CHAPTER 9

CELINE

Masayang naglalakad ako habang nakasunod si Arkin sa akin, alam ko naman hindi siya tatangi sa alok ko at tinaasan ko ang bayad sa kanya para wala na siyang dahilan pang tumanggi.

Simula ng ipakita sa akin ni Lesly ang stolen picture ni Arkin, hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman na gusto kong makita na siya agad ng personal. Kasalukuyang wala ako sa mood ng araw na ipakita sa akin ni Lesly ang picture ni, Arkin.

"Hey, come on. Look at this, I'm sure na matitipuhan mo siya dahil kung hindi sa akin na lang."

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko na ipakita niya sa akin ang sinasabi niya, marami ng nireto sa akin si Lesly pero wala akong nagustuhan dahil nag-iisang lalaki lang ang kinababaliwan ko at hindi ko matanggap na bukod tangi lang ang lalaki na 'yon ang hindi ko makuha.

"Kita mo ba? Ang perpekto ng katawan niya, malapad ang balikat. Mapang-akit na mata, may katangusan na ilong at napakagwapo niya."

Titig na titig ako sa picture ng lalaki at tama ang lahat ng pagkaka-discribe ni Lesly dito sa lalaki.

"So, what now? Dalhin ko na ba siya sa'yo?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Ok, siguro gagawin ko siyang bodyguard ko. Nasabi mo sa akin na mukhang galing siya ng probinsiya kasama ang kinakasama nitong babae, so meaning wala siyang trabaho." Seryosong sabi ko.

"Tama ka at mukhang bagay sa kanya ang bodyguard mo with another side line." Malokong turan nito.

Napangiti lang ako at ewan ko ba pero may damdamin akong excited akong makita ng personal si, Arkin.

"Ok, I will do anything para mapapayag ko siya." Sabi ni Lesly.

"How about his girl?" Maya'y tanong ko dahil nga nakuwento niya sa akin na may kinakasama si Arkin.

"Forget about that girl, kailangan mong ipakita diyan kay Seth na maaari kang makakita ng mas higit sa kanya, hindi man sa antas ng katayuan pero sa taglay na kakisigang taglay." Natatawang sabi pa nito.

"Fine," walang ganang sagot ko pero deep inside, I want Seth.

"Ok, see you na." Paalam na nito sa akin.

Tahimik na nag-iisip lang ako at pumasok sa isip ko ang mukha ni Seth, ang magadang hubog ng katawan nito at nakakabaliw na tingin, ang labi nito na akala mo ay lagi kang inaanyaya.

F*ck Seth!

"Good evening ma'am."

Natigilan ako at nagising sa malalim na pag-iisip at pagbalik sa nangyari, narito na pala ako sa ibang mga tauhan ko kung saan mga nagti-training sila, sa paggamit ng baril at martial arts.

"Raffy, gusto kong ituro mo lahat kay Arkin ang lahat ng nalalaman mo, siguraduhin mo na may matutunan siya." Utos ko dito kay Raffy, siya ang isa sa inaasahan kong tao dito at nagbabantay sa mga tauhan ko sa bawat galaw nila.

Hinarap ko naman si Arkin na hanggang ngayon ay tahimik lang at hindi nagsasalita.

"Arkin, siya ang magtuturo sa'yo si, Raffy." Baling ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at tumalikod na ako.

"Pagtapos mo diyan maaari ka ng umuwi, ibibigay sa'yo ni Lesly ang schedule ng pasok mo." Huling sanabi ko at iniwan ko na si Arkin.

Nakangiting naglalakad ako pabalik ng opisina ko, sariling opisina at sa akin itong negosyo na ito na minana ko pa sa aking yumaong ama. Hindi man ito ang gusto ko ay tinangap ko ito dahil na rin kay, Seth.

Dahil dito ko lang siya makikita sa ganitong klaseng lugar at nakakasalamuha, isang beses na nagkita kami ni Seth ay may nangyari agad sa amin at hindi ko yun nakalimutan at akala ko masusundan pa yon sa muling pagkikita namin pero nagkamali ako, dahil para sa kanya isang gabi lang ay sapat na para sa bawat babae at hindi na ulit yun mauulit. Kahit naghubad na ako sa harapan niya ay hindi na talaga niya ako ginalaw at yun ang matinding kinasasama ng loob ko.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko pa nakaupo si Lesly sa sopa habang may hawak na baso na may lamang alak. Nakapagpalit rin na ito ng damit at nakahanda ng umuwi, si Lesly ang matalik kong kaibigan dito sa negosyo ko na ito.

"So, anong masasabi mo sa kanya?" tanong nito sa akin at sinalinan ako ng alak sa isa pang baso.

"Si Arkin?" sagot ko at tumango siya.

"Well, gwapo siya at mas lalo pa siyang gagwapo sa mga darating na araw, bihihisan ko siya at itatapat kay Seth." seyosong sagot ko.

"Hindi na talaga ako magtataka kung bakit pati ikaw ay nababaliw sa lalaki na yan, come on tell me. Gaano ba siya kagaling humalik at pumatong? kasi sa bukod sa gawpo naman talaga siya at talagang marami siyang mabibihag na mga mata, wala akong sa performance niya." natatawang sabi nito at binato ko siya ng unan.

"Gaga, pero kung sa performance talagang magaling siya." mahinang sagot ko at naalala ang ilang pangyayari sa amin ni, Seth.

"Okey, hindi ko na siya papangarapin pa baka mabaliw rin ako." natatawang muli sabi nito. "Pero si Arkin, mukhang masarap din siya. Alam mo na kuwento mo sa akin kapag may nangyari na." malokong sabi nito.

"Sana lang kasing galing niya si, Seth." sagot ko.

"Ok, uuwi na ako at kanina pa ako inaantok." paalam na nito at tumayo.

"Mag-iingat ka." sabi ko at humalik siya sa pisngi ko. "Wait," pahabol ko at nahinto siya sa paglabas.

"What?" takang tanong niya.

"Gusto kong alamin mo ang totoong relasyon ni Arkin at yung babae, gusto ko rin malaman ang detalye tungkol sa babae." seryoso na sabi ko at tumango siya, lumabas na ito ng tuluyan at naiwan na akong mag-isa dito.