Chapter 73 - D-day
Lavandeir's POV
"We're already on the position."
"Me too!"
"Already am!"
Rinig kong update nina Ethird, Marj, at Kernel mula sa earpiece.
Dumating na rin ang araw na matagal naming hinintay. Ito ang araw kung saan magkakaharap ang Yumi at Dakumasuta. Dahil nga umatras ang ibang minions at ibang grupo ng Yumi ay konti na lang kaming maglalaban ngayon.
Ang kakalabanin na lang namin ay ang Elites, tas ang 2nd at 3rd rank group ng Yumi which is ang San-Ban Yumi at Dai-2 Yumi.
Kumilos kaming lahat ayon sa plano. 'Di ko alam kung saan nakapwesto si Ethird ngayon pero tiyak na nasa pinakataas siyang lugar. Siya ang nagt-track ng location namin at ng kalaban. Siya ang nag-uupdate sa mga nangyari. Kasama niya rin ngayon si master.
Si Marj ay kasama sa Maroon Chili kung saan haharapin nila ang San-Ban Yumi. Iyon kasi ang double identity niya, bilang member ng 3rd rank group ng Dakumasuta. Gan'on din si Kernel, bilang leader ng Red Chili.
Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam na kabilang sila sa Aeon. Kumalat kasi ang balita tungkol sa top secret group ng Dakumasuta which is ang founder ay ang kilalang right hand ni lolo na si Ace of Spade. Hindi lang sa Dakumasuta kumalat ang issue, pati na rin sa ibang mafia group.
Pero walang nakakakilala sa mga members at 'yong iba ay puro rumors lang ang lumabas. Alam ng lahat na puro magagaling at nasa kakaibang level na ang bawat members nito. 'Di pa nga rin nila kilala kung sino si Ace of Spade.
Kahapon lang din namin nalaman na si papa ay isa pala sa anak ng founder ng Yumi. Kaya alam ko na ngayon kung gaano kadelikado ang ginagawa ni papa ngayon. Hindi pa rin kasi kami nakapag-usap. Pati na si kuya, wala kaming update kung nasaan siya. Malakas ang kutob kong magkasama silang dalawa.
Tas ang pinakaproblema namin, ay wala kaming update kung sino at nasaan si Ms. Jackson.
Nasa loob ng court sina Marj kalaban ang San-Ban Yumi habang nasa soccer field sina Kern kaya malayo sila sa 'min. Tanging nandito lang malapit sa mga buildings ay kami at ang Elites.
"Good luck!" sabi ni Natsy kina Veign at Kevin tsaka pumasok na ang mga ito sa building ng Engineering. Sinabihan kasi kami ni Ethird na nasa Engineering building sina Kei at Clent.
Kung bakit na-track ni Ethird ang members ng Elites, isa kasi ito sa pinagkaabalan nila n'ong nauna silang pumunta rito at kami naiwan lang sa hideout. Wala akong idea kung pa'no nila nalagay ang maliit na tracking device sa bawat isa sa kanila.
Nakalagay daw kasi ang mga devices sa mga accessories, favorite weapons at kung ano pa. Ang sagot lang nina Marj at ni Mais sa tanong ko kung pa'no nila nalagay iyon sa Elites, sagot lang nila ay, "Profiling and deceiving them."
Lahat ng members ng Aeon ay marunong bumasa ng behavior ng bawat individuals. Paano ito mag-isip, magplano, at kumilos. Marunong silang bumasa ng gano'n sa tao. Kaya daw sinali rin nila ako sa Aeon kasi matalas ang aking memorya at magaling bumasa ng sitwasyon.
"Jax is at the rooftop of IT building. As what I see in my binocular, he's currently watching you," update ni Ethird kaya napatingin kami kay Ex.
Tinanguan niya kami ni Natsy kaya tumango rin kami sa kanya. "Good luck!" sabi ko na ikinangiti lang niya.
Hindi na kami nagsayang ng oras ni Natsy at agad nagtungo sa Commerce building. Nandoon daw kasi sina Mia, Kim, at Elayah.
Pagdating namin sa building, dahan-dahan at dobleng ingat ang ginawa namin. Pinakiramdaman din namin ang paligid kasi napakadilim. Gabi na kasi at wala pa ni isang ilaw ang naka-on sa building na ito.
Nang marinig ko ang ingay mula sa earpiece, alam kong nagsimula na ang laban nina Kern at Marj kaya nagkatinginan kami ni Natsy saglit.
Sabay naming tinitingnan ang mga classroom at isa-isang sinuri ang pwede nilang pagtaguan. Hindi na muna kami naghiwalay ni Natsy kasi tatlo ang kalaban namin at alam naming naghahanap lang din sila ng pagkakataong atakihin kami. Kasi tulad namin, tiyak nag-training rin sila ng masyado at pinaghandaan ang laban na ito.
Nang wala kaming makita ni anino nila sa 1st floor and 2nd floor, agad kaming umakyat sa 3rd floor. Huling hakbang ng hagdan na lang nang marinig ko ang boses ni Ex. "Jax!"
Nagkaharap na pala sila ni Jax. Parang kinakabahan tuloy ako sa dalawa.
Muli kaming nagpatuloy ni Natasha nang ilang sandali lang may narinig kaming maliit na tunog mula sa earpiece ni Ex.
"Did he just?" 'di makapaniwalang tanong ni Natsy.
"Oo. In-off niya ang earpiece niya," kalmado pero kinakabahan na ako sa loob-loob ko. Alam kong may pag-uusapan silang personal na 'di pwedeng marinig ng iba kaya naiintindihan ko siya.
"Relax ladies! Focus on yours! Ako na bahala sa kanya. I will update you," paalala ni Ethird sa 'min.
Sasagot na sana kami sa kanya nang muli siyang nagsalita. "They're near you! Careful!"
Mabilis kaming naging alerto ni Natsy. Sobrang dahan-dahan kaming naglalakad sa madilim na hallway. Bawat madadaanan naming classroom ay dobleng ingat din naming tinitingnan.
Pinikit ko ang aking mata tsaka huminga nang malalim. Mahigpit ang hawak ko sa baril tsaka muling naglakad nang mabagal. Pinapakiramdaman ko ang paligid.
Nang makaamoy ako ng pabango, agad akong humarap sa direksyon na iyon. Binuksan ko na ang aking mata lalong-lalo na nang makarinig ako nang napakahinang yapak.
'Di ako nagdalawang-isip na barilin ang likod ng pinto sa pangalawa sa huling room at 'di nga ako nagkamali, lumabas doon si Mia na nagmumura.
Umilag kaming dalawa ni Natsy nang binaril niya kami. Dahil nakasuot kami nang black fitting outfit na makinis, ay napakadali lang naming umiwas. Wala ring sagabal kasi naka-contact lenses ako at naka-ponytail ang aking buhok. 'Di na ako nag-abalang magsuot ng mask at cap kasi kilala naman nila ako.
"Ako na bahala sa kanya. Nasa huling room si Elayah!" sabi ko kay Natsy. Agad naman siyang pumunta sa huling room at nandoon nga si Elayah. Pagpasok pa lang niya ay agad akong nakarinig na barilan.
"You fucking loser!" gigil na sabi ni Mia tsaka tinutok muli ang baril sa 'kin.
"It's L not loser!"
Agad kong pinaputokan ang binti niya kung saan natamaan ng baril noon. Napasigaw siya sa sakit at walang tigil niya akong pinagbabaril kaya wala akong choice kundi ang umiwas lang.
Nang magkaroon ako ng chance, tumalon ako nang malakas at sinipa siya sa tiyan gamit ang dalawa kong paa kaya sabay kaming napasok sa loob ng classroom.
'Di pa siya nakakatayo, agad ko siyang sinipa muli sa mukha niya. Dumugo ang labi niya at napagulong sa sahig.
"Fuck you! Bitch! You'll pay for this!"
"Wala akong utang na dapat pagbayaran Mia!"
Tinapakan ko ang likod niya na muli niyang ikinamura.
"Sa lahat ng ginawa mo sa 'kin noon, ito ang ganti ko sa 'yo! Pwede kitang tapusin ngayon din kung magiging sagabal ka sa 'kin!"
'Ano bang ginawa niya sa training nila at gan'to siya ka weak?'
Umalis ako sa pagkakatapak sa likod niya tsaka sinipa siya sa may ribs niya para hindi makagalaw nang maayos.
Niluhod ko ang isang tuhod ko tsaka siya tiningnan sa mukha. "Sino ngayon ang loser sa 'ting dalawa Mia? 'Di mo ba inakalang gan'to pala ang mangyayari?"
Mahigpit kong sinabunutan ang buhok niya para maharap ang mukha niya sa 'kin. Bumabalik ang mga alala ko noon n'ong binully nila ako kaya siguro ako nagkakagan'to sa kanya ngayon.
"Tingnan mo ako! Ako pa rin ba ang babaeng kaya mong bully-hin noon? 'Di pa ba sapat na malaman mong akong si L? 'Di ka pa takot?"
"Bitch!"
Nakikita ko sa mukha niyang nagtapang-tapangan lang. Nanginginig ang mga mata niya at 'di siya mapakali. Kahit sinasamaan niya ako ng tingin, 'di pa rin ako naniniwalang 'di siya takot sa 'kin.
Sinampal ko ang mukha niya nang napakalakas kaya muli siyang nanggagalaiti sa galit. Ginawa ko 'yon kasi hindi ko naman siya papatayin. Mabuting suliting saktan siya ng gan'to.
"Importante pa rin kasi sa 'yo 'yong pride mo! 'Di ka na lang sana sumali sa laban na 'to kung gan'to ka lang rin kahina!"
Narinig kong napasigaw si Natsy kaya agad akong tumalikod sa kanya para puntahan ang kabilang room nang maramdaman kong gumalaw pa si Mia.
Agad ko siyang nilingon at 'di nagdalawang-isip na barilin ang kamay niyang kakakuha lang ng baril niya sa sahig. Sinamaan ko siya nang tingin at nilapitang muli nang nakaramdam ako ng isa pang presensya sa 'king likuran.
Nilingon ko ang pinto at nakita ang babaeng kanina ko pa hinahanap. Nagtama ang paningin namin at ilang segundo lang ay tumakbo siya paalis.
Hindi ko na pinansin ang mura at sigaw ni Mia. Muli ko siyang hinarap at tinutukan ng baril. Kailangan kong gawin ito kasi kung aalis ako rito at iiwan si Natsy, baka maging dehado pa siya. Mas mabuti nang segurado.
"Patawad! Wala akong choice!" sabi ko kay Mia. Kitang-kita ko ang laking takot sa mga mata niya sa mga oras na ito. Siguro alam na niya kung anong gagawin ko.
Binaril ko siya sa dibdib ng dalawang beses at ilang segundo lang ay bumagsak na siya ng tuluyan sa sahig... nang hindi humihinga.
Tinitigan ko pa saglit ang katawan niya tsaka lumabas ng room.
"Natsy!"
"Nakita ko si Kim! Ako na bahala rito, sundan mo na siya!"
"Thanks!"
Sinundan ko kaagad si Kim. Umakyat naman ako sa hagdanan kasi nakita ko siyang pumunta sa itaas. Wala akong idea kung anong floor siya pumunta buti na lang nakita ko siya sa fourth floor na nakatayo sa labas ng isang room.
Kumunot ang aking noo nang nilingon niya akong muli tsaka pumasok sa loob ng room.
'Pinapasunod ba niya ako?'
Nang makapasok ako sa room na pinasukan niya, nakita ko siyang nakatalikod sa 'kin at nakaharap sa board.
Hindi ko siya tinawag. Dahan-dahan lang akong lumapit sa kanya. 'Di pa rin siya gumagalaw o umimik pero ng makailang hakbang na ako, lumingon na siya sa 'kin.
"May kailangan akong sabihin sa 'yo!" direkta niyang sabi at sobrang seryoso ng kanyang mukha.
"Bakit mo ko tinext ng gan'on Kim? Anong meaning n'on?" kalmado ang boses ko pero kunot-noo ko siyang tiningnan.
Palihim ko naman siyang sinuri. Baka kasi trap lang ito at may hawak pa lang siyang armas.
Tiningnan niya ako diretso sa mata at 'di ko mabasa kung anong nararamdaman niya ngayon. Matamlay ang mata niya na parang pagod na pagod siya.
"Anong nalalaman mo tungkol kay Ms. Jackson?" ulit kong tanong nang 'di siya umimik.
Humakbang pa ako ng isang hakbang palapit sa kanya.
"Bago ko sasabihin ang mga nalalaman ko, may gusto sana akong hinging pabor sa 'yo."
Kumunot ang aking noo. Napansin ko ang simple niyang suot, parang hindi laban ang pinunta niya rito. Naka-hoodie jacket, t-shirt, at jeans tsaka simpleng sneakers.
"Ano 'yon?"
'Di ko alam kung kaya ko bang gawin kung ano mang pabor na hihingin niya kasi hanggang ngayon bitter pa rin ako sa kanya.
Mula sa pagkakakunot ng aking noo, napalitan iyon ng gulat at pagtataka. Anong klaseng pabor ang sinasabi niya?
"Ano?" 'di ko makapaniwalang tanong.
"Yes! At ikaw lang ang gusto kong gumawa n'on. You deserve it."
Magre-react pa sana ako nang muli siyang nagsalita.
"I won't tell you what I know if you won't agree to it! We're running out of time!"
Para siyang nawalan ng pag-asa sa expression ng mukha niya pero para rin siyang nagmamadali. For the first time, 'di ko mabasa si Kim.
Kahit gulong-gulo ako ay wala akong nagawa kundi pumayag na lang. Para naman siyang nakampante nang tumango ako na mas lalong ipinagtataka ko. Bakit siya makakampante kapag magawa ko ang pabor niya? Nahihibang na ba siya?
Huminga siya nang malalim at pumikit sandali.
"Everything was fine before I met Jonas. Yes, I really did horrible things to you. I did those so that I can join Elites. Totoo ang lahat ng sinabi mo na ginamit lang kita," simula niya.
Nasaktan pa rin ako ng konti pero 'di na kasing lakas ng impact 'tulad noon.
"Iyon lang ang dapat kong gawin para makasali sa kanila, ang gaguhin ka. Kapag nagawa ko 'yon, papasalihin na nila ako. No'ng mga araw na 'yon 'di ko pa kilala si Jonas at si Clent talaga ang mahal ko noon pa. Ginawa ko lahat para makasali para na rin sa reputasyon ko at para na rin kay Clent.
Totoo din 'yon na sa una pa lang pinanindirian na kita. Isa ka sa kilala bilang loser at napaka-low profile mo n'on. Hindi rin pumasok sa isip ko na kaawaan ka. Isa lang kasi ang goal ko n'ong time na 'yon. I was so desperate!
Pero hindi kita lalapitan, kakausapin, o bubullyhin kung hindi 'yon ang mission ko. Because I'm not really interested to you in the first place.
And when I passed the mission and joined them, I felt like I was the happiest. It felt like I'm stronger than anyone besides Elites. Then nalaman kong si Jax ang nag-request na gan'on ang misyon ko. Binaliwala ko lang n'ong una kasi ang alam ko, inis na inis si Jax sa 'yo at gustong-gusto ka niyang umalis ng kusa. Pero may nabanggit sina Mia tungkol sa founder ng Elites, sa gumawa ng Elites.
At first, 'di nila ako sinabihan kasi 'di pa nila ako fully tanggap. Pero mga ilang araw lang, sinabi nila sa 'kin na may main source nila na kilala bilang Ms. Jackson. Alam kong isa siya sa higher rank ng Yumi pero 'di ko pa nakikita ang mukha niya. 'Di ko talaga siya kilala. Then nalaman kong siya pala ang nag-utos kay Jax na iyon dapat ang misyon ko para pasalihin sa kanila."
Kumunot muli ang aking noo. "So si Ms. Jackson talaga ang may pakana para gawin mo 'yon sa 'kin?"
Tumango naman agad siya tsaka muling nagpatuloy.
'Bakit?' sa isip ko.
"Pagkatapos ka naming bully-hin, nawala ka n'on at napaka-mysteryo ang nangyari sa 'min kasi wala kaming alam kung ba't kami walang malay n'on. After one week ng pagkawala mo, our family's business started to go down. That's why I was forced to marry Jonas 'cause they're the only one who can help our business.
'Di ako mapakali n'on kasi baka malaman ni Clent. I was so guilty! Buti na lang at nagkasundo kami ni Jonas. He has girlfriend while I has mine so we decided to live our own life. We're just married by papers. We only act as real one if we're in front of our family.
Then nalaman mo ang sekreto ko at binlackmail mo ako. I thought those were just my punishments and those were just your revenge but it's not... I found out it was Ms. Jackson's plan!
She made our family's business go down. She manipulated the Sandugo so that I was forced to marry Jonas. When I found this out, hindi ko talaga ma-gets kung ba't niya ginawa sa 'kin 'yon eh I was part of them!"
Seryoso ko siyang tiningnan habang pino-process ang lahat ng sinabi niya.
"I just found the answers when I knew you're her brother's daughter. She did it to me 'cause she knew you will come back to me for your revenge!"
Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo. Napahawak ako sa isang upuan habang pinikit ang aking mata para i-process lahat. Iniisip ko kung bakit ginawa ito ni Ms. Jackson. Kung ba't nadamay pa si Kim eh kasali na siya sa Elites?
Kung iisiping mabuti, nagsimula pala sa 'kin ang lahat.
Okay lang naman ang flow ng story kung nagtatapos lang iyon sa pagtanggap nila kay Kim nang magawa na ni Kim na gaguhin ako. Ba't after one week ginamit niya ulit si Kim? Ano namang makukuha niya kung malalaman niyang maghihiganti ako kay Kim?
"One week!.." banggit ko habang iniisip pa rin ang possibleng dahilan.
May biglang pumasok sa aking isipan na pwedeng dahilan kaya napanganga akong tumingin kay Kim. Ine-expect naman niya kung anong sasabihin ko.
"She tested us! She tested me!" sabi ko sa kanya.
"N'ong time na inutos niya ang misyon sa 'yo na traydurin ako, hindi pa siya sure noon na ako talaga ang anak ni Liander. Pinagsususpetyahan niya pa lang ako.
When I was nowhere to be found for a week, alam na niyang may tumulong sa 'kin. Dahil alam niyang babalikan kita, gumawa na siya ng problema na maging sekreto mo at gagamitin ko 'yon sa 'yo! While I was busy blackmailing and threatening you, she was observing me! Observing my moves!" paliwanag ko kay Kim kaya nakita kong medyo napanganga siya sa gulat.
"Kaya niya nalaman ang tungkol sa Aeon ay pinagmamasdan na niya ang kilos ko. Napatunayan na rin niyang anak ako ni Liander," muli kong sabi. Hindi ako sure kung iyon nga ang totoo pero may tiwala ako sa instinct ko, iyon ang paniniwalaan ko.
"It's just too sad for me to know I was just being used." Mapakla namang natawa si Kim. Malulungkot ang mga mata niya at parang nawalan ito ng pag-asa. Na parang tanggap na niya ang lahat.
"Pero bakit ikaw? Bakit ikaw ang ginamit niya eh pwede namang iba?" tanong ko.
Malungkot siyang napangiti. "It's because it's so easy to get rid of me. She knew I was desperate enough to join them. She knew I can easily fool you."
Kung 'di ko sana nalaman ang lahat ng 'to, galit sana ang mararamdaman ko ngayong kaharap ko siya. Pero ngayon...
Bakit naaawa ako sa mga taong kaaway ko? Kay Jax at kay Kim?
Is it because I didn't know their point of view?
"Pa'no mo pala nalaman ang mga impormasyong ito?" tanong ko sa kanya.
"Nagsimula akong magduda n'ong time na namatay si Casey. It's Ms. Jackson's order. The order wasn't really directed to us but I found out she ordered it to Jax. Akala ko nagpakamatay si Casey dahil sa ipinagkalat ng Elites ang tungkol sa secret relationship niya ng isang professor... but she was murdered by some Yumi's agent. Sinabi ni Clent 'yon sa 'kin."
Muling pumasok sa isipan ko ang kwento ni Jax tungkol kay Cath. Parehong nangyari kay Casey ang nangyari noon kay Cath.
Muling bumuo ang galit na nararamdaman ko nang maalala ko ang pagkamatay ni Casey. Namatay siya dahil sa 'kin! Pinatay nila si Casey na una kong pinagkatiwalaan after ni Kim. Pinapatay ni Ms. Jackson kasi alam niyang importante si Casey sa 'kin!
"I didn't tell them you're L even if Justine revealed my secret. Because I know she was also being manipulated by Ms. Jackson. Justine confronted me about my secret. She was so angry. She said she wanted to reveal my secret to our members but she can't do it. 'Cause she love Clent as much as I do. She doesn't want to hurt him. That's why she diverted all her anger to me. There's no way she will reveal it...
Then bigla na lang niyang sinabi sa kanila ang totoo tungkol sa secret ko. Dahil matagal ko nang alam ang kagagawan ni Ms. Jackson, sigurado akong may kinalaman din siya n'on."
So hindi pala iyon ang totoong desisyon ni Justine? Ginawa ko 'yon sa kanya para matanggal ko una si Kim pero 'di ko alam, may gusto rin palang tumanggal kay Kim.
"Gusto na kitang lapitan noon pa kaya tinitigan kita n'ong time na 'yon. Gusto ko nang humingi ng tawad pero 'di ko magawa. Kailangan ko pa ring umakto na kinamumuhian kita kasi alam kong pinagmamasdan niya ako. Hindi ko man siya nakikita pero feel kong mino-monitor niya ako."
"Sigurado akong alam na ni Ms. Jackson na alam mong ako si L. Pero 'di niya sinabi kina Jax iyon to test your loyalty. Tine-test ka niya kung sasabihin mo ba kina Jax ang tungkol sa 'kin o hindi."
Mapakla namang natawa si Kim sa sinabi ko. "When I found out the truth that I was just being used, loyalty doesn't matter to me anymore. Before, I was so afraid to die 'cause I will be parted from Clent but now, I accepted my fate already.
Now that I witnessed how hurt and devasted Clent when he accidentaly killed Justine, I wasn't afraid to die anymore. He almost forgot that I was by his side. Haha! Ito na siguro ang punishment ko!"
"Kim..." 'yon lang nabanggit ko sa kanya.
Ewan, parang nawala lahat ng galit ko sa kanya. Kahit inamin man niya sa 'kin ang totoo na hindi talaga niya ako tinuring na kaibigan sa una pa lang, parang naiintindihan ko siya.
Gan'to ba talaga ako? Ang bilis umintindi ng mga bagay-bagay?
"I heard Jax talking to the phone yesterday. As what I had heard, seems like Ms. Jackson is joining this fight. That's why I asked you that favor because I knew I will be eliminated soon. I want you to do it than any other. I still have this smallest pride of myself so please..."
Dahil sobrang distructed ako, nabigla akong hinawakan niya ang aking kamay na may hawak na baril tsaka tinutok iyon sa may heart niya. "She will kill me now or anytime. She's also after you! This is the best time to grant my favor!"
Nakatingin lang ako sa mga mata niyang parang nagmamakaawang gawin ko ang pabor niya. Na-blanko ako ng ilang segundo. Nang marinig ko ang sigaw ni Natsy mula sa earpiece, nabalik ako sa realidad. Pati na sina Veign at Kevin ay naririnig kong nakikipag-away pa rin.
Ito naman ang matagal kong hinintay, ang patayin ko si Kim. Pero nang marinig ko ang lahat ng sinabi niya, parang nagdadalawang-isip ako.
"I am so sorry to all the horrible things I'd done to you Lav. Please kill me now!" pagmamakaawang sabi niya. I also felt her sincerity.
Parang nakaramdam ako nang kakaiba dahil tinawag niya akong gan'on. Siya pala ang unang nakilala ko na tumawag sa 'kin na 'Lav' before ni Ex.
Yes, the favor she asked to me is to kill her myself. She wanted to be killed by me than to be killed by Ms. Jackson or any other.
Pareho kaming natigilan ni Kim nang may pumasok sa loob ng room. Nakita kong nanlaki ang mata ni Kim nang tinignan niya ang tao sa 'king likuran na dahan-dahang lumapit sa 'min. Nakatalikod kasi ako sa pinto kaya si Kim lang ang nakakita sa kanya.
Nanlaki ang aking mata at nanayo ang aking balahibo nang maamoy ko ang pabango ng taong papalapit sa amin. Ang pabango na matagal ko nang hinahanap.
Kaya pala 'di ko naramdaman ang presensya niya kasi siya si Ms. Jackson.
Gusto ko sana siyang lingunin nang mahigpit na hinawakan ni Kim ang kamay ko.
"Please Lav! I'm already ready!" pakiusap ni Kim.
Narinig kong pumalakpak si Ms. Jackson sa 'king likuran nang mahina. "The two that I wanted to kill are here," sabi niya pero 'di ko siya masyadong pinansin.
"If you're still hesitating to kill her, let me," muling sabi ni Ms. Jackson.
Pinikit ko sandali ang aking mata tsaka makahulugang tiningnan si Kim. Napangiti siya nang maintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig...
"If ever Clent is still alive after this fight, tell him that I love him so much!"
Nginitian ko siya sa huling sandali, ngiting totoo, ngiting nagpapahiwatig na pinapatawad ko ang isang tao.
"Pinapatawad na kita Kim!"
Pagkatapos kong sabihin iyon, kinablit ko ang gatilyo at tumama ang bala ng baril sa kanyang puso. Nakita ko pa siyang ngumiti sa huli.
Sobra naman akong nagulat nang binaril pang muli ni Ms. Jackson ang walang buhay na katawan ni Kim. Tumama ang bala niya sa ulo nito. Napasinghap ako sa nangyari.
Napaka-brutal niya!
"You're really the daughter of Ambria and my brother. You inherited their cleverness and quick analysis... That brat Kim told you the truth. What you assumed earlier is all correct. So smart!"
Ibig lang sabihin nito, kanina pa siya nandito at nakikinig lang sa 'min. So totoo nga talaga ang instinct ko!
Mabilis kong kinasa ang baril at agad akong humupo nang nilingon ko siya tsaka siya binaril. 'Di na ako nagulat nang nailagan lang niya nang gan'on ang bala. Nakayuko siya habang natatawa. 'Di ko makita ang mukha niya kasi nakasuot siya nang black cap.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang tinanggal niya ang cap na suot niya at dahan-dahang tumingin sa 'kin.
Napanganga ako sa gulat nang makilala ko siya. 'Parang ang hirap paniwalaan na sa simula pa lang, kilala ko na siya.
Pumasok sa isipan ko ang mga panahong bago pa ako rito sa ECU. Gan'on na katagal niya akong pinagmamasdan.
"I-ikaw si Ms. Jackson?"
...
Itutuloy...
...
"No one can understand you if you won't tell them your story."