CHAPTER 8
ARKIN
Wala akong ginawa kung hindi ang magtanong kung saan papunta ang lugar na nasa cellphone na binigay na address sa akin ni Lesly, hindi naman ako nahirapan dahil hindi ako nahihiyang magtanong-tanong. Dahil sabi sa akin noon ni Roger, kapag nasa Manila huwag raw mahihiyang magtanong sa mga tao kung hindi alam ang pupuntahan.
Nakababa na ako ng tricycle na sinakyan ko at nilingon ko ang paligid, may ilang tao akong nakikita na naglalakad sa mga gilid. Hinanap ko ang iskinita na sinabi ni Lesly na short cut para makita ako ang pinagtatrabahuhan niya, panay ang lingon ko sa paligid hanggang sa muling tumunog ang cellphone ko.
"Hello." sagot agad at si Lesly ang tumatawag sa akin.
"Arkin, nasaan ka na?" tanong nito.
"Nakababa na ako ng tricycle, hinahanap ko ang iskinita na sinasabi mo." sagot ko at muling napalingon sa paligid, may nakita akong lalaki na nakasumbrero at mukhang papalapit siya sa akin.
"Ganun ba, may nakita ka ba na lalaki diyan na nakasumbrero?"
"Ikaw ba si, Arkin?"
Natigilan ako at hindi nakapagsalita, at hindi ko na rin nasagot si Lesly, mukhang ito ang sinasabi niya na lalaking nakasumbrero.
"Ako nga." sagot ko dito.
"Sumunod ka sa akin." sabi lang nito at tinalikuran na ako, nagtataka man dahil sa insal ng lalaki ay binalewala ko na lang 'yon.
"Lesly, okey na papunta na ako diyan." sagot ko kay Lesly dahil sigurado ako na kanina pa siya naghihintay sa sasabihin ko.
"Ok, hintayin kita dito." sagot pa ni Lesly at nawala na ito sa kabilang linya.
Habang nakasunod ako sa lalaki panay ang lingon ko sa dinaraanan namin at nagtataka ako dahil walang katao-tao at medyo madilim, may isang iskinita kami ulit na pinasukan. Muli ko naman naalala ang napag-usapa namin kanina ni Lesly, una ay hindi talaga ako makapaniwala na aalukin niya ako ng trabaho. Ngunit tumangi ako dahil kahit hindi niya sinabi kung saan siya nagtatatrabaho ay alam ko na, pero sinabi niya na iba ang magiging trabaho ko at natatawa pa siya no'n na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Nandito na tayo."
Napahinto ako sa paglalakad at natingin sa paligid dahil hindi na ganun kadilim dito at puro sasakyan na mamahalin ang nandito, may ilang bagong dating na mga kotse. Pagtingin ko sa harapan may mataas na building. Sa ibaba ay nababalutan ng itim na salamin ang mga pader, pati ang pinto ay kulay itim na yari rin sa salamin.
"Arkin!"
Nakita ko agad si Lesly at bahagyang natigilan ako dahil sa ayos ni Lesly at kahit may patong ang katawan niya na parang yari sa balat ng hayop na pangginaw ay kitang-kita ko ang seksi na katawan nito dahil sa suot nitong dalawang manipis na kasuotan.
"Tara na sa loob."
Aya nito sa akin at hinawakan ako sa braso, bahagyang nailang pa ako dahil sa pagkakadikit ng balat namin, hanggang sa pumasok kami sa babasagin na pintuan na kulay itim at may humarang agad sa amin na tatlong lalaki na parehong malalaki ang katawan.
"It's okey, bisita siya ni boss." nakangiting sabi ni Lesly at umalis ang tatlo sa harapan namin.
Lihim na nakamasid ako sa bawat dinaraanan namin at naisip ko na sa labas ay hindi mo iisiipin na club ito dahil sa labas ay para lang itong building company. Ngunit iba pala sa loob at dito na ako nakarinig ng mga ingay at tili ng mga babae, dumilim na sa loob at ilag patay sindi na ilaw lang ang nagsisilbing ilaw sa loob. Nadaanan nami ang lamesa na may mga katabi ang bawat lalaki ng mga sexy na babae, ang iba ay mga nakakandong at halos ang iba ay wala ng saplot sa katawan.
"Ayos ka lang ba?"
Napalingon ako kay Lesly at nakahinga ako ng mabuti ng bumitaw na siya sa braso ko.
"Oo ayos lang ako." sagot ko lang.
"Masasanay ka rin na makita sila, halika."
Napatango sa kanya at biglang may bumukas sa harap namin niyaya niya ako sa loob at pagpasok namin sa loob ay muling nagsara yon, nagtataka na napatingin ako mula sa itaas sa ibab, pati ang mga gilid na may mga number. Gamit ang hintuturo ni Lesly ay pinindot niya ang numero na six.
"Ngayon ka lang ba nakasakay sa elevator?"
Napalingon ako kay Lesly at nahihiyang tumango, dahil ngayon ko lang nalaman ito, at ngayon lang rin ako nakapasok dito sa elevator na tinatawag.
"Ayos lang yan atleast na-experience mo na." natatawang sabi niya sa akin.
Napangiti na lang rin ako hanggang sa bumukas na muli ito at lumabas na kami at muling nalakad. Muli ko pang sinulyapan ang elevator na maaari pa lang magdala sa'yo sa mabilis na paraan.
"Pasok ka na, good luck."
Tiningnan ko si Lesly ng buksan niya ang silver na pinto, nagtataka man ako pero ngumiti ako at tumango.
Dahan-dahan na pumasok ako sa loob at aaminin ko bigla akong kinabahan na makaharap ang boss ni Lesly, alam kong lalaki 'yon pero nandoon pa rin ang kaba ko. Sana'y magustuhan ako at mabigyan ng trabaho, kahit mahirap na trabaho tatanggapin ko.
Pagpasok ko sa loob, malinis 'yon at masasabi ko na tulad ito sa nakikita ko sa loob ng mga opisina ng city Hall sa probinsiya namin. Mas maganda lang ito dahil karamihan ang mga gamit na narito ay mukhang mamahalin, babasagin ang bintana na may maputing kurtina. Sa pinagitna ay may lamesa na babasagin rin at natigilan ako doon sa upuan na nakatalikod sa akin.
"Bakit hindi ka maupo?"
Bahagyang nagulat pa ako sa biglang nagsalita at hindi ko inaasahan na boses babae ang maririnig ko. Hanggang sa umikot ang itim na upuan paharap sa akin, mapulang labi at matangos na ilong.
Medyo kulot ang buhok nito na lagpas sa balikat niya at ang pagkakaupo nito na kitang-kita ko ang mapuputing hita niya. Pati ang kasuotan nito at kahit may patong siyang pang-ibabaw ay mababa naman sa dibdib nito ang pang-ilalim kaya lumitaw ang kalahating dibdib niya.
"So, Arkin. Tama ba?"
Napagalaw ang balikat ko dahil sa pagsambit niya sa pangalan ko.
"O-Opo, ako nga." Sagot ko.
Tinitigan niya ako at pinasadahan ang kabuan ko.
"Well, okey naman. Mas magiging okey ka pagdating sa mga susunod na araw. "
Naguguluhan na nakatingin lang ako dito sa babae dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ko.
"Maaari po ba akong magtanong?" Lakas loob na sabi ko dahil gusto kong malinawan.
"Yeah, sure." Sagot nito at tumayo at nagmukha itong matangkad dahil sa mataas na suot na sandals.
"Medyo naguguluhan ako, ano po ba ang ibibigay niyo na trabaho sa akin at tanggap na po ba ako?" Pagkaklaro ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at medyo malapit siya kaya mas malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Mayamaya'y ngumiti siya sa akin at lumitaw ang pantay-pantay na maputing ngipin niya.
"Tanggap ka na, bilang bodyguard ko. And one more thing, stop saying po okey? Sa tingin ko naman hindi nagkakalayo ang edad natin. Come on, sumunod ka sa akin."
Napagalaw ang paa ko at sumunod sa kanya pero nasa isip ko ang sinabi nito at hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang bodyguard niya ako. Dahil wala akong karanasan sa pagiging ganun, baka nagkakamali siya ng akala sa akin.
"Ma'am, hindi ko matatanggap ang trabaho na ito. Nagkakamali kayo, wala akong eksperyens sa ganitong trabaho." Paliwanag ko habang nakasunod sa kanya.
"Yeah, I know. Kaya nga patuturuan kita, tatanggihan mo?" Humarap ito sa akin at titig na titig. "One hundred thousand a month, deal?"
Natigilan ako dahil sa presyo na sinabi niya at hindi ako makapaniwala na ganun kalaki ang sasahurin ko kada buwan. Pero totoo nga kaya? Dahil kung totoo 'yun ay mabilis na makakaipon kami ni Lara para sa pagpapakasal namin.
"Tinatanggap ako." Buo ang loob na sagot ko at desidido akong matuto, dahil hindi ko na ito palalagpasin pa.
"Ok, tama ang pasya mo." Nakangiting sabi nito sa akin.
Mulint naglakad na kami at naalala ko agad si Lara, kailangan ko siyang i-message upang ibalita ang magandang nangyari ngayon. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko at balak ko ng mag-type ng humarap itong boss ko na hindi ko pa alam ang pangalan.
"My rules, kapag nasa trabaho ka, lalo pa at kasama mo ako. Ayokong makikita ka na hawak ang cellphone mo, nagkakaintindihan ba tayo?"
Marahan na napatango ako at binalik ang cellphone sa bulsa, siguro mamaya ko na lang babalitaan si Lara, pero alam kong nag-aalala na 'yun sa akin. Ipapaliwanag ko na lang sa kanya pag-uwi ko.