Chapter 71 - Their Quarrel
Lavandeir's POV
"What Jax did to you?"
Dahil sa tanong niya, muli kong naalala ang nangyari kahapon. Kinakabahan ako at natatakot na malaman niya ang totoo. Natatakot din ako na 'pag tinanong ko siya tungkol sa recording na 'yon, aamin siyang totoo 'yon. Mas lalo lang akong masaktan.
Pinigilan kong mabuti ang sarili na hindi manginig sa harapan niya. Ayokong ipakita sa kanya ang totoong expression ko. Takot akong mabasa niya ang iniisip ko.
Kinagat ko ang aking labi nang ilang segundo at palihim na huminga nang malalim para 'di niya mahalatang nanginginig ako.
"Nawalan ako ng malay dahil nasuntok niya ako sa may tiyan. Paggising ko, nakakulong ako sa isang puting kwarto at nakuha na niya ang spray mula sa 'kin. 'Yon pala ang ibang motibo niya."
Puro totoo ang sinabi ko sa kanya pero 'di lang buo. Sana naman maniwala siya. Tiningnan ko ang expression niya pero 'di ko ito mabasa. 'Di ko nga alam kung satisfied ba siya sa sagot ko sa kanya.
"Tapos na 'ko."
Agad akong tumayo at niligpit ang pinggan tsaka uminom ng tubig. Gan'on din siya. 'Di pa rin mawala ang kaba ko. Gusto ko munang lumayo sa kanya dahil baka 'di ko kakayanin.
Maayos akong nagpaalam sa kanya na mauna na akong umalis nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"I hate the thought that you look like you're afraid of me. You can tell me anything Lav. I'm your boyfriend." Tiningnan niya ako sa mata. Dahil sa tingin niya, mas lalo akong nakonsensya at nasaktang muli. "Please!"
Iniwasan ko ang tingin niya at inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin. Parang may bumabara sa 'king lalamunan na 'di ko magawang makapagsalita. 'Di ko nakayanan at tumulo ang luha ko.
'Yong feeling na parang kapag ibukas ko ang bibig ko, may masabi akong kakaiba.
Medyo nanlaki ang mata niya sa gulat at natatarantang hinawakan niya ang magkabila kong balikat tsaka pinaharap niya ako lalo sa kanya. Alam kong nag-aalala siya nang masyado pero 'di ko pa rin matingnan ang mata niya nang diretso.
"Tell me what really happened! No matter what it is, I will listen to you!"
Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko tsaka lakas-loob ko siyang tiningnan ng diretso. "N-nasasaktan ako..."
Nakita ko siyang natigilan saglit at napabitaw sa 'kin kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon na lumayo sa kanya.
Nakayanan ko pa naman kahapon na hindi bumigay sa kanya. Nakayanan kong magpanggap na parang walang nangyari habang nakikipaglaban sa Elites pero bakit ngayon bumibigay ako?
Parang ang bigat sa pakiramdam.
Tinatawag niya ako at sinundan kaya tumakbo na ako patungong kwarto ko.
...
Third Person's POV
Kakapasok lang nina Natasha at ng iba galing training nang madatnan nilang hinahabol ni Exseven si Lavandeir.
"Lav! Lavandeir!"
Agad siyang pinigilan ni Violy kaya 'di niya magawang habulin ang dalaga. Nang makapasok na ito sa kwarto ay 'don lang siya binitawan. "Give her time!" may diin na sabi ni Violy sa kanya pero 'di niya iyon pinansin.
Nagsilapitan naman sina Marj at ang iba sa malaking sala. Bumalik na sila kasi ito ang oras na magme-meeting silang lahat.
Hinabol ni Exseven ang dalaga at kinakatok nang malakas ang pinto nito pero 'di siya pinagbuksan.
"Fck!" sigaw niya.
Agad siyang bumalik sa kwarto niya at hinanap ang phone. 'Di siya nagdalawang-isip na tawagan si Jax kasi alam niyang si Jax ang may kasalanan dito.
"What the fck did you do to Lavander!" sigaw niya rito nang sinagot nito ang tawag.
Parang sasabog na siya sa galit na nararamdaman niya. Gusto niyang sugurin ito at kwelyuhan.
Natawa lang sa kabilang linya si Jax na mas lalong ikinagalit niya. "I told you, I'm too curious what will happen between you two after the fight!"
"Motherfcker! Tell me!"
"You can ask her yourself. She's your girlfriend after all. That IF... she wanted to talk with you! Hahahaha!"
Muling minura ni Exseven si Jax pero tinawanan lang siya nito. Nanginginig na si Ex sa sobrang galit niya at gusto niyang magwala. Alam niya kasing 'di sasabihin ni Jax ang nangyari. Nilalayuan din siya ng dalaga na siyang ikinatakot niya.
"By the way, you'll be happy about this little gift I'm gonna give you. Thank me later!"
Pagkatapos no'n pinatay na ni Jax ang tawag kaya hinampas ni Exseven ang phone niya at buti tumama lang ito sa kama. Ilang sandali may na-receive siyang email mula kay Jax at naglalaman ito ng link. Mabilis niya itong tiningnan...
.
... At parang gumuho ang mundo niya sa nakita. He's also lost in words.
It was a ten seconds video but it broke him real inside...
He saw Lavandeir and Jax were kissing each other, and the fact that Lavandeir isn't stopping him. Jax closed her eyes using his hand and continuously kissing her.
Nabitawan niya ang phone dahil sa video na iyon. He can't believe that Jax was telling the truth back when they're fighting yesterday.
Napayuko siya at ginulo ang kanyang buhok out of frustration.
...
Sa kabilang banda naman nina Natasha, mas lalo silang nag-aalala nang makarinig sila na kakaibang ingay sa kwarto ni Ex. Parang may mga nahulog o nabasag na mga gamit.
"Ethird!" utos ni Violy.
Nakuha naman agad iyon ni Ethird tsaka binuksan ang laptop niya. Tumingin silang lahat sa laptop at nakita roon sa CCTV ang magkabilang room ng dalawa.
Nakaupo si Lavandeir sa sulok habang nakayuko ang ulo nito at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Si Exseven naman ay nagkalat ang mga gamit na nasa sariling mini table nito sa sahig. Nakaupo rin ang binata sa kama habang nakatukod ang dalawang siko nito sa may tuhod. Nakayuko rin ito 'tulad ni Lavandeir.
"Kahapon ko pa napansin na may kakaiba kay Vanvan," komento ni Veign.
"Akala ko ako lang. Ano kayang nangyari sa kanila?"
"I already knew they're just acting as if nothing happened when they passed by here earlier," komento rin ni Violy.
"This is the first time I saw him losing control. He's always composed."
"May nangyari siguro sa mission nila."
"What happened?" tanong ni Hero na kakarating lang.
Sinabi naman nila ang nangyari kaya tinawagan niya ang master nila. Lahat napatingin sa kanya. Sina Natasha naman ay napaayos ng tayo.
"Master, you must have something to see." Tumingin si Hero ni Ethird tsaka tinanguan ito. Tumango pabalik si Ethird at may ginawa sa laptop niya. Pagkatapos ay nag-thumbs up ito. "We sent the link," tukoy niya sa CCTV footage ng dalawa.
Nakatutok lang silang lahat kay Hero at hinintay kung anong ia-announce nito. Nakita nilang tumango ito tsaka pinatay na ang tawag.
"Let's postpone the meeting. Give them time for now but inform them we'll be having a meeting tonight. We must hurry. We only have seven days left."
Umalis na si Hero kasama si Violy. Nagkatinginan naman silang lahat dahil sa announcement.
"Anong meron?" tanong ni Kevin.
"If it's like this, we may be having a big fight," sagot ni Kernel.
...
Pagkatapos ng ilang oras, nilapitan ni Veign ang kwarto ni Lavandeir. Kumatok siya rito ng ilang beses pero hindi pa rin siya pinagbuksan. Mas lalo tuloy nag-aalala ang binata sa kanya.
"I know you're listening so listen to me real quick," sabi niya habang nakasandal sa pinto.
Napatingin siya kay Natasha na nasa kabilang kwarto, sa kwarto ni Ex at ginaya siya. Tinanguan naman siya ng dalaga tsaka umiwas na ito ng tingin sa kanya para kausapin ang pinsan nito.
Bumuntong-hininga si Veign.
"They said maybe we're going to face a big fight with Yumi so we need you two to attend this important meeting tonight. It is urgent Van. They said we only have seven days to prepare so please join us... We're all expecting you."
Alam ni Veign na narinig iyon ng dalaga. Hindi man ito umimik pero atleast pinaalam niya. He just don't want to disturb the two that's why they do it this way.
"You know you can always lean on me. If you have something you can't discuss to Ex, you can discuss it to me," paalala niya sa dalaga dahil nag-aalala na siya ng husto. Wala pa kasi itong kain at lagpas na tanghali. Nakikita rin kasi nila sa CCTV na hindi man lang ito gumalaw sa pwesto at nakayuko pa rin habang nakaupo sa sahig.
Umalis na si Veign at nilapitan si Natasha na papaalis na rin. "I really hope they're okay," sabi ni Natasha at napahilot sa ulo nito.
"You can rest. Tatawagin ka na lang namin 'pag mag-start na."
Alam kasi nila kung anong problema ni Natasha. Maliban sa hindi niya pinapansin si Xian, kahapon pa kasi nangyari ang tungkol kay Reid.
Walang magawa si Natasha at tumango na lang dahil sumasakit pa rin kasi ang ulo niya.
'Why's this happening?' sa isip ng dalaga.
...
Gabi na at nasa sala na silang lahat kung saan sila magme-meeting. Hinihintay na lang nila ang dalawa na sumali sa kanila.
Bigla namang may pumasok na lalaki sa sala na naka-all white na damit at naka-white na fedora hat.
Nagkatinginan naman ang tatlong Black Chili na nanlalaki ang mata dahil sa puti ng suot nito.
"How's my son?" tanong nito agad nang hindi man lang sila binati.
"Hindi pa po bumaba master," napakagalang na sagot ni Kernel kaya 'di na pinansin nina Marj total sanay na sila habang sina Kevin naman sobrang nagulat. Alam kasi nilang umaandar na naman ang pagkaabnoy nito.
"Let's wait!"
Umupo na ito sa kabilang dulo ng glass table. Mahaba kasi ang rectangle na mesa tas may dalawang sofa sa magkabilang mahabang side at tig-iisang upuan sa kabila.
"A-are you Ace of Spade?" lakas-loob na tanong ni Kevin. Wala kasi itong suot na white mask na may black spade kaya 'di sila sure kung si Ace ba ito.
Tumango naman ito sa kanila kaya lalong napanganga sa gulat sina Natasha.
"We are the top secret group of Dakumasuta called Aeon, specialized with top secret agents which each with unique skills. I am Esh also known as Ace of Spade, the right hand of Gold Eye Emperor and the leader of this group. I welcome you all properly," seryoso at maotoridad nitong pakilala sa kanila.
"And he's also the father of Exseven, your leader."
Mas lalong napanganga ang tatlong Black Chili lalo na si Natasha. Akala niya matagal ng patay ang ama ng pinsan niya at mula pa n'ong bata sila, hindi niya alam na may ama pa ito.
"Impossible!" wala sa sariling banggit ni Natasha.
"You can ask Takishima about it if you won't believe me. They'll be here later."
"Takishima? Si Master?" 'di makapaniwalang tanong ni Kevin.
Sinabi sa kanilang tatlo ang lahat ng tungkol sa Aeon at sa mga nangyari. Nalaman din nilang sila ang tumulong ni Lavandeir n'ong time na binully ito ng Elites at nasa kanila rin si Lavandeir n'ong nawala ito ng ilang weeks. Pinaalam din sa kanilang ang Aeon ang tumutulong sa kanila n'ong time na dehado sila ng Elites at matagal nang nagmamasid ang mga Aeon sa galaw nila.
Pinaliwanag din ni Xian sa kanilang tatlo na sumasama siya paminsan-minsan sa mga missions ng Aeon para mas lalong mahasa ang skills niya. Sinabihan din sila tungkol sa tunay na pagkatao nina Xian at Lavandeir. Hindi na nagulat si Natasha rito kasi sinabihan na siya ni Xian kahapon kaya wala siyang nagawa kundi yumuko na lang.
Nang isa-isang sinabi nina Marj ang mga missions na nagawa nila, either individual or team ay muli na namang namangha ang tatlo. Hindi nila alam na may mas grabe pa palang mahirap na mission.
Sabay naman silang napalingon nang bumukas ang pinto ni Lavandeir kaya nabuhayan sila ng loob nang lumabas na ito at bagong ligo pa. Ilang segundo lang bumukas din ang pinto ni Exseven kaya nalipat ang tingin nila rito.
Parehong natigilan ang dalawa nang magkatinginan sila sa isa't-isa. Agad namang umiwas ng tingin si Lavandeir kasi kinakabahan pa rin siya sa tuwing magkasalubong ang tingin nila.
Pumunta na ang dalaga sa sala at umupo sa isang sofa. Wala namang emosyong tumitig ang binata kay Lavandeir. Akala ng lahat na uupo na rin si Exseven nang dumiretso agad ito sa kusina.
Ang tahimik ng paligid tas biglang naging awkward dahil sa dalawa. Walang alam ang mga kasama nila kung ano talaga ang nangyari at kung bakit nagkakaganyan ang dalawa.
Nagkatinginan silang lahat dahil sa 'di nila alam kung anong gagawin. Kung sisimulan ba nila ang meeting o tatawagin muna nila si Exseven or hihintayin pa ito. Wala kasing imik sina Hero, Violy pati na si Ace.
"Are you okay Vanvan?" nag-aalalang tanong ni Natasha kaya tumango lang si Lavandeir.
"Lava 'di mo ba ako na-miss? Gusto mo club ulit tayo?" lokong suggestion ni Kernel.
'Di tuloy alam nina Kevin kung maniniwala ba silang leader ito ng Red Chili. Si Natasha naman napasulyap ng tingin kay Xian saglit kasi naalala niyang ganito si Xian noon pero ngayon, composed na composed na ito.
Nang lumabas si Ex sa kusina, may dala-dala na itong C2 na red at Vcut. May isang plato pang may lamang dalawang slice bread with mayonnaise ang bitbit ng isang kamay nito. Nilagay niya ito sa mesa sa mismong harapan ni Lavandeir kaya napatingin ang dalaga sa kanya.
"Eat the bread first then your favorite snacks," casual na sabi nito tsaka kalma lang na umupo sa kabilang sofa sa harapan ni Lavandeir.
Napatikom naman ng bibig sina Kevin at napakagat ng labi si Natasha dahil 'di nila inasahan ang galaw ng leader nila. Napasandal naman sina Marj at Ethird sa upuan habang si Kernel naman napatakip ng bibig at pinipigilang ngumiti.
'Why do they always act like they're shooting something? So corny oh god!' sa isip ni Kernel habang ngumingisi nang palihim.
They all heard the Ace of Spade cleared his throat that's why napaayos sila ng upo.
"Let's start," simula ni Hero.
Pinatay nila ang ilaw at in-on ang projector. Maraming in-explain si Hero doon tungkol sa anong dapat nilang gawin sa mangyayaring away nila laban sa Yumi.
"We got all the evidences about ECU's embezzlement, slush funds and illegal transfer. Importing and exporting illegal weapons and drugs and their other crimes. We already submitted it to the law and the ECU is all over the news right now. They're also trending in social media so the University is currently closed."
Lavandeir and Black Chili members didn't thought that the school is doing illegal acts that's why they can't believe it.
"We've investigated this matter for almost two years including the matter of Yumi Mafias. Finally it comes to almost an end. Almost all the higher ups were caught that's why Liander, Violy, Hero, and I are still blocking their attacks and counterattacks because they're all fired up of what happened," sabi ni Esh.
"Liander is the father of Lava and Xian," mahinang sabi ni Kernel sa tatlo kaya muli na naman silang nagulat sa mga nalaman. Marami pa sana silang tanong pero nagsasalita pa si Esh.
"But ECU's mysterious chairman or chairwoman still hasn't been caught. Liander told us that it might be his sister which is also the founder of Elites. He didn't have an idea since he left the organization. His sister is a witty one and secretive. She cut off Liander in all his connections and access of Yumi's information and properties. That's why he's still investigating it."
Napagtanto rin nina Natasha na 'di pa nga nila nakita ang chairman or chairwoman ng school.
"N'ong ginagawa ko ang mission namin, na-confirm ko ngang kapatid siya ni papa na tinatawag nilang Ms. Jackson. Base rin sa mga napansin ko, parang kilala ko siya. 'Di ko lang matukoy kung sino kasi sobrang alerto niya. Nakapiring kasi ako kaya 'di ko nakita ang mukha niya pero..." lahat naka-focus sa sinabi ni Lavandeir. Gumaan naman ang loob nilang nagsalita na ito. "... Naamoy ko ang pabango niya."
"Reid was about to tell me who she is but then he got killed which probably Ms. Jackson's order," sabat ni Natasha.
"Sabi rin ni Ja..." biglang 'di natuloy ang sinabi ni Lavandeir na ikinataka nilang lahat. They now know that something must have happened with Jax. "Sabi ni Jax na noon 'di nila kilala kung sino talaga ang main source nila. Bago pa lang nila nalaman na si Ms. Jackson pala ang tumutulong sa kanila.
Then... I failed the mission..." malungkot na saad ni Lavandeir. "... Nakuha ni Jax ang spray."
Mas lalong nakonsensya si Lavandeir sa nangyari kaya 'di niya maiangat ang kanyang ulo. Isa pa, ayaw niyang makasalubong ang titig ni Ex sa kanya.
"Sobrang mautak ni Ms. Jackson. 'Di namin alam na inaasahan na pala niyang may pinaplano kami kaya binigyan niya rin ng sariling misyon si Jax, 'yon ay ang alamin ang secret weapon ng Dakumasuta," pagpatuloy ni Lavandeir.
Pinaliwanag naman ni Marj kina Natasha, Kevin at Veign tungkol sa spray na secret weapon.
"We predicted your plan with Exseven that's why we were backing you up in case something might happen. Then I found out their next move that's why I planted Hero to help you. We're also expecting that someday they will find out about the spray so we made another one that's different with the old." Pinakita ni Esh ang unfinished sample ng bagong weapon nila na nakalagay sa isang bottle.
"I will notify the head after it is finish," sabi ni Violy. "I'm part of the project 'cause I'm also a scientist."
"Liander and I were slowly eliminating the Yumi's higher ranks and they're fewer as it may seem. Because of Yumi's loss, we received their invitation through email. That is about the fight that we're going to prepare seven days from now. We're having a fight in the ECU."
"The venue is okay since it's so wide and big."
"I want you to listen to my to direction and order 'cause I will assign you a position and who's gonna be your target and enemy."
In-explain sa kanila lahat ang mga dapat gawin. Ang Black Chili kasama si Lavandeir ang haharap sa Elites. Si Ethird ang tracker at hacker nila at magkasama sila ni Esh dahil si Esh ang taga-bigay ng order.
Si Marj naman ay kasama sa Maroon Chili at sila ang kakalaban sa 3rd rank group ng Yumi kagaya noong sa arena fight. Gan'on din si Kernel, dahil siya ang leader ng Red Chili, siya rin ang magle-lead dito. While Violy and Hero is on standby because they will back up anyone who needs help.
Takishima and Liander will gonna face with the remaining higher ups.
Ipinaliwanag na rin ni Lavandeir kina Natasha kung bakit siya si L. N'ong una ay 'di pa rin sila makapaniwala pero unti-unti namang naiintindihan nila ang kaibigan. Nagulat nga si Veign nang malamang siya pala 'yong mysteryosong babae na tumulong sa kanila after n'ong fight sa arena. Si Kernel pa ang kasama ng dalaga n'on.
Hindi kasi nila in-expect. Mahirap i-picture out kasi ang kilala nilang mahinhin at mahina na tinatawag ng karamihan bilang loser ay magagawang tulungan ang grupo nina Natasha.
Pagkatapos ng meeting, tinawag ni Ex si Lavandeir kaya alam ng mga kasama nila na kailangang mag-usap ang dalawa kaya iniwan na nila ito.
'Di naman gumalaw si Lavandeir at nanatili lang na nakaupo sa sofa sa harapan ni Ex.
"Just eat that bread for me..." sabi nito na puno ng pag-alala.
Para namang may kakaibang naramdaman ang dalaga. Parang gusto niyang kausapin ang binata pero 'di pa kasi siya ready. 'Di niya alam kung anong magiging reaction ni Exseven 'pag malaman nito ang ginawa ni Jax sa kanya.
Kinuha ng dalaga ang plato na may slice bread tsaka tumayo at tumalikod kay Ex. "Sa kwarto ko na lang ito kakainin. S-salamat."
Umalis ang dalaga dala-dala ang plato. Kinuha naman ni Exseven ang Vcut at C2 tsaka sinundan ang dalaga.
Nagulat si Lavandeir nang pumasok din si Ex sa loob ng kwarto niya na hawak-hawak ang snacks.
"I wanna watch you eat that," turo pa nito sa hawak niyang plato.
...
Itutuloy...
"Ngayong gabi or bukas ang next update. Salamat sa pagbabasa." -Author