CHAPTER 7

LARA

"Lara!" tawag sa akin ni Arkin ng makita niya ako, nakangiti naman sa akin si Lesly.

"Sige Arkin, kapag gusto mo magsabi ka lang sa akin." sabi pa ni Lesly at tinunguan ako at naglakad papunta sa bahay niy at pumasok na sa loob.

"Ang bilis mo ata? Anong nangyari sa pinuntahan mo?" excited na tanong ko at inabot niya ang mga dala ko at pumasok na kami sa loob.

"Okey naman ang kaso kailangan ng kumpleto na requirements." sagot niya.

"aa... ganun ba? Paano gagawin natin? wala ka naman dalang mga requirements." sabi ko habang magkatabi kami sa upuan ni Arkin.

"Kailangan kong kumuha ng mga requirements bago ako makapasok doo." malungkot na sagot nito.

"Ganun ba? kumuha ka na lang, magkano kaya magagastos?" seryosong tanong ko.

"Hindi ko lang alam, pero iniisip ko ang sinabi ni Lesly."

Nilingon ko siya at naalala na nag-uusap sila kanina pagdating ko.

"Bakit anong sinabi niya?" tanong ko.

"Kanina kasi nakita niya ako pag-uwi ko, tapos binati nga niya at nasabi ko na naghahanap ako ng trabaho. Ayun, may inalok siya sa akin at hindi na raw kailangan ng requirements." kuwento niya.

"Talaga? ano raw ang trabaho?" nakangiting tanong ko.

"Hindi ko pa alam malalaman ko raw kapag sumama ako sa kanya sa trabaho niya," pagpapatuloy niya.

"Aa, sa trabaho niya. Bakit hindi mo subukan? malay mo okey naman doon?" nakangiting sabi ko.

"Payag ka ba?" tanong niya sa akin at napangiti ako.

"Oo naman, sige na sumama ka sa kanya para malaman mo at kung sakaling hindi mo naman gusto, maghanap ka na lang ulit ng iba." paliwanag ko at napatango-tango si Arkin, hinagkan niya naman ako sa labi.

"Mabuti pa ako na ang magluluto, diyan ka lang alam kong napagod kanina kaya ako ng bahala." napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Siguradao ka ba?" natatawang sabi ko at tumango lang siya at nagsimula ng maghiwa ng mga gulay, pang-sinigang na baboy ang binili ko pero konti lang yun yung kasya sa aming dalawa. Nakangiting pinagmamasdan ko lang si Arkin habang nag-aasikaso.

-------

"Ang sarap, marunong ka talagang magluto?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya kasi ang sarap ng pagkakaluto niya, sakto lang ang asim at ang mga gulay hindi ganun kalambot. Hindi ko pa siya nakikitang nagluluto o nakakatikim ng niluto niya.

"Hindi naman masiyado." Nakangiti at nakakalokong sagot niya.

Napapailing na napapangiti na lang ako sa sagot niya, nilagyan niya ako ng ulam sa plato ko.

"Oo nga pala may regalo ako sa'yo."

Nakangiting nagtataka ako kung bakit siya may regalo sa akin dahil hindi ko pa naman kaarawan.

"Regalo? Bakit?" Nangingiting sabi ko at tumayo ito, lumapit sa upuan at binuksan ang bag na dala nito kanina.

Nilapag nito sa lamesa malapit sa akin at ng makita ko 'yon hindi ako makapaniwala dahil cellphone 'yon at touch screen.

"Ang totoo niyan dalawa 'yan, tag-isa tayo. Gusto ko kasing may kuntak tayong dalawa kapag hindi tayo magkasama."

Nakangiting binuksan ko ang takip at masayang tiningnan ko siya dahil ngayon lang ako nagkaroon ng sariling cellphone.

"Salamat, pero baka maubos na ang pera?" Nag-aalalang sabi ko.

"Mayroon pa naman, saka importante rin kasi ang cellphone sa atin. Saka magtatrabaho ako agad para makaipon ulit tayo." Nakangiting sabi niya at hinagkan ako sa noo, tumango at muli kong sinulyapan ang cellphone.

"Ngayon lang ako nakahawak nito, Arkin. Salamat," naiiyak na sabi ko.

"Bawal umiyak nasa harap tayo ng pagkain." Pangloloko niya sa akin kaya natawa ako at pinahiran ko ang luha ko.

"Huwag ka ng mag-isip ng kahit na ano pa, basta gagawin ko ang lahat para sa atin." Seryosong sabi niya.

"Oo, Arkin." Sagot ko.

Muli ay kumain na kami at masayang kinalkal ko ang cellphone at nilagay namin ang bawat number ng isa't isa dahil may simcard na rin siyang binili. Nag-picture rin kaming dalawa at talaga namang sobrang saya ko habang pinagmamasdan ko ang mga sweet picture naming dalawa.

---------

Gabi na at nakaupo kami habang nanonood ng cellphone ng tumayo si Arkin.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Naalala ko 'yung number na binigay sa akin ni, Lesly." Sagot nito at may kinuha sa may maliit na lamesa na may mga patungan ng maliliit na gamit namin.

Mayamaya'y may hawak na siyang kapirasong papel, naupo siyang muli sa tabi ko at kinuha ang cellphone niya. Tinype niya ang number, pagkatapos ay dinala niya sa tenga.

"Hello?" Wika ni Arkin na napatingin sa akin.

"Si Arkin ito, Lesly." Muling turan ni, Arkin.

"Ngayon na mismo?"

Napatingin muli sa akin si Arkin, nakangiti lang ako habang naghihintay sa pakikipag-usap niya.

"Sige, salamat. Maraming salamat," nakangiting huling sabi niya at binaba na ang cellphone.

"Ano'ng sabi ni, Lesly?" Excited na tanong ko.

"Pinapapunta niya ako ngayon dahil naroon raw ang boss nila ngayon sa trabaho niya." Sagot nito at may tumunog sa cellphone niya.

Binasa niya ang naroon at nakita ko na message 'yon.

"Sinent niya ang address sa akin kasi naroon na raw siya sa trabaho niya." Muling sabi ni Arkin matapos mabasa ang mensahe.

"Ganun ba?" Napatingin ako sa oras sa cellphone, alas diyes na ng gabi. "S-sige pumunta ka, mag-iingat ka lang at tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon." Nakangiting sabi ko.

"Babalik ako agad kapag natapos na akong kausapin ng boss nila, sana magandang balita." Nakangiting sabi nito.

"Oo nga, saglit kukuha ako ng masusuot mo." Sabi ko at tumayo ako para kuhanan siya ng damit.

"Isarado mo ang pinto ng mabuti, tatawagan kita mamaya kapag nasa pinto na ako para buksan mo, huwag ka ng lalabas gabi na." Paalala nito sa akin.

"Opo hindi ako lalabas tatay." Pagbibiro ko at hinagkan ko na siya sa labi. Yumakap pa ako sa kanya at ganun rin siya sa akin.

"Aalis na ako." Paalam na niya at tumango ako, naglakad na siya at sinara ko na ang pinto.

Nahiga ako sa higaan at kinuha ko ang cellphone, nilibang ko ang sarili ko sa panonood sa youtube dahil hindi pa ako dalawin ng antok. Siguro hihintayin ko na lang ang pagbalik ni Arkin.

Lumipas ang oras at inabot na ng alas dos ng madaling, wala akong nakitang message o tawag sa akin ni Arkin. Nag-aalala man ako pero naisip ko baka may ginawa o pinagawa sa kanya ang magiging amo niya, hanggang sa hindi ko na talaga kaya at kusa ng pumikit ang mata ko.