Chapter 57: Kernel!
Lavandeir's POV
Pagkatapos ng libing ni Casey, sinundo ako nina Kern papuntang main base sa Ohio. Sumama ako sa kanila nang hindi nagtanong kung bakit kami pupunta doon at kung anong gagawin namin. Gusto ko lang umalis sa lugar na 'to.
Ito na rin ang huling araw na kaya nila akong bully-hin. 'Di na ako takot ipakita ang kaya kong gawin. Aalis muna ako... at sa araw na babalik ako, hindi ko na sila hahayaang gawin ang gusto nila.
"Naalala mo bang dito tayo unang nagkakilala?"
Wala akong ganang pansinin si Kern habang naglalakad kami sa hallway ng mga guest room, kung saan kami nag-stay noon. Kanina pa siya nakikipag-usap sa akin pero ni isang salita wala akong binanggit. Naririnig ko siya pero parang 'di ko maintindihan ang sinasabi niya.
Sinalubong kami nina kuya Hero at ate Violy tsaka sinamahan kami papunta sa main office ni Mr. Jackson. Dito ko rin siya unang nakilala, walang kaalam-alam na ama pala siya ni Ex.
Pagpasok namin sa loob, may isang lalaking nakaupo sa mahabang couch at nakatalikod siya sa gawi namin. Kaharap niya sina lolo at master. Tumayo naman si lolo at agad akong niyakap. "Na-miss kita apo!"
"You're here! That's good! Someone's waiting for you," napatingin ako kay master at sa taong sinasabi niya.
Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin. Nang makita ko kung sino siya, 'di ko mapigilang magulat nang mapagtanto kong tama nga ang kutob ko. Siya nga 'yong sinasabi ni Kern noon na isang taga-Yumi. Kilala ko siya kasi minsan na niya akong tinulungan.
"He's Liander Jackson, your father."
Hindi ko magawang makapagsalita, parang hindi rin ako makagalaw. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at walang ibang ginawa kundi iniisip n'ong time na una ko siyang nakita. N'ong tinulungan niya kami at pinatay niya si Madrid Sui na nagtawag sa kanyang traydor.
Nakalimutan ko ang rason kung bakit pinapunta sina ate Violy rito, siya nga pala ang dahilan. Sinabi pala noon ni Kern ito pero nawala sa isipan ko kasi sobrang occupied ako sa nangyari kay Casey... Tas ngayon naalala ko na naman siya.
"Sweety..." nabalik ako sa realidad nang tinawag niya ako. Kanina ko pa pala siya tinitigan.
...
Binigyan nila kami ng quality time ng papa ko. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na magkaroon ng ama. Ilang days na akong nandito at palagi siyang nasa tabi ko, na parang inaalagaan nang maigi ang kanyang anak. Kahit gan'on, hindi pa ako komportable sa kanya. Wala kasi akong naalala tungkol sa kanya simula pa n'ong bata pa ako.
Kweninto niya sa 'kin ang tungkol sa kanya at sa mga nangyari sa kanya. Isa nga siya sa high ranker ng Yumi. Simula pa raw noon, gusto na niyang umalis sa grupo dahil sa maling pamamalakad nito pero hindi siya basta-bastang makaalis. Nasa dugo na nila iyon. Ang pamilya niya ay kabilang din sa mga high ranks. Nakilala na niya si mama, sina Master at Mr. Taki n'ong high school sila. Huli na nang malaman nila master na siya pala ay isang kalaban.
Kahit gan'on, tinuring pa rin nila itong kaibigan. Nagkasila ng mama ko at nalaman iyon ng taga-Yumi. Marami ang kanilang pinagdaanan pati na sa kaibigan niya. Kaya pala tinago nina lolo ang identity namin ni kuya para hindi kami ma-trace ng kalaban. Nawalay siya sa amin ng ilang taon dahil sa nangyaring malaking gulo ng Dakumasuta at Yumi. Nagising na lang siya nang wala na siyang maalala, hindi niya alam na nagkasakit pala si mama simula ng gulong iyon.
Marami ang napinsala, lalong-lalo na ang Dakumasuta.
Nang bumalik na ang alala niya, nagtangka siyang tumakas mula sa Yumi pero hindi naging madali. Tiniis niya ang mga parusa ng Yumi sa kanya, at sa ilang taon, nagawa niyang makatakas at hindi na siya muling nakuha ng Yumi. Si lolo ang una niyang nilapitan kaya hindi pa raw alam ni master noon na buhay siya. Kaya pala n'ong first day ng training ko, sinabi ni Master na wala na sa mundong ito ang ama ko.
"My sister is already making her move so you should be careful... She's wicked," babala pa niya sa 'kin.
Kahit 'di ko kilala ang kapatid niya, tumango na lang ako. Wala akong masabi at naiilang pa rin ako sa kanya.
Hindi na rin siya umimik pa at pareho lang kaming nakatingin sa malawak na lupa. Nandito kami sa pinakamataas na floor nitong building. Sa kanya pala ako nagmana, pareho kaming may gusto sa matataas na lugar.
"Whenever I look at you, I can see Ambria's face in you..." Nilingon ko siya. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Nginitian niya ako pero halatang pilit. Kitang-kita ko pa ang lungkot sa kanyang mata. "... I'm missing her... Can I hug you instead sweety?"
Mga ilang segundo pa bago ako tumango sa kanya. Natuwa naman siya at lumapit sa akin para yakapin ako nang mahigpit. Mga ilang minuto niya akong niyakap kaya niyakap ko na rin siya pabalik.
Masarap sa feeling. Parang nakalimutan ko lahat ng problema at mga iniisip ko. Ramdam ko ring iniisip niya si mama habang yakap-yakap ako. Parang iniisip niyang si mama ang kayakap niya ngayon. Nalulungkot ako para sa kanya, para sa kanilang dalawa at para sa pamilya namin... Kasi alam ko, kahit anong gagawin namin, hindi na muling mabubuo ang pamilyang ito.
Humiwalay kami sa isa't-isa at kitang-kita kong satisfied siya sa ginawa niya. Tuwang-tuwa na rin ang mukha niya 'di tulad kanina.
"Si kuya... Kilala ka ba niya?"
"Now you're talking to me..." Ngumiti siya ulit. "Yes. I've been watching you two for years. And since he's smart and clever, he sensed me and he planned to lure me to him... then he caught me."
"K-kailan?"
"Two years ago. He acted as if he's in danger. And as a father I didn't thought anything else but to quickly rescue him."
"Ha? Sabi niya po sa 'kin..."
"I told him to keep it a secret even to your mom. I don't want to bother you and put your life in danger. It's very dangerous that time."
"A-akala ko wala siyang mga alam."
"He may act like he doesn't know something but he actually does. Sometimes he looks so naive but without us knowing it's just a part of his plan to act like that."
"Pero kapag kasama niya po ako, once in a blue moon lang siyang seryoso."
Natawa naman siya ng kunti sa sinabi ko. "I just remember him once using his crewmate just to lure the girl. Her name is... hmm... Natasha? Oh I forgot her name. I knew it 'cause I'm still watching you two."
Nagulat ako sa sinabi niya. Si Natsy?
Ibig sabihin n'ong time na akala ko wala siyang alam na sinusundan at pinagmamasdan siya ni Natsy, ay alam na pala niya? At may ginamit pa pala siyang ibang babae para mahuli lang si Natsy? Hindi ko ma-imagine!
"He might had reasons why he's acting silly in front of you. He just doesn't want to show you his other side... Or he's just naturally like that haha!.. And I love your bonding, you look cute."
Napatango ako sa sinabi niya. Na-miss ko tuloy si kuya. Ano na kayang ginagawa n'on?
Hindi na ako nagsalita pa at tumingin na lang muli sa malawak na lupa. Wala na kasi akong masabi. Sa loob-loob ko, natuwa akong nagpakita siya sa akin at nagpakilala bilang ama. Gumaan kasi ng kunti ang pakiramdam ko.
"I'm also watching you before..." Tiningnan ko siyang muli. Nagtaka pa akong sumeryoso bigla ang mukha niya. "... and that Esh's son that you're attracted to."
Napakurap-kurap ako at napalunok agad ng laway. Kinakabahan ako at hindi alam kung ba't ako nahihiya. Pa'no na lang kung nakita niya ang mga pinaggagawa namin ni Ex?
"M-may sinabi po ba si Master sa 'yo?"
Kinakabahan ako nang sobra. Naikwento ko nga pala kay master ang tungkol do'n sa club. Nasabi ko rin ang part na nagkahalikan kami ng anak niya.
"Of course there was. We're bestfriend and we care about you and his son. But don't worry, we're not against it... Just... Just don't do things hastily. You are still young. Don't let him do things that..."
"Sorry to interrupt your lovely moments but are you looking down at my son L?" pareho kaming napatingin dalawa sa kakarating lang na si Mr. Jackson.
"Shut up Esh! Why don't you stop using my surname? It makes me cringe!"
"L?" tanong ko sa kanila. Naalala ko pa ang letter noon galing kay L, tas binanggit din doon ang totoong pangalan ni Mr. Jackson. Ibig sabihin...
"That's your father's codename... And you're using it now," sagot ni master.
"And please tell your son to don't do the things that only adults and mature people will do, especially to my daughter."
"Why would I? I'm loving it and I'm supporting him. He's cool and they're already adults."
Tiningnan naman ako ni papa at kinunotan ng noo. "I know you and him are not yet dating. If ever that guy will court you, don't accept him."
"You can't teach someone's heart buddy. You're already late. She's now in love with my son. Right?" nakangiting tanong ni master sa akin na mas lalong nagpahiya sa akin. Alam ko namang inaasar lang niya si papa pero nakakahiya!
"Sweety... We have a lot to talk about. You can go down first."
Binigyan naman siya ni Master ng sigarilyo at kinuha niya ito agad. Tumango ako at lumakad paalis. Tumalikod sila at nakaharap sa malawak na lupain. Bago ako tuluyang umalis, narinig ko pang seryoso ang pinag-uusapan nila kumpara kanina.
"What's your plan now?" tanong ni master.
"I'm planning to start a war with them just to protect my family, even if I die. Can't let them take away what's precious in me again."
'Yon lang ang narinig ko kasi parang may code silang sinasabi na sila lang ang nakaintindi. Mukhang na-sense nilang nakikinig ako. Umalis na ako at namalayan ko na lang na tumulong muli ang luha ko.
...
Sa mga natirang araw ko rito, wala akong ibang ginawa kundi ang mag-ensayo. Kailangan handa ako pagbalik ko. Minsan tutulungan ako ni master at papa pero kapag sobrang busy nila, ang members ng Aeon ang tumutulong sa akin.
Tinuruan din ako ni ate Violy pa'no magbihis ng maganda. Pa'no maging elegant, classy at kung pa'no maging attractive.
Gusto kong pagbalik ko sa ECU, hindi na nila makikita pa sa akin ang dating ako. Sinubukan ko silang takutin bilang L pero hindi pa rin sila natakot. Kahit namatay si Casey, hindi pa rin sila natuto. Hindi nila nirerespeto ang kaibigan ko kahit mismo sa libing niya!
Nang makabalik ako, una kong kinuha si Kite. Madali ko lang siyang nakuha dahil tinulungan ako nina Kern tas kilala rin ako ng aso kaya hindi na kami nahirapan pa.
...
Pagpasok ko pa lang sa cafeteria, lahat ng mga mata nila ay nasa akin. Napangiti tuloy ako sa reaction na pinapakita nila nang makita nila ako.
"Your loser is back!"
Lahat sila tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Bigla namang tumahol si Kite sa kanila kaya 'yong iba ay napaatras. Ngayon lang ba sila nakakita ng isang K9?
"See? Totoo ang sinabi kong nakita naming siyang nakipaglaban sa Elites n'ong trip! Look at her now!"
"Really? Ibang-iba siya ngayon! Anong nangyayari?"
"Si loser ba talaga 'yan?"
"She's hot and pretty dude! Damn!"
"Am I dreaming? Can you slap me?"
Hindi ko na pinansin ang mga usap-usapan ng mga estudyante. Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang Elites. Lalong-lalo na si Jax! Nang ilipat ko ang tingin kay Kim, napataas ang kilay ko sa kanya tsaka hindi makapaniwalang natawa.
Nagawa pa pala niyang mam-bully kahit may nakaalam na sa secreto niya? 'Di ba siya natakot na baka sabihin ko sa lahat ang nalalaman ko? Bakit hindi sila tumulad kay Casey? Binago niya ang sarili niya at tinama ang mali. Bakit 'di nila magawa 'yon?
Lalo tuloy akong nagalit nang maalala muli si Casey. Parang gusto ko na rin mamatay agad sila ngayon sa harap ko, kabayaran ng ginawa nila kay Casey at sa akin.
"Lav!"
Tiningnan ko siya. Wala namang ibang tumawag sa 'kin ng gan'on kundi siya lang. Tiningnan ko rin sina Natsy at ang dalawa. Pareho lang silang nagulat at the same pagkagalak.
"So bumalik ka pa?" Walang emosyon kong nilingon si Justine. "May pa entrance-entrance ka pang nalalaman, may pa bago-bago pa! Do you think your presence can affect us?" Tinaasan niya ako ng kilay at lalapit na sana nang tumahol sa kanya si Kite dahilan nang napaatras siya.
Natawa naman ako. "Takot ka pala sa aso? And you even dare bully him?" turo ko sa lalaking binully nila kanina. "Why don't you bully me then? I'm your loser afterall!"
Oo, hinahamon ko siya, sila. No! Hindi na ako takot! Hindi ko na inisip kung anong mangyari sa akin. Ang goal ko lang ay maipaghigante si Casey at gantihan din sila sa lahat ng ginawa nila sa akin.
"And of course, my presence can affect you. Dahil simula ngayon, hindi na matatahimik ang skwelahang ito. It's thrilling right?"
"Oh scary! Nakakatakot ka namang loser ka hahahah!" nang-aasar na sabi ni Mia. Mapakla naman akong natawa.
Tiningnan ko si Kim na walang ibang ginawa kundi ang samaan ako ng tingin.
"Teka ba't si Kim lang ang mukhang na-i-intimidate sa presensya ko?" Tiningnan naman siya ng lahat. Kitang-kita ko ang pagtitimpi niya ng galit dahil sa sinabi ko. "Dahil ba siguro alam ko ang pinakatago-tago niyang secreto? Haha!"
Mabilis niya akong nilapitan para suntukin sa mukha pero nakaiwas ako. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. Ginamit ko rin ang isang kamay para sakalin siya.
"Ilang beses na ba kitang sinakal?"
Sinubukang lumapit ng mga kasama niya pero tinataholan sila ni Kite. Humarang din sina Veign.
Nilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya. "Some shocking news will be announce in three..." Nagpupumiglas siya pero alam kong nagtataka na siya sa pinagsasabi ko. "... two... one...
Bogsh!"
Pagkabitaw ng pagkabitaw ko sa kanya, tumunog ang fire alarm sa buong campus. Nangyari na ito dati, n'ong time na akala nila nasunog ang headquarter ng Elites pero palabas lang pala. Samantala ngayon hindi na headquarter ng Elites at hindi na rin palabas.
"Nasusunog ang mini gym!" sigaw ng isang lalaki. At ang lalaking iyon, walang iba kundi si Ethird na naka-disguise bilang estudyante.
Oo nandito rin sina Marj at Kern. Walang magawa ang tatlo kaya naisipan nilang sabayan ang kabaliwan ko.
Tiningnan ko si Jax na kanina pa nakatitig sa akin. Ako na naman ang nakangisi sa kanya ngayon. Siya na naman ang sobrang seryoso kung makatingin at iniisip kung anong nasa isip ko.
Habang nagsitakbuhan ang ibang estudyante papunta roon. Nilapitan naman ako ni Jax. Tinitigan ko siya nang hindi mawala ang ngisi ko. Ewan! Parang masaya ako na galit. Ang hirap i-explain nang nararamdaman ko ngayon.
"You now have the guts hah?" bulong niya.
"Right, and that's because of people like you! Ginawa n'yo akong ganito!" may diin kong sabi. Muli naman akong ngumiti tsaka tiningnan siya.
Binangga niya ako sa balikat tsaka umalis at sumabay sa mga estudyante papunta sa mini gym. Kailangan siyang pumunta doon. Aasikasuhin pa kasi niya ang paaralan niya.
Sumunod naman si Justine at binangga niya rin ako. Aalis na sana siya nang mahigpit kong hinawakan ang braso niya. 'Di ko naman pinansin ang masama niyang tingin.
"I have something for. If you're curious, find it in your locker."
Nginisihan ko naman siya bago binitawan ang braso niya. Sasampalin na sana niya ako sa galit kaso inunahan ko siya.
"Bitch!" malakas niyang sigaw habang nakahawak sa pisngi niya.
"Ako? No it's you. I'm slapping the bitch in you!"
Ang sarap sa feeling. Nakakagigil!
"Try harder! Elites ka diba? Pero ba't feeling ko 'di mo 'ko kaya?"
'Di ko na napigilan ang tawa ko na mas lalong ikinagalit niya. Kinuyom niya ang kamay niya at pasugod na sumuntok sa akin. Mabilis ko iyong naiwasan tsaka sinipa siya sa tuhod kaya napaatras siya at natumba. Sinipa ko na rin si Mia sa gilid at malakas na sinuntok sa tiyan nang lumapit siya sa akin.
"Wag ka kasing sasali 'pag 'di mo laban!"
"Yong ibang estudyante naman na nandito pa ay nagulat sa kanilang nakita. Nagsimula na naman silang magbulong-bulongan at ang iba ay hindi makapaniwala.
Ganyan nga! Dapat makita nilang ang naghari-harian ng paaralang ito ay kinalaban ng isang sikat na loser! Dapat ding matatak sa isipan nilang hindi na ako ang dating mahinhin na Lavandeir na kaya nilang pagkaisahan at bully-hin.
Lalapitan ko pa sana siya nang may biglang humawak sa kamay ko hinila ako palabas ng cafeteria. Si Ex. Nagtataka ko siyang tiningnan pero 'di man lang niya ako binalingan ng tingin.
"Hurry!" sigaw ni Natasha sa amin. Kasabay na rin namin sina Veign at si Kevin.
*Aw! Aw!*
Tiningnan ko rin si Kite na sumabay sa takbo namin. Hawak-hawak ni Ex ang lace nito.
"Let's escape! They already called a firefighter and there's a possibility that they will investigate the incident!"
"So? Ba't tayo tumatakbo?"
"'Cause I know you did it!"
"Huh? Hindi ako!"
"What?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Tumigil ako sa pagtakbo kaya napatigil siya, pati na sina Natsy.
"But even if! We still need to escape! Elites will think that you're behind this!"
Tinanguan ko siya. "Tara!"
Nakuha ko ang ibig niyang sabihin kaya ako na ang humila sa kanya. Sumunod na rin sina Natsy kahit nagtataka ang mga ito.
Tumatakbo kami papunta sa commerce building. Nadaanan namin ang canteen at nakita ko si Marj na nagbabantay doon bilang cashier at si Kern bilang janitor. Nagtama ang aming tingin ni Marj at palihim akong ngumisi.
Umakyat kami sa rooftop, kung saan dito kami palaging nagkikita ni Casey noon. Binitawan ko na si Ex at pareho kaming hinihingal lahat pagdating namin sa rooftop.
"Dito!" sabi ko sa kanila.
Napakalaki nitong rooftop. As usual wala ring ibang pumupunta rito kundi kami lang ni Casey noon. Pumunta ako sa may gilid at pinakadulong bahagi kung saan dito kami nagkausap ni Casey.
May mga abandonadong upuan rin dito na senet-up namin noon. Tas hindi rin ito nasisinagan masyado ng araw kaya okay lang.
"Dito kami palaging nag-uusap ni Casey noon pa," paliwanag ko sa kanila. Lumapit sa 'kin si Kite kaya tinanggal ko muna ang lace sa kanya.
"Noon pa? Ga'no na ba kayo katagal na magkaibigan?"
"Pagkatapos ng ilang araw na pagbalik ko mula n'ong nawala ako n'ong time na trinaydor ako ni Kim at binully ng Elites."
"That long? How? Pa'no kayo naging magkaibigan? I knew she was a queen bee in your department! I really can't think of a reason why you and her became that close." naguguluhang tanong ni Natsy.
Umupo ako sa isang upuan, gan'on na rin sila. Si Veign naman ay nakasandal lang sa dingding at si Kevin nakaupo sa isang kahoy na box.
Huminga ako ng malalim. Mukhang ngayon na ang oras na sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Casey.
"Binangga niya ako rati. Oo isa siya sa mga nangbu-bully at nang-aasar sa akin noon. Nagalit ako ng sobra kaya sinundan ko siya at humanap ng chance para kausapin siya... Alam ko ang sekreto niya tungkol sa professor na 'yon kasi noon, nakita at narinig ko sila one time. Ginamit ko 'yon pam-blackmail sa kanya."
"My Goodness! So totoo nga ang issue na 'yon about sa prof? At ikaw? Marunong mang-blackmail?" 'di makapaniwalang tanong ni Natsy. Tumango lang ako sa kanya.
"Nagsasabi ka ba ng totoo?" walang ganang tanong ni Kevin. Alam kong nalulungkot pa rin siya sa nangyari kay Casey. Pareho kami.
"Naniniwala ako..." napatingin kaming lahat kay Veign na ngayon lang nagsalita. "Naniniwala ako base na rin sa nangyari sa school trip."
Tiningnan ko lang siya at pilit na nginitian, gan'on din naman ang ginawa niya.
"At siya lang din ang nakakaalam ng sekreto ko noon. Tuwing may gagawin ako, siya ang tumutulong sa akin. Tuwing magpapalusot ako sa inyo, tutulungan niya rin ako."
"OMG! So afterall naging magkasabwat pala kayo? I remember na kapag wala ka, siya ang nagpapaliwanag kung nasaan ka't anong ginagawa mo! That's it! OMG!"
"Nagbago siya dahil sa akin. Alam niyang mahirap ibalik ang tiwala ko sa ibang tao kaya ginawa n-niya lahat para lang pagkatiwalaan ko siya. Tinulungan ko rin siya kaya tinutulungan niya rin ako noon."
Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Nakakalungkot na ang taong pinag-uusapan namin ngayon ay wala na. Ang hirap i-move on lalo na't naging close kami sa isa't-isa.
"What's your secret then?" Tiningnan ko si Veign nang magtanong siya, gan'on din sina Kevin.
Sinulyapan ko naman si Ex na ngayo'y nakatingin lang sa akin. Gusto ko mang sabihin pero parang hindi pa ngayon ang tamang oras.
"HEY!"
Sabay kaming napalingon sa tumawag sa amin. Nang makita kong si Ethird iyon, nanlaki ang aking mata.
'A-anong binabalak niya?'
Maya-maya pa may dumating na isang janitor na si Kern lang naman tas kasama niya si Marj na naka-uniform pa bilang cashier at napaka-simple ng mukha niya. Wala kasi ang makapal niyang make-up.
Napatayo kami nang lumapit sila sa amin. Naging alerto naman sina Ex, Natsy, Veign, Kevin, at pati na rin si Kite ay tumahol na rin.
Bigla akong niyakap ni mais nang napakahigpit sabay sabing, "Lava!!! Na-miss kita! Pakiyakap naman pabalik oh!"
Natawa naman sina Ethird at Marj habang ako ay napanganga. "Ang sarap asarin ng anak ni Master. Ba't 'di mo sinabing nililigawan ka pala ng anak niya! Yiieh ano kayang gagawin ni master sa 'kin. Pft!"
Nang humiwalay siya sa yakap, kinawayan pa niya sina Ex at binati nang magandang tanghali. Dahan-dahan ko silang tiningnan.
Pota! Ayokong i-explain ang reaction nila!
"Argh! Kernel!"