Chapter58 - Justine
Lavandeir's POV
Sabay kaming tumakbo papunta sa locker ni Justine. Sinabi ko na lang sa kanila na kailangan kong kunin ang larawan at sulat na pinakita ko kay Justine kasi walang dapat na makakita n'on kundi siya lang. Sinabi ko rin sa kanila na ipapaliwanag ko ang iba pa pagkatapos nito.
Mukhang kumalma namang muli si Ex kasi hindi na siya nagtanong pa. Hindi naman na siya nagsalita at sumunod na lang sa akin. Si Veign ay nauna na sa kotse kasama si Kite. Inutusan ko kasi silang ihanda ang sasakyan.
Ginagabayan din ako ni Ethird at sasabihan niya ako kapag may ibang tao or wala ang hallway. Wala kasing dapat makakita sa akin, sa amin dito kasi expected nang pag-suspetyahan agad kami sa pagkahimatay ni Justine.
Nang marating namin ang locker room, agad naming nilapitan si Justine na walang malay na nakahilata sa sahig. Inuna kong kinuha ang camera sa loob ng locker niya. Si Justine naman ay hinihila ni Kevin papunta sa gilid para hindi agad mapansin ng ibang tao kapag may pupunta rito. Kukunin ko na sana ang larawan at litrato na hawak nito nang makita kong tinitingnan na pala ni Natsy iyon.
Nanlaki ang mata ko nang aamuyin na ni Natsy ang papel na may sulat. "Natsy! Wag!"
Napalingon din sina Kevin at Ex sa kanya pero huli na nang mahimatay na ito at humilata sa sahig. Agad namin siyang nilapitan. Mabilis kong kinuha ang larawan at sulat tsaka tinago. Binuhat naman ni Ex si Natsy.
"Looks like pinaghahanap na kayo! You need to leave right now!" saad ni Ethird.
"Py!"
Hindi lang kasi sunog ang makikita nila doon sa mini gym. May iba pa. Sinabi rin ni Ethird na mukhang lahat ng estudyante pinaghahanap na kami. Alam kong si Jax ang nag-utos sa kanila n'on. Alam ko ring mangyayari ito kasi matagal na akong pinagsususpetyahan ni Jax noon bilang L. Noon ko lang na-realize na kaya pala ngumingisi siya ng kakaiba sa akin na parang may nalalaman siya. Pinagdududahan na pala niya ako n'on.
In-inform ko naman sina Kevin at Ex sa sinabi ni Ethird. Tumango si Kevin pero si Ex hindi lang nag-react. Binigay ni Ex si Natsy kay Kevin tsaka lumapit sa akin. Nakapagtataka kasi simula kanina ay ngayon lang niya ako nilapitan at pinansin.
"Let me lead," sabi niya at tiningnan ang earpiece ko. Magsasalita pa sana ako nang, "Hurry!"
Mabilis kong tinanggal ang earpiece tsaka binigay sa kanya. Sinuot naman niya iyon at siya na ang nakipag-usap kay Ethird. Sobrang seryoso pa niyang ginagabayan kami. As always, palagi naman siyang seryoso.
Sumasabay lang kami ni Kevin sa pagtakbo niya. Nasa dulong hallway na kami palabas ng building at hanggang ngayon wala pa kaming nasalubong na estudyante. Wala pa ring nakakita sa amin. Ang problema lang ay nabibigatan na si Kevin kay Natsy kaya paminsan-minsan inaalalayan ko siya.
Liliko na sana kami sa huling hallway para makalabas na sa building nang biglang huminto at umatras pabalik sa Ex. "Hide!"
Mabilis kaming nakapagtago ni Kevin sa isang room tas si Ex ay sa kabila katapat lang namin. Kinakapos kami ng hininga, lalong-lalo na si Kevin. Kinakabahan ako sa sitwasyong ito pero nakaka-excite.
Maya-maya may narinig kaming boses ng dalawang lalaking nag-uusap. Mukhang pinaghahanap din nila kami.
Nakatuon lang ang tingin ko kay Ex tas gan'on din siya sa 'kin. Nasa likod ko naman si Kevin. Mukhang may tinanong siya kay Ethird mula sa earpiece. Pagkatapos n'on tinaas niya ang dalawang daliri niya tsaka tinuro ang gilid kung nasaan ang dalawang estudyante. Nakuha ko namang nais niyang sabihin na dalawa lang sila.
"Why do you think Jax asked us to capture Lavandeir after seeing L's letter?"
"Now you're calling her by her name and not loser ha? Hahaha!"
"Bulag ka ba ha? She's not the loser anymore. My girlfriend heard something when Elites talking about L. Guess what? Lavandeir is the suspected one."
"Pota bro! Nakakakilabot! 'Wag naman sanang magkatotoo 'yan. Isa pa naman ako sa bully niya dati. But now, I'm regretting it! Besides she has that sexy body that I wanted to fuck! Hahahah! I'll just apologize to her and make my moves. Easy!"
Dahil sa narinig ko, napahawak ako sa sulat na binigay ko kay Justine at mahigpit na kinuyom iyon sa kamay ko. Bumubuo ang galit ko sa pinagsasabi nila!
Tinaasan naman ako ng kaliwang kilay ni Ex tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay inirapan niya ako na ikinataka ko.
"Di ko nga akalaing may ganda pa pala 'yon. Seeing her cute little belly and that boobs of hers making me tur..."
Biglang lumabas si Ex sa pinagtataguan niya at hinarangan ang dalawang lalaki na ikinagulat ko.
"Making you what?" malamig na tanong niya sa dalawang lalaki.
"EX! Argh!" hiyaw ng isa.
'Di ko naman napigilang lumabas. Nakita kong wala nang malay ang isa at sinasakal na niya ang leeg ng isa pa. Mahigpit ko namang hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Galit ang mukha niyang tiningnan ako.
Hindi ko na muna siya pinansin at agad na tinakpan ang ilong ng isang estudyante gamit ang papel na may sulat. Ilang segundo lang ay nawalan na ito ng malay.
Mabilis naming hinila ang dalawa papunta sa loob ng room tsaka pinaupo nang maayos sa arm chair. Nagmumukha lang itong mga natutulog.
"Guide us to the parking lot!" utos ni Ex kay Ethird mula sa earpiece. Inalalayan ko naman si Kevin.
Hindi naging madali ang pagpunta namin d'on pero nakaya naman namin. Nagtaka pa si Veign kung bakit nawalan ng malay si Natsy. Sinabi ko naman sa kanyang inamoy nito ang papel na binigay ko kay Justine. Tumango lang siya at 'di na nagtanong pa tsaka nag-drive na paalis.
Dahil hindi na binalik ni Ex ang earpiece sa akin ay tinawagan ko na lang si Ethird.
"Don't worry, na-delete ko na ang records ng CCTV. Son of master is really hard to handle, though he's quick like his father. Anyway, gotta go!"
Mabilis kong binura ang call history. Itatago ko na sana iyon nang biglang hinablot ni Ex ang phone ko. Hindi ako nakaramdam ng kaba kasi alam kong hindi iyan maha-hack.
"Walang makaka-hack na iba niyan," sabi ko pero hindi niya ako pinansin.
May inaano pa siya sa phone ko at maya-maya binigay niya ulit sa akin. "You deleted your call history. You're that careful and you're using this since 8 months ago."
"Pa'no mo nasabi?"
"Your picture with that Kernel."
Nanlaki ang aking mata at dali-daling tiningnan ang gallery. May picture pala kami ni Mais. N'ong una niyang inabot sa akin cellphone, pinilit niya palang makipag-selfie sa akin. Tiningnan ko ang details ng picture at nakita ang date nito. Tama nga siya 8 months na pala.
Hindi na ako nagsalita pa tsaka tinago ang phone ko. Narating namin ang condo ni Ex at agad nilang binuhat si Natsy sa guest room. Pumunta kaming lahat sa sala at alam kong hinihintay nila ang paliwanag ko. Si Kite nand'on din at mukhang makikisali rin.
"Matagal pang magigising si Natsy kumpara dati. Approximately 15 to 20 hours," sabi ko. Nilabas ko ang larawan at sulat at nilatag sa mesa.
Iba't-ibang reaction ang pinakita nila nang makita ang larawan ni Kim na kayakap nito ang asawa.
"Siya si Jonas Sandugo na asawa ni Kim. Nalaman ko 'yan n'ong time na sinundan ko siya. Hindi alam ng Elites at ni Clent ang tungkol sa asawa niya... Pati ang asawa niya ay walang alam na may boyfriend pala si Kim. Alam ko ring arranged marriage lang sila pero ikakasira pa rin 'yon ni Kim. Whatever her reason is, sisirain ko siya! Iisa-isahin ko silang lahat!"
Nakatitig lang silang tatlo sa akin at hindi ko alam kung anong mga iniisip nila.
"But you don't know the real Elites," nag-aalalang sabi ni Veign.
"Alam ko. Alam ko ring alam niyo na mas magaling pa kayo sa kanila kaso mas marami lang sila."
Seryoso pa rin ang dalawa na nakatingin sa akin nang biglang kinuha ni Ex ang sulat tsaka tahimik na binasa. "So this is the letter," mahinang sabi niya tsaka patapong binalik ang sulat sa mesa. Kinuha naman iyon ni Kevin at binasa nang malakas.
"Don't tell it to anyone first. Meet me tomorrow 9:00 PM in the 7th floor of commerce building's hallway if you want to know more. But if you won't then another scandal will automatically upload in ECU's website at exactly 9:00. P. S. Don't smell the paper," basa ni Kevin.
"Because of human's natural curiosity, even if it's stated to don't smell it, they will. But that's only for stupid ordinary being," komento ni Ex.
'Pa'no na lang kaya kung narinig 'to ni Natsy?'
"What scandal? At bakit ang babaeng 'yon ang napili mo?"
"'Cause that girl is in love with Clent," si Ex na mismo ang sumagot sa tanong ni Veign.
Gulat ko naman siyang tiningnan at tatanungin sana kung pa'no niya iyon nalaman nang nagsalita ulit siya.
"Looks like you forgot that I'm also good at observing woman."
Alam kong nagtatampo pa rin siya sa akin. Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na nakipag-usap sa kanya.
Nilabas ko ang cellphone ko at may pinakita sa kanilang video. Video iyon ni Justine at Clent na naghahalikan. Kahit masasabi sa video na lasing si Clent d'on at binabanggit niya si Kim, pilit pa ring makipaghalikan si Justine.
"Ito ang sinasabi ko." Pinakita ko iyon sa kanila. Tiyak na nakita na ito ni Ex kanina n'ong hiniram niya ang phone ko. Ngayon ko lang din naisip.
'Di ko sana makukuha 'tong video kung 'di dahil kay Kern. Matagal na niyang nakuha ang video na ito at matagal na pala niyang senend sa phone ko. Hindi ko lang alam na nandito pala. 'Yong keypad kasi ang palagi kong ginagamit kaya hindi ko napansin noon. Nalaman ko lang kasi sinabi niya n'ong time na nasa Ohio kami pagkatapos ng libing ni Casey.
"What a group they are!"
Kinuha ko nang muli ang phone ko at tinago sa bulsa.
"Isa pa, may nilagay akong chemical sa papel na 'yan. Wala itong amoy pero malakas ang epekto," tukoy ko sa sulat tas
tiningnan si Ex. "Naalala mo ba n'ong time na ililigtas mo sana ako noon sa mini gym pero hindi mo na ako naabutan kundi ang mga Elites lang na walang malay na nakahilata sa sahig?"
"Yes! And they don't even had wounds!"
"Ito ang ginamit n'on. Ito rin ang ginamit ko n'ong time na nawalan ng malay si Mia sa ladies room tas nagulat pa nga kayo ni Natsy na nagpapanggap lang pala akong walang malay."
'Tulad ng reaction ni Casey noon, gan'on din ang naging reaction ni Kevin. Kung nandito sana si Natsy mukhang gan'on din siguro ire-react niya. Si Veign naman tahimik lang pero alam kong gan'on din ang iniisip niya.
Tinanong kasi ni Kevin kung ba't hindi ko sinabi sa kanila ang lahat ng ito eh makakatulong naman sila. Hindi rin siya makapaniwalang matagal ko na pala itong ginagawa.
"Dahil naging maingat ako mula sa Elites. Ayokong pagsuspetyahan nila. Tas hindi rin pwedeng sabihin sa iba lalo na sa inyo. Baka mahuli sina Kernel."
Alam kasi naming meron pang magmamanman na Yumi sa Black Chili, kaya kapag malaman ng Black Chili ang tungkol sa Aeon. May possible na malalaman din ng Yumi.
"All this time Kendrick was the one who's helping you? We already had an idea that someone's behind your back long ago. We just didn't thought it was him."
"Yeah," sang-ayon ni Kevin kay Veign. "So sila rin ba ang may kagagawan ng sunog sa mini gym?"
Tumingin ako sa kanila isa-isa tsaka dahan-dahang tumango. Tinitingnan ko kung anong maging reaction nila pero parang mukhang expected na nila iyon.
Pero okay lang... Expected ko rin namang expected din nilang sina Kern ang may kagagawan simula n'ong nagpakita sila sa rooftop.
Alam kong iniisip ng Elites na may kinalaman ako sa sunog, lalong-lalo na si Jax. Tas kung pagbintangan nila ako, wala pa rin silang prowebang iharap sa akin at patuloy lang sila sa pagsususpetya. At kahit malaman nilang ako si L, handa naman ako. I have nothing to lose!
"Hindi ko sila patatahimikin!" gigil na saad ko.
'Buti at 'di na sila nagtanong about kay Kern. Bahala na kung anong iisipin nila.
...
Third Person's POV
Nang may nakakita kay Justine sa locker room na walang malay ay agad nila itong dinala sa clinic at pinaalam sa Elites ang nangyari. Hanggang ngayon wala pa ring nakapagsabi kung nasaan ang loser at ng mga kaibigan nito kaya galit na galit si Jax. Wala rin siyang idea kung bakit nahimatay si Justine. Hindi rin niya matingnan ang records ng CCTV kasi burado ito lahat. All he could do is to clench his fist and cuss.
Alam niyang may kinalaman si Lavandeir sa mga nangyayari pati na ang Black Chili.
Nagkaroon na siya ng kutob na ang loser at si L ay iisa. Dahil na rin sa nangyari kanina at sa biglaang pagbabago nito.
'No! She already changed long time ago. It's just she hides it and no one ever suspected it.'
Jax always thought that Lavandeir and Cath were the same. It's already set in his mind that they're alike... until today.
Cath was reckless but never showed to anyone her recklessness... Unlike Lavandeir.
Hindi niya matukoy kung anong plano ng dalaga. He knew... He knew that Lavandeir is here for revenge... But to Jax, it feels like something wasn't right.
"They're quick!" walang emosyong sabi ng boses ng babae mula sa earpiece na suot ni Jax.
"I know and it annoys me!"
"They're not what I meant," tukoy nito sa Black Chili.
"Then who?"
It took almost ten seconds before she answer, "Aeon."