Chapte 14 - PREPARATION
MIRAJANE POV
12:00 pm
Saturday
May 1, 2022
After what happened last night kung saan nagkaroon ng revelation ay mas nagka lakas ng loob si felix sa nararamdaman niya para sa akin.
He ask me last night, if we could have a date. S'yempre sino ba naman ako para tumangii diba? Gusto ko rin naman siya, hindi pa lang talaga ako handa na umamin because i know that love is a commitment to a lot of things.
Gusto ko pa na mas makilala si Felix bago ibigay ang commitment na iyon. Hindi naman siya nagmamadali.
"You are still not preparing?" someone said.
I was surprised when i saw mom standing outside my door. May pasok siya sa hospital sa pagkakaalam ko, 3 am na siya umuwi kanina and bumalik sa hospital ng 7:00 am. Her job is really draining, hindi ako 'yong doctor pero ramdam ko iyo ng pagod niya sa trabaho.
"Mom! What are you doing here?" gulat kong tanong.
"Ahmm, reaching out my baby to support her, on her first ever date?" Mom giggled after saying it.
Sinabi ko na kasi sa kanya iyong nangyari kagabi and tungkol kay felix sa call. Sa sobrang excited ko sabihin sa kanya ay hindi ko na talaga hinintay na makauwi siya, mabuti na lang break time niya noong saktong tumawag ako kaya na sagot niya agad.
"Aaaaaahhhh my heart-" malambing kong sabi.
My mom is the best mom i'll ever had. She tried to do everything, to provide the love i need as a child.
"So, what's your plan?" tanong niya ulit.
"Actually, hinihintay ko lang si Lilia. Sasama raw siya sa akin sa salon, it was her idea tho." sagot ko.
"Great! I'll drive for the both of you" sambit ni mom.
"Paano ang trabaho mo?" I asks.
"Naawa yata ang head doctor namin kaya pinauwi ako para magpahinga dahil ilang araw na raw akong na ka duty" she respond.
Pinatalikod niya ako at sinuklay ang buhok ko. This is nostalgic, i missed the time where she always go with me at school since hindi ko pa kaya mag-isa.
Why adulting looks like a step of separation from our parents and everyone? Kapag tumatanda tayo everyone seems so distant. Ang hirap.
"Magpahinga na lang po kayo dito mom" sambit ko.
Hinarap naman niya ako agad sa kanya at tinignan ng may pagtatampong tingin.
"Ayaw mo ba ako makasama?" she asks.
I hold her hand and smile at her.
"I just want you to rest when someone said you must do it. Ayokong nakikita na wala kang pahinga kasi nasasaktan ako" I explained.
Bumuntong-hininga naman si mommy. Pagkatapos ay tumango at ngumiti.
"Sabagay, big girl ka na nga pala" she chuckled.
"I'm a grown woman now" pagta-tama ko.
Itinaas naman niya ang kamay parang sinasabi na sumusuko na siya. Pagkatapos ay tumayo sabay halik sa noo ko.
"Goodluck sa date mo. Don't go home late" paalala niya sa akin.
Ngumiti ako at tumango. She wave her hand then pumasok na sa sarili niyang room para magpahinga.
My phone beep after, agad ko itong tinignan and saw a text from lilia. Nandiyan na raw siya sa labas ng bahay, pinapa baba na ako.
Sinuot ko 'yong sling bag ko na may lamang wallet, salamin, pulbo at lipstick. Emergency kit naming mga babae, h'wag na magtaka. Inayos ko rin
'yong pagkaka bun ng buhok ko at bumaba na.
"San tayo?" bungad ko kay Lilia pagpasok sa kotse niya habang inaayos ang seatbelt ko.
"Sa mall s'yempre" sagot niya.
"May alam kang good salon?" I asks.
She rolled her eyes at nag-umpisa ng pa andarin ang sasakyan ng makaalis na kami.
"I'm a model, Mira" she respond.
Tumango-tango ako ng ma-realize na, oo nga pala model siya malamang marami siyang alam na salon at kung ano pa na basta pan-pa ganda.
Hindi naman naging matagal ang biyahe dahil malapit lang 'yong mall na sinasabi ni Mira. One thing na maganda sa location ng bahay namin ay malapit sa mga ganito, kahit palengke at park.
Sumusunod lang ako kay Lilia hanggang sa maka pasok kami sa salon na sinasabi niya. It looks expensive, wala naman akong problema sa pera actually lalo na at may 5k pa ako galing sa pageant and mom gave me her black card.
"It's been a while, Ms. Lili" bati sa kanya ng isang babae.
"Yeah" sagot nito.
Lumapit 'yong babae at nakipag beso sa kanya. Humarap ito sa akin after at nakipag shake hands, tinanggap ko naman ito at ngumiti.
"I want you to curl her hair, iyong gaya kay Katherine Bernardo sa palabas na Barcelona" Lilia said.
Pumalakpak naman sa excitement 'yong babae at pina-upo na kami. Kinalabit ko naman agad si Lilia
"Sigurado ka bang bagay sa akin yon?" tanong ko.
"Trust me" sagot niya sabay kindat.
Okay. Sabi niya e sabagay hindi naman hahayaan ng best friend ko na mag muhkang chaka sa unang date ko.
Hindi naman halata na mabait ako ano? 20 na pero ngayon pa lang magkakaroon ng date. Ngiii!
"And please make her make up looks fierce" Lilia said.
"Masyadong soft ang muhka ng frenny ko na yan. It's time to try some new look on her" dugtong niya pa.
Tumango naman iyong babae na ang pangalan pala ay Miss Vienna at sinabihan ang mga employees niya na ayusin ang trabaho at hindi p'wede na magkamali dahil high profile ang customer.
"High profile talaga?" tumatawang sabi ni Lilia.
"Hindi ba?" sagot naman ni vienna.
Nagkibit-balikat naman si Lilia and tumawa ng bahagya, feel na feel ang pagiging high profile niya kuno.
My phone beep and saw that felix texted me.
Felix :
Let's meet at Namsan Bar Resto in Quezon City
( Namsan Bar Resto is inspired from the highest tower in korea which is called Namsan tower)
This bar was at the top of a ball hotel which makes it more looks expensive. First date ito kaya hindi ko kailangan maistress sa bayarin, since felix will be the to pay at siya ang pumili ng lugar.
I didn't even notice na naka ngiti na naman pala ako, bumalik ako sa realidad ng kunin ni lilia ang phone ko.
After basahin ang text ni felix at mapang-asar niya akong tinignan.
"Kaya pala ngumiti, si felix pala ang nagtext" sambit niya pa.
Binawi ko naman ang phone ko at nag reply kay felix ng "noted" bago itinabi ulit ang phone ko.
"Infairness ah, sosyal 'yong place" Lilia said.
"Yayamanin rin pala" dugtong niya pa.
I chuckled because of that.