa kanya pag balik n'ya ng Japan." natigilan naman ito sa pag sandok at tumingin sa'kin.
"S'ya nga pala. Leighyana. Baka kasi ibebenta ko na itong bahay. Paano kana n'yan?"
"Naku, Meme. Wag kayong mag-alala. Aalis din ako ngayon. Maghahanap ako ng mapapasukan, siguro naman maraming nag-hahanap ng tindera sa palengke. Makakagawa din ako ng paraan." naka-ngiti kong tugon. Ngunit sa loob ko ay may pag alinlangan dahil hindi ko rin alam kung makakahanap ba ako agad. Pero ayokong mag-alala sa'kin si Meme.
Nang matapos kaming kumain, Nauna itong umalis ng bahay. Babalik na sana ako sa kwarto nang maramdaman kong may paakyat na likido sa lalamunan ko kaya bumalik ako sa labano at dito ko inilabas lahat ng kinain ko kanina. Napaubo ako dahil sa mapait na lasa nito. Naghilamos ako pagkatapos kong linisan ang nagkalat na suka..
'Ano ba ang nangyayari sa'kin. Wala naman akong lagnat.' Mabigat na buntong hininga ang ginawa ko bago tinungo ang kwarto.
Napag-pasyahan ko ng maligo, at pupunta ako ngayon sa palengke. Sana naman, sumang-ayo ang panahon sa'kin.
Matapos akong gumayak ay umalis na ako ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako mauunang pumunta. Pero bahala na. Habang binabaybay ko ang kalye ay muling bumalik sa alaala ko na magkasama kami ni Danica, na nag-papatintero sa mga taga Center sa kahabaan ng kalsadang ito. Napangiti ako nang maalala ko 'yon.
Sa pag-lalakad ko ay tanaw ko na ang karinderya ni Aling Bebang. Wala pa ganoong tao na kumakain dito. Kaya naisipan kong puntahan ito.
Nag ning-ning ang mga Mata ko ng makita itong palabas ng pinto mula sa loob ng bahay. Sa harap kasi ng bahay nito nakatayo itong karinderya n'ya.
"Aling Bebang!" hiyaw ko dito.
Naningkit pa ang mga mata nito ng tanawin ako. Tila kinikilala ako ng maayos. "Leighyana? Leighyana ikaw ba yan? Aba, nag mukang Tao ka ah."
Mabilis itong humakbang palapit sa'kin.
"Hesus, Maria. Salamat at bumalik ka Hulog ka ng Langit!"
Kumunot ang noo ko sa mga pinag-sasabi nito.
"Halika, umupo ka muna. Gusto mo bang kumain?! Horhe bigyan mo nga ito ng pansit. Bilis!"
Pinaghila ako nito ng upuan kaya umupo na din ako. Maya-maya binigyan na ako ng isang plato ng pansit guisado. Bigla akong natakam kaya agad akong kumuha ng tinidor at nilantakan ito.
"Ubusin mo yan. Masarap yan Leighyana." aka-ngiting turan nito.
Nahihiwagaan talaga ako sa matandang ito. Di naman ito ganito sa'kin dati.
"Sige na kumain kana. Libre ko lang yan sayo. At pag katapos mo mag-uusap tayo ha?! Ay teka- teka" dinukot nito ang Cellphone sa bulsa at tinawag ang kusenero.
"Horhe bilis kunan mo kami ng litrato . Dali!"
Hindi naman 'to ganito dati, pero ngayon, akala mo Vip ako dito sa karinderya n'ya. Dali- dali namang lumapit yung tinawag n'ya. At tinutok ang Camera saami.
"Dali Leighyana! Ngumiti ka!?"
Lumapit ito sa'kin at medyo nagdikit ang aming mga ulo.
"One. Two. Three... smile"
Matapos kami ma kunan ng pictures ay bumalik na sa pwesto yung kusinero.
"Sige na ubusin mo na yan. At may ibabalita ako sayo na tiyak matutuwa ka"
Maligalig na turan nito habang tinutugon.
Matapos kong kumain ay muli kong nakita si Aling Bebang na lumabas mula sa pinto. Bit-bit nito ang isang puting sobre.
"Leighyana"
Halos takbuhin nito ang gawi ko. Nang marating nito ang kina-uupuan ko, ay agad itong umupo sa kabilang upuan na nasa harap ko lamang.
"Nakikita mo ba itong hawak ko?"
Nakataas pa ang mga kilay nito habang pinapakita sakin ang hawak na puting sobre,
"Narito ang sulat at cellphone number ni Danica!"
Napa-mulagat ako ng mabangit ang pangalan ni Danica.
"Ho?! Si Danica?"
"Oo. Aba ang sosyal na n'ya ngayon! Akalain mo yun?! Alam mo bang dalawang buwan na ang nakaka lipas mula ng dumaan siya dito? Halos maiyak pa yun. Dahil di ka mahanap-hanap. Kaya ito. Basahin mo," Inabot nito ang sobre sa'kin at agad kong kinuha.
"Tatawagan ko daw siya kapag nakita na kita. Pero bago daw yun. papakainin daw muna kita, kaya bilang pruweba. Syempre kaya tayo nag picture-picture kanina."
Natatawa pa ito habang nag sasalita. Bigla namang pumatak ang luha ko. Masaya ako dahil hindi parin ako nito kinakalimutan.
"O sya, Ano tatawagan mo na siya?!" Ngumiti at Tumango ako
Kinuha ko ang Papel mula sa sobre at agad kong nakita ang numerong naka sulat. Nanginginig pa ang kamay ko habang tinitipan isa-isa ang mga numero sa screen ng Cellphone.
Wala pang limang segundo ay nag ring na ang kabilang linya. At agad naman itong sumagot.
"Hello? Aling Bebang?"
"Dani, si Leighyana 'to.." masayang turan ko.
"Leigh? Leighyana ikaw ba 'yan?"
Agad ako nitong nabosesan.
"Leigh! Mabuti naman at bumalik ka d'yan sa Cavite. Saan kaba kasi nag-pupunta!? Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo. ha!?" Ganito ito kapag nag-aalala. Parang Nanay kung manermon. Pero namis ko yung pagbubunga-nga nito.
"Wag kang mag-alala Dani. Maayos naman ako eh, kaya lang-"
"Leigh. Kaya ko nga iniwan ang number ko kay Aling Bebang. Dahil kukinin na kita d'yan. Pina ayos ko na ang mga papeles mo nung umuwi ako d'yan. At ano mang oras pwede ka kanang pumunta dito."
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko sa sinabi niya. Hindi ko na talaga alam kung san ako kakapit kung wala siya
"Salamat, Danica. "
****
Ilang araw ang naka lipas mula ng mag usap kami ni Danica. Ito na ako ngayon handa ng lumipad patungo sa States.
"Leighyana. Mag-iingat ka do'n, mag bagong buhay ka at kalimutan mo na ang masalimuot mong buhay dito." Linataya ni Meme. Halos maiyak pa ito, ngunit pinipgilan niya.
Niyakap ko ito ng mahigpit,
"Maraming salamat Meme. Dahil tinulungan n'yo ako. Hinding -hindi kita makakakimutan. Basta tatawagan ko kayo pag nando'n na ako. At kapag may trabaho na ako. Ikaw naman ang tutulungan ko."
"Naku! Maraming salamat. Pero wag mo akong intindihin. Basta kapag nakaluwag ako, ako ang pupunta sayo."
Tumawa ito matapos tumugon.
""Atention everyone. This is the final boarding call for passengers Leighyana Razid. Booked on flight 372A to United States. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Leighyana Razid Thank you."
Napa mulagat ako ng mata ng marinig ang pangalan ko, mula sa mga speaker dito sa Airport.
"Naku Leighyana! Mahuhuli kana. Sige na baka maiwan kapa. Ikaw nalang ata ang pasahero na hinihintay nila!"
"Meme... mag ingat po kayo dito ah?! Sige po.."
Agad kong pinunsan ang mga luha Ng makatalikod na ako. Hila-hila ko ang maliit na maleta na kulay itim. Nilingon ko pa ito ng isang beses at kinawayan.