Chapter 57 - Untitled

Lavandeir's POV

"Argh! Kernel!"

Nagkibit-balikat lang siya tas natawa nang sinamaan ko siya ng tingin.

"Kernel?" nagtatakang tanong ni Veign. "Isn't he the famous reckless leader of Red Chili, Kendrick?"

Seryoso ring napatingin si Natsy sa kanya na mukhang sumang-ayon sa tanong nito. Napasulyap ako kay Ex nang ramdam na ramdam ko ang matulis niyang titig sa 'kin. Tinitigan ko lang siya saglit tsaka iniwas ang tingin. Wala kasi akong idea kung bakit nagpakita sina Kern sa kanila.

"Yes, that's me. The famous one! Hahahaha!" pagmamayabang ni Mais.

Kendrick pala kuno ang isang 'to?

"But now you can call me Kernel the janitor," pagpapakilala pa nito na nakangiti nang matamis.

"Marj the cashier."

"Ethird the student," pagpapakilala nila.

Nakakunot-noo namang tumingin sina Veign at Natsy, nakanganga si Kevin, at si Ex na hanggang ngayon nakatingin pa rin sa 'kin. Na parang pinapahiwatig niya na, 'I need an explanation!'

"What's with your connection with our friend? How d'you know her?" naguguluhang tanong ni Natasha.

"You look familiar..." tanong ni Ex at buti inalis na niya ang tingin sa akin at binaling sa tatlo. "... you look like you're the one who helped us before."

Agad kong tiningnan ang reaction nina Marj pero nakangiti lang ang mga ito. Na parang hindi kinabahan na baka malaman nina Ex ang identity nila. Ano bang nasa isip nila?

"You're the minions of Ace right?" naka-crossed arms rin na tanong ni Veign. Naguguluhan pa rin sina Natsy at Kevin. Nawalan kasi sila ng malay n'ong time na tinulungan namin sila noon. 

Bigla namang tumawa si Kernel na ikinataka naming lahat. Sina Marj at Ethird ay nagkatinginan lang. 'Ano na naman kaya ang iniisip nito? Kinakabahan ako baka umaandar na naman ang pagka-abnoy nito.'

"We don't have time Lavandeir! Here!"

May inabot sa akin si Marj na isang tablet phone at pinakita sa akin ang isang video na walang ibang makita rito kundi itim lang. Hindi na rin nila pinaliwanag sa mga kasama ko kung sino sila kaya napahinga ako nang malalim.

"Camera ito na naka-installed sa loob ng locker ni Justine. Ikaw na bahala rito. We need to go. Tinatawag na nila kami."

"But we'll still secure the CCTV and we'll guide you," sabi ni Ethird.

"And also here!" may inabot pa sa akin si Marj na isang USB. Nagkatinginan silang tatlo nina Ethird at Kern at mukhang nagpipigil ng tawa ang mga ito. "Make sure you won't let other see that!" paalala pa nito. Tinanguan ko na lang sila.

Alam kong may iba pa silang mission pero wala akong idea kung ano iyon. Tinanguan ko na lang sila at inabot ang USB. Binitbit nang muli ni Mais ang mop na dala-dala niya at naunang umalis. Sumunod na rin sina Marj sa kanya.

'Di ko pa nga muling natingnan ang tablet nang agad itong hinablot ni Ex mula sa kamay ko tsaka siya na ang tumingin. "We need an explanation woman!" 

Tumabi ako kay Ex at tiningnan din ang video. Lumapit naman ang iba kaya sinabi ko na sa kanila kung anong video iyon.

"What? Why did you installed a camera there?" gulong-gulo na talaga si Natsy at parang mababaliw na siya kapag 'di ko pa pinaliwanag sa kanila.

"May nilagay kasi akong sulat at litrato sa locker niya. Nilagyan ko nang camera para malaman ko kung nakuha na ba niya iyon. And the moment na makuha niya 'yon, kailangan kong iligpit ang ebedensya."

"Ba't hindi mo na lang siya binantayan o sinundan kanina?" 

"Because of what she did earlier in the cafeteria, someone might follow her. Use your head sometimes before asking!" naiinip na paliwanag ni Ex kay Kevin.

Anong ikinainis niya? Tinapunan naman niya ako ng masamang tingin. "Continue!" sabi pa niya. 

'B-Ba't ba nai-intimidate pa rin ako sa kanya 'pag ganyan siya?'

"G-gan'on nga. 'Di ko rin kasi alam kung kailan niya titingnan ang locker niya."

"She's opening it!" sabi ni Natsy kaya tumingin ulit ako sa tablet.

Tumambad ang mukha ni Justine at seryosong-seryoso siya habang tiningnan ang locker niya. Napataas ang isang kilay niya nang makita ang nilagay ko d'on.  Natahimik kami at nakatutok lang sa video.

Napangiti ako nang lihim nang nagulat siya sa larawang nakita niya. Napalingon pa siya sa kaliwa't-kanan nagbabakasakaling may ibang tao. 

Siya lang naman ang tao diyan kasi lahat ay nando'n malapit sa mini gym nanunood sa sunog. Secured na rin naman ang place diyan kasi kasali ang sunog sa plano namin. Sina Kern ang may gawa n'on.

"Ano bang larawan 'yan?"

"Kim's secret," sagot ko habang nakatingin pa rin sa video.

Lumakas ang tibok ng puso ko sa excitement nang kinuha niya ang letter at binasa. Maya-maya inamoy niya ang letter.

"Three... two... one..." bilang ko. Pagkatapos n'on ay nawalan ito nang malay na ikinagulat ng kasama ko.

"What happened?"

"Kailangan kong umalis!" paalam ko sa kanila tsaka inagaw ang tablet. "Kayo na muna bahala ni Kite!" Kinuha ko ang earpiece sa bulsa ko at sinuot iyon. 

"Pupunta na ako do'n!" sabi ko kay Ethird. Naka-connect kasi ito sa kanya lang.

"Py!"

Tatakbo na sana ako paalis nang mahigpit na hinawakan ni Ex ang braso ko. Hinila niya ako para iharap sa kanya. Tumambad sa akin ang napaka-seryoso niyang mukha, mukhang papatayin pa ako sa mga matutulis niyang titig.

"I won't let go if you won't explain!"

"Mamaya na ako..."

"NOW OR NEVER LAVANDEIR!"

Hindi lang ako ang napanganga nang bigla siyang sumigaw sa akin. Pati na rin sina Natsy ay nagulat sa sigaw niya. Siya kasi ang pinaka-composed dito pero nagawa niyang sumigaw sa galit. Ramdam ko rin ang napakahigpit niyang hawak sa braso ko.

Hindi pa rin tumigil ang paglakas ng tibok ng puso ko sa gulat dahil sa sigaw na 'yon. Ilang segundo lang ay binitawan niya ako tas nag-crossed arms.

"... or else I will ruin your goddamn plan woman," malamig at may diin niyang sabi sa akin.

...