Chapter 59 - The Video
Lavandeir's POV
Alas 9 na ng gabi, nandito pa rin ako sa condo ni Ex. Si Kevin umuwi pa sandali kasi kukuha pa siya ng damit sa kanila. Si Veign naman, kakatayo lang niya mula sa sofa at mukhang papaalis siya. Pero nilapitan na muna niya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat na ikinataka ko.
"I'm worried for you! Be careful always okay? Aalis muna ako. Babalik ako mamaya!" pagkatapos n'on ginulo niya ang buhok ko tsaka lumabas ng condo.
"M-mag-iingat ka!"
Nagpapasalamat pa rin akong hindi na siya nagtatampo sa akin. Tinatrato na rin niya ako tulad ng dati.
Huminga ako nang malalim nang maalala ko muli ang USB na binigay ni Marj kanina sa rooftop. Curious ako sa laman nito kasi nakita kong parang nagpipigil ng tawa sina Ethird kanina pag-abot ko sa USB.
Pumunta ako sa terrace para sana magpahangin nang makita ko si Ex na pina-pat ang ulo ni Kite. Alam kong napansin niya ako kasi napahinto siya saglit. Muli niyang tinuloy ang ginagawa niya nang hindi man lang ako hinarap.
Nagtatampo ba talaga siya? Marunong siya n'on?
Nilapitan ko sila. Lumapit naman sa akin si Kite kaya agad kong hinimas ang ulo niya. Si Ex ay tumayo at sumandal sa fence tsaka naka-crossed arms akong tiningnan.
Tumayo na rin ako nang maayos at nilapitan siya. "Galit ka?" walang sigurado kong tanong.
Imbes na sagutin niya ang tanong ko, inirapan lang niya ako tsaka lumapit pa sa akin. Hinawakan niya ang leather jacket ko tsaka sinara ang zipper nito. Pagkatapos, tinanggal niya rin ang dark blue na jacket niya at tinali ang sleeves nito sa bewang ko.
"Aren't you feel cold Lav?"
"Ha?"
"Patawad. Nasigawan kita."
Dahil lang sa simpleng pagtatagalog niya, nakaramdam ako ng paglakas ng tibok ng puso. Gan'on pa rin naman ang tono ng boses niya kaso iba ang epekto ng tagalog niya.
Muli siyang sumandal sa fence kaya tumabi ako sa kanya.
"I didn't meant to shout earlier. I just can't hold my anger and my curiosity. I'm just damn worried!"
Kinagat ko ang labi ko tsaka bumuntong-hininga. "Naiintindihan naman kita. Kasalanan ko namang hindi ko sinabi sa 'yo."
"Yeah! Seems you're not trusting me. I understand you, though honestly I'm not happy at all. What if what you're doing and what you're planning to do is way more dangerous than what I imagine... and I'm not there to help you 'cause I'm not aware."
Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Nagui-guilty ako dahil sa mga sinasabi niya. Okay lang naman talaga sa akin na malaman niya, sadyang nagdadalawang-isip akong ipaalam sa kanya kasi baka pigilan niya ako. Isa pa, nawala rin siya sa isipan ko n'ong pinaplano ko ito.
Ang goal ko lang kasi ay mangyari ang mga pinaplano ko kay Justine at sa ECU. Ngayon ko lang naisip na nagtagumpay ang plano ko dahil na rin sa tulong nila.
Kahit nakakahiya, naglakas-loob akong harapin siya. Hindi ako tumingin sa mga mata niya kundi nakayuko lang ako. Hinawakan ko ang isa niyang kamay. Ramdam ko ang lamig sa aking kamay dahil sa kaba. Ramdam ko rin ang mainit niyang palad.
"I'm sorry. 'Di na mauulit," mahina kong sabi habang pinikit ang aking mata. "S-sasabihin ko sa 'yo ang totoo at ang mga gusto mong malaman para mapanatag ang loob mo. Para na rin patas na tayo at para 'di ka na magalit," kunot-noo kong sabi.
Para akong nakahinga nang maluwag pagkatapos kong masabi iyon. Hindi kasi ako komportable lalo na 'pag guilty ako.
Binitawan ko na ang kamay niya at aalis na sana nang hinawakan niya ito ulit. Natigilan pa ako saglit dahil d'on.
"Hahaha!" Nanlaki ang aking mata at mabilis na tiningala siya nang marinig ko ang pagtawa niya. "You didn't change after all woman. You're still cute, even more now that you're not wearing your glasses."
'Totoo ba 'to? Tumatawa talaga siya?'
Nginitian niya pa ako nang matamis na ikinalakas ng tibok ng puso ko. Ang hirap pa rin kasing paniwalaan na tumatawa siya sa harap ko.
"Marunong ka palang tumawa?" wala sa sarili kong tanong. Gusto ko sanang bawiin kaso nasabi ko na.
Dahil d'on, sa isang iglap lang ay nawala na ang mga matatamis niyang ngiti at agad bumalik sa walang emosyon niyang mukha. Inirapan pa niya ako. "What do you think of me? A robot?" sarcastic niyang tanong. "That must be the reason why you're not falling for me."
Bumalik ako sa tabi niya at sumandal din sa fence. Hindi kasi kami nakatingin sa tanawin kanina. Nakaharap kami sa pinto papasok ng sala.
'Kahit kailan talaga napaka-straight forward niya.'
"Now that we already cleared some misunderstanding between us... Wanna ask you again who the hell is that Kernel." Napatingin ako sa kanya tas gan'on din siya. "And yes, I'm not yet done about who really is that guy."
Napaiwas ako ng tingin. Akala ko makakalusot ako kanina sa sala pero 'di pa pala.
"Beside he's the leader of Red Chili and beside he's the one helping you back then 'till now... I wanted to know what other things about him."
"B-Bakit naman?"
"To see if he's really someone I can give my trust to and... to see if he's worthy enough to be my rival," mahinang sabi niya sa huling salita pero rinig ko naman.
Huminga ako nang malalim tsaka hinarap siya at sinalubong ang tingin niya.
"You said earlier that you will tell me everything that I wanted to know. Even if I try searching about it, I can't find information. My father is so secure about his group that even I can't know anything about it!"
At dahil sa nakikita kong desperado na talaga siya... Sinabi ko na sa kanya ang lahat. Simula n'ong time na tinulungan ako ni Master hanggang sa Ohio, sa naging training ko, sa nagawa ko bilang L at sa Aeon. Sinabi ko iyon lahat sa kanya.
"So much you've been through..."
Wala siyang kahit anong salita na sinabi niya kanina. Nakinig lang siya sa akin habang pinapaliwanag ko ang lahat. Ngayon lang siya nagsalita.
"Andami na ngang nangyari, ngayon ko lang na-realize... Minsan naisip kong may part sa akin na masaya ako sa mga pangyayari. Marami akong naranasan at marami rin akong nakilala."
"As long as you're happy with it, I'll support you. I'll be your guard Lav. Knowing your situations right now I'll be with you 24/7 and I won't need your permission to that."
Parang may kung ano sa tiyan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Wala naman iyong emosyon pero nakakagaan sa pakiramdam. Akala ko kasi, kamumuhian niya ako.
"And what you think is wrong. I won't hate you no matter who you are or who you become. Whether you kill, you sabotage or you betray, I don't care."
Inaamin ko, gusto ko na talaga siya ng sobra. Ayoko lang ipakita sa kanya. Maliban sa nahihiya akong malaman niyang nagkagusto ako sa kanya, hindi ko rin alam kung paano ipakita ang tunay kong nararamdaman.
Ramdam ko ang mga matatalas na titig niya sa 'kin. Nanlalamig ang aking kamay tsaka kinakabahan ako na ewan. Nahihiya ako.
"So what are your plans? I will help," akala ko kung ano na namang sasabihin niya. Buti iyon lang. "I'm doing an impossible jobs for years. I can help."
"Alam ko. Kilala na kita at nakita na kita kung pa'no makipaglaban. Masasabi kong kasing galing mo lang ang Aeon kaya okay lang sa 'kin 'yon. Isa pa, kailangan ko talaga ang tulong ng isang 'tulad mo."
Hinarap ko siya tsaka sinabi sa kanya ang mga plano kong gawin sa ECU at sa mga members ng Elites. 'Buti na lang at nakinig lang siya at minsan nagbibigay siya ng idea.
"... Gusto kong magpakita bilang L ulit."
"Before that, what did you do in the mini gym? I hope I'm thinking wrong..."
"Oo tama ka. Sinaktan ko ang isang lalaking malakas mam-bully sa 'kin noon. Pinalabas kong siya ang target ko at may sulat din akong iniwan as L. Ginawa ko 'yon para masabi ng lahat ng estudyante kung gaano ka brutal si L. Gagawin ko pa rin ang pinangako ko kay Casey."
"And planning to ruin the school's reputation?"
Tumango ako sa kanya bilang sagot. Isa na rin iyon sa dahilan ko.
"I really hope you will be happy after this Lav."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Para kasing sobra siyang nag-aalala sa hindi ko malamang dahilan. Nakakunot ko siyang tiningnan pero walang emosyon niya lang akong tinitigan.
Ilang segundo kaming nagtitigan. 'Di ko maiwasang mapanganga ng kunti nang makita ko sa dalawang mata niya ang pag-aalala.
"E-Ex..."
Hinawakan niya ang ulo ko at inilapit sa dibdib niya. Sa hindi malamang dahilan ay hinayaan ko lang siya. Parang nakaramdam ako ng comfort sa mga oras na 'to.
"I'm just hoping... Of course there will be problems ahead but I won't let you handle it alone. Also..." Lumayo siya sa 'kin ng kunti at pasimpleng nagtanong ng, "... What's with that USB you were holding earlier?"
Oo nga pala, isa rin pala ito sa concern ko kanina. Kinuha ko ito sa bulsa ko at muling tiningnan.
"Ito pala ang USB ni Mr. David na muntik mo nang makuha sa akin noon. Nandito ang lahat ng information tungkol sa Elites. Nandito rin ang iba tungkol
sa Yumi."
Tumatango-tango naman siya na parang naiintindihan niya. "I know what's inside of it. That's the reason I'm after that before. But you deceived me," pagpaparinig niya sa 'kin.
Kanina parang ang sweet niya at parang nag-aalala pa sa 'kin pero ngayon bumalik ulit sa dati.
"Kaso..." nagdadalawang-isip akong sabihin sa kanya kasi hindi naman ako segurado sa kung anong laman dito.
Nang maalala ko ang pagpipigil na tawa nina Marj kanina, sobra tuloy akong na-curious.
Parang nangyari na 'to dati eh.
"You need my laptop, am I right?"
Tumango ako sa kanya kaya hinila niya ako papunta sa kwarto niya.
Nangyari na nga 'to dati. No'ng time na may binigay rin si Natsy sa akin na isang USB tas nanghiram din ako kay Ex. May laptop naman na ako kaso nasa amin.
Lowbat ang laptop niya buti na lang may sarili siyang computer set sa kwarto niya. Siya na rin ang nag-plug ng USB. Nakaupo siya sa swivel chair tas ako nasa gilid lang niya nakatayo. Siya kasi ang mas marunong gumamit ng computer kaya siya na lang ang nag-asikaso. Besides, ang daming password nito.
Nang i-open na niya ang USB mayroong files doon tungkol sa Yumi. Ang ibaba no'n ay may nakalagay na folder 1. Nang i-click 'yon ni Ex ay may lumabas na tatlong video files tas ang file name ng bawat isa ay date. Date iyon n'ong time na nasa Ohio ako.
Nang in-open niya ang isa ay nakitang kuha lang ito ng CCTV kung saan umiinom ako ng hard alcoholic drinks.
'Naalala ko na kung ano ang mga 'yan!'
"Part 'yan sa training ko. Mino-monitor nila kung anong level ng drinks ang kaya kong inumin. Para na rin masanay ako at hindi agad malasing."
Tumatango-tango naman siya. "I just remembered how you acted when drank woman."
"First time ko po 'yon." Di ko na napigilan kaya naging sarcastic na lang din ako. Alam ko namang ganyan siya noon pa pero parang mas lumala na ngayon ang mga side comments niya.
Tumahimik na kami at patuloy nang nanunuod. Dahil mahaba-haba ang bawat video, nag-volunteer siyang paupuin ako sa swivel chair tas siya na naman ang tumayo sa gilid ko.
Wala namang ibang nangyari sa video kundi naka-crossed legs lang ako habang patuloy na umiinom. Nasa harapan ko pa sina Marj at umiinom din.
"Do you still remember doing that?"
"Oo. Naalala ko pa naman..."
Wala namang ibang nangyari kaya bakit parang natatawang ewan sina Marj? Or siguro guni-guni ko lang 'yon?
Tiningnan na namin ang last video. Ibang date rin ito. Wala namang ibang nangyari.
"Try to fast-forward it. Hmm.. Just let me..."
Kinuha ni Ex ang mouse tsaka siya na ang nag-fast-forward nito. Ilang sandali bigla niyang tinigil ang video tsaka tinuro ang monitor. "You already had 4 bottles here compared to the other videos," komento niya.
Sinulyapan ko ang mukha niya. Nakakunot na ang noo nito tsaka nagsalubong na rin ang mga kilay sa sobrang seryoso. Hindi ko nga alam kung bakit nanunuod din siya sa video na 'to eh hindi naman importante sa kanya.
"I'm curious what will gonna happen to the end that's why I'm watching."
Hindi na ako nagsalita dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon kaya niya pa rin akong basahin?
Binalik ko na ang tingin ko sa monitor. Unti-unti kong nakikita na nalalasing na ako kasi parang inaantok na ako ng sobra sa video. Tas hindi ko pa maalala ang nangyari diyan.
"Can you still remember this?"
"H-hindi na."
"It's been days since this happened but you still didn't able to remember it? It's unlike before. It only took one day for you to remember that you stabbed me."
Oo nga. Ba't hindi ko maalala? Grabe naman ang epekto ng alak 'pag ganon.
"You already had five bottles here."
Wala nang nagsalita pa sa amin kasi tutok na tutok kami sa video. Para naman akong kinabahan na ewan. Bakit kaya gusto itong ipakita sa akin nina Marj? Usually kasi kapag sa training ko, sasabihan lang nila ako at 'di na kailangan pang ipakita sa akin.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakita ang number ni Kern. Sinagot ko naman agad ito kasi baka importante.
"Hi Lava! Nanunuod ka na ngayon right? Pft!"
Narinig ko pang nagtatawanan sa kabilang linya sina Ethird at Marj.
"Pinapanuod ko ngayon. Bakit anong meron?"
"Nothing! Pft! Hahahahaha! Goodluck!"
Tatanungin ko pa sana siya kung ba't niya nalamang pinapanuod ko ngayon ang video ko nang napanganga ako sa gulat dahil nakita ko sa video ang sariling kong biglang yumakap kay Kernel tsaka pilit ko pa itong hahalikan. Lumalayo naman ito sa akin na natatawa. Tapos napapahampas pa si Marj sa mesa sa kakatawa.
'Anong pumasok sa isipan ko diyan?'
Nabitawan ko ang phone tsaka dahan-dahang tumingin kay Ex.
Bakit feel kong nagkasala ako ng malaki ngayon?
"Ex..."
...