CHAPTER 10
LARA
Nagising ako na may humihimas sa buhok ko at napatayo ako ng makita si Arkin, nakangiti siya sa akin.
"Nandiyan ka na pala, sandali nagugutom ka na ba?" nag-aalala kong natanong at napansin ko na maliwanag na dahil sa bintana ang ibig sabihin lang ay umaga na pala.
"Ayos lang ako hinihintay talaga kitang magising, pasensya na pala kung hindi ako nakatawag o nakapag-message man lang." sabi nito at tiningnan ko siya ng maigi para bang sobrang pagod na pagod siya.
"Okey lang ako, sandali anong balita sa pinuntahan mo?" tanong ko rito at nagtungo ako sa lababo para magmumog.
"Tanggap na ako."
Napalingon ako sa kanya at napangiti pero napansin ko na seryoso siyang nag-iisip.
"May problema ba?" nag-aalala ko na tanong at napaangat ang mukha niya sa akin at nagulat ako ng bigla niya akong hatakin at yakapin. Napapangiti naman ako dahil sa ginawa niya. "Bakit ba?" natatawang sabi ko.
"Na-miss lang kita." seryoso ang mukhang sabi niya ng maghiwalay na kami.
"Akala ko pa naman kung ano na, halika at magkape tayo. Ikuwento mo sa akin kung anong nangyari doon sa pinuntahan mo." masayang hawak ko sa braso niya, nagtimpla ako ng kape namin pareho.
"Helper ako doon, maganda naman ang sahod at may o. t. Makakaipon na tayo no'n para sa kasal natin." simulang sabi niya.
"Helper?" wika ko.
"Oo helper, magbubuhat ng mga kung anu-ano." sabi niya.
"Aa... kaya mo ba? Baka mahirapan ka." nag-aalala na sabi ko kahit alam ko naman na sanay siya sa buhatan.
"Okey lang, kilala mo naman ako wala akong sinusukuan na trabaho at kahit ikaw hindi ko sinukuan."
Napalingon ako sa kanya at napangiti kasunod ng pagdampi ng labi niya sa akin.
"Kailan ang start mo?" tanong ko pa habang humihigop ng kape.
"Mamayang gabi." sagot nito.
"Aa, panggabi ka?" sabi ko pa.
"May iba rin siguro, depende sa ibibigay na schedule sa akin." muling sabi niya.
"Okey naman, basta mag-iingat ka lagi sa trabaho mo." nakangiting sabi ko at tinunguan niya ako, tahimik na kami ulit pero ako ewan ko ba bakit may kung ano akong nararamdaman sa sinabi ni Arkin, pero pilit na inaalis ko na lang yun sa isip ko dahil may tiwala ako sa kanya.
_____
Hapon at naisipan namin pumunta kila Caloy, kakagising lang ni Arkin at naisip nga nito na magpunta kami doon dahil maaga pa naman daw. Paglabas namin dalawa ay natawan namin ulit ang grupo ng mga lalaki na nag-iinuman noong una namin na dating dito, mga nakatingin sila sa amin.
"Bili mo na ako ng isang sigarilyo." maya'y sabi ni Arkin.
Tumango ako at naglakad na kami papunta ni Arkin sa tindahan kung saan naroon sa tapat ng tindahan may mga nag-iinuman. Nagsisigarilyo si Arkin pero paisa-isa lang at hindi siya nagsisigarilyo ng marami, naghihintay lang ako habang bumili si Arkin.
"Boss oh," alok ng isang lalaki ng sigarilyo nito kay Arkin na may sindi at inabot iyon ni Arkin, sininidahan ang sigarilyo na binili niya.
"Salamat," pasasalamat ni, Arkin.
"Mukhang bagong salta lang kayo dito." sabi ng isa pang lalaki na may kulay ang buhok.
"Oo, wala pa kaming isang linggo ng asawa ako." akbay sa akin ni Arkin. "Sige alis na kami salamat sa pasindi." paalam na ni, Arkin.
"Shot ka muna boss." Pahabol pa ng mga lalaki pero tinaas lang ni Arkin kamay.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa bahay nila Caloy na hindi naman ganun kalayo dito. Inubos lang ni Arkin ang sigarilyo at nagtuloy na kami sa loob.
"Lara, Arkin. Kayo pala, napasyal kayo?" Masayang bati sa amin ni Mary.
"Okey naman kami, kayo ba?" Nakangiting tanong ko at lumabas mula sa silid si Caloy.
"Pare, ikaw pala." Bati ni Caloy kay Arkin at tinanguan ako. "Maupo muna kayo, kamusta ang buhay nama? Ako ito kakauwi ko lang, ano nga pala nangyari sa pinuntahan mo?" Tanong ni Caloy.
"Lara, halika tulungan mo maghanda ng meryenda natin." Aya sa akin ni Mary, nagpaalam lang ako kay Arkin at hindi ko na narinig ang sinagot niya sa tanong ni, Caloy.
Pasilip-silip naman ako sa kanila habang tumutulong ako sa paglalagay ng mga baso. Napansin ko kasi na parang seryoso ang pinag-uusapan nila.
"Sakto ang punta niyo nagluto ako ng maruya."
"Nako, paborito 'yan ni Arkin." Masayang sabi ko ng ilapag ni Mary ang maruya na nasa malaking plato.
"Si Caloy rin, paborito ito at ng mga bata." Nakangiting sabi ri ni, Mary. "Tara at dalhin na natin ito sa kanila, mabuti at may coke pa pala ako dito sa ref." Sabi pang muli niya.
Tumango ako at dinala na namin ang mga pagkain sa kanila, ngumiti sa akin si Arkin pagkakita sa akin at umayos ito ng upo.
"Mamaya pala start na ng pasok mo, okey na yan ingat na lang sa trabaho." sabi ni Caloy.
"Oo naman, salamat." sagot naman ni Arkin.
"Mabuti at may trabaho ka na? Maganda 'yan hindi na kayo mahihirapan." Nakangiting sabi ni, Mary.
"Tama ka, mabuti nga at mabait 'yung kapitbahay namin na si Lesly, tinulungan niyang makakita ng trabaho si, Arkin." Masayang kuwento ko at napansin ko na parehong mga natigilan sila at nagkatinginan si Caloy at Mary.
"Aa... Tama na 'yang usapan na 'yan. Mabuti pa kumain na tayo kasi habang mainit pa itong meryenda natin." nakangiting sabi agad ni, Mary.
Napatango ako at ngumiti, kinuhaan ako ni Arkin ng isang maruya at nagsalin siya ng coke sa baso. May kung ano sa dibdib ko at hindi ko maipaliwanag kung ano, pero binalewala ko na lang 'yun dahil wala namang problema.