Chapter 70 - What Really Happened
Lavandeir's POV
Apat na oras na matapos na tinulungan ako ni ate Violy na gamutin si Ex at tanggalin ang bala nito sa binti. Wala silang personal doctor kasi mismo si ate ay graduate ng medical at may license na din siya.
Simula pa kanina, 'di ako umalis sa gilid ni Ex. 'Di pa nga ako naligo at nagbihis. 'Di rin ako sumali sa kanila sa hapunan. Marami ang gumugulo sa isipan ko, isa na doon ang sinabi ni Jax sa 'kin. Ayaw ko sanang paniwalaan iyon pero may proweba siya. Kaya 'di ko alam kung kaya ko bang kausapin si Ex paggising niya.
Nasasaktan kasi ako 'pag naalala iyon.
Pangalawa, ang tungkol kay Ms. Jackson. Eh hindi ko man lang nakita ang mukha niya kaya 'di talaga 100 percent na mission accomplished. Tinry ni Ethird na hanapin ang identity ni Ms. Jackson sa Yumi Empire pero 'di niya ito mahanap. Secured na secured daw, kahit larawan man lang nito. 'Di ko rin ma-contact si papa ngayon. Siya lang ang nakakilala sa mukha ni Ms. Jackson.
Ilang oras pa bago naisipan kong maligo at magbihis na pero dito lang sa room ni Ex. Ayoko pa kasing lumabas baka makasalubong ko sina Natsy. Alam kong marami silang tanong sa 'kin at 'di pa ako ready na magpaliwanag sa kanila sa oras na 'to.
Pagkatapos ay kumuha ako ng bimpo at tubig para ipahid sa katawan ni Ex. Una kong pinunasan ang mukha niya na ngayon ay natitigan kong mabuti.
Ngayon ko lang pala siya natitigan nang gan'to kalapit. Napakatangos ng ilong niya at mahaba ang pilikmata. Maganda rin ang maninipis niyang labi. Kahit pa pumikit ako, kabisadong-kabisado ko ang mukha niya.
Napatigil ako nang muli kong naalala ang nangyari kanina. Sumisikip ang aking dibdib kapag bumabalik iyon sa isip ko. Dahil na rin sa talas ng memorya ko, 'di ko ito magawang alisin sa 'king isipan.
Namalayan ko na lang na napaiyak na pala ako nang pumatak ang luha ko sa mukha niya. Agad kong pinunasan ang mukha niya tsaka umayos ng upo sa kama sa gilid niya. Pinunasan ko rin ang luha sa mata ko at huminga nang malalim para alisin ang bigat sa 'king dibdib.
Sinimulan kong punasan ang braso niya nang dahan-dahan pero naalala ko na naman ang nangyari kanina.
.
*Flashbacks.*
.
'Exseven stole her away from me! Because of him, she died!'
'The truth is I didn't ask someone to rape Cath. How could I do that to the one I love the most?'
Bigla akong nagising sa isang puting room at habol-habol ko ang aking hininga.
Napanaginipan ko ang sinabi ni Jax kanina bago ako mawalan ng malay. Babangon sana ako nang naramdaman kong nakatali pala ang dalawang kamay ko sa headrest ng higaan, pati na rin ang dalawang paa ko. Tinry kong magpumiglas at alisin ang kamay ko sa tali tulad ng ginawa ko sa training kaso 'di ako makaalis. Doble ang pagtali nito sa 'kin.
Biglang bumukas ang pinto rito at pumasok si Jax. May bandage rin ang isang braso niya na nahiwa ko gamit ang katana kanina pero nagagalaw pa rin niya ito na parang wala siyang natamong sugat.
"Anong ginawa mo sa 'kin?" agad kong tanong sa kanya habang sinamaan siya ng tingin. 'Di na ako magmakaawang pakawalan niya ako kasi useless lang iyon.
Umupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan ko at tsaka tiningnan ako nang walang emosyon. "I have something to tell you. Things you wanted to know about Cath."
"No! Hindi ako interesado sa kanya!"
Gusto kong si Ex mismo ang magsabi sa 'kin ng lahat. Ayokong marinig sa iba iyon. Inaamin ko na mas lalo akong naging curious sa kanya dahil sa pinakitang emosyon at expression ni Jax kanina... pero gusto kong kay Ex ko mismo malalaman ang lahat.
"You need to listen so that you know what Exseven truly feel about you."
Kinunotan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya. Hindi pa nga ako nagsalita nang nagsimula na siyang magkwento.
"No one knows about this but me. I didn't tell this to anyone but you only. Even Reid didn't know what I truly feel. This time I want someone to know my real feelings and I choose you. I choose you because aside that you're important to Exseven, you're similar to Cath and we're both being betrayed!"
Hindi na ako umimik pero nanatili ko pa rin siyang sinamaan ng tingin. Hindi ko magawang pigilan siya kasi mas lalo na akong na-curious at kahit i-try kong pigilan siya, 'di ko magawa dahil sa sitwasyon ko ngayon.
May parte rin sa 'kin na parang nararamdaman ko ang tinatago niyang sakit. A part of me think that maybe he just need someone to express what he truly feel 'cause maybe he's now suffocated about it.
"Long time ago; me, Reid, Natasha, and Exseven we're already close to each other. We bond each other every day. We're the one who ruled the school that time so everyone was afraid of us."
Unti-unting nawala ang malamig na emosyon sa kanyang mata at masasabi kong nami-miss niya ang mga araw na 'yon. 'Di ko inakalang makikita ko ang side niyang ito.
"One day, when I was walking home alone, four guys were trying to hurt me and almost killed me. Maybe they did it for revenge as I was bullying all of them in school. I wasn't part of mafia that time so I don't know how to properly fight. I thought I was going to die but then..."
Huminga siya nang malalim at nakikita kong masaya siya habang inaalala ang mga nangyari.
"... A girl helped me. She's tiny and skinny like you but she's a skilled fighter. That's how I met Cath. I didn't tell my friends about her and we secretly met often if there's time so we became closer.
One day, she asked me to join her group that's why I asked Reid to join with me since the cousins were so busy. Since the Yumi was so strict, I and Reid joined them secretly. After joining, we wanted to tell it to Exseven and Natasha but Yumi forbid us and Cath also told me that the two were hiding something from us. Since then, it's like were acting close yet strangers. Reid doesn't know about Cath. He can't meet her because Cath belongs to higher ranks. That's our protocol. Only I and Cath knew our relationship.
Yes, she became my girlfriend. Then one day she received a mission, which is to spy in our school and find someone important that's from Dakumasuta. Later on, I and Reid were very disappointed that our two close friends were our biggest enemy. And maybe they knew all along that we're their enemies.
Cath was so important to me. She's more important than my family. She knew what I've been through from my family and how my stepfather tried to kill me. I fall for her harder and seems like I can't continue my life if she wasn't there. She knew I was hurt because of my friend's betrayal. She understood me the most. I was the happiest when she gave her life to me and trusted me as his boyfriend. I thought that was it but..."
Biglang kumunot ang noo niya tsaka napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao niya. Parang muli siyang kinain ng galit. Umiwas siya ng tingin sa 'kin nang tumutubig ang kanyang mata. Kahit 'di pa niya pinatuloy ang kwento, parang nararamdaman ko ang sakit at galit na kanyang nararamdaman.
Tumalikod siya saglit sa 'kin at inis na pinahid ang luha niya gamit ang kamay niya. Ilang segundo ay muli siyang nagpatuloy.
"Her mission was to be a transferee in our school and act like a nerd or an outcast. She's really like you when she acted as weak but the difference was you were truly a loser, unlike her who was just acting. You have the same expression. She asked me to bully her so that her acting was perfect, so she could also get the cousin's attention... and Exseven will fall for her."
Tumingin siya diretso sa mata ko. At ngayon, nakikita ko ang nasasaktan at malungkot niyang expression. Dahil do'n, na-realize kong hindi pa siya naka-move on.
"I was okay at first and I understand her because that's her mission. Her mission is to be closed with Exseven which is the leader of number 1 rank group of our enemy. I can't do the mission because Exseven knew I was part of Yumi. Cath's purpose was to get all information about Dakumasuta. She's an undercover spy. Whenever she had missions, she'll do everything just to accomplish it. And I always witnessed her risking her life by doing difficult tasks. I witnessed her accomplishments.
I can't help it! Seeing my girlfriend having a good time with my bestfriend... and my bestfriend falling hard for her. What do you think I felt that time Lavandeir?"
Hindi ako makasagot sa kanya. Alam ko ang sagot pero wala akong masabi. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o gawa-gawa lang niya ito para kunin ang sympathy ko, pero base sa pinapakita niya, totoong-totoo sa 'kin.
Muli siyang nagpatuloy nang hindi ako umimik.
"I and Cath were almost arguing since that day she and Exseven got together. She always told me it was part of her plan to accomplish her mission. She said she almost got it. But..."
'Di na niya napigilan ang luha na matagal na niyang kinikimkim. Tumayo siya at tumalikod sa 'kin. Napahawak siya sa kanyang ulo at tumingala para pigilan ang kanyang luha. Mas lalo tuloy akong nasasaktan para sa kanya.
Humarap siya sa 'kin at galit akong tiningnan.
"If you were me, how would you feel seeing them hugging, embracing and kissing each other in front you? Seeing your boyfriend kissing other girls? It's hard for me 'cause he was my best friend! They were both happy in front of many other!" sabi niya nang lumalakas ang boses niya. Bawat salita pa niya ay may diin.
"I once stalked them and it looked like Cath's feelings were real! I told her I can't tolerate it anymore! I told her that it's hurting me inside!"
Huminga siya nang malalim para i-composed ang sarili pero halatang gigil na gigil pa rin siya.
"That night, she apologized and we slept together! We did it again! The next day she confessed to me that she really love Exseven! That she's falling for him! She then left me all alone! I tried to break them apart by warning Exseven about Cath but he didn't listen! I couldn't tell him that she's a spy because Cath will be killed if Exseven will find out! Cath abandoned her mission because of Exseven and Yumi found out about it that's why they made a move! Yumi made it looked like I asked someone to rape Cath. So everyone thought Cath committed suicide because she was rape but it's just a façade to cover up the murder!"
Napanganga ako sa huling sinabi niya at nanlaki ang aking mata habang nakatingin sa kanya. Umiiyak siya na punong-puno ng galit ang kanyang mata. Masasabi ko talagang nagsasabi siya ng totoo.
"Yumi killed her because she betrayed the mafia. It was Ms. Jackson's order! That time I didn't know her! I was just told that I was blamed because I let those things to happen. I was punished since Ms. Jackson knew my relationship with Cath. I lost everything! It felt like my whole world were crushed!
They sent me abroad and let me study alone without Reid knowing the truth. He thought I was just sent there for a mission but it was for my punishment!"
Tumingala siya at huminga nang malalim. Hinilot niya ang ulo niya tsaka muli akong tiningnan.
"I am doing this because I want revenge Lavandeir! I don't want you two to be happy! Whenever I saw you being with Exseven, I always remember Cath with him and it always keeps tormenting me!"
Kinuha niya ang cellphone niya tska may ginawa siya doon. Pinahid niya ang luha sa mata niya tsaka parang patayin niya ako sa galit sa mga titig niya!
"If you won't believe me then look at this!"
Hinarap niya ang cellphone at may picture sila ni Cath doon. Marami siyang pinakita na masasayang larawan nilang dalawa. Mukha pa rin strikto si Jax noon pero masaya siya kumpara ngayon. At tinitigan kong mabuti si Cath.
'So ito pala ang itsura niya.'
'Di ko masasabing magkapareho kami ng mukha kasi 'di ko naman alam kung pareho ba kami ng pagngiti o ano. Pero maganda siya. Makinis ang kutis at mukhang mahinhin.
"How happy I was back then."
Nilayo niyang muli ang phone tsaka may ginawa ulit siya doon. Muli niyang pinakita sa 'kin ang phone niya at nanlaki ang mata ko nang makita ang larawan ni Ex at Cath na masayang-masaya.
Nakaakbay si Ex sa kanya habang si Cath ay nakahawak sa bewang ni Ex. Stolen pa ang pagkakuha nito. Alam kong 'di dapat ako masaktan kasi matagal na iyan at wala pa ako sa buhay ni Ex n'ong time na 'yan pero masasabi ko kasing mahal na mahal niya si Cath... lalo na sa isa pang larawan na nakatitig si Ex sa kanya.
Umakto naman ako sa harap ni Jax na 'di big deal sa 'kin ang larawan.
"That was after the time Cath confessed to me that she love him! I was fully betrayed!"
"Bakit mo ako dinamay dito? Sariling paghihigante lang naman ito Jax! Alam mo namang walang alam si Ex tungkol sa inyo ni Cath kaya wala siyang kasalanan dito!"
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko nang mahigpit at ramdam ko ang tinding galit niya.
"What? Are you even defending him?"
Para siyang isang bipolar na bigla ulit nagalit ng sobra.
"Itigil mo na ito Jax!"
"I can't stop what I already started! I can't live a happy life if I can't get rid of this feeling! Just like what you felt to Kim, we're just the same Lavandeir!"
"Pero mas marami pang mapahamak dahil dito. Pwede mo rin itong ikamatay!"
"I don't f*cking care even if I die! How could I live when it keeps on killing me inside! It's either you will kill me or I will kill one of you! Or maybe both of you so I can die in peace! I already lost everything so I got nothing to lose!"
"No! Paano na ang pamilya mo? Nandiyan pa sila para..."
"I don't fucking remember a happy memory with my father! He was just eaten by his greed that we even agreed to abandon each other! He just left me alone that's why I was suffering from my stepfather. He just left me this fucking school!"
"Pwede ni'yo pa 'tong pag-usapan ni Ex! Ipaliwanag mo sa kanya ang lahat ng ito. Alam kong iniisip ka pa ni Ex bilang kaibigan!"
Natigilan siya sandali. Tumayo siya nang maayos at natawa nang mapakla. "How poor are you! I already told him the truth when we're having a school trip and I was now wondering why he didn't tell you about this."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Muli niyang tiningnan ang phone niya at may ginawa d'on. Ilang sandali lang ay may pinarinig siya sa 'king recording kung saan narinig ko ang boses ni Ex.
"This was what we're talking about in the 3rd floor's balcony. Yes, it happened when we were having a school trip."
Nilapit niya sa tenga ko ang phone niya kaya rinig na rinig ko ang usapan nilang dalawa.
"To tell you honestly, I still can't move on to what you did to Cath! I still can't forgive you! You killed my girlfriend bastard!" rinig kong sabi ni Ex mula sa recording kaya nagulat ako.
"You still can't move on, do you? Hahahaha! Poor Lavandeir! Knowing she fall in love with a guy that's still in love with his ex-girlfriend!"
"Yes! I still can't move on! I love Lavandeir 'cause I still see Cath through her! So f*cking tell me everything you knew about Cath! You f*cking bastard!"
Napanganga na ako sa gulat dahil sa narinig ko. Galit na galit ang boses ni Ex na parang any moment ay mapapatay niya si Jax.
Nasaktan ako ng sobra at 'di ko mapigilan ang luha na tumulo mula sa mata ko. Ako lang ba ang totoong nahulog sa kanya ng husto? 'Di ba totoo ang pinakita niya sa 'kin?
Maraming katanungan ang pumasok sa isipan ko.
"That's not love you felt to Lavandeir my dear friend! Admit it! You just think you love her 'cause she reminds you of Cath."
"Shut up! Stop talking about Lavandeir! We're talking about Cath here!"
"Hahaha! Fine! We're here because I will tell you about her. I'm telling you this so that you will also suffer! Cath belongs to Yumi mafia and she was a higher rank. She's the youngest one that belongs to the higher ranks. She's my girlfriend before you meeting her! She was a spy and her mission was to seduce you, to know more information about Dakumasuta!
I already warned you that one of you will be in danger if you will fall for her! You're the reason why she died Exseven not me! Because of you she was killed by Yumi 'cause she betrayed the mafia!"
Nakarinig ako na parang nagsuntokan mula sa recording tsaka muling mapaklang tumawa si Jax.
"That's the truth Exseven whether you believe it or not!"
"I won't believe you motherf*cker! That's not the truth!"
"I know that loser is your weakness but if I can't use her against you, then I'll destroy her first... And I already know what and who is her weakness. That way, I can kill two birds in one stone!"
Natigil na ang recording pero 'di pa rin tumigil ang luha ko. Ayoko sanang maniwala kaso boses na mismo ni Ex iyon. Isa pa, palaging iniiwasan ni Ex ang tungkol kay Cath. Alam ko namang nasasaktan pa siya kay Cath at big deal pa sa kanya kaya 'di niya makwento sa 'kin pero itong narinig ko na mula sa boses niya na minahal lang niya ako kasi nakikita niya si Cath sa 'kin, 'di ko maiwasang 'di masaktan.
"Now you know what I felt! We we're betrayed. You're being used by him!" paulit-ulit niyang paalala sa 'kin.
"Tumigil ka na! A-ayoko nang makinig sa 'yo!"
Pilit kong tinatanggal ang tali sa mga kamay ko pero 'di ko magawa. Isa pa nanghihina ako dahil sa mga nalaman ko.
"I don't want you to be happy that's why I'm doing this!"
'Di ako humagulhol sa haparan niya pero patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. 'Di ko alam na masasaktan ako ng ganito! Parang pareho nga n'ong time na nalaman ko ang tungkol kay Kim. Parang naulit ang sakit na 'yon sa 'kin.
Oo, hindi pa kami umabot ng isang buwan na naging kami ni Ex pero matagal ko na siyang mahal kaya nasasaktan ako ng ganito. Matagal na rin siyang nag-confess sa 'kin na mahal niya ako. Parang ngayon nagdududa na ako sa mga sinabi at ginawa niya sa 'kin.
Napatitig ako kay Jax na nakatitig din sa 'kin. Alam kong naaawa siya dahil sa klase ng pagtitig niya pero 'di ko alam kung naaawa siya sa 'kin o sa sarili niya.
Tumalikod siya at mukhang hinilot niya ang ulo niya.
Naalala ko lahat ng kwenento niya sa 'kin. Naiintidihan ko na siya ngayon kung bakit gan'to siya. Naaawa rin ako sa kanya imbes na kamuhian siya. Sa totoo lang 'di ko na alam kung ano talaga ang dapat isipin.
Ilang segundo muli siyang humarap sa 'kin. Mabilis siyang pumatong sa ibabaw ko kaya nagulat ako sa ginawa niya. Nagpupumiglas ako nang husto nang i-try niya akong halikan na lalong ikinataka ko.
"A-anong ginagawa mo! Jax! Ano ba!"
Pilit kong iniwas ang mukha ko sa kanya at pilit na tanggalin ang tali sa kamay ko sa may headrest. Kinakabahan ako ng husto!
Bigla niyang tinaas ang kamay niyang may hawak na phone at nakita kong kinukunan niya kami ng video. Natataranta ako sa balak niyang gawin! Hindi pwede!
"Jax! 'Wag please! No!"
I am really weak! I hate myself so much for letting this to happen! Ginawa ko naman ang lahat pero parang bumalik ako sa pagiging loser!
Alam ko kung ba't niya to ginagawa. Kukunan niya kami ng video at sure akong ipapakita niya ito kay Ex! Alam kong masasaktan siya 'pag nakita niya ito. Ayokong mangyari 'yon! Nasasaktan man ako dahil sa recording pero ayokong masaktan na naman siya.
Mahigpit niyang hinawakan ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay. Gusto ko sanang sipain siya kaso nakatali rin ang mga paa ko! Mabilis niya akong hinalikan nang mariin kaya napaluha ako sa nangyari!
'No!'
Patuloy akong umiiyak at nagmamakaawa pero 'di pa rin siya tumigil.
"Ex!"
Alam ko namang 'di siya dadating kasi pinagkatiwalaan niya ako sa mission na ito. Alam kong busy rin siya sa ginagawa niya. Hindi ko in-expect na ito ang gagawin ni Jax sa 'kin.
"I'm the one who's in front of you, not him! Why the hell you're mentioning that asshole!"
Mas lalong nagalit si Jax. Binaba niya ang cellphone niya para hawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Mas naging agresibo siya sa paghalik sa 'kin.
'Di ko na nakayanan pa kaya napahagulhol ako. Hininto niya ang ginagawa niya at nilayo ang mukha niya.
'Ex! Patawad!'
Mula sa galit na expression, unti-unting nagulat si Jax habang nakatitig sa 'kin. "I'm sorry! I thought you were her for a second," tinutukoy niya si Cath.
Umalis naman siya sa ibabaw ko at inayos ang sarili niya habang ako napahagulhol ng husto. Naglabas siya ng panyo at pinahid sa mukha at sa mata ko tsaka muling humingi ng tawad.
Mas lalo akong nalilito sa mga pinapakita niya. Paiba-iba ang kilos niya. Pero mas mabuti iyon kasi tumigil na siya.
Muli niyang tiningnan ang cellphone niya at may ginawa siya 'don. "I deleted the video," sabi niya sa 'kin.
Nawalan ako ng lakas. Hindi ako makalaban man lang at patuloy na umiiyak. Bakit ko hinayaang mangyari ito?
Pinatong niya ang isa niyang kamay sa mga mata ko para takpan ito. "Close your eyes and think of me as Exseven so that you won't be hurt!"
Pagkatapos niyang sabihin iyon... muli niya akong hinalikan na ikinagulat kong muli. Ilang segundo iyon at agad siyang lumayo sa 'kin. May pumatak pa na liquid sa pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya. Umiiyak siya.
"I'm sorry to what I've done to you all this time. Take a rest."
Pagkatapos n'on ay lumabas na siya ng kwarto habang ako patuloy na umiiyak.
.
*End of flashback.*
.
Napatakip ako sa mukha habang patuloy na umiiyak. Nasasaktan ako dahil sa recording na 'yon pero mas nasasaktan akong hinayaan kong magawa 'yon ni Jax sa 'kin. 'Di kaya ng konsensya ko. Nagi-guilty ako sa nangyari.
Nang dahil din sa 'kin walang malay si Ex ngayon. 'Di namin inasahang may ibang motibo pa pala si Jax nang hinuli niya ako. Isa na pala d'on ay ang makuha niya ang spray.
Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha ni Ex. 'Di ko alam kung pa'no ko siya haharapin kapag gising na siya. Hinawakan ko ang matangos niyang ilong gamit ang hinuturo ko, pati na ang mga pilikmata, kilay, at labi.
Naalala ko n'ong time na nag-confess siya sa 'kin na mahal niya raw ako, n'ong time na sinasabihan niya ako ng mga salitang nagpapakaba sa 'kin, at n'ong time na hinalikan niya ako. Hindi na ako sigurado kung totoo ba ang pinapakita niyang 'yon... O sadyang ginawa lang niya iyon kasi nakikita lang niya si Cath sa 'kin.
Huminga ako nang malalim tsaka umalis na sa kwarto niya. Naramdaman kong napatingin silang lahat na nasa malaking sala pero 'di ko sila pinansin. Pumasok ako sa sariling kwarto ko at nagmukmok mag-isa.
Tinatawag ako ni Natsy pero 'di ko siya pinansin hanggang sa umalis na siya. Humiga ako sa kama at pinikit ang mata. Parang wala akong ganang gumalaw sa mga oras na 'to.
...
Nagising ako nang may kumatok ng malakas sa pinto. Hahayaan ko sana pero 'di ito tumigil kaya walang gana ko itong nilapitan at pinagbuksan.
Nagulat ako nang tumambad sa 'kin si Ex at puno ng pag-aalala ang mukha nito. 'Ba't gising na siya? Ilang oras ba akong tulog?'
"What happened? Why are you crying so much?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya. 'Di ko sinalubong ang titig niya at inalis ang kamay niya sa mukha ko tsaka muling sinara ang pinto.
'Di ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayong nakaharap ko siya. Agad akong pumunta sa CR at tiningnan ang mukha ko sa salamin. Pulang-pula ang mata ko at namumugto ang mga ito na masasabing umiiyak nga ako.
Naghilamos ako at inayos ang sarili. Huminga ako nang malalim para alisin itong kakaibang nararamdaman ko. Binuksan ko ang pinto at lumabas.
Nakasandal naman siya sa gilid ng pintuan habang naka-crossed arms. Nang makita niya ako, mabilis siyang lumapit sa 'kin at hinawakan muli ang aking mukha. Simula n'ong sinabi 'yon sa 'kin ni Jax, hindi pa kami nakapag-usap nang maayos.
"After waking up, I hurriedly run here. I wanted to see you and talk with you..." niyakap niya ako bigla. "... 'cause I know something wasn't right!"
Humiwalay siya sa yakap kaya tiningnan ko siya. Gan'on pa rin ang suot niya kahapon at mukhang naghilamos lang siya saglit. Naaamoy ko pa naman ang pabango niya at okay lang naman siya tingnan. Halatang nagmamadali nga siya.
Nabasa niya siguro ang nasa isip ko kaya agad siyang dumistansya sa 'kin. "Gonna wash first then let's talk after."
Umalis na siya kaya bumalik ako sa kwarto at naligo na rin. Paglabas ko muli sa kwarto, parang kanina lang, hinintay niya ako.
Ayokong mabasa niya kung anong iniisip ko kaya tiningnan ko siya sa mata at ngumiti na parang walang nangyari. "Anong gusto mong kainin?" casual kong tanong.
"I'm craving for noodles," sagot niya tsaka hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa kusina.
'Di ko alam kung nasaan ang ibang kasama namin. Si ate Violy lang kasi ang nasa sala at may ginagawa sa laptop niya. Tinapunan niya ako ng tingin at tinanguan lang. Sign na binabati niya ako kaya ginawa ko rin 'yon pabalik sa kanya.
Agad kong hiniwalay ang paghawak ng kamay namin nang makapasok kami sa kusina. Tinignan ko ang mga cabinet kung nasaan ang mga noodles. Buti na lang at mahilig sina Marj at Kernel ng noodles kaya marami kaming stocks dito.
"Ano gusto mong flavor?"
"Anything but spicy. What do you wanna eat?"
Naalala kong puro breakfast lang ang alam niyang lutuin kaya sinabi ko na lang na ham at itlog kaya tumango siya.
Napakunot ang noo ko nang tiningala ko ang shelves. Nasa pinakaitaas ang mga hindi spicy. Mahilig kasi sina Marj sa spicy kaya nakalagay ang mga spicy sa shelves na kaya kong abutin.
Wala akong choice kaya tumalon ako nang malakas para makapatong sa lababo. Mabilis akong kumuha ng noodles sa pinakamataas na shelves tsaka bumaba na.
"Still can't believe you're now able to do that," komento ni Ex habang patuloy na nagluluto ng ham.
Nagpatuloy kami sa 'ming ginagawa na parang wala lang nangyari pero alam naming may gusto kaming itanong sa isa't-isa. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa may tinanong siya sa 'kin.
"How's the mission?" tukoy niya sa nangyari kahapon. May kutob akong hindi maganda ang patutunguhan nitong pag-uusapan namin.
"Hindi ko masasabing successful. 'Di ko nalaman kung sino talaga ang source ng Elites. Pero alam kong kapatid siya ni Papa. Isa siyang higher ranks sa Yumi at 'di ma-trace nina Ethird ang information niya pati ang mukha niya. 'Di ko naman ma-kontak si papa ngayon."
"After waking up, my cousin told me that Reid mentioned to her about that Ms. Jackson then he was killed after that."
"Oo, 'yon ang iniisip ko na siya ang nagpapatay kay Reid. Mamaya na natin pag-usapan 'to kapag mag-meeting na tayo. Ikaw lang kasi ang hinihintay namin na magising."
"Okay. That's a good point..." Akala ko 'yon na ang last topic namin nang, "So mind to share what really happened to you?"
Napatigil ako sa pagkain at dahan-dahang tumingin sa kanya. Nanlalamig ang aking kamay dahil sa kaba. Magaling talaga siyang makiramdam.
"What Jax did to you?" may diin at gigil niyang tanong sa 'kin. Mahigpit niyang hinawakan ang tinidor niya at ramdam na ramdam ko ang galit niya kay Jax.
...
Itutuloy...
"Bukas po next chapter. Don't know what time but I will." - author.