Chapter 69 - The Ambush

Third Person's POV

'Di makapaniwala sina Natasha nang binaba ng mga naka-rider mask ang mask ng tatlo. Gulat na gulat silang sina Kendrick, Marj, at Ethird pala ang tumulong sa kanila. Pareho silang nagtataka, naguguluhan.

"A-anong nangyari?"

"Paano?"

Dahil sa dami nilang tanong sa isipan, walang ibang salita ang lumabas sa kanilang bibig. Pareho silang naguguluhan. Si Kevin naman, 'di matikom ang bibig at nanatili lang na nakakanganga sa gulat.

"Mamaya na namin ipaliwanag ang lahat! 'di pa safe rito!" sabi ni Xian sa may gitnang upuan na parang may hinahanda.

Muli na namang nagtaka ang tatlo. Kung bakit nandito si Xian at ba't kilala niya sina Kendrick.

"Anong ibig mong sabihin?" 'di mapigilang tanong ni Veign.

Hindi naman siya sinagot nito at nilingon lang ang kanyang kapatid. "Kapatid! Okay ka lang?"

Tumango lang si Lavandeir sa kanya at 'di na umimik pa. Inayos niya sa paghiga si Exseven sa tabi niya at ang ulo nitong nasa lap niya. Tinakpan niya rin ang binti nitong natamaan ng bala.

"Focus! Still dangerous here!"

Natahimik silang lahat nang magsalita ang lalaking focus pa rin sa pagd-drive na ngayon lang nakita nina Natasha. Naramdaman nila ang malamig na aura nito. Hindi man kasing lamig tulad kay Exseven, pero ma-autoridad pa rin ang boses nito. Na parang isang utos lang niya, susunod na sila.

Inabutan sila ng first aid kit ni Marj at sila na ang gumamot sa kanilang mga sugat. For the meantime muna kasi walang ibang makakatulong nila sa paggamot. Wala na ni isang nagsalita sa kanila kasi puro may ginagawa ang mga ito.

Habang ginagamot nila ang sarili, 'di nila mapigilang 'di pagmasdan ang mga pinaggagawa ng mga taong tumulong sa kanila. Marami silang tanong kung anong nangyayari, kung bakit sila tinulungan ng mga ito. Bakit nandito si Xian? Kasama na ba 'to sa plano ng kaibigan nila? Ba't wala silang alam na ito ang gagawin nina Exseven at Lavandeir?

Gulong-gulo sila, lalong-lalo na sina Veign at Natasha. Nang pumasok sila sa ECU kanina, 'di nila inasahang ganito ang mangyayari. Akala nila ay sadyang 'di lang titigil ang Elites kay Lavandeir dahil pinagsususpetyahan ng mga ito ang kaibigan bilang L.

Naa-out of place rin sila kasi may kanya-kanyang ginagawa ang mga kasama nila at wala man lang ni isa ang nagsalita. Sobrang seryoso pa ng mga ito at mukhang sasabak pa sa pangalawang gyera.

Busy naman si Ethird sa pag-atupag sa dalawang laptop, nakapatong sa lap niya at 'yong isa nasa gilid niya sa upuan. Mabilis pa ang mga kamay nitong tumitipa sa mga keyboards nito. Palipat-lipat siya sa dalawang laptop.

'Di naman maiwasan ni Kevin kundi tingnan ang ginagawa nito. Namangha pa siya sa galing at bilis nito at parang sanay na sanay na sa ginagawa niya. Marunong siyang mag-hack at mag-trace pero kahit gan'on, 'di pa rin niya maintindihan ang ginagawa ni Ethird. Parang ibang level na.

"Napasok mo agad ang system ng ECU?" 'di makapaniwalang tanong niya kay Ethird.

Tumango naman ito. "Napasok ko na 'to kanina. Sadyang may pumipigil sa 'kin kaya nawala ko rin ang control dito pero buti at napasok ko ulit. Actually, I'm the one who controlled the system earlier as well as playing the video," sagot nitong 'di man lang inalis ang tingin sa monitor.

"And I helped him sending those texts and links. Also the one who announced earlier too!" proud pang sabat ni Kernel na may pa-smirk at palingo-lingo sa ulo. "I'm just this good!" Busy din ito sa pag-reload ng mga baril niya. Tatlo pa ito at lahat chine-check niya.

Tumingin naman si Veign sa kanya nang seryoso. Gusto niya sanang hingin ang isang baril nang tiningnan siya nito ng nakakaloko. "If you're wondering why I have these three, you'll find out later. So just sit back and relax hehe!"

Marj can't help it but to roll her eyes heavenward while Ethird just laugh a little. Si Lavandeir naman 'di mapigilang lingunin ito at samaan ng tingin. Pabalik naman siyang nginitian nito kaya 'di na niya pinansin.

Gano'n din ang ginawa ni Marj na naghanda ng apat na baril, ang isa ay hinagis niya kay Veign at mabilis naman nitong sinalo. Nakita naman ni Natasha si Xian na hinanda ang isang NA-45.

'Don't tell me he can be the sniper?'

Napanganga nga siya nang pumunta ito sa tabing upuan niya at nilusot ang dulo ng sniper sa bintana. Nasa pinaka likuran kasi nakaupo si Natasha at walang ibang nakaupo d'on kundi siya lang. Sa right side niya nakapwesto si Xian. 'Di niya inalis ang titig niya sa binata kaya nilingon siya nito at nginitian na siyang ikinakaba niya.

Pumwesto rin si Kern sa unahan sa passenger seat dala-dala ang tatlong baril niya. Inutusan naman ni Marj si Veign na siya ang pumalit sa kanyang pwesto. 'Di na nagtanong pa si Veign at pumunta agad sa likod ng driver's seat. Nagkaroon na sila ng idea na sasabak nga sila sa isa pang gyera pero wala silang idea kung saan at kailan.

Wala man lang silang nakitang kalaban o kahit anong sasakyan mula n'ong wala na sila sa highway.

"Shit! I can't access the CCTVs inside and outside the court!" inis na sabi ni Ethird. 'Di man lang niya makita ang mga nangyari sa loob ng court pagkatapos nilang makaalis 'don. "Something's also wrong to the other CCTVs, their vicinity's angle were already change! Especially the hallways!"

"Tama nga si papa! Ang kapatid niya ang tumutulong at ang may hawak sa Elites. 'Di ko man nakita ang mukha niya pero alam kong kilala ko siya!" sabi ni Lavandeir sa lahat.

"We just found out what's your plan with Exseven that's why we're also making a move when we knew it's too dangerous," sabat ni Marj. Napatango naman si Lavandeir. Napagtanto na niya kung bakit nalaman ng Aeon ang nangyayari at bigla na lang may tumulong sa kanila.

"Matagal ko na ring pinagmasdan ang galaw ng Yumi dahil 'yon ang utos ni Master. I just found out that some of them were preparing for something, then Ethird was assigned to monitor all their other groups' movement," sabat ni Kernel sa unahan na for the first time ay seryoso ito.

"Dai-2 Yumi and San-ban Yumi were on the move! Five cars and eleven motorcycles are now following Violy. It goes through as what we planned!" paalala ni Ethird.

Agad na huminto ang van tsaka tumingin si Hero sa front view mirror kaya mabilis na bumaba si Marj. "Good luck!" sabi pa nito.

Muling pinaandar ni Hero ang van tsaka muling nagpaalala si Ethird. "Violy is speeding! Marj you can join her in three minutes!"

Nagpapahuli kasi si Violy in case na may susunod. At kung may susunod man sa kanila na marami, bababa si Marj para tulungan si Violy. Alam na kasi nilang gumagalaw ang ibang grupo ng Yumi. Alam nilang may possibility na masusundan sila. And earlier, they got a message from Mr. Jackson that the Yumi found out about Aeon and seems like they're also on the move to get them. Mr. Jackson predicted that they might be ambushed.

And Hero as being the second leader of the group suggested that they will act as if they don't have any idea and will act to be ambushed. They got the information at dawn and already planned everything before Lavandeir and the company goes to school.

"Buy us time ladies!" excited pang sabi ni Kernel.

N'ong una nagtataka sina Kevin kung bakit nagsasalita sila na parang nandito lang sina Marj, 'yon pala may suot ang mga ito na maliit na earpiece.

"Two kilometers Hero!" warning ni Ethird.

Dahil d'on, nag-ready na sina Kernel at Xian pati na rin si Veign na nakuha agad ang warning.

Hero was positioned in left front since he was also assigned as the driver, Kernel in the passenger's seat, while Veign at the back of Hero which he can target in front or in back. Xian was positioned at the right back with his sniper where he will be targeting some enemies that pass through Violy and Marj. He's the back up.

Mas lalong bumilis ang takbo ng van at ilang minuto lang, nakita nila ang maraming taga-Yumi na nag-aabang sa kanila. Tama nga ang hula nila, na marami ang mga ito, 'di lang nila in-expect na sobrang dami pala.

"Ready!" paalala ni Hero.

Bago pa sila makalapit sa mismong tinatayuan ng mga Yumi, nagsimula na silang nagbarilan. Dahil 'di inasahan ng kalaban na alam pala ng Aeon ang pang-a-ambush nila, sa loob ng isang minuto ay sampu agad ang tumba.

"Yieeh! Five down! Why I'm so good?"

Sinamaan naman agad ni Lavandeir si Kernel kahit 'di nito nakita ang masama niyang tingin. 'Di niya kasi nakayanan ang yabang nito.

"Don't hit the head unless it's necessary! Target their tires!" sabi ni Hero habang bumabaril din sa ibang mga tauhan ng Yumi na nagsilabasan din ng baril.

"Woah!" 'di maiwasan ni Natasha ang mamangha sa nakita niya. Sobrang bilis at galing ng mga ito. Nakikita rin niyang hindi tinatamaan ang mga ito sa ulo kundi sa mga tiyan, binti, kamay at iba pa.

"Gan'to talaga sila kagaling!" sabi ni Xian sa tabi niya kaya nilingon niya ito. Nakatitig ito sa mata niya at nginitian siya.

'Sh*t! Why he became so manly and sweet? ' sa isip ni Natasha.

"Mag-usap tayo pagkatapos nito," sabi pa ulit ng binata na siyang ikinakaba niya lalo. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi ni Xian.

Dahil sa wala siyang masagot dito, inirapan niya ito para hindi nito mahalata ang totoong naramdaman niya.

"May nakalusot!" rinig nina Xian mula sa earpiece na sinabi ni Marj. Nag-position na siya at hinintay na dumating ang ibang kalaban.

"Copy!"

Ang again, she's amaze by how Xian uses the sniper as if he's professional and expert to it. She didn't expect it! Sa tagal ng pagt-train niya rito, 'di naman niya nakitang humawak ito ng sniper.

"Veign! May nakalusot mula kina Marj! Ito oh!" binigay ni Lavandeir ang kanyang earpiece kay Veign na natanggap niya mula kay Kernel kanina. Mas kailangan ni Veign iyon kasi siya ang may position kesa kay Lavandeir. Tinanggap naman ito ng binata nang hindi siya tinapunan ng tingin kasi focus pa rin ito sa pakikipagbarilan.

Si Kevin naman napayuko dahil sa ibang bala na tumatama sa bintana. Sanay naman siya sa ganito pero mas grabe ito, walang tigil sa barilan at mas marami rin ang kalaban. Hindi naman bulletproof ang glass ng Van. Nang tingnan niya si Ethird, 'di man lang ito natakot at patuloy lang sa kanyang ginagawa. 'Di pa maalis ang mga mata nito sa laptop.

"When you're assigned to this, all the movements of your enemies are in your hands. You're the one who can guide your members well. So don't let yourself out of focus! Trusting your team is a must!" advice ni Ethird sa kanya.

Natauhan naman si Kevin kaya dahan-dahan siyang umupo pero dobleng ingat pa rin. Pinagmasdan niya ang mga kasama nilang sobrang busy sa pakikipagbarilan. Napakabilis pa ng mga ito na parang twenty years ng may experience.

Kung maganda na para sa kanya ang teamwork nila ng Black Chili, masasabi niya ngayon mas maganda at mahusay pa ang teamwork na nakikita niya ngayon.

"15 seconds!" sigaw ni Hero tsaka agad na hininto ang Van. Napanganga pa si Kevin ng mabilis itong kumuha ng dalawang baril tsaka sumali sa pagkipagbarilan.

"Yeah! Let's get it!" hype na sigaw ni Kernel.

Bumunot ng baril si Lavandeir sa may hipline niya tsaka agad na sumali sa pagbabaril. Sobrang bilis pa nito at lahat ng tina-target niya ay natatamaan kahit pa nakaupo ito at nasa-lap niya si Exseven. 'Di naman niya tinatamaan sa ulo, pinapatumba lang niya. Bago pa makalbit ang gatilyo ng kalaban, uunahan na ng dalaga ang mga ito.

Parehong nagkatinginan sa isa't-isa sina Natasha at Kevin. Si Veign naman ay napalingon sa dalaga saglit dahil sa 'di niya inaasahan ito. Habang nakatitig si Natasha sa kaibigan nila, na-realize niyang parang pamilyar ang galaw nito. Naalala niya naman ang revelation kanina na si Lavandeir pala si L, napapatakip na lang siya sa bibig dahil wala siyang ibang masabi.

Pagkatapos ng 15 seconds, muling pinaandar ni Hero ang van tsaka sumigaw na, "target their tires!"

"Copy!"

Agad na tinarget nila ang mga gulong ng sasakyan nito, lalong-lalo na si Xian nang lumalayo ang van nila sa kalaban, mas nag-focus siya sa gulong nang ang ibang Yumi ay sumunod sa kanila. Tinulungan naman siya ni Veign. Si Kernel naman ay agad na nag-reload ng bala dahil 'di naman siya makabaril sa mga kalaban na nasa likod kasi nasa pinaka-unahan siya.

"Natsy!" tawag ni Lavandeir kaya lumingon si Natasha sa kanya. "Ito!" Inihagis niya ang baril kay Natasha at agad naman itong sinalo. Tinanguan siya ni Natasha tsaka tinulungan si Veign sa pakipagbarilan sa likod.

'Setting aside my questions towards Vanvan is more important right now!' sa isip ni Natasha.

"Looks like they're calling a backup! May nag-aabang sa 'tin 20 kilometers from here and seems they're too many!" update ni Ethird.

"It's another ambush rather than backup I guess," komento ni Kernel.

"Merong shortcut 17 kilometers from here!"

"Wala ng nakasunod!" update ni Xian.

"Take that shortcut Violy. We'll gonna pass that!" utos ni Hero.

Kumunot ang noo nina Ethird. Lahat sila ay walang idea kung ba't 'yon ang gagawin ni Hero. Alam nilang kung 'di sila dadaan sa shortcut, may nag-aabang na maraming backup ang Yumi.

Kahit gan'on, 'di na nila tinanong pa kung bakit kasi sanay na silang ganyan si Hero. They always trust his decision.

Muling naghanda sina Kernel, Veign, Xian at pati na si Natasha. Alam nilang sasabak muli sila sa gyera at mas marami ang nakaabang na kalaban sa kanila. Sina Kevin at Ethird naman ay 'di inalis ang mata sa map sa laptop kung saan kitang-kita nila na papalapit na sila sa mga kalaban.

"D'you know how to hack the traffic cameras?" tanong ni Ethird kay Kevin.

Kahit wala na sila sa highway, may mga traffic cameras pa ring naka-install sa dadaanan nila.

"May alam ako ng kunti. Si Ex lang ang marunong talaga."

"That's fine. Try hacking the traffic cameras here," turo niya sa mapa sa laptop. "And here! Use that one." Turo niya sa isa pang laptop. "You can ask me if you find it difficult."

Pareho silang nakahanda lahat. Tutok na tutok pa rin si Ethird sa laptop at nakikita niyang nadaanan na nila ang shortcut. "One kilometer away!" update niya.

Isang kilometro na lang bago marating nila ang mga nag-aabang na Yumi sa unahan.

Nang sinabi niya iyon biglang hininto ni Hero ang van nang walang sabi kaya lahat sila napakapit sa kahit saan makakapitan. Nagkatinginan silang lahat at puno ng pagtataka ang mukha lalong-lalo na ang Black Chili. Nagtataka man sina Kernel pero sanay na sila sa ganito.

"He's just like that. Malalaman mo na lang kung anong plano niya kung may resulta na," sabi ni Xian kay Natasha at tumango naman ang dalaga.

Dahil d'on, na-realize niyang matagal na palang kilala ni Xian ang mga taong ito.

"Nakapasok na sila sa shortcut!" update ulit ni Ethird na tinutukoy sina Marj.

"Make them follow you!" utos ni Hero kina Marj.

"Alright! But they're still many!"

Sa lahat ng may earpiece, rinig na rinig pa rin nila ang walang tigil na barilan sa banda nina Marj. Kitang-kita ni Ethird sa monitor na mas lalong bumilis ang takbo nina Violy.

"They're following!"

Nang marinig ni Hero iyon, muli niyang pinaandar ang van at tsaka nag-U turn. Nagtaka na naman sila nang bumalik sila patungo sa shortcut at tsaka pumasok ito. Nang makapasok na sila sa shortcut, mas lalong pinabilis ni Hero ang takbo ng van.

Now they all got it.

Huminto sila 19 kilometers instead na makipagbarilan sa Yumi na nakaabang sa 20 kilometers. They left the enemies waiting for nothing. Then pinasunod nina Violy ang kalaban nila sa shortcut which is 17 kilometers. Nang nakapasok na ang mga ito sa shortcut, sumunod sina Hero. So napapagitnaan na nila ang mga kalabang nakasunod sa kina Violy.

"Target them!"

Nakikita na nila sina Marj at Violy at ang kalaban na sumusunod sa kanila. Hinanda muli nina Kernel ang mga armas nila.

"Marj, look back! The heroes will back you up! Hahahaha!"

Napairap na lang si Marj sa sinabi ni Kernel mula sa earpiece.

'Yong iba ay pinagbabaril nila sa gulong tas 'yong iba ay tinatamaan na talaga sa ulo. They won't let the enemy know their hideout.

"Easy!" sabay na hiyaw nina Marj, Kernel at Ethird.

Tinulongan naman ni Ethird si Kevin sa pag-hack ng mga traffic cameras. Pagkatapos ay nagligpit na ito ng mga gamit. Gan'on din ang ginawa nina Xian at Kernel.

Mga ilang kilometro pa bigla silang huminto. Agad na bumaba sila sa van kaya akala nina Natasha na dumating na sila sa hindi nila alam kung saan.

Nang bumaba sila, parehong nagtaka sina Veign, Natasha, Kevin at pati na si Lavandeir nang makitang huminto sila sa daan na may pangpang. Pero nang makita nilang may mga sasakyan na naka-park sa gilid, alam na ni Lavandeir kung bakit.

Nang bumaba na sila lahat, pinagtulungan nina Kernel, Hero, Ethird na ihulog ang sira-sirang van na sinakyan nila sa pangpang. Tsaka kanya-kanya na silang sumakay sa sasakyan nilang naka-park sa gilid.

"I never thought they also planned this," komento ni Natasha.

"We won't let others find out our hideout," sagot ni Xian.

Sina Marj at Violy ay nauna na habang si Lavandeir at walang malay na si Exseven ay nakasakay sa kotse ni Kernel. Ang tatlong Black Chili naman ay nakasakay sa kotse ni Xian. Si Ethird at Hero naman ay naka-motor lang.

...

Mga ilang oras pa ang tagal bago sila nakarating sa hideout ng Aeon. 'Di nila inakalang ganito pala kalayo. Napatingin sila sa paligid at 'di maiwasang mamangha sa nakita. Napakalaki ang training ground at may hindi gaano kalaking building.

"Aeon's hideout," sabi ni Ethird.

Si Veign na ang bumuhat kay Exseven at pumunta sila sa isang bakanteng room at doon pinahiga. Marami ang tanong ni Veign kay Lavandeir pero nakikita niya itong may malalim na iniisip.

"Gusto ko munang mapag-isa," sabi ng dalaga nang 'di man lang siya tinapunan ng tingin.

Nagkatinginan naman silang tatlo nina Natasha at Kevin. Naintindihan naman nila ito kaya pinayagan na nila.

"Okay. Tawagin mo 'ko 'pag may kailangan ka."

Pagkatapos n'on, sinabihan sila kung saan ang room ng bawat isa. Masasabi nilang mas malaki ito kesa sa Black Chili's hideout.

Sinabihan din silang maligo muna, magbihis at muling gamutin ang sugat nila. Mamaya na raw sila magme-meeting kung gising na si Exseven.

Marami man silang mga katanungan kina Kernel pero 'di nila magawa kasi agad itong pumasok sa kanya-kanya nitong room. Nakita rin nilang tinawag ni Hero si Ethird at mukhang busy ang mga ito.

They expect that they will be welcoming them but they just act normal. Well, Natasha just expected more but she really doesn't mind. Observing the situation, she understands it. She also prefers it this way.

Isa pa, super exhausted niya dahil sa nangyari, dahil kay Reid. Her head is aching whenever the memory of Reid dying flashes her head. She felt sorry and guilty when she forgot him for a moment when she's with Xian earlier.

Sumikip ang dibdib niya dahil sa pagpipigil niyang 'di maiyak. Dali-dali siyang pumunta sa room niya at agad na pumasok. Napasandal siya sa pinto tas 'di na niya nakayanan ang sarili at naiyak na siya ng tuluyan. Bumabalik ang alaala niya sa nangyari kay Reid.

Now that she's alone, she's hurting.

Ilang sandali pa siyang gano'n nang may biglang kumatok sa pinto niya. Tatanungin niya sana kung sino nang marinig niya ang boses ni Xian. "Natsy? Pwede pumasok?"

Mabilis siyang tumayo at pinahid ang luha niya. Natataranta siya kung anong gagawin. Gusto niyang paalisin muna ang binata pero ayaw niya. Sinabi kasi nito kanina na may sasabihin ito sa kanya. She's just naturally like this when she loves someone.

Binuksan niya ang closet sa loob at buti na lang may nakita siyang plain black cap. Kinuha niya ito at sinuot para 'di makita ang namumugto niyang mata.

Binuksan niya ang pinto pero nakayuko lang siya para 'di makita ng binata ang mukha niya.

"Busy ka?" tanong nito sa kanya.

"Come in first. Still need to take a bath," kalmado niyang sabi.

Agad siyang tumalikod rito tsaka nagmamadaling kumuha ng damit sa closet at mabilis na pumasok sa C. R.

It usually takes an hour or two for her to take a bath but now it only took her 30 minutes. Not minding her wounds, not minding what happened earlier. She just wants to finish early so that she can't mind about Reid. Because for her, it's horrible.

She was about to go out when she saw her clothes stained with bloods. Then it hit her back again. The horror scene where Reid was shot in front of her and his blood scattered in her face.

She closed her eyes trying to get rid of the memory but it's hard since it just happened earlier. She put the clothes in the trashcan then hurriedly goes out from the CR. Xian was lying in her bed with his two hands at the back of his head and use it as pillow.

Napahinto siya nang lumingon sa kanya si Xian. Bumangon naman ang binata nang makita ang dalagang kakatapos lang maligo. Kumunot ang noo niya nang parang 'di mapakali ang dalaga. Klaro pa niyang namumugto ang mata nito.

"What are we gonna talk about?"

Pinaupo niya sa kama sa tabi niya si Natasha. Nang tumabi na ito, huminga muna siya nang malalim.

Xian wanted to comfort Natasha since he heard what happened to her ex-boyfriend, but he don't want to comfort her when what he's going to tell something that will make her sad again. He knew she will be sad 'cause he's not an idiot that cannot notice her feelings.

"I'm sorry kung 'di ko man lang sinabi sa 'yo ang tungkol dito," tukoy niya sa Aeon. "Sinasabi ko sa 'yo ito kasi alam kong may karapatan kang malaman."

Nakatingin lang sa harapan si Natasha at wala man lang siyang reaction sa mukha.

"Bakit?"

Natigilan saglit si Xian. Gusto sana niyang sabihin hindi siya manhid sa nararamdaman ng dalaga sa kanya pero kailangan niyang ibahin ang sagot niya.

"Kasi ikaw ang trainer ko. Kahit magkaaway tayo n'on ikaw pa rin ang mas close ko kesa sa iba," tukoy niya kina Ex, Veign, at Kevin.

Nadismaya naman ang dalaga dahil iba ang in-expect niyang marinig.

"Gusto ko rin ipaalam sa 'yo na aalis ako ng ilang buwan... o taon," muling sabi niya at tiningnan si Natasha. Nakita pa niya itong tumaas ang isang kilay.

"Bakit? Saan?"

'Di magawang tingnan ni Natasha si Xian. Trying to act as if it didn't mean a lot to her and as if she doesn't care about it but deep inside, she's too curious.

"Abroad. Para kasi sa kapatid ko."

Napatingin si Natasha sa binata nang puno ng pagtataka dahil sa narinig niya. Abroad? Bakit? At bakit para sa kapatid niya?

"Nag-decide sina lolo at papa na ako na ang magmana ng Dakumasuta. Gusto sana nila na kaming dalawa ng kapatid ko kaso..." Iniwas niya ang tingin kay Natasha. "... her happiness is here," tukoy niya kay Ex.

'What about me?' gusto sanang tanungin ni Natasha iyon pero alam naman niyang siya lang ang nagkakagusto sa kanilang dalawa.

"Isa pa, marami pa akong dapat tutunan, dapat gawin, at kailangan pa akong mag-train dahil hindi basta-basta ang posisyon na binigay nila sa 'kin."

"Kailan naman?"

"After helping my sister. 'Wag kang mag-aalala magpapaalam ako 'pag aalis na ako."

'Di ko ba kailangang mag-aalala?' sa isip ng dalaga.

She's tough but she's too afraid to confess, afraid to be rejected. Especially to the person that was once her enemy.

"Why are you telling me this?"

"Ewan. Siguro bawi ko na lang n'ong mga time na 'di kita pinapansin. I'm just being childish at that time."

Naalala naman ni Natasha ang mga araw na parati lang silang magbabangayan at parehong asar na asar sa isa't-isa. N'ong times na palagi siyang binebwesit ni Xian.

Right now, simula n'ong nalaman ni Xian ang tungkol sa mafia, nagbago na ito at naging seryso. Ni hindi na nga niya nakitang naging makulit ito. Well, it's a good thing seeing him being a matured man and with sense of responsibilities but Natasha just miss those times. Mas mukha pa kasi silang close n'on kumpara ngayon.

Tumayo si Natsha pagkatapos sabihin iyon ni Xian. "Wala ka nang ibang sasabihin?" medyo galit niyang tanong tsaka lumakad palayo sa binata. Kunwari may gagawin siya kaya kinuha niya ang first aid kit. Ginawa niya 'yon para iwasan si Xian.

"Nope! 'Yon lang. Pahinga ka muna."

Xian knew what's wrong with Natasha. He just pretended he didn't notice it. Tumayo siya tsaka pumuntang pinto para lalabas na sana. Pinihit niya ang doorknob nang narinig niyang tinawag siya ni Natasha. Nilingon niya ito at nakitang nakatitig lang ito sa sahig habang nakataas ang isang kilay. Parang galit ito.

"What's wrong?"

"Why you change so much?" sobrang hinang tanong nito na mukhang siya lang ang nakarinig.

Of course, Natasha was fond to the naughty Xian and she missed his unordinary and childish attitude... compared to the composed Xian. She still likes him now pero para kasing pinapansin lang siya nito 'pag kailangan.

'I'm just a lady, that's why I have the privilege to feel this way.'

"Ano? May sinasabi ka?" tanong ni Xian.

Umirap si Natasha nang 'di pa rin tumingin kay Xian pero nakita naman iyon ng binata. Umiling lang siya na parang pinapahiwatig na wala siyang sinasabi. Tinitigan naman siya ni Xian ng ilang segundo.

Tumalikod na siya at lumabas. Bago niya masara ang pinto, narinig pa niya ang sinabi ni Natasha.

"Fuck you!"

Paglabas niya sa room, nakita niya si Kernel na nakangisi sa kanya ng kakaiba. Alam na niya kung anong iniisip nito.

"You came out from the room of a lady. Ginagawa mo d'on? May nangyari ba? Yieehh!"

"Tahimik nga!"

Nilapitan siya ni Kernel habang natatawa tsaka bumulong. "Be a man bro!" If you wanna kiss her, do it. If you wanna do it with her, ask her! Simple as that! Hahahah!"

"Baka nakalimutan mong ginaya lang kitang gago ka! If you wanna love her, don't let others have her!" ganti sa kanya ni Xian.

Natigilan naman si Kernel at nawala ang nakakaasar na ngisi nito.

"Tangna bro! I'm just joking! You're so heartless!" Tinawanan lang siya ni Xian tsaka umalis na sa harapan niya. "How could I? When she's engaged?"

Napaupo si Natasha sa sahig pagkaalis ni Xian. She scratches her head out of frustration. She doesn't know what to think. If thinking her hopeless love for Xian instead of thinking what happened to Reid is wrong, then she accepted she's wrong.

"Why do they always leave?"

She and Reid broke up long ago because Reid chose his loyalty to Jax. It really broke Natasha a lot and also one of the reasons why she changed so much and become stronger. Then now, without even confessing her love to Xian, Xian already told her he would leave.

"If there's a time that I could ask for forgiveness, this is the best time... Even though it's too late now, I am so sorry Natasha."

"Wag kang mag-alala magpapaalam ako pag-alis ko."

She heard those words again.

She's crying for minutes turn to hours, 'till she decided to think wisely and straighten her mind...

...

"Bukas po ang update ng next chapter pero hindi ko po alam kung anong oras ko ma-submit. Ilang topic na lang meron ang dapat kong isulat at malapit na matapos ang story. Salamat sa pagbabasa at pagsuporta," - Author.