Chapter 72 - Text

"I wanna watch you eat that."

Umupo si Ex sa kama ng dalaga pagkatapos niyang mailagay ang snacks sa mini table.

Mas lalo tuloy kinabahan si Lavandeir at 'di siya makaharap kay Ex. Nanlalamig ang kanyang kamay dahil sa sobrang kaba. Wala siyang nagawa kundi kainin agad ang slice bread para na rin makaalis ang binata sa kwarto niya at makahinga na siya nang maluwag.

Naramdaman niyang tinitigan siya ni Ex kaya naiilang siya sa pagkain.

'Di siya umimik hanggang sa maubos niyang kainin ang dalawang slice bread. Tumayo naman si Ex at nilapitan siya. Kinuha nito ang C2 na nasa mini table sa harapan ni Lavandeir at binuksan niya ito para ibigay sa dalaga. Inabot naman ito ng dalaga nang hindi sinalubong ang tingin niya.

Wala siyang choice kundi inumin ito. 'Di naman siya inutusan ng binata pero parang napapasunod agad siya. 'Di niya alam na magkakaganto ulit siya sa harap ni Ex tulad n'ong dati na sobrang hinhin pa niya.

Nang matapos niyang inumin ang C2, mabilis na nilapit ni Ex ang mukha niya sa dalaga tsaka walang sabi-sabing hinalikan ito.

Nanlaki lalo ang mata ni Lavandeir kasama na rin ang puso niyang mas lalong tumibok nang malakas sa 'di niya inasahang galaw ng binata.

Naramdaman niyang parang napakaingat ni Ex sa paghalik sa kanya and slowly kissing her.

'Di ko alam kung ba't 'di ko siya maitulak palayo,' sa isip ng dalaga.

Gumagaan ang loob niya. Parang unti-unting nawala ang kaba at takot niya sa mga oras na ito. Parang nawala lahat ng inaalala at iniisip niya at tanging nararamdaman lang niya ay ang mga labi ni Ex na humahalik sa labi niya.

Para siyang isang babasagin at mamahaling bagay na ingat na ingat na hinalikan ni Ex. Slowly yet passionate. She can feel his sincerity and love with those kisses.

Humiwalay si Ex sa kanya tsaka niyakap siya nito. Dahil nakaupo ang dalaga, alam niyang nahihirapan si Ex sa posisyon niya. Tumayo siya at niyakap pabalik ang binata habang may namumuong luha sa kanyang mga mata. Parang gusto niyang magsumbong sa mga problema niya.

"Don't be afraid telling me the truth Lav. I know you have reasons why you're doing this. I trust you no matter what you did and what will you do. I love you. Don't avoid me again..." Humiwalay sa yakap si Ex at tiningnan siya nito sa mga mata. "... pakiusap."

'Di na napigilan ni Lavandeir ang maiyak dahil sa kanyang narinig. 'Di niya in-expect na mangyayari ang araw na maging gan'to siya ka emotional dahil kay Ex. Muli naman siyang niyakap ng binata at hinihimas nang dahan-dahan ang kanyang buhok. He is comforting her.

...

Nakaupo silang dalawa sa kama na magkatabi. Hinawakan ni Ex ang kamay ni Lavandeir tsaka hinimas niya ang marka ng lubid sa kamay nito.

He looked so composed outside but he wanted to kill Jax inside. He suppressed his anger and try hard to look calm.

"Jax..." panimula ng dalaga. Exseven bit his lips secretly to suppress his nervousness. He's nervous to know the truth. He's not feeling good about it but he really wanted to know. He can't sleep another night thinking what really happened to Lavandeir.

"He told me everything about Cath," patuloy ng dalaga. Naramdaman naman ni Lavandeir na mas lalong humigpit ang hawak ni Ex sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ayoko sanang marinig kasi gusto ko marinig mula sa 'yo ang tungkol kay Cath pero 'di ko siya mapigilan. N'ong time na iyon, parang naaawa ako at the same time naiintindihan ko siya kung ba't siya nagkagan'to. Sinabi niya sa 'kin kung pa'no siya nasaktan. Sinabi at pinakita niya rin sa 'kin ang tunay niyang naramdaman. Pati na n'ong kung pa'no sila unang nagkakakilala ni Cath hanggang sa mamatay ito. Kweninto niya lahat sa 'kin," paliwanag ng dalaga.

Tinignan niya sa mata si Ex. Expressionless man ang mukha nito pero nakikita niya sa mga mata nitong nasasaktan ito. Naiintidihan naman siya ni Lavandeir kasi walang alam ang binata n'ong time na niloloko lang siya ni Cath. Pareho lang sila ni Jax na nasaktan dahil sa iisang babae.

"Umiyak siya sa harapan ko Ex. Ramdam ko ang galit at sakit na nararamdaman ni Jax n'ong time na 'yon kaya nagi-guilty ako sa 'yo kasi naaawa ako sa kaaway na 'tin."

"Don't be... I know you have a good heart Lav. So don't feel sorry to me."

"Alam kong matagal ka nang nasasaktan dahil kay Cath at alam ko noon pa na importante pa rin siya sa 'yo kaya naiintindihan kitang 'di mo pa kayang sabihin sa 'kin ang tungkol sa kanya..."

Mas lalong na-guilty si Exseven kay Lavandeir. 'Di niya alam na napapansin pala ito ng dalaga. Mas lalo pa siyang na-guilty nang malamang matagal na pala siyang iniintindi nito pero 'di man lang niya napansin iyon. He wanted to hurt himself for being this naïve towards Lavandeir's feeling.

"Kaso..." umiwas ng tingin ang dalaga. Naramdaman naman ni Ex na hindi maganda ang sasabihin nito. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya sa kaba but he's still able to remain calm so that his girl won't notice. "... aaminin ko na 'yong time na sinabi ni Jax ang totoo tungkol sa sinabi mo ay nasaktan ako."

Kinagat ni Lavandeir ang kanyang labi para hindi siya mautal at maluha. Hanggang ngayon kasi ay nasasaktan pa rin siya.

"W-what d'you mean?"

For the first time Ex couldn't speak properly in front of Lavandeir. He's this nervous for unknown reason. He tried hard to stay calm but he couldn't.

"May recording si Jax tungkol sa pinag-usapan ni'yo sa 3rd floor's balcony n'ong school trip. Narinig ko ang sinabi mo na minahal mo ako kasi nakikita mo si Cath sa 'kin at 'di ka pa naka-move on sa..."

'Di natuloy ng dalaga ang sasabihin niya nang agad siyang niyakap ni Ex nang mahigpit. Naramdaman din niyang kinakabahan nang sobra ang binata.

"I'm sorry! I'm really sorry!"

What Ex felt about the guilt earlier, he now feels guiltier than before. He doesn't have the right to get angry at his girlfriend when saw about the kiss. He doesn't know what to do and what to explain right now.

This is the very first time that Lavandeir saw Ex acting like this in front of her. Parang hindi ito ang composed na Ex na kilala niya. Hindi niya inakalang maging gan'to ang binata habang paulit-ulit na humingi ng patawad.

She doesn't know what to react. She thought she would burst out crying while telling this to him but it's not. It is the other way around. Though he wasn't bursting out but he's crying secretly. Naramdaman kasi ng dalaga na umiiyak ito habang nakabaon ang mukha sa balikat niya.

He hugged her tightly, afraid she might leave him.

Dahil sa naging reaction ni Exseven, medyo nasaktan si Lavandeir dahil meaning lang nito ay inaamin ng binata na totoo nga ang sinabi niya sa recording. Nag-e-expect pa kasi siya na baka hindi 'yon totoo at sinabi lang iyon ni Ex para malaman niya ang tunay na nangyari kay Cath.

Ilang sandali ay pinahid ni Ex ang luha niya nang 'di pinakita kay Lavandeir pero naramdaman naman iyon ng dalaga. Humiwalay siya sa yakap tsaka muling hinawakan nang mahigpit ang kamay ng girlfriend niya.

"It's true that I still can't move on from Cath that time. It's because of the letter I found when she died. I know it's her penmanship but it's odd. I felt something wasn't right so I started investigating her death. Then I found out that it was Jax who asked someone to rape her that's why she committed suicide.

I believe that time that he really was the reason. I thought he did it because he knew that we were their biggest enemy. He knew that I and Natasha just kept on pretending and that we're aware they belong to Yumi. He was so angry that I didn't listen his warning about me breaking up with her.

But there's always something wrong with him that doesn't fit in the picture. I started doubting Jax's action when he changed so much after Cath died. It looked like we felt the same. And when I was searching Cath's information, I couldn't search anything. It's just the information she submitted in the school."

"Pero ang totoo n'on, si Ms. Jackson pala nagpalabas na si Jax ang nag-utos na gawin 'yon kay Cath. Pinatay pala siya at 'di nagpakamatay." Nagdadalawang-isip itong sabihin ng dalaga, baka kasi masasaktan pa si Ex kapag binanggit pa niya ang tunay na nangyari kay Cath.

Tumango ang binata sa sinabi ng dalaga. "How cruel!"

Huminga nang malalim si Ex at muling nagpatuloy.

"When I first saw you, it's true that I saw Cath through you. But while keeping you by my side and always being with you, I fell in love with you. I truly love you. What I showed you were all real... But I can't fully forget Cath that's why I felt guilty whenever those times I had thought of hesitating to go on with you."

Umiwas ng tingin si Ex at nakatitig lang ito sa sahig.

"When that night I saw you and Veign were talking to the beach, sincerely having a moment and having fun hugging each other, I'm really jealous. I was so afraid that you will go to him not to me. That's the time I woke up from reality. I really love you more than Cath. I was just being held up in the past because of her mystery."

Tumingin siya sa dalaga at medyo kinabahan pa siyang napaluha si Lavandeir habang nakatingin sa kanya. Masaya lang kasi ito dahil sa narinig niya. Lavandeir is already contented as long as he told her the truth. Akala niya kasi wala talagang feeling si Ex sa kanya.

Pinahid ni Ex ang luha nito.

"Naniniwala ako sa 'yo. Kontento na ako sa paliwanag mo."

Niyakap niyang muli ang dalaga nang mahigpit. Gumaan ang pakiramdam nilang dalawa at pareho silang masaya. Nawala lahat ng mga sakit na pakiramdam na dinadala nila at parang nabunotan ng tinik ang kanilang mga puso.

"Thank you so much for being always understanding me," sabi ni Ex na tinanguan lang ng dalaga.

Habang nakayakap sila sa isa't-isa, may naalala naman si Lavandeir. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ito pero nakapag-desisyon na siyang aminin kay Ex ang nangyari.

"May aaminin ako sa 'yo Ex... Tungkol sa nangyari sa 'min ni Jax..."

"Shh! Don't use that term. Nothing happened between you two."

Nagtatakang humiwalay ang dalaga sa yakap at kinunotan ng noo si Ex.

"Ba't parang may alam ka?"

Umiwas ng tingin si Ex at muling hinawakan ang kamay ng dalaga tsaka nilalaro ito.

"Actually, Jax sent me a video between you two kissing!" nagkasalubong pa ang kilay nito nang sinabi niya ito.

Mag-aalala na sana si Lavandeir nang nawala ang pagkunot ng noo nito at tiningnan siya tsaka nginitian ni Ex.

"Yeah at first, I was really angry to the point that I break everything I saw in my room. I don't know how to stop my anger that's why I did those. For many hours of thinking, I decided to look at the video again to examine everything. Then I saw a glint of liquid in your cheeks which possibly you're crying. I know Jax forced you. There's no reason for you to let him do it. I trust you. Jax was just trying to break us apart!

I saw the mark of the rope in your two hands and ankles when we're having a meeting earlier, that's why I know you were tied and you can't do anything to fight back. It's my entire fault Lav! He wouldn't do it to you if it's not because of me! I was wrong! I'm angry! I'm guilty! While you were hurt and harassed because of me! Please forgive me!"

Hanggang ngayon bumabalik pa rin kasi sa isipan ni Ex na nangyari iyon sa girlfriend niya.

Sa oras na ito, si Lavandeir na ang humawak sa magkabilang pisngi ng binata at hinalikan ito saglit sa labi tsaka niyakap. Sobrang nagulat si Ex sa ginawa ng dalaga. He didn't expect it.

'Lav wouldn't do this to me proactively,' sa isip ni Ex. Siya kasi ang palaging unang hahalik at yayakap sa kanila kaya 'di niya inasahan ito.

Parang nawala saglit ang pag-alala ng binata. Ito rin ang unang beses na kinilig siya masyado dahil sa simple action na iyon.

Nang humiwalay ang dalaga sa yakap, Ex cleared his throat and trying to straighten his face.

"May kakaiba kay Jax na napansin ko," muling topic ng dalaga. "Humingi siya ng patawad sa lahat ng nagawa niya sa 'kin at parang sincere na sincere siya. Walang mag-aakalang matagal na pala siyang nasasaktan mag-isa, walang masasandalan," nag-aalalang sabi nito.

Tumatango-tango naman si Exseven. "I will try to talk to him no matter what," he said with sincerity. "Everything will be alright."

Sabay silang napahinga nang malalim.

"Hindi ko talaga inakalang aabot tayo sa ganito. Ang drama," napapangiting sabi ng dalaga.

"Let us be. 'Cause after this, we'll be back to cruel reality."

"Oo nga."

Pinatayo naman ni Ex si Lavandeir tsaka pinaupo sa right lap niya kaya nakaharap ang katawan ng dalaga sa left side. Niyakap naman ni Ex ang bewang nito. Nahihiya naman si Lavandeir kasi naa-awkward siya.

"Makikita nila tayo. May camera pa naman."

Nag-aalala kasi ang dalaga na baka aasarin sila ng mga kasama nila.

"Don't mind them. We're not doing something wrong and dangerous."

Nahihiya pa rin si Lavandeir. Ang hirap kasi paniwalaan na mararanasan niya ang lahat ng ito tas si Ex pa kasama niya.

"Thanks again for being there for me. I'm always grateful that I met you. I love you woman."

Napangiti naman si Ex nang makitang pinamulahan ang girlfriend niya sa sinabi niya.

"M-mahal din kita."

Hinalikan ni Ex saglit ang dalaga tsaka niyakap itong muli. Mga ilang minuto pa silang gan'on at sinulit ang pagkakataon para sa kanila.

Paglabas nila ng kwarto, tinawag naman si Ex ng kanyang ama kaya nagpaalam ang binata kay Lavandeir. Nang mag-isa na lang ang dalaga, biglang sumulpot si Kernel na parang kabote na may kakaibang ngisi sa labi.

"What are you two doing alone in the room huh? Yiieh! Were you also shooting there a love scene?" pataas-taas pa ang kilay nito habang inaasar si Lavandeir.

"Manahimik ka nga mais! Pinapanuod mo ba kami ng 'di namin alam?"

"Oh! Bumalik na sa dati ang Lava ko! But milady, we're not that immature and ignorant to peek to your privacy. Well, seems like something really happened inside when you're that defensive. Nagdadalaga kana mahal na prinsesa! Hahahahaha!"

Hinampas ni Lavandeir ang balikat nito dahil inaasar siya ni Kernel. "Akala mo sigurong 'di ko alam ang tungkol sa mahal mong engaged na. Hindi muna na sana pinakawalan pa!" ganti ng dalaga tsaka lumayo kay Kernel.

"Ouch! You siblings really wanna hurt me! Can't you see I'm just joking?" sabi pa rin nito kahit wala na ang dalaga. "Sino bang tangnang nagpakalat ng personal issue kong 'yon? May traydor talaga sa grupong 'to!" patuloy ng pagda-drama niya.

Pagkatapos ng pag-uusap ni Ex at ng kanyang ama, nilapitan niyang muli ang girlfriend niya.

"Ano pinag-uusapan n'yo?"

"He just congratulated me."

"Para saan?"

"To our relationship."

...

Lavandeir's POV

Mga ilang oras ay dumating na si Mr. Taki pero 'di niya kasama si papa. May importante raw itong ginagawa pero 'di niya sinabi kung ano. Naging busy din siya at palaging si Master lang kasama at kausap niya.

Tatlong araw na ang nakalipas simula n'ong nagkaayos kami ni Ex. Pareho kaming lahat na busy sa paghahanda sa magaganap na laban namin sa Yumi. Nag-follow up meeting nga kami kahapon para ma-finalized na talaga namin ang plano.

Kahapon din naunang umalis sina Mais, Marj, Ethird, at ni kuya kasi may importante silang gagawin na kasama na sa plano namin. Pinagmamasdan din nila ang mga kilos ng Yumi pati na ang members ng Elites.

Dahil na rin sa nalaman ng ibang mafia group ang nangyari sa Yumi, marami tuloy ang kumampi sa Dakumasuta kaya ang ibang grupo ng Yumi ay nag-back out daw. Kadalasan sa kanila ay 'yong mga beginner sa kanila.

Abala naman kami sa pagt-train. Minsan tinuturuan kami nina master at hinahasa pa lalo ang skills namin, ako at ang Black Chili.

Minsan nag-hand to hand combat kami ni Ex kapag magt-train. Tsaka si Kevin ay hinahasa rin nila lalo tungkol sa computer, 'di pa kasi ito kasing galing ni Ethird.

Simula n'ong nagkaayos kami ni Ex, mas nilalapitan na niya ako at kinakausap. Siya nga ang unang magto-topic. Palagi rin niya akong inaalala at ngumingiti na rin siya sa 'kin. Mas naging talkative siya kumpara noon kapag kami lang dalawa ang magkasama.

Pero may mga times na makikita ko siya mag-isa na sobrang lalim ng iniisip habang nagyoyosi nang palihim. Sa loob ng tatlong araw, nahuli ko siyang gan'on mga tatlong beses na rin. Parang may pinoproblema siya.

Pumupunta siya sa tagong lugar na hindi namin madalas puntahan. Palagi siyang nag-iisa doon at nagyoyosi. Sadyang mas nag-improve ang skills ko sa pagtago ng presence ko or sadyang bothered lang talaga siya kaya 'di niya napapansing palagi ko siyang sinusundan. Kapag umalis na siya tsaka ko lang lalapitan ang pwesto niya, tas makikita kong nasa apat hanggang limang yosi ang mauubos niya.

Kapag kaharap naman niya ako, alam kong nagpapanggap lang siyang okay.

This time, 'di ko na napigilan pa at nilapitan siya. Nandito kami sa may maraming malalaking puno, sa gitna ng kagubatan na sakop pa rin ng pag-aari ng Aeon.

"Ex!" tawag ko sa kanya.

Medyo nagulat naman siya nang nilingon niya ako. 'Di niya kasi inasahang sinusundan ko siya.

"May problema ba? 'Di mo kasi namalayang palagi kitang sinusundan 'pag pumupunta ka rito." Tinabihan ko naman siya.

Dali-dali niyang tinapon sa lupa ang sigarilyo tsaka sinipa palayo ang mga upos nito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang buhok ko tsaka hinihimas ito.

"I was just bothered about something. I didn't notice that you always stalk me here." Nagpakawala siya ng buntong-hininga.

"Okay lang na sabihin mo sa 'kin. Makikinig lang ako. Kung ano man iyon, maiintindihan kita. Ayoko ng matulad ang dati," tukoy ko n'ong nag-away kami.

Napangiti naman siya tsaka hinawakan ang kamay ko. "Didn't expect you'll be this sweet."

Sandali lang ang ngiti niya tsaka muling nagseryoso. Umupo siya sa lupa at sumandal sa isang puno at pinaupo niya rin ako sa tabi niya. Buti na lang naka-jeans ako ngayon.

Inakbayan niya ako tsaka muling huminga nang malalim. Hindi na rin kasi ako naiilang kapag umaakbay na siya sa 'kin, siguro nasanay na akong ganito siya.

"I..." Muli niyang tinikom ang bibig niya sandali. "I just can't forget what Jax has done to you! I don't know... it won't leave my mind. It still bothers me! How horrible and scared you were that time, I can't imagine," mahina pero may diin niyang sabi.

Yumuko lang ako kasi wala akong masabi. So ito pala ang inaalala niya?

Kinuha niya ang phone niya at may ginawa doon tsaka binigay niya iyon sa 'kin.

"I just deleted the link Jax sent me." Hinawakan ko lang ang phone niya, 'di ko naman uring buksan pa iyon, wala naman na akong titingnan. "I wasn't able to delete it before and I kept on watching it. I don't know why but I only found myself watching it over again," mahina niyang sabi.

Alam ko namang ang video na tinutukoy niya ay 'yong pwersa akong hinalikan ni Jax. Nagtagumpay nga siyang magkagan'to kami ni Ex pero 'di siya nagtagumpay na paghiwalayin kami.

"Sorry," nakayuko at mahina kong banggit. Nakokonsensya tuloy ako. Wala kasi akong magawa n'ong time na iyon.

Tiningnan niya ako. "It's not your fault. It's mine after all."

Tumingin ako sa kanya nang hinawakan niya ang chin ko tsaka hinimas niya ang labi ko gamit ang thumb niya.

"Two guys already kissed this beside me. Tsk!" kunot-noo niyang sabi.

Tumibok naman nang malakas ang puso ko nang 'di niya inalis ang pagkatitig niya sa labi ko. Hinihimas pa rin niya iyon nang dahan-dahan gamit ang thumb niya.

Dahan-dahan naman siyang tumingin sa mga mata ko at nagtitigan lang kami ng mga limang segundo. Wala man siyang sinabi pero parang naiintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig sa titig niya.

Nang 'di ko iniwas ang aking tingin, nilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Akala ko dadampi na ang labi niya sa labi ko nang bigla siyang napahinto.

Gusto ko sanang tanungin kung bakit pero 'di ko magawa.

He cleared his throat. "I just finished smoking," pabulong niyang sabi. Naamoy ko nga ang menthol flavor ng yosi mula sa bibig niya.

"Pero..." biglang sabi ko na ikinagulat ko rin. Para kasing umaangal akong 'di niya tinuloy ang gagawin niya sana.

Nagulat naman siya dahil sa isang salitang iyon. Nanlalamig tuloy ang aking kamay at nag-iinit ang aking mukha.

'Nakakahiya!'

Iniba ko ang aking tingin kasi 'di ko makasalubong ang tingin niya. Nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang pisngi ko tsaka agad na dinampi ang labi niya sa labi ko.

Naramdaman ko ang malambot at mainit niyang labi na gumagalaw sa labi ko. Hindi ito kasing bagal n'ong hinalikan niya ako sa room ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko pero ngayon, alam kong 'di na dahil sa kaba. Ilang segundo ay sumasabay ako sa halik niya at ilang segundo kaming naghahalikan.

Huminto siya saglit at tiningnan ako. "You now learned how to kiss huh?"

Hindi pa ako nakapag-react nang muli niya akong hinalikan. Dahil nga nakaakbay siya sa 'kin, para na ring niyayakap niya ako.

Sa mga oras na 'to, parang feel na feel namin na solo namin ang isa't-isa. Na parang ayaw naming tumigil. Hindi pa rin mawala ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na't hinihimas niya ang buhok ko sa likod.

Mga ilang segundo, bigla kong naramdaman ang dila niyang pumasok sa bibig ko. Agad akong napahinto at napamulat ng mata. Napahinto rin siya at napalayo ang mukha.

"I-I'm sorry!" 'di mapakali niyang sabi.

Sobra akong pinamulahan sa mukha dahil sa nangyari. 'Di ko alam kung anong dapat i-react o gawin sa oras na 'to. 'Di rin ako makatingin sa kanya. First time ko kasing ma-experience ito.

Ex cleared his throat tsaka hinawakan ang aking pisngi. "I love you woman!"

Tiningnan ko siya at nakita kong pinipigilan niya ang sariling ngumiti. Nang kinunotan ko siya ng noo, 'di na niya napigilan pa at ngumiti nang malapad.

Hanggang sa, "Pft! Hahaha! I'm just happy," sabi niya tsaka niyakap akong muli.

Napangiti na lang din ako. Sana ganito na lang palagi.

Tumambay pa kami doon ng isang oras. Wala lang kaming ginawa at magkatabi lang. Minsan nag-uusap sandali.

Pinakita niya sa 'kin ang gallery ng phone niya at 'di pa ako makapaniwalang naglalaman iyon ng mga stolen shots ko.

Naisipan din naming mag-selfie kaisa para daw may picture siya.

"This is the second photo I have with us together."

'Yong una kasi ay ang wallpaper niya. Noong time na nagpapanggap kaming nagse-selfie kasi may nagmamasid sa amin.

.

...

Bumalik na kami sa loob ng building at nadatnan namin si Kern na mag-isa sa sala na kumakain ng kernel corn. Nang mapansin niya kami, agad siyang lumapit sa amin na may kakaibang ngisi na naman sa labi.

"Uy pre? Nawala na ba problema mo?" nakangisi niyang tanong kay Ex. Ini-snob lang siya ni Ex at hindi siya sinagot.

Gusto ko sanang matawa sa expression ni Mais dahil sa asal ni Ex. Alam naman niya kung ga'no ka seryoso si Ex tas inaasar niya. 'Di na lang niya ito kinulit at lumapit sa 'kin. Nilapit pa niya ang bibig niya sa may tenga ko at bumulong.

"Your boyfriend is like his father. So cold! Ba't 'di mo siya hiwalayan? Mas bet ko si Veign para sa 'yo!" bulong niya na halata namang pinaparinggan niya lang si Ex.

Sobrang sama na nang tingin ni Ex sa kanya. Mas lalo ring humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.

"By the way, what are you doing alone in the middle of the forest? Yieeeh! Pang-ilan na 'yan ah?" muli niyang bulong sa 'kin.

Inilayo niya ang mukha sa 'kin at nang-aasar na namang ngumisi. Umayos na nga si kuya, siya naman ang pumalit!

Sinamaan ko rin siya ng tingin. "'Yong mahal mo pala na engaged na..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang agad niyang sinubo sa 'kin ang maliit na kutsara na hawak niya na may lamang kernel corn.

"Enjoy your time ma'am and sir." Nag-bow pa ito sa amin tsaka nagmamadaling umalis.

Abnoy talaga!

"Were you guys that close?" malamig na tanong ni Ex. Tiningnan ko lang siya at nginitian.

"Nagbibiro lang 'yon. Ginawa nga nila lahat magkatuluyan lang tayong dalawa."

...

Kinagabihan, binigay ni Kern ang keypad phone ko. Matagal ko na itong 'di ginagamit kaya napabayaan ko na 'to sa kwarto ko sa amin.

Nalaman niya kasing pinasok ng mga 'di kilalang lalaki ang kwarto ko na obviously ay kabilang sa Yumi. Buti napagilan sila ni Mais at kinuha na lang din niya itong phone.

Naisipan ko namang i-on ito. Nandito pa kasi ang luma kong sim.

Pagbukas ko, may maraming dumating na text doon. 'Yong iba galing lang kina Natsy. Dito pa kasi sila nagt-text n'ong 'di ko pa sila sinabihan na 'di ko na 'to ginagamit. Binasa ko ang mga iyon tsaka dinelete.

Pero may isang number na kumuha ng atensyon ko. Dahil dinelete ko lahat ng contacts ko rito, mga unknown number na lang ito lahat pati na kina Natsy. Pero kahit na ay nakilala ko pa rin ang may ari.

Itong isang 'to ay galing kay Kim.

Two days na ang nakalipas nang tiningnan ko ang date kung kailan natanggap ang message. Binuksan ko ito at nagtaka ako sa laman ng text.

*From: 09000000000

Ms. Jackson manipulates everything.*

...

Itutuloy...

...

"Wala pong update bukas. Siguro the day after tomorrow na po. Salamat po sa pagbabasa." - Frans